登入ILANG BESES NANG sinuri ng doctor ang paa at binti ni Raveia ayon na rin sa kagustuhan ni Ranier. Napapagod na nga siya sa paulit-ulit na check-up, pero pare-pareho lang naman ang resulta. Napapakamot na lang din sa kani-kanilang mga ulo ang attending physician at nurse sa gilid.
“Look, Ranier, I’m totally fine—“ “Maybe their facilities here are not in good condition. Paanong ok ka lang, eh ang lakas ng iyak mo kanina. For sure, you broke a toe. Paano ka na niyan makakabalik sa pag-ballet kung napilayan ka?” puno ng pag-aalalang sabi ni Ranier. Hinila na rin siya nito patayo. “T-Teka, sa’n tayo pupunta?” “Sa ibang ospital.” Palihim siyang napaismid. This hospital was her father’s hospital. Gusto niya sanang batukan ngayon si Ranier for doubting the facility, pero parte ng isip niya ang natutuwa. All his attention was hers. Ibang-iba sa atensyon na binibigay nito sa loob ng klase. Bigla ay may kiliti na humaplos sa puso niya. Umaasa siya na ito na ang simula ng pagbabago ng tingin sa kanya ni Ranier. Hindi muna siya magmo-move on. Baka nga ito ang sign na may pag-asa pa talaga siya sa lalaki. “See? You can’t even walk.” Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya. Hindi niya namalayan na matagal na pala siyang nakatitig sa mga kamay nila. Sa isang iglap nga ay binitawan siya ni Ranier. Akma niyang hahabulin ang kamay nito at maglakad habang kahawak-kamay ito, pero laking gulat niya nang pumwesto ito na para siyang kakargahin. Nakagat niya ang ibabang labi. Bridal carry, omg! Tili niya sa likod ng isip niya. Hindi niya alam kung anong hitsura ng mukha niya ngayon. Namumula ba siya, o nababakas ang kilig sa mukha niya? Basta ang alam niya, kagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pagtili niya. Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ranier nang mabuhat siya. Pakiramdam niya tuloy ay ang bigat-bigat niya. Pero wala na siyang pakialam pa. Malapit ngayon sa mukha niya ang leeg nito. Kulang na lang ay tawirin niya ang distansya at singhutin ang amoy nito na parang drugs. Oh, hindi niya na kailangan ng drųgs. Sa pagwawala pa lang ng puso sa loob ng dibdib niya, at ang pakiramdam niya na para siyang lumulutang sa ulap—mas pa ang tama niya kay Ranier kaysa sa kahit na anong drųgs. Sana hindi na matapos ito… piping hiling niya. She wrapped her arms around Ranier’s neck. Bahagya pang nabigla ang lalaki sa ginawa niya, pero mukhang ito ang cue na hinihintay ng lalaki. Saglit siyang tinapunan ng tingin nito at tumango. She braced herself, anticipating a dramatic yet romantic moment as her Prince Charming carried her to another hospital. She could already imagine other women getting jealous dahil wala ito sa posisyon niya. Marami pang naglalaro na kapantasyahan sa isip niya, pero mabilis naudlot ang mga iyon dahil sa damuhong panira ng moment. “Ako itong tumilapon sa kalsada, pero bakit siya lang ang concern mo? As a teacher, ‘di ba dapat, hindi ka bias?” Pareho silang napatingin ni Ranier sa pwesto na may tabing ng kurtina. Biglang umasim ang mukha niya kahit hindi niya nakikita ang mukha ng taong iyon. At lalo lang nasira ang magandang moment niya nang hawiin nito ang kurtina. “Oh, Alex! I’m sorry.” Agad siyang binaba ni Ranier at lumapit kay Alex, at sa nurse na nag-aasikaso rito. “How is he?” Inis na tumingin siya sa damuho, only to earn an annoying smirk from him! Aba’t— “Ranier, malakas naman iyan! Nagjo-joke lang iyan.” She stomped her foot, pero hindi siya pinansin ni Ranier, bagkus ay focus ito sa pakikinig sa nurse. “May fracture siya sa paa.” Lalong lumawak ang ngiti ni Alex nang bahagyang taasan ng nurse ang boses nito, tila ba pinaparinggan siya at sinasabing manahimik na lang siya sa gilid. RAVEIA AND ALEX were sitting in the lounge area while waiting for Ranier. Nagbabayad ito ng hospital bills kaya iniwan silang dalawa. Wala silang imikan. Nakatanaw lang siya sa kung nasaan si Ranier. Hindi pa rin nawawala ang inis ni Raveia dahil sa nadulot na moment nila ni Ranier, at ayaw niya ring maiwan mag-isa kasama ang dahilan no’n. She stood up and paced back and forth, thinking and regretting the lost opportunity. “Iyong tipong nag-aaway pa lang kami sa car, tapos magkakaayos kami, biglang nawala,” kausap niya sa sarili. “Iyon na iyon, eh! Mafo-fall na rin siya. I knew it. I can feel it. He cared for me, so why…?” Marahas siyang bumaling kay Alex. “Why do you have to ruin it?!” sigaw niya. Naikuyom niya na rin ang mga kamay niya. Kung hindi siya magpipigil, baka sinugod niya na ang lalaki. Pero… Mukhang hindi niya kayang pigilan ang sarili. Hindi niya alam kung inaasar siya ni Alex, o enjoy lang talaga nito na palaging umuusok sa galit ang ulo niya. Ngayon nga ay blangko ang tingin nito sa kanya na animo’y inosente sa mga binibintang niya. Maya-maya pa ay pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. Nagulat na lang siya ng kunin nito ang saklay nito, at tumayo. “Where are you going? ‘Di ba, pilay kang papansin ka? Ang lakas ng loob mong maglaka—” Hindi na niya matapos ang sasabihin ng tumigil ito sa harap niya at yumuko sa may leeg niya. “You can walk just fine.” Napasinghap siya, hindi dahil sa sinabi nito, kung ‘di sa paraan ng pagkakasabi nito. It was a simple sentence, but he was breathing in her neck as if he was whispering some endearment. Napaatras siya rito, pero mukhang hindi siya tatantanan ni Alex. Humakbang din ito palapit sa kanya. “Mukha ngang wala kang bali kahit sa hinliliit sa paa mo.” “Ano bang paki mo? Gumaya ka kung naiinggit ka—“ “Bakit ka nagpakarga kay Sir Ranier kung nakakapaglakad ka naman nang maayos? May pa-wheelchair ka pang nalalaman. ’Di ba dapat ako iyon?” putol nito sa sinasabi niya. Tinaas pa nito ang saklay at pinakita sa kanya. “D-Dapat ikaw ang alin? A-Ang kargahin ni Ranier?” wala sa sariling tanong niya. Nauutal siya sa hindi niya malaman na dahilan. Napilayan ito, oo, pero malayo ang paa nito sa ulo. Bakit iba yata ang pagkakaintindi niya sa mga sinasabi nito? “Ba-bak—“ Natutop niya ang bibig. Hindi niya magawang sabihin nang malakas. Bakla si Alex! No! Now that he had come out, she felt threatened. At kung iisiping mabuti, Ranier never had a girlfriend. So what if…gay din si Ranier? Bigla ay nag-flashback ang mga nangyari ng mga nakaraang araw. Ang paghihintay ni Alex sa kanya sa dance studio ay hindi para samahan siya… iyon ay para magpapansin kay Ranier! Hindi. It’s more than that… Ang activities for two nila na naging model niya si Alex, iyong paglapit-lapit nito sa kanya ng binata, iyong muntikan pa niya itong mahalikan dahilan ng galit ni Ranier sa kanya. Akala niya ay overprotective lang sa kanya si Ranier. Paano kung nagseselos ito sa kanya, o kaya ay pinagseselos ito ni Alex sa pamamagitan niya? Biglang gumuho ang mundo niya. “M-Mahiya ka nga!” iyon na lamang ang lumabas sa bibig ni Raveia. Sinugod niya rin ng hampas sa braso si Alex. Nagtinginan naman ang mga tao sa paligid na animo’y nanonood ng real life action-drama. Nagbubulungan pa nga pero walang gustong umawat. Hindi naman magawang pigilan ni Alex ang kamay niya dahil hindi nito mabitawan ang saklay. Baka ma-out of balance lang sila at mauwi pa sila lalo sa mas nakakahiya na sitwasyon. “Ravi, quit it!” “Don’t call me Ravi. Wala kang karapatang tawagin akong Ravi!” “Para ka kasing tanga! Ba’t bigla-bigla kang nanghahampas diyan?” “I hate you! I hate you!” wala sa sariling sigaw niya rito. Wala na siyang pakialam. Gusto nitong agawin sa kanya si Ranier kaya lalo lang uminit ang dugo niya rito! “Ravi!” Nang marinig niya ang boses ni Ranier sa background ay agad hinanap ng mata niya ang lalaki. Mabilis niya itong nakita at hinuli ang braso nito. Nangunyapit siya rito while glaring at Alex, silently and possessively telling him, “Ranier is mine.”Nakapikit lamang si Raveia. Hinihintay ang pagdampi ng pinakaaasam-asam na matamis na halik mula kay Ranier. Ngunit bawat segundo na lumilipas ay tila isang oras na tagal na paghihintay. Hanggang sa naramdaman niya na lamang ang paglapat ng noo ng binata sa kanya. Naramdaman din niya ang mainit na hininga nito sa kanyang mukha. Muli siyang napalunok. Ito na iyon, ito na iyon!Paulit-ulit na tili sa likod ng isip niya.Nagi-imagine na siya kung ano ang susunod niyang gagawin sa sandaling maglapat ang kanilang mga labi. Will I bite his lower lip or upper lip? Oh, I remembered! It's more seductive if I just lick his lips and French kiss him.Her naughty thoughts vanished in a second when she heard an unpleasant voice."Ravi?" Alex asked, concerned in his voice.Nanatili lamang siyang nakapikit kahit pa ramdam niya kung gaano kabilis lumayo sa kanya si Ranier. Unti-unti na rin niyang binabawian ng buhay sa isip niya ang pangahas na si Alex.If it wasn't for you, Ranier and I already ha
NAKALUHOD si Ranier sa harap ni Alex, habang ang huli ay nakatingala. Kitang kita sa leeg at braso nito ang naglalabasan na mga ugat. Namumula na rin ang pawisang balat nito kahit pa sobrang lamig ng binubuga ng aircon. Malalim na rin ang hininga ng binata, at paminsan-minsan pang nagpapakawala ng mga impit na ungol.Nahigit ni Raveia ang hininga sa eksenang nasasaksihan. Nahulog niya rin ang dalang pagkain. Natapon pa sa carpet ang mga inumin.“Anong ginagawa niyo, mga hayop kayo!”Dito na lumingon si Ranier. Nagtataka pa ito sa inasal niya.Dali-dali rin itong lumapit sa kanya hindi para pakalmahin siya kung hindi ayusin ang mga nahulog nitong pagkain.“What’s wrong with you?” asik nito sa kanya. Agad siya nitong tinalikuran at tinungo ang kusina, dala ang pagkain.Bago pa tuluyang pumatak ang luha niya ay napatingin siya kay Alex.Wala na ang benda nito sa paa. Biglang nag-sink in sa kanya ang ginagawa ng mga ito kanina. Parang gusto niya na lang lamunin ng lupa ngayon. Nakakahiya
“WHAT HAPPENED?” takang tanong ng mommy niya kay Raveia.Para siyang nasa hot seat now that she was in between these men—Ranier and Alex—with the drama-like scene of “ang pinag-aagawan na babae.” Bukod sa napagigitnaan ay tila bugbog sarado rin si Alex kay Ranier dahil sa benda nito sa braso, at may saklay pa sa tabi nito.Anyone who could see them would think na ang haba ng buhok niya, but no!Ayaw niya lang talaga na magkatabi si Alex at Ranier sa iisang upuan, kahit pa ang haba ng sofa nila sa bahay. “I’m sorry about this, Tita Ellyna. Ihahatid ko na sana si Ravi pauwi, pero nagtalo lang kami sa—well, it’s confidential, pero—““Confidential? When did things between you and Ravi become confidential, Ranier?” matigas na tanong ng daddy. Bakas sa mukha nito na hindi nito nagustuhan ang sinasabi ng binata.“Tito John, I didn’t mean it that way! Fu—god!” Napahilamos na lamang sa kanyang mukha si Ranier nang lalong dumilim ang mukha ni John. “Ravi, come on! Tell your parents that it’s y
ILANG BESES NANG sinuri ng doctor ang paa at binti ni Raveia ayon na rin sa kagustuhan ni Ranier. Napapagod na nga siya sa paulit-ulit na check-up, pero pare-pareho lang naman ang resulta. Napapakamot na lang din sa kani-kanilang mga ulo ang attending physician at nurse sa gilid.“Look, Ranier, I’m totally fine—““Maybe their facilities here are not in good condition. Paanong ok ka lang, eh ang lakas ng iyak mo kanina. For sure, you broke a toe. Paano ka na niyan makakabalik sa pag-ballet kung napilayan ka?” puno ng pag-aalalang sabi ni Ranier. Hinila na rin siya nito patayo.“T-Teka, sa’n tayo pupunta?”“Sa ibang ospital.”Palihim siyang napaismid. This hospital was her father’s hospital. Gusto niya sanang batukan ngayon si Ranier for doubting the facility, pero parte ng isip niya ang natutuwa.All his attention was hers. Ibang-iba sa atensyon na binibigay nito sa loob ng klase. Bigla ay may kiliti na humaplos sa puso niya. Umaasa siya na ito na ang simula ng pagbabago ng tingin sa
Uwian na at naisipan ni Raveia na maglakad muna bago magpasundo sa daddy niya. Kahit lumipas na ang ilang oras matapos ng sagutan nila ni Ranier, hindi pa rin siya makapaniwala na pinag-isipan siya ng gano’n ng lalaki. Pwede naman siya nitong i-reject in a nice way, hindi iyong ipapahiya siya sa harap ng maraming tao. Nagsisimula na tuloy siyang mag-isip na hindi worth it ang lalaking iyon. “Too much believing in fairytale stories,” inis na bulong niya sa sarili.Bakit ba kasi may living proof ng ‘age doesn’t matter’ kind of love story? At mga magulang niya pa talaga?Malamang na maniniwala talaga siya at ipu-pursue niya ang nararamdaman niya.At isa pa, sinong hindi mahuhumaling kay Ranier? He had the looks every woman her age would drool over! Sa mukha pa lang — he had monolid eyes, and red lips na animo’y hindi nakaranas ng paninigarilyo. Matangos din ang ilong nito na bumagay sa parisukat na jawline nito. May matulis na k-nine din ito na lalong nagpapaguwapo rito kapag ngumingi
Panay lang ang pindot ni Raveia sa camera niya, at hindi tinitingnan kung maganda ang kuha niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakaka-move on sa ginawa ni Ranier three days ago.Hindi naman siya pinagalitan ng parents niya. In fact, her mom was kind of supportive if ever she happened to have a real boyfriend, while his dad wanted to meet the guy before she could say yes and make it official.Pero…Hindi iyon ang inaalala niya!Naiinis siya dahil ang low key na nga ng mga galawan niya, napansin pa rin iyon ni Ranier. And he just shut her up by saying he’s her big brother and she was nothing but a naïve little sister to him!Hindi ba pwedeng tingnan siya nito bilang babae? She’s old enough to be his girlfriend! Dapat nga, matuwa ito dahil may isang Raveia Cruz na hindi siya sinusukuan.Tapos sa nakalipas na araw, hindi na siya masyadong pinapansin ni Ranier. She had no choice but to grab his attention sa paraan na napaka-childish. It’s either mapansin siya nito dahil magaling siya







