LOGINELARA'S POV:
“Anong nangyari ba’t absent ka kahapon?” tanong ni Clarie habang nililinis ang counter. Kita sa mukha nito ang halong curiosity at concern. “Muntik na akong mabangga ng sasakyan.” mahinang sagot ni Elara, habang pinupunasan ang mesa. “Pero hindi naman ako natamaan. Dinala lang ako sa hospital.” Napabuntong-hininga siya. Biglang napatigil si Clarie. “Hala! Ano’ng sabi mo? Muntik ka nang mabangga? Kumusta ka na ngayon? May sugat ka ba?” sunod-sunod na tanong nito, bakas ang pag-aalala sa mga mata. Ngumiti si Elara, pilit na pinapakalma ang kaibigan. “Okay na ako. Wala naman akong sugat. Medyo nagulat lang talaga ako sa nangyari.” Pero sa loob-loob niya, hindi talaga siya okay. Dahil sa muli nilang pagkikita mula nang araw na ‘yon, mas lalo lang nitong ginulo ang puso at isip niya. “Mabuti naman kung gano’n,” sagot ni Clarie, sabay halukipkip. “Sino nga pala yung muntik nang makabangga sa’yo?” Doon biglang uminit ang pisngi ni Elara. Parang sabay-sabay na naglakbay ang init mula leeg hanggang tainga. Ramdam niyang namumula siya. “Si ano… s-si Sir Rhett,” nauutal niyang sagot sabay takip ng kamay sa bibig, para hindi mapansin ni Clarie ang ngiti sa labi niya. “Really?” halos sumigaw sa gulat si Clarie. “Grabe naman ‘yan! Sa tuwing nagkikita kayo, may aksidenteng nangyayari. Hindi ka ba pinagalitan? Ang sungit daw noon sabi ng iba.” “Sinabihan lang niya ako na dapat mag-focus daw ako sa dinadaanan ko,” sabi niya, medyo iritang tono. “Baka nga nabubwisit na siya sa akin kasi tuwing nagkikita kami, laging may aberyang nangyayari.” Clarie shook her head. “Hay naku. No wonder. Masungit talaga ‘yon. Pero aminado akong gwapo.” Napangiti ito, sabay kindat kay Elara. “Gwapo nga…” mahina niyang tugon, halos pabulong. “Pero nakaka-intimidate.” --- Panaka-naka ang pagdating ng mga customer. Maganda at maaliwalas ang panahon sapat para makapag-isip-isip siya habang nag-aayos ng order. Kanina pa niya tinitingnan ang card na ibinigay ni Rhett kahapon. Kulay ginto, katulad ng ngiti ng may-ari nito masyadong gold. Plano niyang ibalik ito mamaya. Aanhin pa ba niya ‘yon? Binayaran na nga nito ang lahat ng hospital bills. Hindi naman niya hinihingi, pero ginawa pa rin nito. Ang problema lang paano siya papasok sa kumpanya nito? Hindi naman siya basta-basta makakalapit kay Rhett Alaric. Lalo pa’t isa lang siyang ordinaryong barista at ito ay isang CEO ng malaking construction firm. “Bahala na,” mahina niyang sabi, sabay iling. Pero habang iniisip pa lang ang posibilidad na magkita ulit sila, hindi niya maiwasang kabahan. Kinilig din naman siya. Konti lang. Okay fine, sobra. Para maibsan ang kaba, nagpakabusy na lang siya. Binabati ang bawat customer, ngumingiti kahit pagod na, at pinipilit kalimutan ang ideya sa posibleng mangyari mamaya. Haharapin niya ulit ang lalaking nagpapabilis sa pagtibok ng kanyang puso. Hanggang sa mapansin niyang nawawala ang liwanag sa labas. Ang dating maliwanag na langit ay unti-unti nang nagiging kulay abo. Pagtingin niya sa orasan, alas-siete na pala. “Bye guys! See you tomorrow!” masigla niyang paalam. “Ingat, Elara!” halos sabay-sabay na sagot ng mga katrabaho niya. Paglabas niya ng café, ramdam niya ang malamig na simoy ng gabi. Hawak pa rin niya ang card. “Kaya mo ‘yan, Elara,” bulong niya sa sarili. “Tao lang din siya. Ang pinagkaiba niyo lang ay mayaman siya.” --- Pagdating sa harap ng Alaric Construction & Design, parang gusto niyang umatras. Ang laki ng building, puro salamin, at may ilaw pa kahit gabi na. Ang mga guwardiya, pormal. Para bang isang maling hakbang lang ay mapapaalis siya. “Goodevening ma’am, may appointment po ba kayo?” tanong ng guard. “Ah, w-wala po. May ibabalik lang ako kay Sir Rhett Alaric. Nandiyan pa po ba siya?” Tumingin ito sa logbook. “Sandali lang, ma’am.” Kinuha ang walkie-talkie. “Sir, may babaeng naghahanap po sa inyo Mr. Alaric. Elara Raenor daw po yung tinulungan niyo raw sa hospital.” Tahimik ang ilang segundo. Parang humaba ang oras habang naghihintay siya ng sagot. Pagkatapos ng ilang sandali, tumango ang guard. “Pwede na kayong pumasok, ma’am. Seventh floor. Gamitin niyo po ‘yung elevator sa kanan.” “Salamat po,” magalang niyang sagot. Habang naglalakad papunta sa elevator, ramdam niyang sinusundan siya ng mga tingin ng ilang empleyado. Lahat siguro nagtataka kung sino siya. Hindi niya na lang pinansin. Pagpasok ng elevator, huminga siya nang malalim. Habang tumataas ang ilaw mula 1… 2… 3… hanggang 7, parang kasabay din nitong tumataas ang tibok ng puso niya. “Okay lang ‘yan, Elara,” sabi niya sa sarili. “Kakausapin mo lang siya ng kaunti saka ibabalik ang card, tapos aalis ka na.” Tumunog ang elevator. Ding! Seventh floor. --- Tahimik ang buong palapag. Ilang ilaw lang ang bukas, at sa dulo ng hallway ay nando’n ang pintuang may nakasulat na Rhett Alaric – CEO. Kinagat niya ang kanyang daliri, huminga muna siya ng malalim sabay katok. “Come in,” ang baritonong boses na may halong lamig mula sa loob. Dahan-dahan niyang pinihit ang knob. Pagpasok niya, agad siyang natigilan. Nando’n si Rhett, nakaupo sa swivel chair, nakayuko sa mga papeles. Tanging ang puting dress shirt na medyo nakabukas ang unang butones, sleeves rolled up, at may hawak na ballpen sa kanang kamay. Kahit hindi ito nagsasalita, iba ang presensyang dala niya. Malamig. Intimidating. Pero may kung anong misteryong nakapalibot sa awra nito. Tumingin ito sa kanya. Diretso. Puno ng lamig. “What took you here, ms.?” tanong nito, bahagyang kunot-noo. “Ah, g-gusto ko lang ibalik ‘yung card na binigay mo kahapon, sir. Hindi ko naman kailangan ‘to.” Napalunok siya. He leaned back on his chair, his expression unreadable. “What are you doing there? Come here.” Kahit nanginginig ang tuhod, lumapit siya. Bawat hakbang, parang naririnig niya ang tibok ng puso niya sa katahimikan ng opisina. Pagharap niya sa mesa nito, tinaas ni Rhett ang kamay, hinihingi ang card. Tinaas din nito ang kilay, tila naiinip. Agad niyang kinuha ang card mula sa bulsa at iniabot sa kanya. “Salamat pala, sir. At pasensya na rin sa abala. Pero wala naman akong kasalanan sa nangyari. Sadyang mabilis ka lang siguro magpatakbo.” Napakurap ito. Bahagyang tumaas ang sulo ng labi nito. Hindi malinaw kung ngiti ba o inis. “How do you say so?” malamig ang tono, pero may bahid ng amusement sa boses nito. “Nasabi ko na po, sir. Pero ayos lang hindi mo kailangang mag-explain. Wala naman na ‘yon.” Pinilit niyang ngumiti, kahit halatang kinabahan. Tinitigan lang siya ni Rhett ng matagal. Parang may binabasa sa mga mata niya. “You may go now,” sa wakas ay sabi nito, tinig na walang emosyon. “I’m a busy person, and I don’t want to waste my time.” Parang tinusok ang dibdib ni Elara. Hindi niya alam kung dahil sa hiya o sa sakit dahil sa tono nito. “Okay po, sir. Pasensya na ulit.” Mahina ang boses niya. Mabilis siyang tumalikod at naglakad papunta sa pinto. Pagkalabas, marahang isinara niya ang pinto at napasandal doon. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya. “Okay na, Elara. Pwede ka nang huminga,” bulong niya sa sarili habang pilit na pinapakalma ang dibdib. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi mawala sa isip niya ang lamig ng tinig ni Rhett at ang titig nitong tila may gustong sabihin, pero pinili na lang manahimik. At sa hindi niya malamang dahilan, mas lalo lang niyang gustong makita ulit ang lalaking ‘yon.ELARA'S POV:Ngayon ang araw na madi-discharge kami ng mga kambal sa hospital. Parang kahapon lang ako nanginginig sa delivery room, ngayon ay nakikita ko na ang dalawang munting himala sa buhay namin ni Rhett. As usual, kasama ang parents namin sa pagsundo sa amin at ramdam ko agad ang saya kahit pagod at masakit pa ang buong katawan ko.“Ang cute talaga ng mga pamangkin ko, mana sa magandang genes ko!” saad ni Eirina, halos mangigil sa tuwa habang nilalapitan ang mga kambal. Gusto niyang buhatin ang mga ito pero sinalubong siya ng matalim kong tingin kaya hanggang haplos lang siya sa pisngi ng mga bata. Karga nina mama at papa ang dalawa, parang ayaw din nilang ipahiram.“Nah, sa akin sila nagmana, ate. Tingnan mo na naman oh!” sagot ni Ethan sabay turo sa mukha niya na parang pinapakita ang ebidensya.“Huwag na nga kayong mag-away. Sa akin nagmana ang mga apo ko, diba Rhevan at Elraeh?” masayang sabi ni mama habang kinakausap ang mga kambal na tila ba naiintindihan siya ng mga ito.
ELARA’S POV:Nasa ika-siyam na buwan na ako ng akin pagbubuntis. Kabuwanan ko na. Sa wakas, matapos ang mahabang paghihintay, heto na at malapit ko nang masilayan ang aming kambal. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, excited, kinakabahan, masaya at takot sa maaring mangyari. Normal delivery ang sabi ng OB ko. Handa na ako pero hindi ko alam kung kailan talaga ang saktong araw ng panganganak ko.“Ah!” napahawak ako sa tiyan ko nang biglang may kumirot. Kakagaling ko lang sa cr para umihi. Pero parang may humilab sa loob ng tiyan ko paglabas ko. Isang kirot na hindi ko pa nararanasan kailanman.“What happened?” tarantang tanong ni Rhett. Agad siyang tumayo at nilapitan ako. Nag-leave ito simula nang mag-nine months na ang pinagbubuntis ko. Aniya’y gusto niyang nasa tabi niya ako kung sakaling dumating ang oras ng panganganak ko.Napapikit ako at huminga ng malalim, pero imbes na mawala ay lalo pang sumidhi ang sakit. Parang may alon na humahampas sa loob ko, sunod-sunod, walang pah
ELARA'S POV:Today is the day we finally reveal the genders of our twins. My heart is racing, full of excitement, anticipation and a little nervousness. I can’t wait to find out if my guesses were right or completely off.“Anong gusto mong gender para sa twins natin, hubby?” tanong ko kay Rhett habang nag-a-apply ng light makeup sa harap ng salamin. Ramdam ko ang kaba at excitement sa dibdib ko. Suot ko ang ivory tulle long puffy-sleeve off-shoulder maternity gown na malambot at dumadampi sa katawan ko. Flats lang sa paa para iwas aksidente at ang buhok ko ay maluwag na nakakulot.Rhett looked at me, his expression calm, yet his eyes sparkled with quiet excitement. He wore an ivory tux that perfectly matched my gown.“I don’t have a preference when it comes to our twins,” he said gently, brushing a lock of hair behind my ear. “As long as they’re healthy, I’m happy. That’s all that matters to me.”“Pero, sana isang lalaki at isang babae,” ngumiti ako, hawak ang kamay niya. “Gusto ko ta
ELARA’S POV:Hindi naging madali ang bawat araw, linggo, at buwan ng pagbubuntis ko lalo na noong first trimester. Halos araw-araw ay sinusubok ang katawan at emosyon ko. May mga umagang hindi ako makatayo, may mga gabing hindi ako makatulog dahil sa hilo at pagsusuka. Naging maselan ang kalagayan ko, pero sa kabila ng lahat, palaging nariyan si Rhett. Hindi siya umalis sa tabi ko, handang umalalay sa bawat pagkakataong kailangan ko ng tulong.“How are you feeling right now, my wife?” mahinahong tanong ni Rhett matapos akong magsuka. Kapwa kami nakaupo sa gilid ng kama habang hawak niya ang kamay ko. Banayad ang haplos na tila ba sinasabi niyang magiging maayos din ang lahat.“Medyo okay na ako,” mahina kong sagot sabay pilit na ngiti. “Salamat, hubby.” Hinalikan ko siya sa labi, ramdam ko ang pagod naming dalawa.Tinugon niya ang halik ko at niyakap ako nang mahigpit.“It’s my pleasure, my wife. I want you and our baby to be safe and always healthy,” malambing niyang sabi na lalong n
ELARA'S POV:Ang tanging ingay na bumabalot sa apat na sulok ng kwarto ay ang pinaghalong paghinga, mahihinang ungol at kaluskos ng bawat galaw naming dalawa ni Rhett. Parang huminto ang oras habang ninanamnam namin ang bawat sandaling kami ay nagniniig. Walang iniisip kundi ang init ng katawan at ang damdaming matagal naming kinimkim.Nakaapat na rounds kami ni Rhett at natapos iyon nang halos mag-uumaga na. Ramdam ko ang hapdi sa kaloob-looban ko at ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Sa sobrang pagod ay nakatulog na lamang ako nang hindi namamalayan. Pagmulat ko ng mga mata ay maliwanag na ang paligid. Bandang hapon na pala.“You're awake, sweetheart. Sorry, did I make you tired?” maingat na tanong ni Rhett habang may dalang tray ng pagkain at marahang umupo sa tabi ko.Tatayo na sana ako para salubungin siya ngunit napapikit ako at muling napaupo. Biglang sumakit ang puson ko, parang may kumikirot sa loob ko. Napaangat ang kamay ko at napahawak doon saka napahinga nang malalim.M
ELARA’S POV:“Alright ladies and gentlemen! Are you still with us?” masiglang tanong ng host, punô ng sigla ang boses na tila mas lalong nag-e-enjoy pa habang mas lalong lumalalim ang gabi.“YES!” sabay-sabay na sigaw ng mga bisita, may halong hiyawan at palakpakan.“Okay! Because the reception program officially ends now and we are jumping straight into the PARTY PROPER!”Nag-ingay ang buong venue. May sumipol, may pumalakpak at may agad na tumayo na parang matagal nang naghihintay para sa parteng ito.“This is the time to eat, drink, laugh, take lots of photos and celebrate LOVE! Feel free to move around, visit the photo area and don’t forget to grab a picture with our stunning newlyweds.”Napangiti ako habang hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Rhett. Ramdam ko ang init ng palad niya, parang sinasabi niyang andito lang siya sa tabi ko at nakikisaya sa gabing ito.“If you want to personally greet Mrs. Elara and Mr. Rhett, their table is now open. Go ahead and shower them with love!”







