LOGINLiam’s POV“Liam? Anong ginagawa mo dito?”Nanlalaki ang mga mata ni Isabela habang mahigpit pa ring nakakapit ang aking kamay sa kanyang baywang. Nakatingala siya sa akin, at sa distansyang iyon, ramdam ko ang bahagyang paghinga niya, mabilis, aligaga.Nagsalubong ang aking mga kilay.“Hindi ba dapat ako ang magtanong sa’yo niyan?” madiin kong sagot.Sinulyapan ko ang paligid bago muling ibalik ang tingin sa kanya.“Ngayon ko lang nalaman na ganito na pala ang itsura ng mall?” tanong ko, nakataas ang kilay.Kitang-kita ko ang pagkapit ng kaba sa kanya. Napalunok siya, at tila nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Mas lalo kong naramdaman ang bigat, este, ang bigat nilang dalawa ng kaibigan niya na halos nakasandal na sa kanya.“Isa… the world is spinning,” reklamo ng kaibigan niya habang lalo pang isinisiksik ang sarili kay Isabela.“A-ahh… wait, Casey… oh my gosh…” tarantang sambit ni Bela.“I’m falling… I’m falling… Casey, umayos ka!”Napasinghap ako nang bigla siyang mawalan ng
Liam’s POVAndito ako ngayon sa bar ng kaibigan ko. Tinawagan niya ako kanina, kakabalik lang daw niya galing abroad, at tulad ng dati, diretso agad sa imbitasyon.“Ey, you look pissed,” bungad niya sa akin pagdating na pagdating ko pa lang. Hinampas niya ako sa braso. Hindi ko siya sinagot. Kunot ang noo ko habang inaalala ang nangyari kanina sa university.~~ flashback ~~Nagmadali akong pumasok sa campus, halos hindi ko na iniinda ang mga matang sumusunod sa bawat hakbang ko. Isang pangalan lang ang laman ng isip ko, Isabela. Alam kong may last subject pa sila, kaya chineck ko pa ang schedule niya para sigurado. Pero pagdating ko roon, hindi ko siya mahanap.Wala silang pasok. Walang tao sa room kung saan dapat yung klase niya.Tumingin ako sa paligid, pilit hinahanap ang pamilyar na anyo niya. Ngunit imbes na siya ang makita ko, napansin kong ako ang pinagtitinginan ng mga tao. Yung iba pa, halatang kinikilig.“’Di ba siya yung knight in shining armor na nagligtas sa fiancée niya
Isabela’s POVNapahinto ako sa may lobby, parang may pumutol sa hininga ko. Natakpan ko ang aking bibig.Malakas ang tunog ng sampal, isang tunog na umalingawngaw sa loob ng mamahaling hotel, sapat para mapalingon ang ilang tao. Kita ko kung paano napaatras ang lalaki, bahagyang napalingon, gulat ang mga mata.Si Rico.Nakatayo siya roon, suot ang plantsadong polo at slacks, mukhang hindi inaasahan ang eksenang ito. Ngunit mas higit kong nakita ang mukha ni Casey, namumula, nanginginig, at puno ng galit at sakit.“Ano ‘to, Rico?” sigaw ni Casey, nanginginig ang boses kahit pilit niyang pinapatatag ang sarili. “Eto pala ang importanteng pupuntahan mo?”“Casey, listen..” tangka ni Rico, pero hindi niya ito pinatapos.“Listen?” mapait na tawa ni Casey. “Ilang buwan na kitang pinapakinggan, iniintindi ka, tapos ito lang pala?”Lumapit ako ng kaunti, pero nanatili sa gilid. Pakiramdam ko, isa akong saksi sa isang bagay na hindi dapat makita ng kahit sino.“Hindi mo naiintindihan,” mariin
Isabela’s POV“Uy, okay ka lang?” maingat na tanong ni Casey habang magkatabi kaming nakaupo sa bench sa ilalim ng malaking puno. May bahagyang pag-aalala sa boses niya.“Tara, mall tayo. Hindi papasok ang prof natin ngayon, ‘di ba? Sine na lang tayo,” dagdag niya, pilit pinasasaya ang tono.“Akala ko ba may date kayo ngayon ni Rico?” walang siglang tanong ko, hindi man lang siya matingnan nang diretso.Napabuntong-hininga siya. “Wala eh. Ewan ko ba doon. These past few months, lagi na lang siyang busy.” Malungkot ang mukha niya habang pilit ngumingiti. “Hai…”“Tara na, Isa. Sine tayo, o kaya skating, bowling… kahit ano. Ang boring pag umuwi agad,” reklamo niya, parang batang naiinip.Napapikit ako saglit at napabuntong-hininga rin. Ayoko ring umuwi. Sa bahay, mas lalong lalakas ang ingay ng isip ko, lalo na ang tanong kung paano ko haharapin si Liam.“Sige na, Isa,” paulit-ulit niyang niyugyog ang braso ko. “Mall tayo.”“Mall? Sama ako?” biglang singit ni Erwine, may malaki at pilyo
Adriane’s POV“Do this again? What kind of report is this?” “At ito, sa tingin ba ninyo, maayos na marketing strategy ito? Paano ko kayo mapagkakatiwalaang iwan ang kompanya kung simpleng report at proposal ay hindi ninyo magawa?”Kita ko ang gulat sa mga mata ng mga kasamahan ko sa trabaho. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi, nakikinig sa mga bulyaw ni Sir.Nasa conference room kami para sa aming weekly meeting.Kilala ko na si Sir, hindi na bago sa akin ang pagiging istrikto niya. Pero ngayon na lang ulit siya naging ganito ka-bugnot.“Get out! All of you!”
Isabela’s POVPagbaba ko ng kotse ni Liam, mabigat ang bawat hakbang ko papasok ng campus. Parang may nakapatong na bato sa dibdib ko, hindi kita, pero ramdam sa bawat hinga.Sinubukan niya akong kausapin kanina. Paulit-ulit. Pero paisa-isa lang ang sagot ko.Hindi dahil ayokong makipag-usap… kundi dahil baka tuluyan na akong mabasag kapag nagsalita pa ako.Naiinis ako. Nasasaktan. At mas lalong naiinis dahil hindi ko alam kung







