Share

Chapter 4:

last update Last Updated: 2025-11-04 14:20:34

ELARA’S POV:

Habang abala si Elara sa pagluluto ng kalderetang baka, biglang nag-notif ang cellphone niya. Rest day niya ngayon kaya siya muna ang nagluto para makapagpahinga ang kanyang ina. Pinatay niya ang kalan at kinuha ang phone.

Lennox Drevin: Hi best friend! I just want to let you know that I’m going home. Did you miss me?

Napangiti siya nang mabasa iyon. “Si Lennox talaga…” bulong niya, saka halos muntik nang mabitawan ang telepono nang bigla itong tumawag ng video call.

“Hello! Kumusta ang Canada? Nakabingwit ka na ba ng chix mo?” biro niya agad.

“Wow, ganun agad?” drama ni Lennox habang kunwaring hinahawakan ang dibdib niya. “You didn’t even say you missed me too. I’m hurt!”

“Eeew, drama mo!” inirapan niya ito. “Kailan flight mo?”

“Bukas! Sama ka sa pagsundo?” ngisi nito.

“Sayang, may duty ako. Kung wala lang sana…”

Saglit na natigilan si Lennox, may lungkot na dumaan sa mga mata bago ngumiti uli. “It’s okay. I’m a big boy now.”

“Good. Ingat sa flight mo.”

“See you soon!”

Natapos ang tawag at saka niya tinawagan ang mga magulang at kapatid niya, “Kain na tayo!”

---

Kinabukasan, halos liparin niya ang daan sa pagmamadali. Napasarap kasi ang tulog niya. “Ma! Alis na po ako!” sigaw niya habang inaabot ang bag.

“Mag-ingat ka, anak!” paalala ni Mama.

Tumango siya at nagmamadaling sumakay ng tricycle. “Sa kanto lang po.” Pagbaba niya, agad siyang nag-abang ng jeep. Swerte at may tumigil agad.

“Paki abot po ng bayad, sa Elite Coffee Shop lang po,” sabi niya, sabay abot ng bayad.

Pagdating sa tapat ng café, bumaba siya at tumawid. Akala niya ay clear ang daan, kaya’t mabilis siyang naglakad hanggang sa isang malakas na busina ang pumunit sa hangin. Rinig na rinig din ang pagkiskis ng gulong nito marahil sa biglang pag preno.

Napapikit siya, at bago pa man makagalaw, halos ilang dangkal na lang ang pagitan ng sasakyan sa kanya. Nanginginig ang tuhod niya, bumagsak siya sa gilid ng kalsada, pilit pinipigilan ang pag-iyak.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng mamahaling kotse. Mabigat ang bawat yabag na papalapit sa kanya.

Oh my god… patay!

Dahan-dahan niyang iniangat ang paningin at para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita kung sino ito.

Rhett Alaric.

Ang lalaking ilang taon na niyang hinahangaan na dati ay nakikita lang niya sa magazine, ngumingiti sa mga pahinang paulit-ulit niyang binabalikan ay muling nagpakita sa kanya. Akala niya noon, hanggang sa larawan na lang ito. Ang laman ng kanyang panaginip. Pero heto na, kaharap na naman niya ngunit sa hindi pa magandang pagkakataon. Parang pinaglalaruan talaga siya ng tadhana!

Nagtiim bagang ito, malamig ang mga mata. Halatang pinipigilan ang sarili na magalit. “Get up,” utos nito sa baritonong boses. “I’ll take you to the hospital.”

Hindi siya makagalaw. Nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay at binti dahil sa nangyari. Ramdam niya ang mabilis na pintig ng puso niya. Marahil sa sobrang pagkainip nito sa kanya dahil hindi pa rin siya kumikilos ay ito na mismo ang gumawa ng unang hakbang.

“W-Wait! Kaya ko namang—”

“Don’t argue.” baritonong sabi nito ramdam ang pagtitimpi marahil sa pagkainis. Bago pa man siya makatanggi ay buhat na siya nito ng pa-bridal style. Napakapit siya sa leeg nito, ramdam ang tibok ng puso ni Rhett at ang matipuno nitong dibdib.

Pagkalapag niya sa passenger seat, naamoy niya ang halimuyak ng leather at panlalakeng pabango nito.

“Cancel my meeting,” marinig niyang sabi nito sa phone, malamig ang tono. “I’ll head to the hospital.”

Tahimik lang siyang nakatingin sa labas. Hindi makapaniwala na ito ang nangyayari. Ilang minuto lang, naramdaman na niyang huminto ang sasakyan. Muli siyang binuhat ni Rhett at dinala sa loob ng ER.

“Prepare the stretcher,” sabi ng nurse.

“What happened, sir?” tanong ng doctor.

“She suddenly crossed the road. I’m not sure if I hit her,” sagot ni Rhett, malamig at diretso.

Agad siyang sumingit. “H-Hindi po ako nabangga, Doc. Okay lang ako, promise!”

“Still, you needs to run some tests,” sagot ni Rhett, hindi man lang lumingon sa kanya. “I don’t want to be blamed for something I didn’t cause.” aroganteng sabi nito.

Ang lamig ng tono niya, pero may kakaibang bigat sa bawat salita.

“N-Na… Naiintindihan ko,” mahina niyang sabi.

Isang titig lang mula kay Rhett at parang gusto na niyang matunaw sa hiya.

---

Lumipas ang halos isang oras ng tests at x-ray. Buti na lang walang fracture o injury. Paglabas ng doctor, saka lang nagsalita si Rhett.

“Here,” iniabot nito ang isang gold card. “Withdraw whatever amount you need. Compensation for the trouble.”

“Ha? Hindi naman kailangan, sir. I—”

Pero nag-check lang ito ng oras sa wristwatch at tumalikod. “I have to go ms. Don’t stay out of focus next time.”

Wala na. Lumakad na siya palayo bago pa man siya makasagot.

“Tss. Ang sungit!” bulong niya. Napatingin siya sa gold card. Grabe, ginto talaga, pati siguro ang pagngiti nito ay napakamahal.

Hindi man lang marunong ngumiti!

Pag-uwi niya, agad siyang nag-message sa boss para magpaalam. Wala na, absent na siya ngayong araw. Sayang ang sahod.

---

Hindi nagtagal, dumating si Lennox sa bahay, may dalang prutas. “May masakit ba sa’yo?” agad nitong tanong, halatang nag-aalala.

“Wala naman. Na-shock lang talaga ako sa nangyari.” Ngumiti siya para pakalmahin ito. “Saka okay naman daw lahat ng results.”

“Good. Akala ko kung ano na nangyari sa’yo.”

“Okay lang ako. Ikaw, dapat nagpahinga ka muna, galing ka pa ng flight.”

“Don’t worry about me,” sagot nito sabay upo. “Ikaw muna alalahanin ko.”

“Sus, drama king ka talaga.”

Umirap lang ito, pero may ngiti sa labi. “Hindi ko kaya mawala ang best friend kong walang boyfriend.”

“Wow ha! Porket ikaw nakarami ng chix sa Canada, nagyayabang ka na?” pinandilatan niya ito ng mata saka kinurot sa tagiliran.

“A-Aray! Huy! Masakit!” iwas nito habang tumatawa.

“Magmeryenda na kayo, Lennox,” sabat ni Mama habang inilalapag ang tray ng cupcakes at juice.

“Salamat po, Tita!” nahihiyang sabi ni Lennox.

Pagkatapos ng ilang oras ng kwentuhan at kulitan, nagpaalam na ito. “Salamat po ulit sa meryenda, Tita.”

“Walang anuman, mag-ingat ka.”

Pagkaalis ni Mama sa sala, ngumisi si Elara. “Ingat ka, baka may ma-heartbroken sa’yo kapag nagasgasan yang mukha mo.”

“Sus! Alam ko namang ikaw ‘yung unang iiyak, Elara.” Kindat pa nito.

“Yuck! Please lang, mas gwapo pa ‘yung crush ko sa’yo.”

“Oh really? Nasaan na siya ngayon, ha?”

“Yun nga, nakita ko kanina.”

“Kita? Kanina?” kunot-noong tanong nito.

“Mm-hmm. Siya yung muntik nang makabangga sa akin kanina.”

“WHAT?!" gulat na tanong nito. “Siya ba yung lalakeng nakwento mo noon na nakita mo sa magazine?” kuryosong tanong nito.

Tumango siya. “Oo. hindi ko inaakalang mas gwapo pala siya sa pictures.” kinikilig na sabi niya rito na para bang dinaig pa ang teenager na nakita ang kanyang crush.

Umirap si Lennox. “Tsk. Delikado na ‘to. Baka hindi lang puso mo ang mabangga niyan.”

Ngumiti siya, tiningnan ang langit sa labas ng bintana. “Too late. I think it already did.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When Dreams Wear a Suit   Chapter 61:

    ELARA'S POV:Ngayon ang araw na madi-discharge kami ng mga kambal sa hospital. Parang kahapon lang ako nanginginig sa delivery room, ngayon ay nakikita ko na ang dalawang munting himala sa buhay namin ni Rhett. As usual, kasama ang parents namin sa pagsundo sa amin at ramdam ko agad ang saya kahit pagod at masakit pa ang buong katawan ko.“Ang cute talaga ng mga pamangkin ko, mana sa magandang genes ko!” saad ni Eirina, halos mangigil sa tuwa habang nilalapitan ang mga kambal. Gusto niyang buhatin ang mga ito pero sinalubong siya ng matalim kong tingin kaya hanggang haplos lang siya sa pisngi ng mga bata. Karga nina mama at papa ang dalawa, parang ayaw din nilang ipahiram.“Nah, sa akin sila nagmana, ate. Tingnan mo na naman oh!” sagot ni Ethan sabay turo sa mukha niya na parang pinapakita ang ebidensya.“Huwag na nga kayong mag-away. Sa akin nagmana ang mga apo ko, diba Rhevan at Elraeh?” masayang sabi ni mama habang kinakausap ang mga kambal na tila ba naiintindihan siya ng mga ito.

  • When Dreams Wear a Suit   Chapter 60:

    ELARA’S POV:Nasa ika-siyam na buwan na ako ng akin pagbubuntis. Kabuwanan ko na. Sa wakas, matapos ang mahabang paghihintay, heto na at malapit ko nang masilayan ang aming kambal. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, excited, kinakabahan, masaya at takot sa maaring mangyari. Normal delivery ang sabi ng OB ko. Handa na ako pero hindi ko alam kung kailan talaga ang saktong araw ng panganganak ko.“Ah!” napahawak ako sa tiyan ko nang biglang may kumirot. Kakagaling ko lang sa cr para umihi. Pero parang may humilab sa loob ng tiyan ko paglabas ko. Isang kirot na hindi ko pa nararanasan kailanman.“What happened?” tarantang tanong ni Rhett. Agad siyang tumayo at nilapitan ako. Nag-leave ito simula nang mag-nine months na ang pinagbubuntis ko. Aniya’y gusto niyang nasa tabi niya ako kung sakaling dumating ang oras ng panganganak ko.Napapikit ako at huminga ng malalim, pero imbes na mawala ay lalo pang sumidhi ang sakit. Parang may alon na humahampas sa loob ko, sunod-sunod, walang pah

  • When Dreams Wear a Suit   Chapter 59:

    ELARA'S POV:Today is the day we finally reveal the genders of our twins. My heart is racing, full of excitement, anticipation and a little nervousness. I can’t wait to find out if my guesses were right or completely off.“Anong gusto mong gender para sa twins natin, hubby?” tanong ko kay Rhett habang nag-a-apply ng light makeup sa harap ng salamin. Ramdam ko ang kaba at excitement sa dibdib ko. Suot ko ang ivory tulle long puffy-sleeve off-shoulder maternity gown na malambot at dumadampi sa katawan ko. Flats lang sa paa para iwas aksidente at ang buhok ko ay maluwag na nakakulot.Rhett looked at me, his expression calm, yet his eyes sparkled with quiet excitement. He wore an ivory tux that perfectly matched my gown.“I don’t have a preference when it comes to our twins,” he said gently, brushing a lock of hair behind my ear. “As long as they’re healthy, I’m happy. That’s all that matters to me.”“Pero, sana isang lalaki at isang babae,” ngumiti ako, hawak ang kamay niya. “Gusto ko ta

  • When Dreams Wear a Suit   Chapter 58:

    ELARA’S POV:Hindi naging madali ang bawat araw, linggo, at buwan ng pagbubuntis ko lalo na noong first trimester. Halos araw-araw ay sinusubok ang katawan at emosyon ko. May mga umagang hindi ako makatayo, may mga gabing hindi ako makatulog dahil sa hilo at pagsusuka. Naging maselan ang kalagayan ko, pero sa kabila ng lahat, palaging nariyan si Rhett. Hindi siya umalis sa tabi ko, handang umalalay sa bawat pagkakataong kailangan ko ng tulong.“How are you feeling right now, my wife?” mahinahong tanong ni Rhett matapos akong magsuka. Kapwa kami nakaupo sa gilid ng kama habang hawak niya ang kamay ko. Banayad ang haplos na tila ba sinasabi niyang magiging maayos din ang lahat.“Medyo okay na ako,” mahina kong sagot sabay pilit na ngiti. “Salamat, hubby.” Hinalikan ko siya sa labi, ramdam ko ang pagod naming dalawa.Tinugon niya ang halik ko at niyakap ako nang mahigpit.“It’s my pleasure, my wife. I want you and our baby to be safe and always healthy,” malambing niyang sabi na lalong n

  • When Dreams Wear a Suit   Chapter 57:

    ELARA'S POV:Ang tanging ingay na bumabalot sa apat na sulok ng kwarto ay ang pinaghalong paghinga, mahihinang ungol at kaluskos ng bawat galaw naming dalawa ni Rhett. Parang huminto ang oras habang ninanamnam namin ang bawat sandaling kami ay nagniniig. Walang iniisip kundi ang init ng katawan at ang damdaming matagal naming kinimkim.Nakaapat na rounds kami ni Rhett at natapos iyon nang halos mag-uumaga na. Ramdam ko ang hapdi sa kaloob-looban ko at ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Sa sobrang pagod ay nakatulog na lamang ako nang hindi namamalayan. Pagmulat ko ng mga mata ay maliwanag na ang paligid. Bandang hapon na pala.“You're awake, sweetheart. Sorry, did I make you tired?” maingat na tanong ni Rhett habang may dalang tray ng pagkain at marahang umupo sa tabi ko.Tatayo na sana ako para salubungin siya ngunit napapikit ako at muling napaupo. Biglang sumakit ang puson ko, parang may kumikirot sa loob ko. Napaangat ang kamay ko at napahawak doon saka napahinga nang malalim.M

  • When Dreams Wear a Suit   Chapter 56:

    ELARA’S POV:“Alright ladies and gentlemen! Are you still with us?” masiglang tanong ng host, punô ng sigla ang boses na tila mas lalong nag-e-enjoy pa habang mas lalong lumalalim ang gabi.“YES!” sabay-sabay na sigaw ng mga bisita, may halong hiyawan at palakpakan.“Okay! Because the reception program officially ends now and we are jumping straight into the PARTY PROPER!”Nag-ingay ang buong venue. May sumipol, may pumalakpak at may agad na tumayo na parang matagal nang naghihintay para sa parteng ito.“This is the time to eat, drink, laugh, take lots of photos and celebrate LOVE! Feel free to move around, visit the photo area and don’t forget to grab a picture with our stunning newlyweds.”Napangiti ako habang hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Rhett. Ramdam ko ang init ng palad niya, parang sinasabi niyang andito lang siya sa tabi ko at nakikisaya sa gabing ito.“If you want to personally greet Mrs. Elara and Mr. Rhett, their table is now open. Go ahead and shower them with love!”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status