2/3 ~ merry christmas again.
Chapter 50: Heartbroken“IS IT YUMMY?”Yves was wearing an apron when he faced the three children who were sitting in their high chairs. Nasa kitchen island ang mga bata at kumakain ng sopas na niluto ni Yves bilang agahan ng mga ito. He filed for a short leave since the company's stable now. Maraming projects ang ongoing at tapos na ni Yves ayusin ang mga iyon. May partnership din ang kompanya niya at ang SGC na dating pinapasukan nila ni Hanni na pag-aari ni Kevin. Ang ina ni Yves ay nasa ibang bansa. She's enjoying her senior life by traveling abroad. Kung saan-saan ito bansa namamasyal at sa kanya na talaga iniwan ang lahat. “This is yummy, Daddy,” masayang sabi ni Yael. Hindi pa rin nagbabago ang tawag sa kanya ni Yael kahit alam na nito ang totoo na magkapatid sila. Hinayaan na iyon ni Yves dahil maging siya rin siguro ay maninibago kung kuya ang itatawag sa kanya nito. Tawag naman ni Yale kay Hanni ay 'Mommy Hanni'. Good thing that Yael didn't get mad at them. Nakakaintindi
SPECIAL CHAPTER #1: Unexpected“YVES! PUMUNTA ka rito! Yves!”Agad na kumilos si Yves at halos madulas pa nga siya sa pagmamadali. Napatingin na lang si Yvette, Yael, at Yohan sa kanya noong kumakaripas siya ng takbo. “Uh-oh, it looks like Mama is mad at Papa again,” ani Yvette na parang wala lang na nagkibit balikat. Bumalik ito sa pag-aayos ng mga libro nitong binabasa. Sumulyap naman si Yael dito na kalaro si Yohan na may hawak na lego set. “What did Daddy do again? Mommy Hanni's voice is too loud, I'm kind of afraid.”Yvette closed the book she was holding and smiled at Yael. “Mama's mad that she couldn't see Papa.”Nagtaka si Yael kung bakit nasabi ni Yvette iyon. Ngunit bago pa ito makapagtanong, tinawag na ni Yohan ang atensyon ni Yael. “Kuya Ya!” ani Yohan na tatlong taon na ngayon. Agad bumaling si Yael kay Yohan na pinapakita na ang nabuong lego set ng isang maliit na building. Yael smiled at Yohan and rubbed Yohan's head. “Very good, Yohan.”Yohan grinned sweetly at Yae
SPECIAL CHAPTER #2: Their ChildrenNAKAILANG buntong hininga si Yves habang buhat ang mga maleta ni Yvette na isasakay na sa sasakyan. They're getting ready to send Yvette to other place. Yvette is going to college again as HQ's rules and regulations. Hindi naman sana aalis si Yvette doon kung iyon lang ang dahilan ngunit dahil bagong myembro na si Yvette ng HQ kasama si Chiles, Catherine, Lavender, at ng iba pang tao na hindi kilala ni Yves. Walang magawa si Yves kundi ang pumayag na umalis sa poder nila ni Hanni ang panganay na anak. Since Yvette is a newbie, mayroong mga tests na kailangang daanan ang mga tulad ni Yvette. Incoming agents need to hide their real identities and live as a commoner. Kinakailangan na masubukan nilang mamuhay nang normal para kung makapasa man sila bilang agent, handa sila sa lahat ng papasuking trabaho. Kung doon pa lang ay babagsak na ang mga newbie, hindi sila nababagay bilang secret agent. “Papa, don't be sad, hmm? I can manage. Anak yata ako ni A
SIDE STORY CHARACTER #1: GideonKUYOM ang kamao ni Gideon habang kaharap si Mahika. Nakikipaghiwalay na ito sa kanya dahil babalik na raw ito sa asawa nito. Iyong asawa ni Mahika na walang ginawa kundi ang lokohin ang babae. Paulit-ulit nag-uuwi ang lalaki na iyon ng iba't-ibang babae habang kasal kay Mahika. Kaya si Mahika, brokenhearted at malungkot, napadpad sa isang exclusive club kung nasaan si Gideon at doon ay nagkakilala ang dalawa. It was supposed to be a no string attached relationship. Inakala ni Mahika na call boy si Gideon at dahil nagkainteres si Gideon sa babae, hindi niya sinabi ang totoo. Whenever Mahika was sad, she would call Gideon and Gideon would try to put a smile on Mahika's face. Hindi namalayan ni Gideon na dahil doon ay mahuhulog ang loob niya sa babae. Yes, he knew it was wrong because she's still married. And to top it all, he's a secret agent. He's supposed to uphold justice. Hindi dapat siya magkamali dahil ang pakikipagrelasyon kay Mahika ay kahit saa
SIDE STORY CHARACTER #2: Hector & HeliosHELIOS was at Prison Island at the moment. Nang mawala na sa landas nila ang RLS at mababang ranggo na lang ng mga myembro nito ang pinaghahanap, hinayaan na ni Helios na ang HQ at FBI ang tumugis sa mga taong iyon. Now, he's slowly managing the people here. Dahil nalaman na rin ng FBI na mayroong ganitong isla at tingin nila ay wala namang nilabag si Helios na batas, hinayaan nila si Helios. Ngunit para manatiling ganoon, from time to time ay may taong ipapadala ang international police para tingnan kung maayos pa ba ang Prison Island. Pumayag naman si Helios dahil wala siyang nilalabag na batas. He didn't kill people. He just imprisoned them and gave them punishment according to the heaviness of their wrongdoings. Helios sighed as he stared at the deep blue sea in front of him. Papagabi na at tahimik ang mga alon, maganda ang panahon ngayon. Naramdaman niyang may tumabi sa kanya at napabaling siya roon. Si Hector ang tumabi sa kanya at nag
SIDE STORY CHARACTER #3: Archer“NO! LOLO, please take that back. Ano ba naman kayo! It's already the twenty first century and you wanted me to have an arranged marriage? Bakit ako? Andyan si Gideon, si Perseus? What about Matt and Chris na kapatid ni Chlyrus? Sa amin naman, there's Bennett, Cash and Dace? Why me, Lolo?!”Halos ibato ni Archer ang hawak na babasaging baso dahil sa inis. Umiinom siya ng tubig sa kusina dahil kagigising niya pa lang noong bigla siyang ituro ng lolo niya na siya ang magiging asawa ng babaeng kasama nito sa Ancestral House. Damn. Dapat pala hindi siya rito sa Ancestral House umuwi at sa condo niya na lang. Edi sana, hindi siya ang naturo ng lolo niya. Pakiramdam niya talaga, napagtripan lang siya ng matandang 'to. “Archer Flint, she's your soulmate I believe. Kahit wala ka pa rito, ikaw pa rin ang mapapangasawa ni Karma. Papupuntahin pa rin kita rito at pakikilala sa kanya.”Kung nakikita lang ang usok na lumalabas sa ilong ni Archer, para na siguro siya
SIDE STORY CHARACTER #4: ZephyrMARAHANG hinahaplos ni Leila ang mukha ng bagong luwal niyang sanggol. Kamukhang-kamukha ito ni Zephyr. Mapait siyang ngumiti at naisip ang asawang iniwan niya. She left because she doesn't feel her importance anymore. Sabagay, napilitan lang naman magpakasal sa kanya ni Zephyr dahil pinilit niya. Kapalit ng kaligtasan nito, he married her. But Zephyr hates her to the core of his being, she knows. Sino bang matutuwa kung ipakasal ka sa taong kinamumuhian mo? Ngunit noong mga panahong iyon, baliw na baliw si Leila kay Zephyr. He's been her dream ever since she learned that Zephyr was the boy who was betrothed to her. Bata pa lang sila, si Zephyr na ang gusto niya dahil ito ang madalas magtanggol sa kanya noong may batang mga inaaway siya. She fights back, yes. But those kids were too many to handle. Ang ending, siya pa rin ang bugbog sarado. Kaya noong naging close sila ni Zephyr dahil madalas itong dalhin ng Papa nito sa bahay nila noong maliliit pa
SIDE STORY CHARACTER #5: Chlyrus“N-NARITO ba talaga siya? Hindi mo ako binibiro? Sa kabila ng pintong 'yan, makikita ko na siya?”Iyon ang tanong ni Ashianna kay Gideon. Gideon coldly looked at her and crossed his arms. “Do you think I like to pull a joke on you, Miss Lopez? Hindi tayo close para gawin ko iyon sa 'yo.”Nasaktan si Ashianna sa uri ng tonong gamit nito sa kanya pero alam niyang deserved niya iyon. Who told her to hurt his dear cousin? Alam ni Ashianna kung gaano ka-close si Chlyrus sa lahat ng pinsan nito. Hindi man si Chlyrus ang pinakamatanda sa magpipinsang Fuentes, kay Chlyrus nakikinig ang mga iyon. Fuentes Boys were a little rowdy and only Chlyrus was the behaved one. She knew that because once upon a time, she was close to these people. Mabait ang turing sa kanya ng pamilya Fuentes pero anong ginawa niya? Nagpabulag sa galit. Nagpaloko sa taong nagpalaki sa kanya… at sinaktan niya ang totoong taong nagmamahal sa kanya. Napayuko si Ashianna sa naisip. Sinulyapan
Tahimik lang ang buhay niya nitong mga nakaraang araw. Matagal na rin mula nang huli siyang makasalamuha sa mundo nila. Sina Daemon, Chastain, Zaldy, malayo na sa kanya. Tahimik na uli ang mundo niya.Pero maliit talaga ang mundo. May mga tao talagang hindi mo maiiwasang makita. Umasa na lang siyang dadaan lang si Sylvia at ipagpapatuloy ang pagrereklamo sa essential oil niya.Pero halatang mas interesado si Sylvia kay Patricia kaysa sa essential oil. Lumapit siya diretso at ngumiti na may halong pagmamataas. “Hindi ko alam na ang galing mo pala nung huling pagkikita natin. Ikaw pala yung dinala ni Daemon para ipakilala sa mga kamag-anak niya…” Saglit siyang tumigil, tapos tinuloy, “Pero anong silbi nun? Hindi ba’t para ka ring basang sisiw ngayon? Ako, legal na fiancée. Ikaw? Anong karapatan mo?”“Oo nga pala, wala ka ngang kwenta.”Napakunot ang noo ni Patricia... pero wala siyang sinabi. Kinuha lang niya ang card mula sa front desk at tumalikod papasok sa loob ng spa.Parang hindi
Chapter 88NAPAKATIGAS ng ulo ni Patricia para maglumuhod. Kanina lang, pinilit pa niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Pero kung hindi siya luluhod ngayon, siguradong hindi siya tatantanan ni Leo at ng barkada niya. Pero kung luluhod siya, mawawala naman talaga ang dignidad niya.Si Amarillo, nakangiting parang nanonood lang ng palabas, may halong yabang pa ang ngiti. Sa isip niya, si Patricia ay isang baguhang babae na hindi pa alam gaano kataas ang langit at kalalim ang lupa. Ang tapang-tapang na lumabas at nagsalita sa ganitong sitwasyon. Ngayon, nasabit na siya, tingnan lang natin paano siya lalabas dito.Pero sa harap ng lahat, kalmadong tumango si Patricia. “Okay lang sakin na magluhod, pero ibabalik sa 'yo ang ginawa mong pagsuntok kay Andrei.”Mas lalo pang naging mapanghamak ang tawa ni Leo. “Ibalik? Ikaw o siya? Sa payat ninyong katawan, kahit sampung suntok pa siguro ang gawin niyo, wala pa ring epekto. At ikaw, babae ka, umuwi ka na lang at maghanap ng lalaking papakasa
Nagulat si Patricia. Kasi karaniwan, pagkatapos ng shoot, kakain lang ito at matutulog agad. Wala na siyang pake sa ibang tao. Kaya nagulat si Patricia na nag-abala pa siyang lumapit.“Ano ‘yon?”Ngumiti si Andrei at nagkibit-balikat. “Wala lang…”Parang duda pa rin ang tingin ni Patricia.“Gusto ko lang magpasalamat sa ‘yo.” Ngumiti pa rin si Andrei. “Tama pala ang naging desisyon ko.”Isang simpleng salita lang ‘yon, pero nanginginig ang kamay ni Patricia habang hawak ang tinidor. Matagal na rin siyang nakakulong sa sarili niyang mundo. Laging nagtatrabaho, pero pakiramdam niya, walang laman ang puso niya. Pero sa sinabi ni Andrei, parang muling nagkaroon ng apoy sa dibdib niya.Tapos ngumiti si Andrei nang mahina. “Punta ka sa bar mamaya. Sasabihin ko na sa 'yo ang sikreto ko.”Hindi pa nakakareact si Patricia, tumayo na siya at umalis. Pero yung ngiting iyon, hindi niya malaman kung anong ibig sabihin.Sikreto?Matagal na siyang curious simula pa nung una niyang hinawakan ang kas
Chapter 87NAGKIBIT BALIKAT si Chastain at kalmado niyang tiningnan si Patricia. “Nagbibiro? Hindi ako nagbibiro.” Pagkatapos ay ngumiti siya ng palihim kay Patrick na nasa likod ni Patricia, “Hello po, Uncle.”Hindi alam ni Patrick kung sino si Chastain o kung dapat ba niya itong katakutan, kaya ngumiti na lang siya at tumango.Dahil sa sobrang kalmado ni Chastain, hindi na alam ni Patricia kung ano ang sasabihin. Sa huli, inilapag na lang niya ang maleta sa sahig at naupo doon. “Sige, gusto kong lumipat at maghanap ng matitirhan. Nasaan ang bahay? Magkano ang renta? Magkano ang bayad sa ahente?”Handang-handa si Chastain. Kinuha niya ang isang makapal na booklet mula sa likuran niya na may iba't ibang impormasyon tungkol sa mga bahay. Tinuro niya ang kotse sa likod niya at sinabi, “Kaunti lang naman gamit niyo, kasya na ‘to sa paglipat. Gusto mo bang ang singil ko ay parang pamasahe lang sa taxi?”Hindi inakala ni Patricia na talagang naghanda siya ng mga listahan ng bahay. Kinuha n
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir
Chapter 86UMALIS si Patricia pagkatapos ng huling eksena ng gabi. Minsan, maganda rin na abala ka. Kapag punong-puno ang isip mo ng mga bagay, wala ka nang oras para magreklamo.Pagkatapos niyang ihatid si Andrei pabalik sa hotel na tinutuluyan nito, balak niyang pumunta sa tinatawag na “bagong bahay” base sa address na binigay ng ama niya.Habang nakatayo siya sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyan, biglang may dumating na pulang sports car at huminto ng maayos mga limang metro lang ang layo mula sa kanya.Pagkatapos, bumaba si Jenny mula sa sasakyan, nagpaalam kay Daemon, at hinalikan ito sa may pinto ng kotse. Malambing ang boses niya habang sinasabi, “Honey, sunduin mo ako bukas ha!”Tumango lang si Daemon, hawak pa rin ang manibela, pero nakatitig lang siya sa unahan. Hindi man lang niya napansin kung kailan pumasok si Jenny sa hotel.Ramdam ni Patricia na sa kanya nakatutok ang matalim na tingin na parang kayang balatan ang balat niya. Galit si Daemon. Kapag galit si
Mayroon siyang maikling buhok, mga mata na maliwanag at inosente, at ngiting sobrang lambot na parang bulak. Isa siya sa mga bihira sa showbiz na parang malinis na tubig.Tatlong taon na siyang artista, pero bukod sa ilang chismis, wala pa siyang kahit anong negative na issue. Maganda ang image niya sa industriya. Galing daw siya sa pamilyang edukado, may maayos na background, may magandang ugali, at simpleng tao lang.Tinapunan ni Patricia ng tingin ang mga karne sa basurahan na inalis niya sa lunchbox, tapos pilit siyang ngumiti. “Nagpapapayat kasi ako.”Nakatingin pa rin sa kanya si Lara, hawak ang sariling lunchbox. “Ako rin nagpapapayat,” sabay labas ng dila.Hindi na naka-imik si Patricia. Sa tangkad ni Lara na halos 1.7 meters at timbang na siguro ay wala pa sa 100 pounds, hindi talaga siya mataba. Meron lang siyang baby fats sa pisngi na nagpapacute pa nga.Pero naisip din ni Patricia, karamihan sa mga babae sa showbiz, kailangan talaga bantayan ang timbang at bawal kumain ng
Naiwan ulit si Chastain... Napangiti siya ng mapait...Ganito na niya binaba ang sarili pero si Patricia parang bato pa rin. Siguro iniisip nito na biro lang ang lahat. Oo nga, baka nagsimula sa biro, pero minsan nagiging totoo ‘yung biro...Kahit nalinis na niya ang daan sa pamilya nila, may mga puwang pa rin sa pagitan ng bagong henerasyon at lumang management at matagal pa bago ‘yon masarado. Pero kahit ganon, ginugol pa rin niya ang oras niya para kay Patricia. Ewan na lang kung hindi siya baliw.Dati, siya pa ang nagsasabing nabulag si Daemon. Ngayon, parang gusto na rin niyang sabihin na bulag din ang mata niya. Pero may mga bagay talaga na kahit anong paliwanag mo, hindi mo kayang i-justify.*Si Andrei, ang bagong proyekto niya sa wakas ay nagsimula na ang shooting. Dumiretso si Patricia doon pagkatapos ayusin ang mga kailangang trabahuhin sa opisina. Simple lang naman, may interview lang sa reporters, tapos may mga linyang kailangang sagutin. Kahit hindi gaanong mahusay si An
Chapter 85“HINDI ko iniisip 'yan.” Walang pakundangan si Patricia na tumanggi. Hindi niya alam kung ano bang iniisip ni Chastain, ginagawa lang ba niyang laro ito o gusto lang nitong inisin si Daemon?Sa totoo lang, pakiramdam ni Patricia kahit random na estranghero pa ang kunin niyang boyfriend, mas kapanipaniwala pa siguro kaysa kay Chastain.Napabuntong-hininga si Chastain at napailing… Kailangan niyang tanggapin na nilalait siya ng isang babaeng hindi naman maganda o espesyal...Ang hirap talaga...Sa huli, bigla si Chastain prumeno, tapos humarap kay Patricia at seryosong nagtanong. “Bakit hindi mo pwedeng isipin man lang? Sabi ko nga, aktingan lang ‘to! Aktingan! Hindi mo ba naisip na ako pa nga ang talo dito? Kahit pa nabulag si Young Mr. Alejandro kaya ka niya nagustuhan, malinaw pa rin ang mata ng mga tao. Hindi ka naman lugi kung ako ang makikita nilang kasama mo.”Hindi makapagsalita si Patricia sa narinig, “Ayoko nga eh. Kahit ano pa sabihin mo.”Nakita ni Chastain na wal