LOGINIsabela’s POV
Dahan-dahan nang hinila ng winch ang aming parachute pabalik sa bangka. Habang papalapit kami sa platform, hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa aking mga labi, at si Liam naman ay hindi pa rin bumibitaw sa pagkakahawak sa aking baywang. Pakiramdam ko’y nasa ulap pa rin ako, kahit na tanaw ko na ang mga mapanuring mata ni Casey na naghihintay sa amin.
Isabela’s POVKinagabihan, abala ako sa pag-iimpake. Kaunti lang ang dinala ko dahil hindi pa ako sigurado kung magtatagal ba kami. Bukod doon, sinabi na rin ni Liam na may inihanda na siyang mga gamit para kay Maeva... at para sa akin.“Sigurado ka na ba, anak?”Napatigil ako nang marinig ang boses ni Mommy Selene. Nakasandal siya sa pinto, hawak ang paboritong unan ni Maeva.“Kailangan, My. Para kay Maeva. Nakita ko kanina sa museum... iba ang saya niya. Hindi ko kayang ipagkait sa kanya ang pagkakataong makasama ang daddy niya.”Lumapit si Mommy at naupo sa tabi ko sa sahig. Hinawakan niya ang nanginginig kong kamay.“Paano naman ang sa
Isabela’s POVGabi na nang tuluyan kaming makauwi. Ang maliwanag na kalangitan ng Milan kanina ay napalitan na ng madilim na pelus na puno ng mga bituin. Sa loob ng sasakyan, tanging ang mahinang huni ng aircon at ang banayad na paghinga ni Maeva ang naririnig.Sa sobrang pagod sa kakatakbo at paglalaro sa MUBA, hindi na kinaya ng anak ko ang antok. Nakatulog siya sa backseat, mahigpit pa ring yakap ang maliit na stuffed toy na nakuha ni Liam para sa kanya.Ang kanyang maliliit na labi ay bahagyang nakabukas, at ang kanyang mukha ay tila larawan ng wagas na kapayapaan, isang kapayapaang anim na taon kong pinrotektahan.Pasulyap-sulyap ako sa kanya sa rearview mirror, at hindi ko naiwasang mapansin na ganoon din ang ginagawa ni Liam na nas
Isabela’s POV“Please, Mommy?”Ang maliliit na bisig ni Maeva na nakayakap sa binti ko ay parang mga kadenang hindi ko kayang kalasin. Sa bawat higpit ng yakap niya, unt-unting nadudurog ang pader na pilit kong itinayo sa loob ng anim na taon.Huminga ako nang malalim. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Bawat hakbang ko ay parang paglakad sa ibabaw ng nagbabagang uling, masakit, nakakapaso, pero kailangan para sa anak ko.Nang makalapit ako, mabilis na kinuha ni Maeva ang kamay ko at ang kamay ni Liam. Pinag-isa niya ang mga ito sa gitna ng mga kumukutitap na ilaw ng museum.“Look, we’re all blue! We look like the sky!” masayang tili ni Maeva.
Liam’s POVBawat hikbi niya ay parang kutsilyong humahati sa puso ko. Lumuluhang napatingin ako kay Isabela. Umiiyak na rin siya, pero nag-iwas siya ng tingin, tila hindi kayang tagalan ang tagpong ito.“I am sorry, baby... I am so sorry,” paulit-ulit kong bulong habang hinahaplos ang kanyang likod.“Daddy... huhuhu... Daddy!”“Hush, baby. I am sorry. Nandito na ako, anak.”“Huhuhu... It’s okay, it is not your fault, Daddy. Mommy said that you have been working hard, that is why you were unable to return to us... Daddy, thank you for coming back.”Parang tinusok ako ng libu-libong palaso sa sinabi ng anak ko. Gulat na nap
Liam’s POVAng mundo ay tila tumigil sa pag-ikot nang magtama ang aming mga mata ni Isabela. Ang lahat ng ingay ng mga batang naglalaro sa paligid ng MUBA ay biglang naglaho, na tila kaming tatlo lang ang natira sa ilalim ng kalangitan ng Milan.Si Isabela. Narito na siya. At sa tabi niya... ang isang cute na batang babae na napakaganda na repleksyon ko.Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa maliit na batang nakahawak sa kanyang kamay. Isang matinding adrenaline rush ang gumapang sa buo kong pagkatao, kasunod ng isang emosyong hindi ko pa naramdaman kailanman, isang halo ng kaba, pananabik, at wagas na pagmamahal.Ang aking anak. Ang aking Maeva.Tulala akong napatingin sa kanila. At bigla,
Selene’s POVNapaiyak ako habang pinapanood sina Isabela at Maeva na sumasakay sa kotse. Lihim akong nagdarasal na sana maging okay na ang lahat, na sana, maging maganda ang kalalabasan ng unang pagkikita nina Maeva at Liam.Sa loob ng anim na taon, saksi ako sa lahat ng hirap at sakripisyo ni Isabela. At kahit hindi aminin ng anak ko, ramdam ko kay Maeva ang matinding pangungulila sa isang ama. Ang hindi alam ni Isabela, bago pa man sila magkaharap ni Liam, ay nauna na kaming nag-usap nito.~~ Flashback ~~Tatlong araw matapos malaman ni Liam ang tungkol sa bata, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang hindi kilalang numero. Pero bago pa iyon, tumawag na rin si Ben sa akin, galit na galit ito sa kanyang Daddy dahil sa pangalawang pagkakataon, n







