LOGINIsabela’s POV
Mag-aalas onse na nang makabalik ako sa mansion. Tahimik na tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mga kuliglig at hampas ng malamig na hangin ang naririnig ko. Habang naglalakad, naiisip ko pa rin ang nangyari kanina nung dumating ako sa dati naming bahay ni Lola.
~~Flashback~~
Biglang bumigat ang dibdib ko. Dati, sa tuwing papasok ako rito, naamoy ko pa ang paborito niyang salabat, at rinig ko ang malambing niyang tinig na bumabati ng “Nandito na ang apo ko.”
Pero ngayong gabi… ibang tao na ang nakatira dito.
“Binenta na po sa akin ito ng dating may-ari.” sabi ng matandang babae sa pinto, habang sinasarado ito sa harap ko. Pinigilang ko siya.
“ Sandali lang ho? Sigurado po kayo? Kakaalis ko lang dito nung isang linggo. Nasaan na po ang Lolang nakatira dito?” kinakabahan kong tanong.
“ Umalis na po siya nung isang araw pa. Kausapin mo nalang iha ang anak ko, siya ang nakabili ng bahay na ito. Pasensiya na iha” sabay sara niya ng pinto. “
Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa.
“May kinalaman si Mommy dito…” mariin kong bulong, halos umuusok sa galit ang dibdib ko. Kinuyom ko ang aking kamao.“Kailangan kong malaman kung saan niya dinala si Lola.”
~~ End of flashback ~~
Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa inis habang bumabalik ako sa mansion. Ayokong bumalik, pero wala akong choice. Galit ako kay Mommy. Galit na galit. Pero kailangan kong malaman ang totoo.
“Huh! I can do this,” mahinang bulong ko sa sarili, pilit pinapatatag ang loob ko. Hindi ako dumaan sa gate, ayokong malaman ni Mommy na umalis ako.
Sinipat ko ang paligid ng mataas na pader, naghahanap ng kahit anong paraan para makapasok. Ilang sandali pa, napansin ko ang isang matandang puno na halos tumatama na sa itaas ng pader.
“Ayun! Kaya ko ‘to,” mahinang tawa ko, sabay higpit ng hawak sa bag ko.Hinagis ko muna ang malaki kong backpack sa loob, bago ako nagsimulang umakyat. Ang mga kamay ko, nanginginig habang kumakapit sa magaspang na sanga. Ang palad ko, nagagasgas sa tuwing madudulas ako. Pero pinilit kong huwag bumitaw.
Pag-akyat ko sa pader, doon ko lang napansin kung gaano pala ito kataas. Namilog ang mata ko. Diyos ko, isang maling galaw lang, pwede na akong mabali rito. Nilunok ko ang kaba ko habang tinitimbang kung paano ako bababa.
Pero bago ko pa maisip, may narinig akong ingay, kaluskos sa ibaba.
Tumigil ako, nanigas. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko, parang tambol sa dibdib. “Shit…” bulong ko.Sa sobrang kaba, hindi ko napansin na nawawala na pala ako sa balanse.
“Waaah!”Napapikit ako, napakagat sa labi para hindi makasigaw. Akala ko babagsak ako nang diretso sa lupa, pero bigla kong naramdaman ang isang malakas na bisig na pumigil sa pagbagsak ko. Mainit. Matatag.
“Ahh!” gulat kong sigaw habang napayakap ako nang mahigpit sa kanyang leeg.
Pero dahil siguro sa bigat ko, sabay kaming bumagsak. “Ugh!” ungol ko, ramdam ko ang pagtama ng katawan ko sa matigas niyang dibdib.Napatitig ako sa kanya. At doon ko lang naramdaman… may kung anong malambot na tumama sa labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko, labi?!Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang segundo, tila huminto ang oras. Hanggang sa gumalaw ang labi niya, at napasinghap ako. Bumilis ang tibok ng puso ko, parang kinuryente ang buong katawan ko.
Pero nang maramdaman ko ang kamay niyang dumapo sa pwet ko, nagising ako sa pagkakatulala.
“Ano ba!” mabilis akong bumangon, pero sa kamalas-malasan, sumabit ang kwintas ko sa zipper ng jacket niya. “Ahh!” muli akong bumagsak, at mas madiin ngayon ang pagkakahalik ko sa kanya.“Ahhh” napaungol ako, hindi sa saya, kundi sa sakit na naramdaman ko sa labi ko.
“Damn!” mura niya, halatang nasaktan din.“I–I’m sorry!” pautal kong sabi. Hinawakan ko ang nakasabit kong kwintas pilit itong tinatanggal. Pero kahit anong pilit ko hindi ito natatanggal.
Madilim sa paligid kaya hindi ko makita ang mukha niya, lalo na’t lumipad na naman kung saan ang aking salamin.
Lumayo muli ako sa kanya, nanginginig ang kamay habang pilit inaalis ang kwintas na nakasabit sa zipper ng kanyang jacket. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko talaga ito matanggal.
“Shit…” inis kong bulong, lalo na’t nasa ibabaw pa rin ako ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong may matigas na bagay ang tumama sa aking hita, at gumalaw ito.
“Damn it! Let me do it,” inis na sabi ng lalaki sa akin. Dahil sa sobrang hiya, mabilis akong umalis sa kanyang ibabaw, ngunit nasa pagitan pa rin siya ng aking dalawang kamay habang patuloy niyang inaalis ang kwintas na nakasabit.
“Huh!” napasinghap ako nang sa wakas ay natanggal niya ito. Pagkatapos, mabilis kong hinanap ang aking salamin. Dahil wala akong makita sa sobrang dilim, pakapa-kapa ako sa paligid.
“Damn,” I heard a loud gasp when I felt something
Napakuyom ako ng kamao.
“Watch your hands, young lady,” malamig niyang sabi, halatang pinipigilan ang sarili.Namilog ang mga mata ko, natigilan sa kinatatayuan ko. Ano na naman ‘to, Isabela?!
Agad kong binawi ang kamay ko, halos mapaso sa hiya. “I, I wasn’t, I mean, I was just looking for my glasses!” pautal kong sabi habang halos gusto ko nang lamunin ng lupa.Narinig kong tumayo siya, at kahit hindi ko makita ang mukha niya, ramdam ko ang presensyang parang sumasakop sa paligid. Malaki siya, at kahit sa dilim, ramdam kong matangkad, matikas, at nakakatakot ang tindig.
“Are you looking for this?” tanong niya, sabay inabot sa akin ang salamin ko.
Mabilis kong kinuha iyon, halos mabitawan pa sa kaba. Nang maisuot ko na at unti-unting luminaw ang paningin ko, napalunok ako.
Ang lalaking nasa harap ko… may matalim na tingin, bahagyang nakakunot ang noo, at may maliit na sugat sa labi, na ako ang may gawa.
At habang tinititigan niya ako nang diretso, parang unti-unti akong naliit. Para akong daga na nahuli ng pusa. Ang lakas ng tibok ng puso ko.“Next time,” malamig niyang sabi, “try not to fall from the sky.”
“You really made quite an entrance.”
Pagkatapos noon, walang lingon-likod siyang tumalikod at mabilis na naglakad papasok sa mansyon.
Napakagat ako sa aking daliri habang kinakabahang sinundan siya ng tingin.
“ Lagot... malalaman ni Mommy ang ginawa ko,” sigaw ng utak ko.Adriane’s POV“Do this again? What kind of report is this?” “At ito, sa tingin ba ninyo, maayos na marketing strategy ito? Paano ko kayo mapagkakatiwalaang iwan ang kompanya kung simpleng report at proposal ay hindi ninyo magawa?”Kita ko ang gulat sa mga mata ng mga kasamahan ko sa trabaho. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi, nakikinig sa mga bulyaw ni Sir.Nasa conference room kami para sa aming weekly meeting.Kilala ko na si Sir, hindi na bago sa akin ang pagiging istrikto niya. Pero ngayon na lang ulit siya naging ganito ka-bugnot.“Get out! All of you!”
Isabela’s POVPagbaba ko ng kotse ni Liam, mabigat ang bawat hakbang ko papasok ng campus. Parang may nakapatong na bato sa dibdib ko, hindi kita, pero ramdam sa bawat hinga.Sinubukan niya akong kausapin kanina. Paulit-ulit. Pero paisa-isa lang ang sagot ko.Hindi dahil ayokong makipag-usap… kundi dahil baka tuluyan na akong mabasag kapag nagsalita pa ako.Naiinis ako. Nasasaktan. At mas lalong naiinis dahil hindi ko alam kung
Isabela’s POVMabilis akong umakyat sa kwarto ko, halos hindi na humihinga. Pagkasara ko ng pinto, doon na ako tuluyang bumigay.Napasandal ako sa kahoy, at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, sunod-sunod nang tumulo ang luha ko. Tahimik sa una, pilit kong nilulunok ang hikbi, pero kalaunan, hindi ko na napigilan.Tumakbo ako palayo dahil ayokong makita ni Liam na umiiyak ako. Ayokong makita niya kung gaano ako kahina.Ni hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak.Alam kong wala akong karapatan.
Liam’s POVTahimik ang loob ng kotse matapos kong ihatid si Celeste sa ospital. Halos hindi ako makaalis dahil iyak siya ng iyak sa sobrang takot. Hanggang sa dumating ang mommy niya, napakalma siya at nakatulog. Tsaka lang ako nakapagpaalam para umalis. Ni hindi ko namalayan ang oras. I was about to call or chat with Isabela, pero dead ang phone ko.“Shit!”“Kumusta na kaya si Isabela? Nasa bahay na kaya siya?” hindi mapakaling tanong ko sa isip.Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko ang mukh
Isabela’s POV“Ring… ring… ring…”Nagtinginan kami sa loob ng klase nang biglang umalingawngaw ang alarm. Ilang segundo muna kaming natigilan, sinusukat kung false alarm lang ba iyon o isa na namang fire drill. Walang kahit sino sa amin ang agad kumilos.Nasa computer lab kami noon, abala sa tinatapos na accounting sheet. Wala ang teacher namin, lumabas sandali, kaya lalo kaming nag-atubili. Sanay na kami sa mga drill, kaya kahit malakas ang alarma, walang nagmadaling tumayo.Hanggang sa biglang bumukas ang pinto.“Sunog! Bilisan niyo, lisanin ang room! May nasusunog sa kabilang lab!” sigaw ng teacher namin.Biglang sumikip ang di
Liam’s POV“You’re awake?” inaantok na tanong ni Isabela, halos pabulong, boses na bagong gising. “Matulog ka pa. Maaga pa,” sagot ko nang may maliit na ngiti.Ramdam ko ang init ng hininga niya sa dibdib ko nang unti-unti siyang muling nagsiksik sa akin at nakatulog. I closed my eyes, letting myself drift again with the warm of Isabela’s body.…Magaan ang buong linggo ko, kahit punô ng trabaho. May kakaibang saya sa bawat araw, siguro dahil mas ma







