LOGINSa wakas, natapos na rin ang research namin. Halos madaling araw na nang makatulog ako sa sobrang pagod, pero sulit naman dahil pulido ang kinalabasan ng trabaho namin. Paggising ko, maingay na ang kwarto at nakaligo na ang mga kagrupo ko. Andito kami sa mansyon ng classmate kong si Kaila para sa huling pag-aayos ng papel.
“Anong oras na?” tanong k
Selene’s POV"Niloko niyo akong lahat... Ginamit niyo kong lahat..."Ang boses ni Isabela ay parang isang kandilang unti-unting nauubos ang ningas hanggang sa tuluyan itong maglaho. Nakita ko ang pamumutla ng kanyang mukha at ang pagtirik ng kanyang mga mata. Bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay at humalik sa malamig na sahig, mabilis ko siyang nasalo."Isabela! Anak!" sigaw ko. Ang bigat ng katawan niya ay walang-wala sa bigat na nararamdam ko sa dibdib ko nang makita siyang walang malay."Isabela…" nanginginig ang boses na tawag kong muli sa kanya.Nanginginig ang aking kamay na kinuha ko ang phone ko at tumawag sa emergency hotline ng condo unit. Mabilis ang response nila at agad dumating ang isang guard
Liam’s POVNang nailabas ko na ang aking frustration, kinuha ko ang phone ko at tinitigan ang screen hanggang sa magdilim ito. Wala pa ring chat o text si Isabela simula kanina.May takot na humahapdi sa puso ko, paano kung totoo ang sinabi ni Dad? Na gagawin ni Selene ang lahat para mailayo sa akin si Isabela?. Paano kung nagtagumpay ito na mapaniwala si Isabela. Ano ang gagawin ko?Napahawak ako sa aking sentido at minasahe ito..Pero sa kabila ng kaba, may bahagi ng pagkatao ko na pilit kumakapit, alam kong hindi ako basta-basta iiwan ni Isabela. Alam kong hindi maayos ang relasyon nila ng mommy niya, at alam kong mas malalim ang pinagsamahan naming dalawa.
Liam’s POVPagkatapos kong ihatid si Celeste, dumeretso agad ako sa bahay. Mabigat ang bawat hakbang ko, kailangan kong makuha ang lahat ng mga dokumentong kailangang suriin. I need to be busy, to clear my mind.Pero pagbukas ko pa lang ng pinto, tila may bumara na sa lalamunan ko. Nakita ko si Mommy, masayang nakikipag-usap sa telepono.Nang mapansin niya ako, mabilis niyang ibinaba ang phone at lumapit nang may pilit na ngiti."Nahatid mo na ba si Celeste? Is she okay? Tumawag ang tita mo, nagpapasalamat sa pag-alalay mo sa batang iyon." Hinawakan niya ang braso ko."Kawawa naman sila, biglaan ang pagkamatay ng Daddy ni Celeste. Kaya Liam, please, stay with her."
Isabela’s POVNanatili akong nakayuko, hinahayaan ang bawat patak ng luha na bumakat sa aking mga hita. Ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa pagitan namin, isang uri ng katahimikan na tila ba hudyat ng paparating na unos.Ang tanging naririnig ko lang ay ang marahang paglapag ni Mommy ng baso sa marble counter, isang tunog na dati ay balewala, pero ngayon ay tila kulog sa aking pandinig."Alam mo, Isabela, masakit din pala, lalo na kung pinamukha ito sa harap mo," panimula niya. Ang boses niya ay wala nang galit, pero ang pait... ang pait ay gumagapang, nanunuot sa bawat salitang binibitawan niya."Buong buhay mo, ang tingin mo sa akin ay isang babaeng nakadepende lang sa pera ng lalaki. Na kaya ko lang lisanin ang hirap noon dahil
Isabela’s POVTulala akong napatingin sa paligid habang himas-himas ang aking tiyan. Ganito pala talaga iyon. Sa kabila ng takot at kawalang-kasiguraduhan, may tila kislap ng saya sa puso ko simula nang marinig at makita ko ang maliit na buhay na iyon sa ultrasound.Napalingon ako kay Casey nang tawagin niya ako. Ipinatong niya ang kanyang mga siko sa mesa at tumitig sa akin ng seryoso."Isa, look at me," malumanay niyang utos. "Hindi mo kailangang pasanin ang buong mundo. Hindi ka na nag-iisa ngayon. At hinding-hindi ko hahayaang lumaking walang kinabukasan ang inaanak ko."Huminga ako nang malalim. Nagdesisyon na akong mag-share kay Casey, kailangan ko ito para mabawasan ang dalahing nakadagan sa puso ko."Tumawag siya kanina, Casey. Bago tayo pumunta sa clinic," pabulong kong panimula. "Pero... pinatay niya ang video. Ayaw niya akong makita. Nabasa niya ang mga message ko sa kanya kagabi, iyong mga akala ko ay hindi na-send. Nabasa niya lahat, pero wala man lang siyang tinanong k
Casey’s POVHinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Isabela habang naglalakad kami papasok sa consultation room ni Ninang Agnes. Ramdam ko ang panginginig ng mga daliri niya, malamig, parang yelo. Kung hindi ko siguro siya inalalayan, baka bumigay na ang mga tuhod niya sa gitna ng hallway.Pagpasok namin, tumambad sa amin ang amoy ng disinfectant at ang malinis na puting paligid ng clinic. Nakita ko ang agad na pagbabago sa ekspresyon ni Isa. Ang kaba sa mga mata niya ay napalitan ng purong takot."Ninang Agnes," bati ko, pilit na pinatatatag ang boses ko para kay Isa."Oh, Casey! At ikaw siguro si Isabela?" nakangiting bati ni Ninang. "Halika, maupo kayo. Huwag kang kabahan, iha. We’re just going to check how you and the baby are doing."Naupo si Isa sa gilid ng examination table. Mukha siyang bata na nawawala sa gitna ng maraming tao, litong-lito at tila anumang oras ay sasabog sa iyak. Gusto kong sugurin si Liam sa mga oras na ito. Paano niya natitiis na ganito ang kalagayan ng babae







