Share

Chapter 16

Chapter 16

Nakailag si Grant sa suntok ni Shin. Sa lakas ng pinakawalang suntok ni Shin ay nawalan ito ng balanse dahil walang sumalo ng suntok nito. Sadsad ito sa lupa.

Nagtatagis ang mga ngiping tumayo ulit si Shin para saktan si Grant.

"Shin! Ano ba! Tumigil ka!" bulyaw niya sa lalaki.

"Ano'ng tumigil? Huling-huli kita 'no? De pasulat-sulat ka pa? Ito ba yung sasabihin mong importante? Na nahulog ka na sa kanya? Kaya siguro gusto mong makipagbreak dahil nagkakagustuhan na kayo ng gagong 'to!"

"Watch your words Shin!" saway ni Grant na magkalapat na rin ang mga ngipin sa inis dahil sa mga bintang nito.

"Kapal mo rin ah? Sinusulot mo na nga tong girlfriend ko, ikaw pa ang nagbabanta?"

"Shin! Ano ba sabi ng tumigil ka, eh!" tulak niya sa lalaki dahil lalapitan na naman nito si Grant kaya pumagitna na siya.

"Yang kalandian mo ang itigil mo!" sagot ni Shin.

Hindi na nakapagpigil si Marion, humaginit sa pisngi ni Shin ang kamay niya. Nabiling ang mukha ng lalaki sa lakas ng sampal niya.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status