공유

Whispers of Forbidden Desire
Whispers of Forbidden Desire
작가: Real Silient

Chapter 1

작가: Real Silient
last update 최신 업데이트: 2025-10-27 14:36:49

Isabela POV

“ Fuck Liam, baby more aaahh..” 

“Pak” isang malutong na palo.

Napatigil ako nung napadaan sa kwarto ng mommy ko at ng aking stepfather. 

“ Yes, like that Baby, you are doing great, shit! Ang sarap,.. Yes Baby, malapit na, aahh malapit na ako..” halos tumayo ang balahibo ko sa katawan nung marinig ko ang malakas na ungol ni Mommy. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o magbibingi-bingihan na lang. Pero parang napako ang mga paa ko sa sahig. Ramdam ko ang init ng mukha ko, halong inis, hiya, at pagkabigla.

“ Aaaahh” isang mahabang ungol.

Natakpan ko ang aking tenga, sabay irap at galit na tumingin sa nakasarang pinto.

“Buwisit! Hindi pa nagdidilim kung anu-ano na ang pinaggagawa nila! Wala man lang pakialam sa mga tao sa paligid. Hindi man lang nahiya, ang ingay-ingay pa!” halos pasigaw kong bulalas, nanggagalaiti sa inis.

“Ang landi talaga… ishh!”

Sisipa na sana ako sa pinto ng kwarto nila nang bigla itong bumukas.

Muntik na akong matumba dahil nakataas pa ang isa kong paa.

Nalaglag ang makapal kong salamin, pero bago pa ako tuluyang bumagsak, may dalawang malalaking kamay na mabilis na sumalo sa akin, mahigpit, mainit, at sigurado.

Parang tumigil ang oras.

Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang init ng kanyang palad sa bewang ko.

Pag-angat ng tingin ko, biglang nag-slow motion ang paligid.

Nanlaki ang mata ko. Wala siyang suot na pang-itaas.

Bakat sa tiyan niya ang bawat linya ng anim na pandesal, parang ukit ng Diyos sa bato.

May patak ng pawis na dahan-dahang gumuguhit pababa, at halos makalimutan kong huminga habang sinusundan iyon ng tingin.

Ang dibdib niya… mukhang matigas. Parang kahit sipain mo, masisira ‘yung paa mo, hindi siya.

Pag-angat ng tingin ko sa mukha niya, parang kinain ng lupa ang boses ko.

Ang mga mata niya, malalim, matalim, parang binabasa ang kaluluwa mo.

Hindi mo kayang tumingin nang diretso, pero hindi mo rin kayang umiwas.

Parang may magnet.

Naputol lang ang mahika nang biglang kumunot ang noo niya.

Mabilis ko siyang itinulak, sabay tarantang pinulot ang salamin ko.

Pagkasuot ko, doon ko lang siya nakita nang malinaw.

Hindi lang siya guwapo… he’s the definition of hot.

Parang modelong galing sa magazine cover, pero mas totoo, mas nakakatakot.

Bumukas muli ang pinto. Lumabas si Mommy, naka-bathrobe pa.

Lumapit siya sa lalaki, sabay haplos sa braso nito na parang sanay na sanay.

“Bakit ang aga ng dating mo?” tanong niya, may halong pagtataka pero may lambing din.

“Wala pong pasok, half-day lang po,” sagot ko, pilit pinipigilan ang kabog ng dibdib ko.

Ngumiti si Mommy, ‘yung tipong lambing na may halong kilig.

Sabay tingin ulit sa lalaki.

“Baby, siya nga pala ang anak ko, si Isabela. Isa, batiin mo ang Daddy mo.”

“Daddy ko?” napabulalas ako, sabay ayos ng salamin.

Napatitig ulit ako sa lalaki.

Daddy?

Mukha lang siyang trenta anyos!

Eh si Mommy, thirty-nine na pero mukhang mas bata. Alagang-alaga kasi ang katawan niya. 

“Siya po ang asawa ninyo?” halos pabulong kong tanong, sabay turo sa lalaki.

“Uhm, why?” taas-kilay ni Mommy, halatang nagdududa.

“Eheheh… akala ko po kasi… wala po, hehehe,” sagot ko habang kinakamot ang ulo, sabay pilit na ngiti.

“O siya, pumunta ka na sa kwarto mo, magpalit ka na” pagtataboy ni Mommy.

“Sige po… magandang hapon po, da-daddy…” halos pabulong kong sabi, pilit ang ngiti.

Mabilis akong naglakad palayo, pero bago ako pumasok sa kwarto, hindi ko napigilang lumingon.

Nagtagpo ulit ang mga mata namin.

Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

Pagkasara ko ng pinto, napasandal ako rito, sabay hawak sa dibdib.

“What was that? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?” bulong ko, halos hindi makapaniwala.

Naglakad ako papunta sa kama, kinakagat ang kuko ng daliri.

“Sabi ni Lola, matanda na raw ang asawa ni Mommy, mga sixty to seventy years old na. Pero yung nakita ko kanina… Diyos ko, parang trenta lang! Hindi kaya… lumalala na talaga ‘yung grado ng mata ko?”

Napaupo ako, pero imbes na kumalma, bumalik sa isip ko ‘yung paraan ng pagkakatitig niya.

Yung tingin na parang may ibig sabihin.

Kinabahan ako.

“Mukhang mali ata na pumayag akong tumira dito kasama ni Mommy,” bulong ko.

“Kailangan kong umalis. Hindi pwede ‘to. Nakakatakot ang asawa ni Mommy.”

Huminga ako nang malalim, pilit pinatatag ang sarili.

“Kailangan kong bumalik kay Lola. Kailangan niya ako.”

At doon, isang desisyon ang pumasok sa isip ko.

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko. Isang linggo pa lang ako rito, pero parang ang tagal na.

Nang dumating ako, wala pa ang asawa ni Mommy. Kaya gano’n na lang ang gulat ko kanina.

Natigilan ako nang marinig ang katok at boses ni Mommy.

“Isa, kumain ka na sa baba. Aalis kami ng Daddy mo.”

“Opo!” sigaw ko, sabay hablot sa bag.

“Huh! Akala ko kung ano na…” bulong ko, mabilis na inilagay lahat ng gamit sa backpack.

Sumilip ako sa bintana, nakita ko silang palabas ng gate sakay ng kotse.

Buti na lang abala ang mga kasambahay. Hindi nila napansin ang paglabas ko.

Nakahinga ako nang maluwag. Pero agad ding nainis nang makita kong ang layo pala ng sakayan mula sa gate ng mansion.

Ilang kilometro rin ang lalakarin bago makasakay ng jeep.

Lumingon ako sa malaking mansyon sa likuran ko.

Huminga ako nang malalim.

“Huh… Ajah!”

Inayos ko ang backpack sa aking balikat at nagsimulang maglakad palayo sa mansyon…

.. desidido, pero may halong kaba sa dibdib.

이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 100

    Adriane’s POV“Do this again? What kind of report is this?” “At ito, sa tingin ba ninyo, maayos na marketing strategy ito? Paano ko kayo mapagkakatiwalaang iwan ang kompanya kung simpleng report at proposal ay hindi ninyo magawa?”Kita ko ang gulat sa mga mata ng mga kasamahan ko sa trabaho. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi, nakikinig sa mga bulyaw ni Sir.Nasa conference room kami para sa aming weekly meeting.Kilala ko na si Sir, hindi na bago sa akin ang pagiging istrikto niya. Pero ngayon na lang ulit siya naging ganito ka-bugnot.“Get out! All of you!”

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 99

    Isabela’s POVPagbaba ko ng kotse ni Liam, mabigat ang bawat hakbang ko papasok ng campus. Parang may nakapatong na bato sa dibdib ko, hindi kita, pero ramdam sa bawat hinga.Sinubukan niya akong kausapin kanina. Paulit-ulit. Pero paisa-isa lang ang sagot ko.Hindi dahil ayokong makipag-usap… kundi dahil baka tuluyan na akong mabasag kapag nagsalita pa ako.Naiinis ako. Nasasaktan. At mas lalong naiinis dahil hindi ko alam kung

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 98

    Isabela’s POVMabilis akong umakyat sa kwarto ko, halos hindi na humihinga. Pagkasara ko ng pinto, doon na ako tuluyang bumigay.Napasandal ako sa kahoy, at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, sunod-sunod nang tumulo ang luha ko. Tahimik sa una, pilit kong nilulunok ang hikbi, pero kalaunan, hindi ko na napigilan.Tumakbo ako palayo dahil ayokong makita ni Liam na umiiyak ako. Ayokong makita niya kung gaano ako kahina.Ni hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak.Alam kong wala akong karapatan.

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 97

    Liam’s POVTahimik ang loob ng kotse matapos kong ihatid si Celeste sa ospital. Halos hindi ako makaalis dahil iyak siya ng iyak sa sobrang takot. Hanggang sa dumating ang mommy niya, napakalma siya at nakatulog. Tsaka lang ako nakapagpaalam para umalis. Ni hindi ko namalayan ang oras. I was about to call or chat with Isabela, pero dead ang phone ko.“Shit!”“Kumusta na kaya si Isabela? Nasa bahay na kaya siya?” hindi mapakaling tanong ko sa isip.Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko ang mukh

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 96

    Isabela’s POV“Ring… ring… ring…”Nagtinginan kami sa loob ng klase nang biglang umalingawngaw ang alarm. Ilang segundo muna kaming natigilan, sinusukat kung false alarm lang ba iyon o isa na namang fire drill. Walang kahit sino sa amin ang agad kumilos.Nasa computer lab kami noon, abala sa tinatapos na accounting sheet. Wala ang teacher namin, lumabas sandali, kaya lalo kaming nag-atubili. Sanay na kami sa mga drill, kaya kahit malakas ang alarma, walang nagmadaling tumayo.Hanggang sa biglang bumukas ang pinto.“Sunog! Bilisan niyo, lisanin ang room! May nasusunog sa kabilang lab!” sigaw ng teacher namin.Biglang sumikip ang di

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 95

    Liam’s POV“You’re awake?” inaantok na tanong ni Isabela, halos pabulong, boses na bagong gising. “Matulog ka pa. Maaga pa,” sagot ko nang may maliit na ngiti.Ramdam ko ang init ng hininga niya sa dibdib ko nang unti-unti siyang muling nagsiksik sa akin at nakatulog. I closed my eyes, letting myself drift again with the warm of Isabela’s body.…Magaan ang buong linggo ko, kahit punô ng trabaho. May kakaibang saya sa bawat araw, siguro dahil mas ma

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status