Share

Kabanata 2

Iced Coffee.

I celebrated the Christmas and New Year alone. Of course, nakaramdam ako ng lungkot dito pero I don't have any other choice. This is one of the consequences of my decision.

I finished my junior high school year online, too. Mabuti na lang at pumayag ang dean namin na ipaonline ko na lang ang nalalabing buwan ko sa grade 10. Usap-usapan pa ako sa school dahil sa bigla kong pagkawala. At pati na rin ang announcement ni Daddy na ikinainit na naman ng ulo ko.

I bet they're happy because of that. Alam ko namang ayaw na ayaw nila sa akin. Sadyang hindi lang makapagsalita dahil isa akong Moran.

I thought Daddy or Mommy will look for me but I was wrong. Ni walang tawag or text! Ni hindi sila nag-aalala!

"Payat ka talaga no'ng unang punta mo rito, Hija, pero mukhang mas nangayayat ka?" Tanong sa akin ni Aling Lisa nang makita akong lumabas ng bahay.

"I workout po," sagot ko.

O baka dahil puro unhealthy foods ang kinakain ko. I don't know how to cook. Tamad pa akong mag-aral, but I tried cooking adobo before, tinigilan ko rin kasi ang pangit ng lasa. Kaya ngayon, nagtitiis ako sa canned goods.

"Nagtitinda ng lutong-ulam si Sally. Kung gusto mo ay bumili ka na lang doon at mukhang hindi ka marunong magluto," sabi nito.

Ngumuso ako sa sinabi niya pero tumango rin. Naging daily routine ko na yata ang bumisita sa asul na dagat ng Pontevedra. May mga mangingisda pa nga akong nakilala roon. I even bought a pearl to a fisherman before. Maganda kasi at puting-puti ang kulay kaya binili ko na.

"Manong, kaninong mansyon iyon?"

Tinuro ko ang malaking mansyon na nasa dulong bahagi ng dalampasigan. Kahit nasa kabilang parte ito, kita kung gaano kalaki at kaganda ito.

Sana nagkaroon din kami ng ganitong property. Sana bumili rin sina Daddy ng property malapit sa dagat para naman makapagrelax ako kapag naiirita ako sa kanila.

"Sa mga De Dios iyan, Neng. Isa sila sa mayamang pamilya rito..." Sagot niya. "Ang malawak na taniman na nadadaanan mo papunta rito ay pagmamay-ari nila."

Tumango-tango ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko narinig ko na sa kung saan ang pangalang iyon pero hindi ko matandaan kung saan.

That day, I went fishing with Manong. Mabilis nga nila akong nakilala dahil talagang araw-araw ako rito sa dagat.

"Pansin kong kutis-mayaman ka, Hija. Saan ka ba galing?"

"I am from Davao po," sagot ko.

"Aba'y ang layo naman ng narating mo kung gano'n."

Pinanood ko siyang ayusin ang malaking lambat. Inayos niya rin ang makina ng sinasakyan naming bangka para tumigil ito.

"Well, opo. Gusto ko kasi mabuhay mag-isa kaya napadpad ako rito," sagot ko.

Talaga ba, Reisha?

"Maganda rito sa Pontevedra, Hija. Tama ka ng napuntahan."

"Oo nga po e." Sagot ko.

I don't remember being close to people like him. I don't even remember talking or showing respect to others. Pero pakiramdam ko maling-mali na pakitunguhan ko ng masama ang kahit na sino rito dahil lahat sila ay mabuti sa akin. That's the least I can do—respect them.

"Hi, I am Ellyse. You are?"

Pinagtaasan ko ng kilay ang babaeng tumayo sa tapat ng aking upuan.

"Not interested," I murmured.

I saw how her jaw dropped. I grinned and focus on sketching on my iPad again. Today is my first day on school. Parang hindi ko inexpect na tatagal ako ng ilang buwan dito sa Pontevedra because of the simple life but then, here I am enrolling in a public school on my senior highschool year. I took Humanities and Social Science for my strand because that's the only strand that was available when I enrolled.

"Ang yabang mo naman porket naka-iPad ka. I bet galing 'yan sa sugar daddy mo," paratang niya.

Malakas akong bumuntong-hininga. Ito pa bang bwisit na ito ang sisira sa peaceful life ko rito sa Pontevedra?

"I am on my period that's why I'm kinda moody, just understand it."

Mukhang naniwala naman siya sa dahilan ko dahil tumango siya. Siya pa ang nanghingi ng paumanhin. I don't want to have a bad blood with someone here. As much as possible, I want my life here to be at peace. Umalis nga ako sa amin para matahimik ang buhay ko tapos gugulo rin naman pala rito?

"Sorry, ha? Don't worry, treat na kita ng lunch mamaya."

"I don't need your treat. I have my money," sagot ko.

Tumango siya sabay sulyap sa iPad ko. "Mukhang bago ka rito ha? Mukhang mayaman ka pa? Bakit ka napadpad dito?"

Ang dami niyang tanong. Kung pwede ko lang siyang sampalin na lang, ginawa ko na. Naalala kong kailangan ko nga pala ng someone here para maging alalay ko for two years kaya siguro kailangan ko siyang pagtiisan.

"I am not mayaman. An older guy just gave me this as a gift," sagot ko.

Kuya Vlad gave me this when I turned 16. Hindi ko nga lang ginagamit masyado pero dinala ko dahil sa tingin ko kailangan ko ito. Mukhang tama naman ang desisyon ko.

Hays! I missed my Kuya na. Mukhang masarap ang buhay niya sa California kung saan siya nag-aaral. I wonder kung alam niyang umalis ako sa bahay. I'm sure mag-aaway sila ni Daddy kapag nalaman niya ito.

"Oh, so may sugar daddy ka?"

Napahalakhak ako sa sinabi niya. What the fuck? Mukha bang kailangan ko ng ibang tao for money? I can definitely live in a comfortable life and spend all my money for my needs without affecting my family's money. Gano'n kami kayaman.

"It's okay. Hindi naman kita iju-judge. May sugar daddy rin naman ako pero mahirap mautakan. Kailangan mo pang halikan para mahuthutan ng pera," sagot niya.

Napangiwi ako. What the fuck is wrong with this girl? Bakit kailangan niya pang sabihin ito sa akin?

"Buti ka pa may iPad galing sa sugar daddy mo. Mukhang magaling kang mang-uto, ha?"

I was about to defend myself pero dumating agad ang teacher namin sa Philosophy. We have a little introduce yourself tapos binigay sa amin ang mga lessons namin for the whole sem, at ang ilang requirements.

"Ang ganda ng pangalan mo. Reisha..."

Muntik ko nang iripan ito kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

"Sabay tayo ngayong lunch ha? Ililibot kita rito sa school mamaya para naman makita mo ang kabuoan," patuloy niya.

"Okay."

Maaga ang break time namin dahil may homeroom kami bago ang lunchtime kaya mahaba-haba ang oras namin.

Halos maging buntot ko si Ellyse. Lagi siyang nakasunod sa akin. Well, mukhang mabuting bagay ito in some part dahil siya ang bumibili ng pagkain ko (na ako naman ang nagbabayad).

"Nakita mo ba ang malaking mansyon malapit sa dalampasigan?" Tanong niya sa akin.

Nilagyan ko ng ketchup ang gilid ng plato ko bago siya tapunan ng tingin. Nakita kong nakatingin siya sa kung saan kaya sinundan ko ang tingin niya.

Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa dalawang babaeng nagtatawanan habang kumakain. They seem closed to each other.

"Iyan ang Unica Hija nila..."

"Sino? Iyong maputi?" Tanong ko.

Umiling siya saka umismid sa akin. "Hindi 'no. Anak ng katulong 'yan."

Nagulat ako roon. The girl looks elegant. Mukhang tahimik at mahinhin. Pati ang pagtawa o pagsasalita niya, mapapansin mong mahinhin siya. Mukhang mahiyain pa.

"Iyong maikli ang buhok. Si Charlynn De Dios, 'yan ang Unica Hija nila," sabi niya.

Tumango ako sa sinabi niya. "She's cute."

"Oo. Mabait 'yan sa lahat ng tao rito kahit na mayaman sila. May dalawang kapatid na gwapo 'yan," sabi niya saka ako binalingan.

Marahan kong isinubo ang kaunting kanin at ham habang nakikinig sa madaldal na si Ellyse.

"Kapag pumunta sila rito, landiin mo ang isa sa kanila para malaki-laki mahuthot mo," sabi niya.

"Why would I do that?"

"Ano ka ba?" Mabilis niyang sumubo ng kanin bago muling tumingin sa akin. "Mayaman sila 'no. Syempre kapag nalandi mo isa sa dalawang lalaki, sure akong gagastusan ka."

Napairap ako. "Hindi ko kailangan niyan."

Nagkibit-balikat siya. "Sabagay swerte ka naman na sa sugar daddy mo. Kung kaya ko lang landiin si Cartier o kaya si Carlo na lang ay ginawa ko na."

Malakas akong naubo sa sinabi niya. Iniabot niya sa akin ang Iced tea na inorder ko na agad kong ininuman.

Bwisit na pangalan 'yan. Sa rami ng pangalan sa mundo, talaga bang Carlo rin ang pangalan ng kapatid no'ng Charlynn na iyon? I mean, maraming Carlo sa mundo kaya sigurado akong hindi ito ang ipinapares sa akin ni Daddy.

"Where are they? I mean the boys?" Biglang interesadong tanong ko.

"Nasa Manila. Nagta-trabaho na mga 'yon. Search mo na lang sila. Public naman ang pamilya nila."

I nodded. I will definitely do that at home. Kailangan kong masiguradong hindi ang lalaking ipina-pares sa akin ni Daddy ang kapatid no'ng Charlynn. Maniniwala akong maliit ang mundo kung iisa sila.

"Oh my fucking gosh!"

Halos bumagsak ang mundo ko habang binabasa ang isang article tungkol kay Carlo De Dios. Halos sabunutan ko ang buhok ko habang nakatingin sa litrato niyang seryosong nakatingin sa camera habang magkahawak ang kamay sa ibabaw ng kaniyang lamesa.

"So, what now? Should I pack up?"

Ang liit ng mundo ko. Siya ang lalaking ipinakilala sa akin ni Daddy. Siya ang lalaking sinampal ko sa bahay. Siya ang fiancee ko. No fucking way!

Anong fiancee, Reisha? Kaya ka nga lumayas kasi tumanggi ka, diba? Ibig sabihin no'n, hindi mo siya fiancee.

Wala akong ganang bumangon kinabukasan. Kung hindi lang ako kinatok ni Ate Lisa para bigyan ako ng almusal, hindi ako babangon.

"Nagluto ako ng sopas, Hija. Alam mo namang maganda sa tiyan ang sopas lalo na kapag ganitong oras para sa almusal. May pasok na rin kasi ang anak ko kaya nilutuan ko siya. Naalala kita kaya dinalhan na rin kita," sabi niya nang iabot sa akin ang mainit na sopas.

I smiled. "Maraming salamat po, Ate. Ibabalik ko na lang po ang bowl mamaya."

Tumango siya sa akin at ngumiti. "Kainin mo na habang mainit pa. Masarap iyan, Hija, at para naman magkalaman-laman ka."

I thank her again. Nawala ang antok ko dahil sa mabangong amoy ng luto ni Ate Lisa. I'm glad that I found this place. I immediately make my own coffee and get a spoon.

"Medyo naiirita talaga ako riyan kay Gabriella," sabi ni Ellyse nang makita ang kaibigan ni Charlynn na nakayuko habang naglalakad.

"Why?" I asked her.

"Masyadong mahinhin. Pakiramdam ko isang sampal ko lang sa kaniya, makakatulog siya."

Muli kong tinapunan ng tingin ang babaeng tahimik. I then remembered that she is somehow close to De Dios because of Charlynn. I'm pretty sure kapag binully ko siya makakaabot ito sa magulang nina Charlynn at maiisip nila na I am still immature to marry their son.

I grinned on the thought. Mabilis kong kinuha ang Iced coffee na nasa lamesa ko saka ito nilapitan. Malakas na nagsinghapan ang mga tao sa paligid nang ibuhos ko ang laman ng Iced coffee kay Gabriella.

"Oops..." Binato ko sa kaniya ang hawak na cup saka ngumisi sa kaniya. "Sorry. I did not mean that."

"O-Okay lang," sagot niya bago marahang kumuha ng tissue sa counter saka ito pinunas sa sarili niya.

What the fuck? Hindi man lang siya nagalit?

"Ate, dalawang mineral water po tapos isang Iced coffee," rinig kong sabi niya sa counter.

Iritado akong naupo sa harapan ni Ellyse. Nakanganga pa siya sa akin, hindi yata makapaniwala sa ginawa ko.

"Anong ginawa mo? Bakit mo binuhusan ng kape si Gabriella?" Tanong niya.

"Can't you see? Wala ngang pakialam!" Singhal ko.

Humalakhak siya sabay lingon sa gawi ni Gabriella. "Ganiyan talaga iyan. Ikaw na lang din magu-guilty kapag binully mo kasi mabait."

I rolled my eyes. This is the first time that I encountered a girl like her. Marami akong binully sa amin. Kung hindi umiiyak, nagagalit, o gumaganti sa akin, nagdo-dropout.

"Here..." Nagulat ako nang ilapag niya ang Iced coffee sa lamesa ko.

"What am I going to do with that?" Iritang tanong ko.

"Natapon ang kape mo dahil sa akin. Pinalitan ko lang," malumanay niyang sabi bago ngumiti sa akin. "Sorry."

Napanganga ako nang talikuran niya ako. That was the biggest slap for me. She didn't care. Ni hindi natakot sa akin, nilapitan pa ako. How dare her!

That Gabriella girl, I will surely make her life miserable.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status