เข้าสู่ระบบ“Handa na ba ang lahat?” tanong ko kay Jared habang inaayos ang aking mga gamit sa loob ng private plane.
“Opo, Sir. Naayos na ang setup sa playroom bago pa sila makarating,” sagot niya nang may tipid na ngiti.
“Good.”
Isabela’s POVNang marinig ko ang pagsara ng pinto ni Lorenzo, tila doon lang muling nagkaroon ng puwang ang hangin sa aking mga baga. Napahawak ako sa gilid ng mesa, nanginginig ang mga daliri. Ang bawat salitang binitawan ko sa kanya, yung pagmamatigas ko, yung pagpilit na "tactical move" lang ang lahat, ay tila naiwan sa hangin, paulit-ulit na umaalingawngaw sa paligid ko.Bakit ba kailangang maging ganito kahirap? Pagod na pagod na ako. Hindi lang dahil sa pagbuo ng gown, kundi dahil sa nakakapanghinang pagod ng pagtatago sa likod ng isang maskara.Pagod na akong magpanggap na wala akong nararamdaman, na hindi ako apektado sa mga pinapakita ni Liam. Gayong ang totoo, unti-unti na naman akong nalulunod.Dahan-dahan akong lumabas ng wor
Liam’s POVNakasandal ako sa gilid ng kotse, hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi habang pinapanood si Maeva sa loob ng isang maliit na shop sa tapat. Kanina pa siya abala sa pagpili ng mga ribbon, at bawat kulay na makita niya ay tila isang malaking diskubre para sa kanya.She really is her mother’s daughter, sa loob-loob ko. Mula sa paraan ng paghawak niya sa tela hanggang sa matalas niyang mata sa detalye, kitang-kita ang bakas ni Isabela sa kanya.Ang hilig niya sa fashion ay hindi lang basta laro, ito ay nasa dugo niya.“Daddy! This one, this one... and this one too!” masayang sigaw niya habang itinuturo ang iba’t ibang shade ng silk ribbons, mula sa pastel p
Isabela’s POVNaging bingi ako sa mundo sa loob ng ilang araw. Ang tanging nagpapatakbo sa sistema ko ay ang ritmong nililikha ng aking makina at ang marangyang haplos ng French silk na bigay ni Liam.Maingat ang bawat gupit ko, tila ba kapag nagkamali ako ng isang milimetro ay masisira ang buong pagkakataong ito.Ang disenyong ginagawa ko ngayon... ito ang pinaganda at pinatingkad na bersyon ng unang sketch na itinago ni Liam sa frame anim na taon na ang nakalipas.Binubuhay ko ang nakaraan gamit ang talas ng kasalukuyan."Beautiful," isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan.Hindi ko siya nilingon. Nanatili ang mga mata ko
Isabela’s POVNapatigagal ako sa kinatatayuan ko habang hawak ang baso ng tubig. Hindi ko inaasahan na sa oras na ito siya darating. Ang akala ko ay bukas pa ang uwi niya, o baka sa susunod na araw pa. Pero heto siya—mukhang pagod, gusot ang suit, pero ang mga mata niya ay tila nagliliyab sa tuwa nang makita si Maeva."Daddy!!!! You're back!"Pinanood ko ang mabilis na pagbabago ng aura ni Liam.Ang "Ruthless Billionaire" na kilala ng mundo ay tila natunaw sa isang iglap nang yakapin niya ang anak namin. Nakita ko ang higpit ng pikit ng kanyang mga mata, tila doon lang siya nakahinga nang maluwag pagkatapos ng ilang araw sa Paris.Hindi ko alam kung bakit, pero ang tila batong harang
Liam’s POV“Handa na ba ang lahat?” tanong ko kay Jared habang inaayos ang aking mga gamit sa loob ng private plane.“Opo, Sir. Naayos na ang setup sa playroom bago pa sila makarating,” sagot niya nang may tipid na ngiti.“Good.”Ilang minuto na lang at lilipad na ako pabalik ng Milan. Hindi ko ipinaalam na ngayon ang uwi ko, gusto kong sorpresahin si Maeva, at kung papalarin... gusto kong makita ang reaksyon ni Isabela sa iniwan kong sorpresa.Sa loob ng apat na araw na wala ako, bawat gabi ay pinupuno ng kaba ang dibdib ko. Alam ko na hindi sila tumitigil sa mansyon habang wala ako, at aaminin ko, may matinding kirot na dulot ang katotohanang iyon. Para akon
Isabela’s POVApat na araw na ang nakalipas simula nang umalis si Liam para sa kanyang business trip sa Paris. Sa loob ng apat na araw na iyon, ang tanging tulay na nag-uugnay sa aming dalawa ay si Maeva.Naging maingat si Liam, bawat tawag niya ay seryoso, direkta, at walang bahid ng pangungulit. Walang "Mhine," walang matatamis na salita, at walang pagtatangkang kontrolin ako.Mukhang naging epektibo ang pananakot ko sa kanya sa parking lot. Pero bakit ganoon? Sa tuwing ibinababa ko ang telepono matapos niyang makausap ang anak namin, may bahagi ng puso ko na tila hungkak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.Sinasabi ko sa utak ko na hindi na ako muling magpapaloko, pero ang katahimikan niya ay tila mas maingay pa sa mga sigaw ni







