MasukBook 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricAMARIE’S POV:Pagpasok pa lang namin sa Enchanted Kingdom ay agad kaming sinalubong ng makukulay na gusali, masasayang tugtugin at ang walang tigil na tawanan ng mga batang naglalakad kasama ang kanilang mga magulang. May mga pamilyang nagtutulakan ng stroller, may mga batang may hawak na cotton candy at may mga magulang na abalang kumukuha ng litrato ng kanilang mga anak.Para itong isang maliit na mundong puno ng saya. Isang lugar kung saan kahit sandali ay nakakalimutan ng mga tao ang pagod at problema. Sa bawat sulok ay may rides, food stalls at mga lugar na parang hinango mula sa isang fairy tale.Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga anak ko.Ang saya sa pakiramdam bilang isang ina, ang makita na masaya ang mga anak mo. Sapat na ‘yon para mapuno ang puso mo.“Mommy! Daddy! Look at the horses!” excited na sigaw ni Arielle habang nakaturo sa carousel.Hindi ko napigilang matawa sa sobrang excitement niya.“Okay, princess. Let’s ride th
Book 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricAMARIE'S POV:Pagpasok pa lang namin sa kusina ay agad kong naramdaman ang bigat ng mga matang nakatutok sa amin. Parang sabay-sabay kaming nasalang sa isang tahimik na interogasyon mula kina Mama, Papa at maging kay Elraeh na nakaupo sa gilid ng mesa habang umiinom ng kape.“Ba’t ngayon lang kayo?” nagtatakang tanong ni Mama habang nakapamewang pa.Agad akong pinamulahan ng mukha. Ramdam ko pa ang init ng mga alaala mula sa kung bakit nga ba kami nahuli sa paglabas ng kwarto.“Ah… eh… ono kasi Ma. Nasarapan kasi kami sa a–ano…” nauutal kong sagot na halos hindi ko na mabuo ang dapat kong sabihin.“Ang ano?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Elraeh habang pinipigilan ang isang malokong ngiti.Napalunok ako. Pakiramdam ko ay lalong umiinit ang pisngi ko.Sa gilid ng paningin ko ay nakita kong bahagyang ngumiti si Rhevan. Dahan-dahan nitong hinawakan ang baywang ko. Isang galaw na tila ba sinasabi sa akin na siya na ang bahala.“It's been a w
Book 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricAMARIE’S POV:Ganito pala ang pakiramdam kapag payapa ang isip at puso mo. Nakakatulog ka ng maayos nang walang takot at pangamba na bumabalot sa puso mo.Nang magising ako kinabukasan, ang unang bumungad sa akin ay ang pamilyar at napakagwapong mukha ni Rhevan.Nakatagilid siya sa kama, nakatukod ang isang siko habang pinagmamasdan ako. Para bang matagal na niya akong pinapanood habang natutulog.Ngumiti siya nang mapansin niyang gising na ako.“Good morning, my love. Did you sleep well?” malambing nitong tanong.Napakurap ako nang ilang beses bago tuluyang ngumiti.“Good morning, my love,” sagot ko saka marahang hinaplos ang mukha niya. “Ang sarap ng tulog ko. Parang ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.”Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata nito sa saya.“I’m glad to hear that. You deserve peaceful mornings like this.” saad niya saka hinaplos ang buhok ko. “Come on, let’s have some breakfast.”Babangon na sana ako ngunit bigla kong napansi
Book 2: The Legacy Series: Rhevan Alaric ⚠️ TRIGGER WARNING: May mga eksena sa kabanatang ito na naglalaman ng barilan, karahasan, at madugong pangyayari. Kung ikaw ay sensitibo sa ganitong uri ng tagpo, maaaring laktawan ang bahaging ito. RHEVAN’S POV: Maingat akong naglakad sa likod ng abandonadong warehouse. Mabigat ang hangin sa paligid at amoy pulbura, alikabok at ramdam ang panganib. Ang bawat hakbang ko ay kontrolado at iniiwasang makagawa ng ingay. Hindi pwedeng magkamali ngayon. Saka ikinasa ang baril. Mula sa loob ay narinig ko ang pamilyar na boses ni Sebastian. “Put your guns down, or I’ll blow your companion’s head off.” utos nito. Malinaw ang pagbabanta sa tono niya. Dahil doon ay napilitan ang mga pulis na ibaba ang kanilang mga baril. Kita ko sa mga mata nila ang pag-aatubili pero wala silang magagawa. Naka posisyon si Sebastian sa likod ng isa sa kanila habang nakatutok ang baril sa ulo nito. Habang nakasilip ako sa gilid ng pader ay napansin ako ng isan
Book 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricAMARIE'S POV:“Mag-iingat ka doon, please,” pakiusap ko kay Rhevan, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko habang hinahanda ang sarili para sa pag-alis nito.Paalis na sila at nakahanda na ang private plane ng pamilya Alaric. Kasama na rin niya ang buong security team niya para sa kaligtasan nila. Hindi pumayag si Papa na si Rhevan lang ang aalis at sumama siya. Aniya'y pamilya sila at hindi pwedeng mag-isang haharap sa laban ang anak niya.“I will, I promise. Dad and I will come back safely,” sagot ni Rhevan, saka niya hinalikan ang labi ko.Ramdam ko ang pagmamahal nito at ang banayad na pagtibok ng puso niya. Saka ito lumuhod sa paanan ni Arielle at hinaplos ang mukha nito.“Princess, I know that you're a responsible sister to Ravian. Tulungan mo si Mommy kapag kailangan niya, okay?” paalala niya sa panganay namin.“Yes, I will, Daddy. Mamimiss po kita,” umiiyak na tugon ni Arielle.Mas lalong bumigat ang kalooban ko dahil sa pag-iyak nito.“Good,
Book 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricAMARIE’S POV:Bandang alas dos ng madaling araw nang biglang umalingawngaw sa buong bahay ang matinis na tunog ng security alarm.Agad akong napabangon sa kama, kasabay ni Rhevan na mabilis ding nagising. Halos kumabog ang dibdib ko sa biglaang ingay na iyon. Ang tahimik na gabi ay biglang napuno ng kaba at tensyon.“Ano ‘yon?” mahina kong tanong habang kinakabahan na napatingin sa pintuan ng kwarto namin.Hindi agad sumagot si Rhevan. Mabilis siyang bumangon at kinuha ang intercom na nasa side table.Pinindot niya iyon at agad na nagsalita.“What’s happening? Why is the security alarm going off?” malamig ngunit kontroladong tanong niya.Sa kabilang linya ay agad sumagot ang head of security.“Sir, may napansin po kaming sasakyan na ilang beses dumaan sa harap ng bahay ninyo. Suspicious po ang galaw kaya sinundan namin ito. May iniwan po itong envelope sa gate.”Nanlamig ang buo kong katawan sa narinig.“An envelope?” tanong ni Rhevan.“Yes, si







