Share

Chapter 19

Chapter 19

"Bakit meron ka nito?" takang tanong ng Lola niya nang madampot nito ang pregnancy test.

Hindi siya nakasagot. Parang nangatog ang buong sistema niya dahil bukod sa pagtataka ay bumadha rin sa mukha nito ang galit.

"Sagutin mo ako!" halos sigaw na nito kaya napapitlag talaga siya sa pinaghalong takot at gulat.

"La…kasi po…" hindi siya magkandatuto kung paano magpapaliwanag dito dahil sunod-sunod na nalaglag ang mga luha niya.

Sapat na ang mga luha niya para maintindihan nito kung ano ang ibig sabihin ng lahat.

"Walanghiya ka! Malandi!" halos mangatal ang buong katawan nito sa galit.

Hindi siya nakahuma nang lumagapak ang palad nito sa pisngi niya. Hindi pa ito nasiyahan at pati ang kabila ay pinadapuan rin ng sampal.

Sargo ang luha at sipon niya sa takot.

"La tama na po!" pakiusap niya.

Hinagip nito ang buhok niya at mariin siyang sinabunutan.

"Napakawalanghiya mo! Kinse anyos ka palang natuto ka ng lumandi?"

Halos matulig ang tainga niya sa lakas ng boses nito.

"M-Magpapal
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Analiza Tigre
Sana maging ok Ang kalagayan ni Marion sa Bahay nila shin
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status