Mag-log inELARA’S POV:
Malakas ang buhos ng ulan paggising ko ngayong umaga. Ramdam ko pa ang lamig ng hangin habang nakatanaw sa bintana. Makapal ang mga ulap at halos maglaho na ang langit sa tindi ng dilim. Panigurado, pahirapan na naman sa biyahe papuntang café. Nag-text pa ang NDRRMC. May paparating daw na bagyo. Kawawa na naman ang unang dadaanan nito. Paulit-ulit na lang… baha rito, baha roon. Hindi mo alam kung likas na sakuna o gawa ng mga kurakot na opisyal. Sa huli, ang mga tao at mga hayop ang kawawa. May masisira na namang mga kabahayan, imprastraktura at kabuhayan ng ilan. “Para po!” sigaw ko sabay kaway sa jeep. Tumigil ito sa tapat ng café kaya agad akong bumaba. Tulad ng dati, kailangan ko pang tumawid dahil nasa kabilang daan ang Elite Café. Sinilip ko muna ang kaliwa’t kanan, ayokong maulit ang kamalasang muntik na akong masagasaan noon. Hawak ang payong, mabilis akong tumawid. Pero kahit may panangga ako, halos walang silbi dahil sa lakas ng hangin. Ang mga patak ng ulan, parang karayom na tumatama sa balat. Nakakatamad talagang pumasok sa ganitong panahon, pero wala akong choice. Walang trabaho, walang sahod. At mas masarap sa pakiramdam ‘yung pagod ka pero alam mong may kikitain ka, kaysa naman sa wala kang pera at mahaba pa ang listahan ng bayarin. ‘Yun ang tunay na nakakapanghina, kapag deficit ka sa buhay. “Good morning!” masigla kong bati sa mga kasamahan ko pagkapasok sa café. “Good morning, Elara!” sabay-sabay nilang tugon. Dumiretso ako sa locker room, sinuot ang apron, sapatos, at hairnet, saka ikinabit ang name pin. “Nakakatamad pumasok pero dahil alipin tayo ng pera, gora pa rin,” sabi ni Clarie habang nagtitimpla ng kape. “Isang cold Spanish latte for Ms. Vivienne!” sigaw nito nang matapos. May tumayong babae sa dulo ng café. Tantiya ko, mga 5’7” ang height. Ang suot niyang red body-hugging dress ay parang gawa sa mamahaling tela, at sa bawat hakbang ng stiletto shoes niya ay maririnig ang kumpas ng kumpiyansa. Nakasabit sa braso niya ang black Hermes bag, at ang straight na blonde hair niya, halatang gawa ng isang high-end salon. Maputi, petite, at may maamong mukha. Sweet but intimidating. “Here’s my payment for the Spanish latte,” sabi niya sa matinis na boses na may halong English accent. Ni-swipe ni Clarie ang credit card nito. “Here’s your receipt, ma’am. Thank you for coming to Elite Café. Enjoy your drink!” Nginitian siya ng babae nang pagkatamis-tamis pero may halong pahiwatig. “Thank you! You’ll surely see my face here always,” sagot nito bago tumalikod. Kinalabit ako ni Clarie. “Bakit kaya gano’n sinabi ni ma’am? Nakaka-curious si ante mo,” bulong nito sa akin. “Baka nagustuhan ang ambiance?” sagot ko sabay kibit-balikat. “Mukhang mabait naman siya. In fairness, maganda at sexy pa.” wika ni Clarie “Sinabi mo pa. At least hindi mukhang matapobre.” sagot ko naman. Habang lumilipas ang mga oras, lalo pang lumakas ang ulan. Sa labas ng glass wall ng café, halos magwala ang mga puno sa lakas ng hangin. Ang mga dahon ay nagsasayaw, parang sinasabayan ang mabagsik na tugtog ng kalikasan. “Panigurado absent si Theo mamaya,” sabi ko habang chine-check ang mga pastries. “Tinamad na naman ‘yon. Alam mo naman, anak mayaman.” “For sure! Kung mayaman lang din sana ako, hindi na rin ako papasok ngayon,” sagot ni Clarie sabay tawa. Napailing na lang ako, sabay tawa rin. Sa totoo lang, tama siya. ––– Gabi na nang matapos ang shift. Ang hirap sumakay dahil halos wala nang jeep sa daan. Nakatayo ako sa waiting shed, hawak pa rin ang payong kong basang-basa na. Ayoko talagang mag-tricycle, ang mahal ng pamasahe. Habang nag-aabang, isang itim na Toyota ang biglang huminto sa harap ko. Napatigil ako. Sino kaya ‘to? Baka may ibababa lang… “Ay kabayo ka!” napasigaw ako nang bigla itong bumusina. Unti-unting bumaba ang bintana at bumungad ang mukha ng isang pamilyar na lalaki. Si Lennox. “What are you looking at? Hop in, Elara!” sigaw nito, nilalabas pa ang ulo para lang marinig ko dahil malakas ang ulan. Dali-dali akong sumakay. “Anong ginagawa mo rito, Lennox?” tanong ko, halata sa tono ang pagtataka. “Ang rude mo talaga minsan,” natatawa nitong sagot. “Can you at least give me a hug first bago mo ako bombahin ng tanong?” Umirap ako pero napangiti rin. “Fine.” Yumakap ako sandali. “So… bakit ka nga nandito?” “Well,” ngumiti ito, “I asked tita where you work. Wala naman akong ginagawa at naisip kong sunduin ka. Knowing you, siguradong wala ka nang masasakyan. Ayun, knight in shining armor to the rescue.” winagayway pa nito ang dalawang kilay “Wow, ang sweet mo naman,” sagot ko sabay taas ng kilay. “May kailangan ka sa akin ‘no?” “Grabe ka naman! Hindi ba pwedeng gusto ko lang maging sweet?” kunwari’y nagdamdam ito, hawak pa ang dibdib. “Okay na, drama king. Tara na, gusto ko nang makauwi.” “Copy, ma’am.” ngumisi ito bago minaniobra ang manibela. Tahimik kaming bumyahe habang patuloy ang malakas na ulan. Sa bawat kanto, may naglalakad na tao, may nagtatakbo, may nakasilong. Napaisip ako kung gaano ka-swerte ko pa rin kahit papaano dahil may kaibigan akong tulad ni Lennox na laging nandiyan. “Salamat sa paghatid,” sabi ko nang makarating kami. “Walang anuman.” Kinindatan niya ako. Napailing ako, natatawa. Kung hindi ko lang siya kilala simula pagkabata, baka napagkamalan ko pa siyang manliligaw. Gentleman naman kasi talaga siya. Maraming ngang babae ang nagkakagusto sa kanya. Ako lang siguro ang immune o baka nasanay na lang ako sa presensya niya. Pagpasok ko sa bahay, sinalubong kami ni Mama. “Lennox! Dito ka na mag-dinner.” “Mano po, tita. Gusto ko sana, pero may family dinner po kami. Next time na lang po.” “Gano’n ba? Sige, paki kumusta mo na lang ako kina mareng Lennah at pareng Nox.” “Yes po, I will. Goodnight po, tita. Bye, Elara.” “Bye, Lennox, mag-iingat ka.” Ngumiti ako bago siya tuluyang umalis. Pagkatapos naming mag-dinner, dumiretso ako sa kwarto. Ginawa ko ang nakasanayan kong nightly routine. Nag-half bath para presko bago humiga. Habang nakatitig ako sa kisame, hindi ko maiwasang maalala ang malamig na mga mata ni Rhett Alaric noong nakaraang linggo. Muli kong naramdaman ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Bakit gano’n? Tuwing naiisip ko siya, para bang may bahid ng takot… pero may halong paghanga. Hindi siya ‘yung tipong gentleman o sweet tulad ni Lennox. Masungit, intimidating at misteryoso. Pero may kung anong karisma sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Ang bawat tingin niya ay parang may sinasabi, pero hindi mo mabasa. At sa likod ng malamig niyang anyo, alam kong may tinatago siyang kuwento. Isang lihim na gustong sumigaw, pero pinipiling manahimik. Rhett Alaric… sino ka nga ba talaga? Bakit kahit ayaw kong isipin, palagi ka pa ring dumadalaw sa isip ko?ELARA’S POV:Malakas ang buhos ng ulan paggising ko ngayong umaga. Ramdam ko pa ang lamig ng hangin habang nakatanaw sa bintana. Makapal ang mga ulap at halos maglaho na ang langit sa tindi ng dilim. Panigurado, pahirapan na naman sa biyahe papuntang café.Nag-text pa ang NDRRMC. May paparating daw na bagyo. Kawawa na naman ang unang dadaanan nito. Paulit-ulit na lang… baha rito, baha roon. Hindi mo alam kung likas na sakuna o gawa ng mga kurakot na opisyal. Sa huli, ang mga tao at mga hayop ang kawawa. May masisira na namang mga kabahayan, imprastraktura at kabuhayan ng ilan.“Para po!” sigaw ko sabay kaway sa jeep. Tumigil ito sa tapat ng café kaya agad akong bumaba. Tulad ng dati, kailangan ko pang tumawid dahil nasa kabilang daan ang Elite Café. Sinilip ko muna ang kaliwa’t kanan, ayokong maulit ang kamalasang muntik na akong masagasaan noon.Hawak ang payong, mabilis akong tumawid. Pero kahit may panangga ako, halos walang silbi dahil sa lakas ng hangin. Ang mga patak ng ulan, pa
ELARA'S POV:“Anong nangyari ba’t absent ka kahapon?” tanong ni Clarie habang nililinis ang counter. Kita sa mukha nito ang halong curiosity at concern.“Muntik na akong mabangga ng sasakyan.” mahinang sagot ni Elara, habang pinupunasan ang mesa. “Pero hindi naman ako natamaan. Dinala lang ako sa hospital.” Napabuntong-hininga siya.Biglang napatigil si Clarie. “Hala! Ano’ng sabi mo? Muntik ka nang mabangga? Kumusta ka na ngayon? May sugat ka ba?” sunod-sunod na tanong nito, bakas ang pag-aalala sa mga mata.Ngumiti si Elara, pilit na pinapakalma ang kaibigan. “Okay na ako. Wala naman akong sugat. Medyo nagulat lang talaga ako sa nangyari.”Pero sa loob-loob niya, hindi talaga siya okay. Dahil sa muli nilang pagkikita mula nang araw na ‘yon, mas lalo lang nitong ginulo ang puso at isip niya.“Mabuti naman kung gano’n,” sagot ni Clarie, sabay halukipkip. “Sino nga pala yung muntik nang makabangga sa’yo?”Doon biglang uminit ang pisngi ni Elara. Parang sabay-sabay na naglakbay ang init
ELARA’S POV:Habang abala si Elara sa pagluluto ng kalderetang baka, biglang nag-notif ang cellphone niya. Rest day niya ngayon kaya siya muna ang nagluto para makapagpahinga ang kanyang ina. Pinatay niya ang kalan at kinuha ang phone.Lennox Drevin: Hi best friend! I just want to let you know that I’m going home. Did you miss me?Napangiti siya nang mabasa iyon. “Si Lennox talaga…” bulong niya, saka halos muntik nang mabitawan ang telepono nang bigla itong tumawag ng video call.“Hello! Kumusta ang Canada? Nakabingwit ka na ba ng chix mo?” biro niya agad.“Wow, ganun agad?” drama ni Lennox habang kunwaring hinahawakan ang dibdib niya. “You didn’t even say you missed me too. I’m hurt!”“Eeew, drama mo!” inirapan niya ito. “Kailan flight mo?”“Bukas! Sama ka sa pagsundo?” ngisi nito.“Sayang, may duty ako. Kung wala lang sana…”Saglit na natigilan si Lennox, may lungkot na dumaan sa mga mata bago ngumiti uli. “It’s okay. I’m a big boy now.”“Good. Ingat sa flight mo.”“See you soon!”N
ELARA'S POV:Ilang araw matapos ang unang encounter nila, hindi pa rin mawala sa isip niya si Rhett Alaric. The man who’s been living rent-free in her mind and dreams for years. Hindi man maganda ang naging simula nila, she couldn’t help but admire him. There was something about his presence the way he carried himself, the quiet confidence in his eyes na hindi niya makalimutan.Imposibleng maging sila, alam niya ‘yon. Pero siya na ang naging standard niya pagdating sa ideal guy. Kaya siguro kahit ilang beses pa siyang ligawan ng iba, she always ends up comparing them to him. Wala eh, no one came close.At sa wakas, nalaman na rin niya kung sino ang lalaking matagal na niyang iniisip. Pero mapaglaro nga siguro ang tadhana, dahil kung kailan niya nalaman, saka pa siya nakagawa ng hindi magandang impresyon sa unang pagkikita nila.Narinig niyang humikab si Theo, dahilan para maputol ang paglalakbay ng isip niya. “Nakakaantok naman,” pabulong nitong reklamo.Binalingan niya ito. “Wala nam
RHETT’S POV:He usually lets his secretary make his coffee, but today he decided to step out and grab one himself. Maybe a quick break from work would help ease the stress piling up from deadlines and meetings.The Elite Coffee Shop seemed perfect, cozy, quiet, and not too crowded. Just what he needed to breathe a little.But maybe fate had other plans.Because just a few minutes after he entered, someone accidentally spilled hot coffee on his expensive suit.He looked down, brows furrowing at the brown stain spreading on the lower part of his suit. Then his eyes slowly lifted toward the trembling woman in front of him. He caught a glimpse of her ID, Elara Raenor.Cold eyes. Tight jaw. What a way to start his day!“S-Sorry talaga, sir! Hindi ko sinasadyang mabuhusan kayo ng kape,” the girl stammered, eyes wide and watery, panic clear in her voice.He could already feel other customers glancing their way. He hated attention. He hated wasting time even more. His patience was wearing thi
Elara Raenor had one simple dream, ang makapagtapos ng pag-aaral.Mula pa pagkabata, alam na niya kung gaano kahalaga ang edukasyon. Hindi madali, pero ginawa niya ang lahat para makakuha ng scholarship. Sa dami ng applications, sa countless sleepless nights, at sa mga panahong halos gusto na niyang sumuko, hindi siya tumigil.Panganay siya sa tatlong magkakapatid.At alam mo naman kapag panganay, automatic kang sandigan ng pamilya. Maraming nakaatang na responsibilidad. Minsan nakaka-pressure, pero may kakaibang saya kapag nakakatulong ka.Pero sa likod ng bawat ngiti, may mga gabing gusto niyang magpahinga. Gusto niyang maging bata ulit, kahit sandali lang.Pagkalipas ng ilang taon ng pagsusumikap, nakamit din niya ang matagal niyang pinapangarap.Finally, she graduated from a known university in Pampanga Bachelor of Science in Industrial Technology, Major in Food Service and Management. Ang saya ng pamilya nila noon. Kahit simple lang ang handa, ramdam niya ang labis na pagmamalaki







