LOGINIsabela’s POV
“Wala kang pasok ngayon, ‘di ba?” tanong ni Mommy habang tahimik kaming kumakain ng breakfast. Ang tono niya ay kalmado.
“Wala po,” simple kong sagot, sabay tingin sa tasa ng kape ko. Pailalim kong sinulyapan ang stepfather ko na tahimik lang na kumakain sa kanan ko. Mukhang hindi niya ako sinumbong kay Mommy kagabi, at kahit papaano, gumaan nang kaunti ang dibdib ko.
“Pagkatapos mong kumain, maghanda ka. Dadalhin kita sa mall,” ani Mommy habang inaabot ang tinapay.
“Tingnan mo ‘yang salamin mo, basag na basag. Hindi ka ba naduduling diyan?”Napahawak ako sa aking salamin. Naalala ko agad ang nangyari kagabi at marahang inayos ito, pilit itinatago ang kaba sa dibdib ko. Pasimple akong tumingin sa stepfather ko, at nanigas ako nang magtama ang aming mga mata. Tahimik siyang nakatingin, parang binabasa ang isip ko. Mabilis kong iniwas ang tingin.
“Baby, anong oras ka uuwi mamaya?” tanong ni Mommy, ngayon ay may sobrang lambing sa boses. Para siyang naging pusa, malambing, pa-cute, at halos humihimas sa sarili habang kausap si… baby.
“Tsk,” bulong ko sabay irap. Pero sa malas, napansin ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi ng stepfather ko. Nakita niya ako. Wait… did he just smile? tanong ko sa isip ko, napapitlag sa kakaibang titig niya. Paglingon ko muli, seryoso na siyang nakatingin kay Mommy, parang walang nangyari.
“Baka late na akong makauwi. Marami pa kaming aayusin ni Adrian,” sabi niya sa kalmadong tinig.
“Aww, I’m gonna miss you, baby,” malambing na sagot ni Mommy, sabay dampi ng kamay niya sa braso nito.
Hindi ko napigilang mapailing. Ish… Ngunit parang wala siyang pakialam, tuloy lang siya sa paglalambing, na para bang wala ako roon.
….
Wala akong nagawa kundi sumama kay Mommy sa mall, kahit ayokong-ayoko. Confident na naglalakad siya sa unahan, parang runway model ang dating, taas-baba ang balikat, nakaayos ang buhok, at panay tingin sa mga display window. Hinahabol siya ng tingin ng ibang lalake sa mall.
Ako naman, walang ganang nakasunod lang sa kanya. Tila ang bigat ng mga paa.
Mas matangkad ako sa kanya, ako’y 5’5”, siya naman ay 5’2”. Sa edad kong dalawampu, masasabi kong hinog na hinog na ang katawan ko, marahil dahil ang tunay kong ama ay isang foreigner. Pero kahit may lahi ako, pakiramdam ko, isa lang akong anino sa tabi ni Mommy.
“Here, halika,” sabi niya bigla sabay hila sa kamay ko papasok sa isang optical store.
“Good morning,” bati ng saleslady sa amin.
“Patingin naman ng mata ng kapatid ko. Gusto kong palitan ang makapal niyang salamin ng contact lenses.”Nanlaki ang mga mata ko. Hindi dahil sa gusto niyang palitan ang salamin ko, kundi dahil sa sinabi niya. Kapatid?
Parang may kumurot sa dibdib ko.
“Tsk… mukhang ikinakahiya niya talaga ako,” bulong ko sa sarili habang pinipilit itago ang sakit sa ngiti.“Wow, ma’am! Ang ganda niyo po pala pag walang salamin,” sabi ng tinderang nag-assist sa akin paglabas namin ng store. Isang nahihiyang ngiti lang ang itinugon ko.
“Of course! Kanino pa ba ‘yan magmamana kung hindi sa akin?” sagot ni Mommy, proud na proud habang suot ang bagong biling sunglasses.
Napailing na lang ako.
“Thank you. Here’s your tip,” sabi ni Mommy, sabay hila sa akin palabas ng store.“Next stop…” nakangiti niyang sabi, sabay hatak sa akin papunta sa isang boutique store.
“Bukas na tayo magpapaayos ng buhok mo. Ngayon, shopping muna, dahil kukulangin tayo sa oras.”“Hindi na po kailangan,” tanggi ko.
“No, I insist. Tignan mo ang itsura mo, para kang dalagang iniwan na ng panahon! Panahon pa ni Nanay ang style ng pananamit mo, at ang buhok mo? Konting-konti na lang, pwede nang tirhan ng mga ibon!” exaggerated na sabi niya. Napailing na lang ako.
“May boyfriend ka na ba?” bigla niyang tanong.
“Ho? Wala ho,” mabilis kong sagot.
“Ha? Bakit wala?” nagtataka niyang tanong sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa, kamay sa baywang. Binaba pa talaga niya ang kanyang sunglasses para titigan ako, tsaka umiling.
“Hmmm, di nakapagtataka nga na walang magkagusto sa’yo,” sabi niya, sabay hila sa akin.
“Halika dito. Simula ngayon, magbabago na ‘yan. Expect guys lining up for you,” sabay kislap ng kanyang mga mata.Bumagsak ang balikat ko imbes na matuwa. Napapagod na ako, ayoko nang maglakad-lakad pa sa mall. Nakakapagod.
Hingal na hingal ako habang bitbit ang sandamakmak na paper bags. Ang daming pinamili ni Mommy para sa akin. Naglalakad na kami ngayon papunta sa kotse niya.
“Put them in the trunk,” utos niya. Nilagay ko ang mga bag sa trunk at ang iba ay sa loob ng kotse.
Pagkatapos, parang lantang gulay akong pumasok sa loob.
“Simula ngayon, ayokong makita kang suot-suot ang mga dati mong damit, lalo na kung papasok ka sa school,” sabi niya habang nagda-drive pauwi ng mansyon.
“Pero ho, nakakahiya naman po sa asawa ninyo. Ang dami niyo pong binili para sa akin. Di po ba sobra-sobra na ‘yon?” tanong ko.
Tumingin siya sa akin, sabay tawa.
“Akala mo ba pera ni Liam ang ginamit ko para sa’yo? Tsk! Of course not. I have my own money. He can spend his money on me. But your expenses? Those are mine to mind,” sabay ngiti niya sa akin nang makahulugan.Tinitigan ko siya nang maigi.
Growing up, galit ang nasa puso ko para sa aking ina dahil sa pag-iwan niya sa akin. Pero sabi ni Lola, mahal daw niya ako kaya siya nagtatrabaho para sa amin. Ayokong maniwala, dahil kahit kailan, hindi ko naramdaman ang pagmamahal na sinasabi ni Lola.Adriane’s POV“Do this again? What kind of report is this?” “At ito, sa tingin ba ninyo, maayos na marketing strategy ito? Paano ko kayo mapagkakatiwalaang iwan ang kompanya kung simpleng report at proposal ay hindi ninyo magawa?”Kita ko ang gulat sa mga mata ng mga kasamahan ko sa trabaho. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi, nakikinig sa mga bulyaw ni Sir.Nasa conference room kami para sa aming weekly meeting.Kilala ko na si Sir, hindi na bago sa akin ang pagiging istrikto niya. Pero ngayon na lang ulit siya naging ganito ka-bugnot.“Get out! All of you!”
Isabela’s POVPagbaba ko ng kotse ni Liam, mabigat ang bawat hakbang ko papasok ng campus. Parang may nakapatong na bato sa dibdib ko, hindi kita, pero ramdam sa bawat hinga.Sinubukan niya akong kausapin kanina. Paulit-ulit. Pero paisa-isa lang ang sagot ko.Hindi dahil ayokong makipag-usap… kundi dahil baka tuluyan na akong mabasag kapag nagsalita pa ako.Naiinis ako. Nasasaktan. At mas lalong naiinis dahil hindi ko alam kung
Isabela’s POVMabilis akong umakyat sa kwarto ko, halos hindi na humihinga. Pagkasara ko ng pinto, doon na ako tuluyang bumigay.Napasandal ako sa kahoy, at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, sunod-sunod nang tumulo ang luha ko. Tahimik sa una, pilit kong nilulunok ang hikbi, pero kalaunan, hindi ko na napigilan.Tumakbo ako palayo dahil ayokong makita ni Liam na umiiyak ako. Ayokong makita niya kung gaano ako kahina.Ni hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak.Alam kong wala akong karapatan.
Liam’s POVTahimik ang loob ng kotse matapos kong ihatid si Celeste sa ospital. Halos hindi ako makaalis dahil iyak siya ng iyak sa sobrang takot. Hanggang sa dumating ang mommy niya, napakalma siya at nakatulog. Tsaka lang ako nakapagpaalam para umalis. Ni hindi ko namalayan ang oras. I was about to call or chat with Isabela, pero dead ang phone ko.“Shit!”“Kumusta na kaya si Isabela? Nasa bahay na kaya siya?” hindi mapakaling tanong ko sa isip.Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko ang mukh
Isabela’s POV“Ring… ring… ring…”Nagtinginan kami sa loob ng klase nang biglang umalingawngaw ang alarm. Ilang segundo muna kaming natigilan, sinusukat kung false alarm lang ba iyon o isa na namang fire drill. Walang kahit sino sa amin ang agad kumilos.Nasa computer lab kami noon, abala sa tinatapos na accounting sheet. Wala ang teacher namin, lumabas sandali, kaya lalo kaming nag-atubili. Sanay na kami sa mga drill, kaya kahit malakas ang alarma, walang nagmadaling tumayo.Hanggang sa biglang bumukas ang pinto.“Sunog! Bilisan niyo, lisanin ang room! May nasusunog sa kabilang lab!” sigaw ng teacher namin.Biglang sumikip ang di
Liam’s POV“You’re awake?” inaantok na tanong ni Isabela, halos pabulong, boses na bagong gising. “Matulog ka pa. Maaga pa,” sagot ko nang may maliit na ngiti.Ramdam ko ang init ng hininga niya sa dibdib ko nang unti-unti siyang muling nagsiksik sa akin at nakatulog. I closed my eyes, letting myself drift again with the warm of Isabela’s body.…Magaan ang buong linggo ko, kahit punô ng trabaho. May kakaibang saya sa bawat araw, siguro dahil mas ma







