Mag-log inIsabela’s POV
Tinitigan ko siya nang maigi.
Habang nagsasalita si Mommy, parang may pader sa pagitan namin, makintab, maganda sa labas, pero sobrang lamig sa loob. Lumunok ako, pinipigilang magtanong ng mga bagay na matagal ko nang gustong itanong.Akala ko ba iniwan mo ako kasi kailangan mo magtrabaho para sa amin?
Ngayon ko napagtanto na mas mahal mo ang buhay na meron ka kaysa sa anak mong naiwan?. Ngunit di ko iyon mabulalas.Nilingon ko siya muli. Nakangiti pa rin siya, parang walang mabigat na bagay sa mundo. Ang mga daliri niya ay may suot na mamahaling singsing, kumikislap tuwing tatama ang liwanag mula sa windshield.
Naalala ko tuloy ang mga gabing mag-isa ako sa bahay ni Lola, ang mga panahong tinititigan ko ang lumang litrato ni Mommy habang tinatanong ang sarili kung naaalala pa ba niya ako. Bakit di pa rin siya dumadalaw.
Hanggang tumatagal, parang unti-unti nawala na rin ang pag-asam kong makita siya.“Anak, okay ka lang?” tanong niya bigla nang mapansin niyang tahimik ako.
Ngumiti ako, pilit.“Opo.”
Pero sa loob-loob ko, gusto kong isigaw, Hindi ako okay, Ma. Hindi mo ako kilala. Hindi mo nga kayang ipagmalaki na anak mo ako.
Bumaling ako sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw sa daan na mabilis na dumadaan sa salamin. Para silang mga alaala, dumadaan, kumikislap sandali, tapos nawawala rin. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kame sa mansyon dahil sa lalim ng aking iniisip.
Pagkapasok namin sa mansyon, ramdam ko agad ang malamig na simoy ng aircon na bumungad sa akin, pero mas malamig ang presensyang naroon.
Si Liam, nakatayo sa may foyer. Ang mga kamay niya ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon, ang postura niya ay tuwid, mahinahon, pero may kakaibang bigat sa paligid kapag nandiyan siya.“Baby! You are home. Akala ko mamaya ka pa uuwi” malambing at excited na bati ni Mommy dito, sabay lapit at halik sa pisngi nito.
Liam barely moved. Tumango lang siya, saka marahang tumingin sa akin.“ Maaga natapos ang trabaho namin ni Adrian kaya nakauwi ako agad.” sagot niya pero ang mata ay nasa akin.
Napahigpit ako ng hawak sa paper bag na bitbit ko. Hindi ko maipaliwanag, pero bawat sulyap niya ay parang nakakabasa ng mga lihim na pilit kong itinatago. Yung titig niya, hindi bastos, hindi rin malambing. Pero may kung anong lalim.
“Magandang gabi po. “ awkward na bati ko. Halos di lumabas sa bibig ko. Hindi nakaligtas sa mata ko ang malapad na balikat niya. At dahil nakabukas pa ang unang dalawang butones ng polo niya, kita ko ang guhit ng leeg niya at ang dibdib na kay tigas at tila sarap haplusin.
Natigilan ako sa aking iniisip at ipinilig ang aking ulo.
“ Akyat na po ako” sabi ko agad, halos hindi na naghihintay ng sagot.
Pero bago ako makalakad, natigilan ako nung marinig ko ang boses ni mommy.“Liam baby, tulungan mo naman ako na dalhin ito sa kwarto ni Isabela, pleaseeee… ” utos ni Mommy habang tinatanggal ang suot niyang heels.
“Napagod ako sa buong araw na kakaikot namin ni Isa.” dagdag nito. Hinimas himas pa niya ang braso ni Liam at dinikit pa ang dibdib niya dito.
Umasim ang mukha ko ang kinabahan. Ayokong pumasok siya sa aking kwarto. Hindi ko alam, ngunit naiilang ako.“H–hindi na po kailangan, Mommy! Kaya ko na.. Akin na po lahat ng yan” mabilis kong tanggi, pero huli na.
Bago ko pa mapigilan, mabilis niyang kinuha ang dala dala ni mommy at naglakad na siya papunta sa hagdan. Napilitan akong sumunod.
Habang paakyat kami, tahimik lang. Tanging tunog ng hakbang at mahinang paglangitngit ng kahoy sa ilalim ng paa namin ang maririnig.
Pero sa bawat hakbang, parang mas bumibilis ang tibok ng puso ko.Pagdating sa tapat ng kwarto ko, tumigil siya at tumingin sa akin. Eto na namang kaba, walang tigil.
Pinanlaki ko ang aking mata tila nagtatanong bakit siya nakatitig. Dahil sa totoo lang sa bawat titig niya ay parang tambol lagi ang aking dibdib.
“Open the door for me so I can put these inside” mahina niyang sabi.
“ Ow, s-sorry” taranta kong binuksan ang pinto.
“Where should I put these?” tanong niya.
“ Sa may kama na lang po” Nilapag niya lahat ng mga paper bag sa kama.
“Salamat po,” nahihiya kong sabi. Sabay lapag din doon ng mga dala kong bag. Tumango lang ito at naglakad palabas. Ngunit bago pa niya narating ang pinto muli akong nagsalita.
“Thank you too… for not telling Mommy about last night.”
Huminto siya sandali, humarap sa akin at bahagyang nag-angat ng tingin.
“Next time, try not to fall… on me.” diretso niyang sabi.“ Malaki ang gate. Hindi mo kailangang magmukhang magnanakaw para lang makapasok sa loob. “
Nag-init ang pisngi ko. Gusto kong magpaliwanag, pero wala akong masabi.
Tumingin siya sa akin, diretso, pagkatapos tila natigilan.“ You look more beautiful without your glasses. Your mother made a great choice” pagkatapos hinila nito ang pinto at lumabas.
Tulala at namumula lalo, napahawak ako sa dibdib ko.
Ramdam ko pa rin ang tibok ng puso kong parang hinahabol ang bawat hinga. At isang tanong ang gumugulo sa utak ko.“ Bakit lagi akong kinakabahan tuwing nakikita ang stepfather ko, at bakit ganoon na lang ang takot ko sa kanya lalo na sa tuwing nagsasalubong ang mga mata namin?”
“ May sakit sa puso na ba ako?”
Adriane’s POV“Do this again? What kind of report is this?” “At ito, sa tingin ba ninyo, maayos na marketing strategy ito? Paano ko kayo mapagkakatiwalaang iwan ang kompanya kung simpleng report at proposal ay hindi ninyo magawa?”Kita ko ang gulat sa mga mata ng mga kasamahan ko sa trabaho. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi, nakikinig sa mga bulyaw ni Sir.Nasa conference room kami para sa aming weekly meeting.Kilala ko na si Sir, hindi na bago sa akin ang pagiging istrikto niya. Pero ngayon na lang ulit siya naging ganito ka-bugnot.“Get out! All of you!”
Isabela’s POVPagbaba ko ng kotse ni Liam, mabigat ang bawat hakbang ko papasok ng campus. Parang may nakapatong na bato sa dibdib ko, hindi kita, pero ramdam sa bawat hinga.Sinubukan niya akong kausapin kanina. Paulit-ulit. Pero paisa-isa lang ang sagot ko.Hindi dahil ayokong makipag-usap… kundi dahil baka tuluyan na akong mabasag kapag nagsalita pa ako.Naiinis ako. Nasasaktan. At mas lalong naiinis dahil hindi ko alam kung
Isabela’s POVMabilis akong umakyat sa kwarto ko, halos hindi na humihinga. Pagkasara ko ng pinto, doon na ako tuluyang bumigay.Napasandal ako sa kahoy, at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, sunod-sunod nang tumulo ang luha ko. Tahimik sa una, pilit kong nilulunok ang hikbi, pero kalaunan, hindi ko na napigilan.Tumakbo ako palayo dahil ayokong makita ni Liam na umiiyak ako. Ayokong makita niya kung gaano ako kahina.Ni hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak.Alam kong wala akong karapatan.
Liam’s POVTahimik ang loob ng kotse matapos kong ihatid si Celeste sa ospital. Halos hindi ako makaalis dahil iyak siya ng iyak sa sobrang takot. Hanggang sa dumating ang mommy niya, napakalma siya at nakatulog. Tsaka lang ako nakapagpaalam para umalis. Ni hindi ko namalayan ang oras. I was about to call or chat with Isabela, pero dead ang phone ko.“Shit!”“Kumusta na kaya si Isabela? Nasa bahay na kaya siya?” hindi mapakaling tanong ko sa isip.Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko ang mukh
Isabela’s POV“Ring… ring… ring…”Nagtinginan kami sa loob ng klase nang biglang umalingawngaw ang alarm. Ilang segundo muna kaming natigilan, sinusukat kung false alarm lang ba iyon o isa na namang fire drill. Walang kahit sino sa amin ang agad kumilos.Nasa computer lab kami noon, abala sa tinatapos na accounting sheet. Wala ang teacher namin, lumabas sandali, kaya lalo kaming nag-atubili. Sanay na kami sa mga drill, kaya kahit malakas ang alarma, walang nagmadaling tumayo.Hanggang sa biglang bumukas ang pinto.“Sunog! Bilisan niyo, lisanin ang room! May nasusunog sa kabilang lab!” sigaw ng teacher namin.Biglang sumikip ang di
Liam’s POV“You’re awake?” inaantok na tanong ni Isabela, halos pabulong, boses na bagong gising. “Matulog ka pa. Maaga pa,” sagot ko nang may maliit na ngiti.Ramdam ko ang init ng hininga niya sa dibdib ko nang unti-unti siyang muling nagsiksik sa akin at nakatulog. I closed my eyes, letting myself drift again with the warm of Isabela’s body.…Magaan ang buong linggo ko, kahit punô ng trabaho. May kakaibang saya sa bawat araw, siguro dahil mas ma







