LOGIN“WHAT HAPPENED?” takang tanong ng mommy niya kay Raveia.
Para siyang nasa hot seat now that she was in between these men—Ranier and Alex—with the drama-like scene of “ang pinag-aagawan na babae.” Bukod sa napagigitnaan ay tila bugbog sarado rin si Alex kay Ranier dahil sa benda nito sa braso, at may saklay pa sa tabi nito. Anyone who could see them would think na ang haba ng buhok niya, but no! Ayaw niya lang talaga na magkatabi si Alex at Ranier sa iisang upuan, kahit pa ang haba ng sofa nila sa bahay. “I’m sorry about this, Tita Ellyna. Ihahatid ko na sana si Ravi pauwi, pero nagtalo lang kami sa—well, it’s confidential, pero—“ “Confidential? When did things between you and Ravi become confidential, Ranier?” matigas na tanong ng daddy. Bakas sa mukha nito na hindi nito nagustuhan ang sinasabi ng binata. “Tito John, I didn’t mean it that way! Fu—god!” Napahilamos na lamang sa kanyang mukha si Ranier nang lalong dumilim ang mukha ni John. “Ravi, come on! Tell your parents that it’s your fault.” Palihim siyang napangiti nang tila mula sa drama ng pinag-aagawan na babae, ay napunta sa questioning the future son-in-law ang mga pangyayari. “Wala po kasi sa sarili niya kanina si Ravi, o sadyang may galit lang talaga siya sa akin. Kasi kung kailan naman ako papalapit sa kotse, saka niya bubuksan ‘yong p***o. Ayun po, tumilapon ako at nagkalasog-lasog ang katawan,” walang prenong paliwanag ni Alex nang manatiling tahimik si Raveia. Nanlaki ang mata ni Ellyna at John dahil sa narinig at tinapunan ng masamang tingin ang anak. Si Ranier naman ay tila biglang gumaan ang stress na dala-dala dahil sa mga tinuran ni Alex. Lihim din itong nagpasalamat dahil naibaling ni Alex ang atensyon ng mga matatanda kay Ravi at tila ba hindi na pinansin pa ang ‘confidential’ na sinabi nito kanina. Raveia, on the other hand, had her eyes widened in shock. “Anong sinabi mo?!” sigaw niya kay Alex. Kulang na lang ay hablutin niya mula rito ang saklay at ihampas ito rito. “Ako? Baliw? Nahihibang ka na ba?!” Tumayo siya at hinarap si Alex na ngayon ay tila aliw na aliw sa naging reaksyon niya. “Ikaw ‘tong tanga na bigla na lang sumusulpot sa kung saan!” Hinablot niya mula rito ang saklay, at bago pa niya ito maiamba sa binata ang hawak ay agad siyang inawat ng ama. “Ravi!” “Dad, can’t you see? He’s bullying me!” asik niya sa ama. “Wow ha? Ako pa ngayon ang nambu-bully samantalang ako na bugbog sarado dito,” pagpapa-awa ni Alex. Tumingin ito kay Ranier at bahagyang umusog sa tabi nito. Nangunyapit pa ito sa braso na tila bata na nagsusumbong. “Sir Ranier oh. Hindi ko kasama magulang ko ngayon. Walang magtatanggol sa akin. Nandito pa ako sa bahay nila. For sure-” “Wait lang, hijo,” putol ni Ellyna sa sinasabi ni Alex. “Though you are in our house, at mukhang pinagkakaisahan, hindi namin tino-tolerate ang mali. Don’t worry. We will compensate you for the damage done by our daughter.” Lalong nanlaki ang mga mata ni Raveia knowing na mas kinampihan ng mga magulang niya si Alex. Ni hindi man lang inalam mula sa kanya kung totoo nga ba ang sinasabi ng binata. Tumingin siya kay Ranier, umaasa na kakampihan siya nito at tutulungan na magpaliwanag. Ngunit umiwas ito ng tingin at bumaling kay Alex. Tinapik-tapik pa nito ang kamay ni Alex na nakahawak rito na tila ba sinasabi ni Ranier na “I’m here for you.” Bigla siyang nandiri sa naisip. “Hindi maari… N-No way!” gigil niya. Ang malaromantikong pamamanhikan na nauwi sa agawan ng babae na mga pantasya niya kani-kanina lamang, ngayon ay nababalot na ng katanungan: Are they actually using me to get closer? KINAILANGANG lumiban sa klase ni Raveia, Ranier at Alex dahil sa insidente. Bukod sa mahihirapan si Alex dahil sa kalagayan nito, ay guilty rin si Ranier. Raveia, on the other hand, was in a different situation. To make up for her mistake, as her parents had insisted, she needed to accompany Alex and help him walk to school—a request she flatly refused. Kaya ang ending ay lumiban na lang din siya sa klase. Napag-alaman nila na mag-isa lang na naninirahan si Alex. Hindi naman nito dinisclose ang kahit ano tungkol sa magulang at pamilya nito na mas lalong naging dahilan ng awa ng mga magulang ni Raveia para sa binata. At ang resulta, siya ngayon ang inatasan na tulungan si Alex. Nariyan na inuutusan siya ng ina na dalhan ito ng makakain sa condo nito, tulungan sa mga gawaing bahay, lalong lalo na ang alalayan ito sa paglalakad. Kulang na lang ay sabihin ng mommy niya na tumira na siya kay Alex para mas matulungan pa. Pero siyempre, alam niya na hindi iyon gagawin ng ina. Dahil sa bawat punta niya sa bahay ng binata ay kasama niya si Ranier, isa sa mga bagay na ipinapagpasalamat niya. Mababantayan niya ang dalawa. Hindi pwedeng magsama sa iisang lugar ang dalawang ito, bulong ng isip niya. “Ravi, the delivery’s almost there. Pakiabangan na lang.” Napahugot siya ng isang malalim na hininga. Kung mayroon man siyang ayaw sa mga nangyayari, iyon ay naging instant utusan siya ng dalawang lalaki. “Bakit ba kasi nagpa-deliver ka pa eh pwede naman mag-take out!” inis na sagot niya. “Alex was alone. Paano kung habang wala tayo rito, may mangyaring masama sa kanya?” “At anong mangyayari? Nasa loob lang naman siya ng bahay niya. Unless sapian siya ng mabuting espiritu at tumalon na lang sa bintana.” Na ikatutuwa ko, dugtong ng isip niya. “Everything can happen in a short period of time, Ravi. Paano kung matapilok siya? Isang paa na nga lang nagagamit niya-” “Katangahan niya na iyon!” “Raveia!” Nahigit niya ang paghinga. Wala siyang magawa kung hindi padabog na tumungo sa p***o kaysa lalong galitin si Ranier. Bago pa siya tuluyang makalabas ay tinapunan niya ng masamang tingin si Alex. Ngunit imbis na masindak ito, ay lalo lang itong ngumisi sa kanya. “Hindi pa tayo tapos, bruha ka!” sigaw niya bago tuluyang isara ang p***o. Umuusok na tinungo niya ang elevator. Naiinis siya sa mga pagkakataong tulad nito. As Ranier said, everything can happen in a short period of time. Paano kung… Natutop niya ang bibig sa naisip. “What if they’re making out while I’m gone? Just imagining it makes me puke!” Mabilis niyang tiningnan kung nasaang floor na ang elevator. “Fvck!” Nahampas niya ang p***o ng elevator, dahilan upang gumawa ito ng ingay na tila nagkiskis ang mga bakal na pader. Nahintakutan siya sa nangyari kaya minabuti na lamang niyang pigilan ang sariling inis kaysa masira ang elevator at ma-trap siya sa loob. Lalo lamang magtatagal na magsasama ang dalawa kung sakaling mangyari iyon. “Bakit ba kasi sa dinami-daming floor, sa twentieth floor ka pa umupang unggoy ka! Alex na malandi! Kakalbuhin kita!” sigaw niya. Nasa gitna siya ng panggigigil sa kawawang binata nang biglang bumukas ang elevator. At doon bumungad ang isang magandang babae. Simple lang ang suot nitong white off-shoulder dress na hanggang tuhod ang haba, pero malakas pa rin ang presensya. Bahagya siyang natigilan at umayos ng tayo. Humalukipkip pa siya at pinasadahan ng tingin ang babae. Nagulat ito nang makita ang ginagawa niya. Matagal pa itong tumitig sa kanya na tila ba nagdadalawang-isip ito kung sasakay o hindi. Kahit nahihiya siya sa pinaggagagawa ay nakuha niyang taasan ito ng kilay. “What? Nagmamadali ako. Sumakay ka kung sasakay ka. Abala!” Bahagya itong yumuko bago tuluyang pumasok sa elevator. Nang mapag-isa sila, tila nakaramdam siya ng kakaiba. Napatingin na lamang siya sa kanyang repleksyon na tila may hinahanap sa pinakasuluk-sulukan ng kanyang isip. Para bang matagal niya nang nakita ang babae. Ang mapupungay na mata nito na nakatitigan niya kanina ay tila isang alaala na minsan ay na naglalaro siya sa park at pinagmamasdan siya ng mga matang iyon. Nagkibit-balikat na lamang siya at isinawalang bahala ang nasa isip. “Déjà vu? Nonsense.”MATAMANG pinagmamasdan ni Raveia ang photo album niya simula pagkabata. Iyon ay ang album na sila lang ni Ranier ang nasa frame—mga larawan kung saan nanalo siya ng mga parangal sa ballet contest. Mabigat ang puso niya ngayon. She felt like she was slowly saying goodbye to these feelings she had all her life, as if it was all a lie—a dream she needed to wake up to.Kanina nang dumating si Ranier, para siyang maamong tupa sa harap ng lion. Madilim ang mukha nito at kita sa mga mata nito ang galit. Kahit alam niya na ang dahilan ng ikinagagalit nito, hindi niya pa rin maiwasang masaktan.Pinaubaya niya lang agad si Alex dito at walang lingon-likod na iniwan ang dalawa.Naramdaman na lamang niya na sunod-sunod na ang pagpatak ng luha niya.“Congrats, Ravi! Your first heartbreak.” Natawa siya nang pagak. All of the realizations, jealousy, and pent up frustration burst out na para bang ngayon lang nag-sink in sa kanya ang lahat.Naninikip ang dibdib niya. Parang tinutusok ang puso niya a
"RAVI, PAHIRAM muna ng phone mo."Nasa salas sila ng kanilang bahay at abala sa pag-scroll sa kanyang social media account si Raveia nang magsalita sa likod niya ang Uncle Brix niya.Napanguso siya."Why? This is my private property.""I'll just make a little modification on your phone," sabi ni Brix at umupo sa harap niya. "After what happened to your brother, I can't just sit still and hope that it won't happen again."She sighed.Tama ang uncle niya. Kahit alam niya sa sarili niya na wala naman siyang kaaway at tinatapakang tao, it is better to be cautious than sorry."But Uncle..." she said, hesitating to give the phone."Don't worry, wala akong bubuksan na kahit anong app sa phone mo.""Pinky swear?""Of course. I know how scary you women are when it comes to private matters." Napangiwi pa ito na tila may naalala. Binigay niya na rito ang phone. Mukha namang gusto ng uncle niya na panatag siya dahil sa harap niya pa nito kinalikot ang phone."Uncle, hindi ka ba magtatanong kung
TAHIMIK ANG paligid. Tanging maririnig lang ay ang pag-ihip ng hangin.Nakahinga nang maluwag si Raveia. Pakiwari niya ay nakaligtas siya sa masamang balak ng mga lalaki ngunit nanatili lang sarado ang mata niya. Natatakot siya na kapag minulat niya ang mata ay nasa kalagitnaan pala siya ng pananamantala sa kanya ng mga hayóp na lalaki. Mas mabuti pa dito sa dilim."Ravi?"Tama, dito na lang ako. Here, I can hear Alex' soft voice. We're safe here.Napangiti siya nang mapait. Nagi-guilty siya. Hindi niya alam kung paano pa haharapin si Alex ngayon, lalong lalo na si Ranier. Tiyak niya na galit ito sa kanya lalo’t nilagay niya sa kapahamakan ang boyfriend nito na tahimik lang sanang naghihintay sa meet-up place ng mga ito.Mas gugustuhin niya pang ma-comatose ngayon kaysa ang harapin ang galit ng dalawa."Ravi, kung gising ka na, bumangon ka na riyan. Hindi 'yong naka-smile ka lang. Baliw ka rin kahit tulog."Biglang kumibot ang muscles niya sa mata, at tila may bahagyang pagpitik pa s
MABILIS lang nahamig ni Jet ang sarili at walang pakundangan na sinugod ng suntok si Alex. Si Raveia ang napangiwi sa sakit dahil sa nakita. May dugo pa na lumabas sa bibig ng binata.“Alex!” sigaw niya.Hindi niya alam kung makakatulong iyon pero bigla na lang umayos ng tindig si Alex. He positioned himself in front of Jet. He was ready to give him an uppercut, but Jet was faster. Jet kicked his not fully healed leg.“That’s cheating, you jerk!” asik niya kay Jet.Natikom niya ang bibig nang tapunan siya ng matalim na tingin ni Jet.“You’re next, Raveia. Maghintay ka diyan.” He then gestured to his underlings. And in just a split second, hawak ulit siya ng mga ito.“Baliw ka talaga, Raveia Cruz!” sigaw sa kanya ni Alex na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatayo sa sakit sa paa. “Bitawan niyo ‘ko, sampalin ko lang ‘yang lalaking iyan!” sigaw niya sa mga lalaki. Sinubukan niya ring magpumiglas ngunit hindi siya pinakawalan ng mga ito.Jet scoffed. “I’m not here to witness you loveb
RAVEIA paced back and forth, trying to figure out whether everything was just a simple misunderstanding or it was just her imagination. First, Alex — he had no reason to be at the university during that time because he had everything he could use to study in his house. He had all the books related to their course piled up on his sofa.Then there is Ranier. He should be in his company working.“Does it mean na noon pa—”Noon pa may nangyayari sa dalawa? Kaya ba walang girlfriend si Ranier ay dahil boyfriend ang mayroon ito? Hindi lang nito pinapaalam sa lahat dahil umaasa ang Imperial family rito bilang nag-iisang tagapagmana ay magbibigay ito ng marami pang tagapagmana na magtutuloy ng henerasyon para sa Imperial?“Well, too bad…” The Imperial family ends with Ranier.Bigla ay nanghina siya sa mga realisasyon na ito. Akala niya ay kilalang kilala niya na si Ranier, ngunit hindi pa pala. Napaluhod na lamang siya sa sahig, puno ng awa sa sarili.How could she let someone like him take
“SO…” pabitin na hayag ni Kira, isa sa mga classmate ni Raveia. Nangalumbaba pa ito sa harap niya.Ilang saglit pa ay napalibutan na siya ng iba pang kaklase. “Ano nang status niyo ni Alex? Is it official na ba?”“We saw those flowers left on your table. Was it from him? Hindi namin nakita kung sino ang nag-iiwan eh.”Of course, hindi talaga! Hindi magpapahuli ang isang professor na nililigawan ang estudyante niya. Sagot niya sa isip niya.Katatapos lang ng second subject nila at bakante sila hanggang lunch time. Nilibot niya ang tingin at walang bakas ni Alex sa paligid.Muli niyang binaling ang atensyon sa mga ito. She doesn’t remember being this close with her female classmates, but it’s good to have them around too.Napangiti siya. Ngunit iba yata ang naging epekto ng ngiti niya sa mga ito. Tila mga sinilaban ng apoy ang bunganga ng mga ito at napuno ng tili ang buong classroom.Bigla ay nairita siya.Ok, it’s not that good to have them around!Wala pa nga siyang sinasabi. Anong







