LOGINIsabela’s POV
“Liam, since andito ka na, let’s enjoy today?” masayang yaya ni Hudson.
“After we eat, let’s try parasailing, then jet skiing…”“Yeah, gusto ko ’yan!” segunda naman ni Casey, halatang excited na rin.
Liam’s POVBawat hikbi niya ay parang kutsilyong humahati sa puso ko. Lumuluhang napatingin ako kay Isabela. Umiiyak na rin siya, pero nag-iwas siya ng tingin, tila hindi kayang tagalan ang tagpong ito.“I am sorry, baby... I am so sorry,” paulit-ulit kong bulong habang hinahaplos ang kanyang likod.“Daddy... huhuhu... Daddy!”“Hush, baby. I am sorry. Nandito na ako, anak.”“Huhuhu... It’s okay, it is not your fault, Daddy. Mommy said that you have been working hard, that is why you were unable to return to us... Daddy, thank you for coming back.”Parang tinusok ako ng libu-libong palaso sa sinabi ng anak ko. Gulat na nap
Liam’s POVAng mundo ay tila tumigil sa pag-ikot nang magtama ang aming mga mata ni Isabela. Ang lahat ng ingay ng mga batang naglalaro sa paligid ng MUBA ay biglang naglaho, na tila kaming tatlo lang ang natira sa ilalim ng kalangitan ng Milan.Si Isabela. Narito na siya. At sa tabi niya... ang isang cute na batang babae na napakaganda na repleksyon ko.Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa maliit na batang nakahawak sa kanyang kamay. Isang matinding adrenaline rush ang gumapang sa buo kong pagkatao, kasunod ng isang emosyong hindi ko pa naramdaman kailanman, isang halo ng kaba, pananabik, at wagas na pagmamahal.Ang aking anak. Ang aking Maeva.Tulala akong napatingin sa kanila. At bigla,
Selene’s POVNapaiyak ako habang pinapanood sina Isabela at Maeva na sumasakay sa kotse. Lihim akong nagdarasal na sana maging okay na ang lahat, na sana, maging maganda ang kalalabasan ng unang pagkikita nina Maeva at Liam.Sa loob ng anim na taon, saksi ako sa lahat ng hirap at sakripisyo ni Isabela. At kahit hindi aminin ng anak ko, ramdam ko kay Maeva ang matinding pangungulila sa isang ama. Ang hindi alam ni Isabela, bago pa man sila magkaharap ni Liam, ay nauna na kaming nag-usap nito.~~ Flashback ~~Tatlong araw matapos malaman ni Liam ang tungkol sa bata, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang hindi kilalang numero. Pero bago pa iyon, tumawag na rin si Ben sa akin, galit na galit ito sa kanyang Daddy dahil sa pangalawang pagkakataon, n
Isabela’s POVSa loob ng dalawang araw na palugid na ibinigay ni Liam, tila tumigil ang mundo ko. Hindi ako makatulog, hindi ako makakain nang maayos, at pati ang trabahong dati ay nagsisilbi kong pahinga, ngayon ay naging pasakit.Nasa shop ako ngayon, pilit na itinatali ang atensyon sa tahiin, pero traydor ang isip ko. Paulit-ulit na bumabalik ang mukha ni Liam sa alaala ko."Aray!"Napaigtad ako nang maramdaman ang matulis na tusok ng karayom sa aking daliri. Kasabay ng pagtulo ng pulang dugo ang pag-apaw ng inis sa dibdib ko.“Miss Isa, okay lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ng assistant ko.Umiling ako at dahan-dahang lumayo sa mamahaling tela. Hindi pwedeng madumihan ang gawa ko ng sarili kong kapabayaan. “Papasok muna ako sa opisina. Pakitapos na lang nito,” paalam ko bago mabilis na naglakad palayo.Pagkaupo ko sa loob ng opisina, parang nawalan ako ng buto. Isinandal ko ang aking likod at tulalang tumitig sa kisame. Ilang oras na lang, matatapos na ang palugid ni Liam. A
Isabela’s POVHalos hindi ako makahinga habang hawak ang phone ko pagkatapos kong tawagan si Liam. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na pumayag ako sa absurd na kondisyon ng lalaking iyon.“Hisshh!” Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis. Bakit ba ang bilis niyang magpaikot ng sitwasyon?Pero ang pagdating sa desisyong ito... hindi iyon madali. Para akong dumaan sa butas ng karayom sa nakalipas na dalawang araw. Sariwang-sariwa pa rin sa isip ko ang kaba at galit na dala ko pag-uwi galing sa pagkikita namin ni Liam.~~ Flashback ~~“Isssh!”Halos mapatirik ang mga gulong ng kotse ko sa lakas ng pagpreno ko nang makarating ako sa apartment na inuupahan namin dito sa Milan. Dali-dali akong pumasok, ang puso ko ay parang gustong tumalon sa lalamunan ko sa tindi ng kaba at takot.“Maeva! Mi! Saan kayo?” sigaw ko habang hinihingal na hinahanap sila sa bawat sulok ng bahay.“Isabela, nasa bathroom kami,” rinig kong sagot ni Mommy mula sa loob.Mabilis akong tumakbo doon at nak
Liam’s POVHalos hindi ako makatulog sa loob ng dalawang araw. Ang bawat oras ay tila isang dekada, at ang bawat minutong lumilipas ay dahan-dahang kumikitil sa pasensya ko.Excited ako, pero may kasamang takot na nanunuot sa aking mga buto, takot na baka sa huling sandali, piliin ni Isabela na tumakbo muli.Kahapon ko pa tinititigan ang cellphone ko, hinihintay ang tawag niya, pero nanatili itong tahimik. Ngayon, ilang minuto na lang at matatapos na ang palugid na ibinigay ko sa kanya.Biglang bumigat ang aking pakiramdam nang makita kong limang minuto na lang bago mag-hatinggabi.“Isabela... Damn, please don't disappoint me,” bulong ko sa hangin. Ang paningin ko ay nakapako s







