LOGINLiam’s POVMilan. Ang lungsod na dapat ay simbolo ng sining at ganda, pero para sa akin, isa lang itong malamig na paalala ng panahong nasayang sa aming dalawa ng anak ko.Seryoso akong nakatingin sa labas ng bintana ng restaurant. Ang repleksyon ko sa salamin ay tila isang estranghero, matigas ang anyo, nanlilisik ang mga mata, at punong-puno ng awrang kayang magpalamig sa kahit anong mainit na usapan.Ang bawat tao sa paligid ay nagpapakasaya sa kanilang espresso, pero ako, heto, binibilang ang bawat segundo ng pagtataksil ng oras.Ngayon ang araw na itinakda ko. Isang pagkakataon. Isang huling babala."Darating siya, Liam. Magtiwala ka," bulong ng isang bahagi ng isip ko, pero agad itong nilunod ng reyalidad.
Isabela’s POVNanatili akong nakatayo sa tapat ng pinto kahit matagal na itong naisara ni Celeste. Ang huling sinabi niya ay tila isang sumpa na paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking pandinig.“Minahal ka ng totoo ni Liam.”Napahawak ako sa aking dibdib. Masakit. Akala ko ay manhid na ako, akala ko ay wala na akong pakialam sa lalaking iyon.Pero bakit parang binibiyak ang puso ko ngayon? Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga mata.Hindi. Hindi ko pwedeng hayaang masira ang pader na itinayo ko sa loob ng anim na taon. Galit ako sa kanya. Dapat galit ako sa kanya.Kung totoong mahal niya ako, bakit hind
Celeste’s POVPara akong binuhusan ng nagyeyelong tubig habang nakatitig sa batang nakayakap sa binti ni Isabela. Ang maliliit na mata ng bata, ang kurba ng kanyang labi... My God. Hindi ako pwedeng magkamali. Parang nakikita ko ang batang bersyon ni Liam sa harap ko."May anak ka?" halos pabulong kong tanong, ang boses ko ay nanginginig sa matinding gulat. "May anak kayo ni Liam?"Hindi ako pinansin ni Isabela. Nanatili siyang kalmado, masyadong kalmado para sa isang babaeng biglang hinarap ng multo ng nakaraan. Humawak siya sa magkabilang balikat ng bata at ngumiti nang malambing."The Barbie is on my office table, you left it there yesterday," malambing na sagot ni Isabela sa bata.Habang pinapanood ko silang dalawa, tila may malaking bato na dumagan sa dibdib ko. Anim na taon. Ibig sabihin, bago pa umalis si Isabela, bago pa mangyari ang lahat, may bunga na ang pagmamahalan nila.Bigla kong naisip si Liam. Isang matinding awa ang humaplos sa puso ko, isang pakiramdam na hindi ko
Isabela’s POVPagkababa ng telepono, isang chat message ang pumasok. Galing ito kay Miguel. Binasa ko ang pangalan ng kanyang fiancée.Fiancée: Celeste Ortega.“Celeste Ortega...” bulong ko. Ang bawat titik ng pangalang iyon ay tila lason sa aking dila. Biglang pumasok sa isip ko ang isang Celeste na kilala ko. Hindi ko maalala ang apelyido niya noon, pero hindi naman siguro sila iisang tao.Bigla akong tumayo mula sa kama ni Maeva at bumalik sa aking kwarto. Nilapag ko ang aking cellphone sa table malapit sa kama at tinapos ang aking night routine. Nang maghanda na ako sa pagtulog, kinuha kong muli ang aking phone para tingnan kung may bago pang update.Ngunit., biglang huminto ang tibok ng puso ko. Nanlamig ang mga daliri ko at tila nawalan ng hangin ang buong silid. Dahil sa kasunod na chat message ni Miguel, isang picture niya kasama ang isang babae.Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang ito. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit s
Isabela’s POVFlashback (6 Years Ago)Noon ko unang naramdaman ang tunay at nakabibinging pangungulila. Iyon ang mga araw na mag-isa akong naglalakad patungo sa ospital para sa aking prenatal check-up. Habang ang ibang mga buntis doon ay inaalalayan ng kanilang mga asawa, hinahaplos ang kanilang mga tiyan at masayang pinag-uusapan ang pangalan ng sanggol, ako ay nakaupo lang sa isang sulok, mag-isa, yakap ang sariling bag, at pilit na nilulunok ang bara sa aking lalamunan.Dahil abala si Mommy sa pagtatrabaho para may makain kami sa Paris, wala akong choice kundi harapin ang lahat nang mag-isa.Naaalala ko ang isang gabi, nakatayo ako sa harap ng salamin habang hinihimas ang bahagya nang lumalaking tiyan ko. Umiyak ako nang gabing iyon, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa isang klase ng galit na humahati sa puso ko.Galit ako dahil sa kabila ng sakit na nakita ko sa mansyon, ang eksena nila ni Celeste na magkatabi sa kama, may bahagi pa rin ng tanga kong puso na umaasang sana... san
Isabela’s POVGabi na nang makauwi ako galing sa opisina, pero ang pagod ko ay hindi lang pisikal, ito ay abot hanggang kaluluwa. Anim na araw. Anim na araw na ang nakalipas mula nang maganap ang paghaharap namin ni Liam sa ospital, ngunit hanggang ngayon, nakakabinging katahimikan ang namamayani mula sa panig ni Liam.Wala akong natanggap na tawag. Walang subpoena. Walang galit na lalakeng sumusugod sa pintuan ko.Sa halip na gumaan ang loob ko, tila mas lalo akong nilalamon ng anxiety. Bawat busina ng sasakyan sa labas ng bahay ay nagpapatalon sa puso ko. Bawat hindi kilalang numero na tumatawag sa cellphone ko ay nagpapadama sa akin ng matinding kaba. Natatakot ako na baka sa isang iglap, may mga pulis na sa harap ko para kunin si Maeva. Natatakot ako na baka ang katahimikang ito ay ang kalmado bago ang isang napakalakas na bagyo.Ngunit kasabay ng takot ay ang isang tanong na unti-unting dumudurog sa akin.. Matutuwa ba ako o dapat akong manghinayang?Dahil sa bawat oras na lumi







