Share

Chapter 18

Chapter 18

"Pa'no kaya 'to? Hindi pa man natin nasasabi parang alam na natin kung ano ang magiging resulta..." nadidismayang sabi ni Marion kay Shin habang naglalakad sila sa patio. Naupo sila sa isang swing na korteng itlog ang itsura at yari iyon sa matibay na rattan.

Napakaaliwalas at ang ganda ng patio nina Shin lalo pa at napaliligiran ng magagandang halaman at mga puno. Pero hindi niya magawang magrelax lalo pa at mukha namang hindi masasabi ni Shin ang kalagayan niya.

"Kung hindi lang talaga lalaki ang tiyan mo pwede pa nating itago ng matagal-tagal kaso hindi talaga pwede..."

"Kung sasabihin kasi natin ngayon at mapapalayas ka ano na lang ang mangyayari sa'tin?"

Napabuga ito ng hangin.

"Nasabi mo na ba sa Lola Mel mo?"

"Hindi pa rin. Mas lalo na dun, panay nga ang pangaral niya sa'kin na dapat pag-aaral ko lang ang atupagin ko tapos malalaman niyang buntis ako?"

"Di bale, masasabi rin natin 'yang kalagayan mo, ako na bahala tyumempo, ang hirap din kasi nandiyan si Ate, mangga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status