Share

Kabanata 3

Gabriella.

Mabilis kong hinarang ang paa ko nang dumaan si Gabriella bitbit ang Carbonara at Buko Juice na binili. May ilang natawa sa ginawa ko pero mas lamang ang nairita. The heck I care?

"Sino ba 'yan? Bagong salta lang pero nagkakalat agad."

"Nako! Pasalamat siya wala si Charlynn. Kapag nakita siya no'n, lalayas talaga siya ng Pontevedra nang wala sa oras."

"Baka inggit lang kay Gabriella kasi maganda."

"Maganda rin naman siya pero ang pangit ng ugali."

I rolled my eyes. Wala akong pakialam kung mabait at maganda si Gabriella habang ako ay maganda lang. I don't like her! I may be mababaw but one of my reason is also Carlo. Baka kapag nalaman nilang isip-bata at bully ako, tumigil na sila.

Naalala ko na naman kung paanong nasira ang birthday ko because of him. I hate him!

"Gabriella, ayos ka lang?" Dinig kong tanong ng isang lalaki sa kaniya, inalalayan pa siyang tumayo.

"Ayos lang naman ako, Josh."

Pinanood ko siyang alisin ang pasta sa uniform niya. Marahan siyang tumayo habang pinupunasan ang sarili. Nilingon niya ako bago siya ngumiti.

What the hell? Dati ba siyang anghel? Tumaas ang kilay ko at humalukipkip.

"Ayos lang kung hindi mo sinasadya pero sana sa susunod mag-iingat ka baka mapaaway ka rit—"

"Oh, girl! Stop giving me such advice. I don't need your shits so shut up," mataray kong sagot.

Nakita ko kung paano siyang nagulat sa sinabi ko, nang makabawi ay tumango. Napairap ako.

"Ang yabang mo naman, Miss. Ikaw na nga itong may kasalanan ikaw pa 'tong nagmamataas?" Sabat no'ng lalaki kanina.

"And so? Sige, sambahin mo 'yang babaeng 'yan palibhasa parehas kayong mga mahihirap!" Malakas kong sigaw bago umalis ng canteen.

Alam kung saan nagmumula ang galit ko sa kay Gabriella kaya sa tuwing nakikita ko siya, sinasampal at sinasabunutan ko siya. Nag-iinit ang ulo ko kapag nakikita ang maamo niyang mukha. I want her to slap me too. Gusto kong gumanti siya pero hindi niya ginagawa. Gusto kong magsumbong siya!

"Hoy, ikaw na babaeng may sayad sa utak!"

Nagulat ako nang hatakin ako ng kung sino habang nakaupo ako sa usual spot namin ni Ellyse.

"What? Don't touch me, probinsyana!" Malakas kong singhal.

Nagulat ako nang sampalin niya ako. Napamaang ako habang hawak ang pisngi ko. Malakas ko rin siyang sinampal pero kay Gabriella ito tumama nang harangan niya ang babaeng ito.

"Kung may galit ka sa akin, huwag mong idamay si Charlynn," malumanay niyang sagot.

"What? Siya itong sumugod sa akin!" Singhal ko.

"Because you're bullying Gabriella. Ano bang ginawa sa'yo ng kaibigan ko!"

"And what is it to you? Hindi naman kita sinasaktan pero ikaw ang sumusugod dito," sagot ko.

"Ang kapal-kapal ng mukha mong babae ka. Bago ka lang dito, hoy! Para sabihin ko sa'yo kaya kitang paalisin dito kapag sinabi ko kay Daddy."

"Go on! Tell them that I am bullying you and your friend. Kahit isama mo pa kapatid mo! I am not scared of you, little girl!" Sagot ko.

"At anong tingin mo sa sarili mo? You think you did something wherein fact, you look desperate trying to get everyone's attention here..." Sabi niya. "Don't worry, I'll definitely tell my family about you!"

"Cha, tama na. Halika na," saway sa kaniya ni Gabriella na hinahatak pa ang braso niya.

"Ano bakit hindi ka makasagot?" Mataray na tanong sa akin ni Charlynn, iniignora ang kaibigan.

"Do you want me to come with you, then? Hindi ako natatakot sa mga sinasabi mo," sabi ko.

"Hindi kita tinatakot. Sinasabi ko lang sa'yo kung anong kaya kong gawin. Isang beses pa na awayin mo si Gabriella..."

Hindi niya tinuloy ang sinabi niya.

Hinarap ko ang tahimik na si Gabriella saka siya malakas na sinampal. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Napahawak pa siya sa kaniyang pisngi habang nakatingin sa akin.

"Walang hiya ka talaga!"

Charlynn maybe small but she's strong. Malakas niya akong tinulak at pinagsasabunutan. Wala akong nagawa kundi ang gumanti na rin. Inaawat kami nina Ellyse at Gabriella. Narinig ko pang tinatawag kami ng teachers pero tuloy pa rin kami ni Charlynn.

"The two of you! On my office, now!"

Malakas na hinatak ni Charlynn ang buhok ko bago ako bitawan at itulak. Kamuntikan pa akong matumba kung hindi lang ako nahawakan ni Ellyse. Inayos ko ang buhok ko habang masama ang tingin kay Charlynn na tumatango sa guidance counselor namin.

"Lagot tayo kay Ma'am Gutierrez. Masungit 'yan," bulong ni Ellyse sa akin habang sinusundan namin ito.

"So?"

Galit na galit na nakatingin sa akin si Charlynn nang maupo ako sa tapat niya.

"Ano itong away na ginawa niyo? Kakasimula lang ng pasukan at ito ang bungad niyo?" Singhal nito sa amin.

"'yan kasing babaeng 'yan, Ma'am. Bago lang dito sa Pontevedra tapos narinig kong binubully si Gabriella," sumbong ni Charlynn.

Binalingan ako ng counselor saka ako pinag-taasan ng kilay. "Is that true?"

Matapang akong tumango. "I just don't like seeing her face."

"And you think that's a good reason? Para kang tanga kung ganiyan ka-babaw ang rason mo," singit ni Charlynn.

"Ms. De Dios, watch your words!" Saway no'ng counselor sa kaniya. "That is not a good reason, Miss?"

"Moran."

"Okay, Ms. Moran..." Malakas siyang bumuntong-hininga bago ako lingunin. "Ms. Moran, can I expect that this won't happen again?"

Umiling ako. "I can't promise you that, Ma'am."

"What?" Gulat na tanong niya.

"Like I said, I don't want seeing her face around. Kung hindi siya magpapakita sa akin, siguro hindi na mauulit 'yan."

Kinuha ko ang bag ko saka tinapunan ng tingin sina Charlynn at Gabriella. Inirapan ko ang dalawa bago humarap kay Ma'am Gutierrez.

"I'll leave now, Miss."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin isasagot niya. Narinig ko pang nagsorry si Ellyse bago sumunod sa akin.

"Grabe! Ang m*****a mo talaga pati si Ma'am Gutierrez tumiklop," humalakhak siya habang sinusundan ako.

"Nakakairita 'yang Charlynn na 'yan. Mapapel masyado," inis kong sabi.

"Nako! Si Gabriella na lang ang awayin mo. Papalag pa rin naman si Charlynn kapag inaway kaibigan niya..." sabi sa akin ni Ellyse. "'wag lang si Cha kasi lagot tayo kay Senyor Carlos."

Napairap na lang ako. Hintayin mo talaga ang ganti ko, Charlynn. Lahat gagawin ko para makaabot sa pamilya mo kung gaano kasahol ang ugali ko at para matigil ang kahibangan ng pamilya niyo na ipakasal ako sa kapatid mo.

Naging ilag sa akin ang mga kaklase namin dahil sa nangyari. Ang iba'y galit sa akin, at ang iba naman ay takot. So, what? I don't really care talaga. Si Ellyse lang naman ang pinagti-tiyagaan ko rito dahil kahit papaano, nagagamit ko.

"Nakaabot dito ang gulo sa school niyo, Hija."

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Ate Lisa. Inilapag niya ang bagong luto na Paksiw na Bangus sa lamesa ko.

"Sorry po. Medyo hindi po kasi maganda ang mood ko no'ng mga nakaraang araw," pagdadahilan ko.

Hindi ko alam kung tama bang magsinungaling ako tungkol sa kasamaan ng ugali ko. Ang alam ko lang, gusto kong mabuti ang tingin sa akin ni Ate Lisa.

"Hindi ka naman dapat magsorry sa akin, Hija, hindi naman mababago ang tingin ko sa'yo na mabuti kang bata," sabi niya.

Malakas akong bumuntong-hininga. Bahagya pa akong naguilty sa sinabi niya. Hindi ko matandaan na gumawa ako ng mabuti para maging deserve ang ganito ka-bait na tao sa paligid ko.

"Baka nangungulila ka sa pamilya mo, Hija. Hindi ka ba nila dadalawin dito?"

Umiling ako. Mapakla akong ngumiti bago kumuha ng dalawang plato, dalawang spoon, at dalawang fork. Sasabayan daw kasi niya akong kumain ngayon.

"Hindi po nila alam kung nasaan ako..." Ni hindi nga nila ako tinatawagan o tinetext.

Parang wala silang pakialam sa ginagawa ko. Hindi sila nag-aalala kahit ilang buwan na ang nakalipas mula nang umalis ako sa bahay.

"Hindi ka ba hinahanap?"

Umiling ako.

"Unang tapak mo rito, alam kong mayaman ka. Naisip ko rin na may malalim na rason ang lahat ng ginagawa mo pero hindi magandang dahilan ito para manakit ka ng kapwa mo, Hija. Huwag mo sanang masamain ang sinasabi ko, ha?"

Tumango ako. "Opo, Ate. Sorry po."

"Ako ay nandito lang bilang kapit-bahay o pwede na ring Lola mo. Kapag may problema ka, magkatapat lang ang bahay natin. Puntahan mo ako," sabi niya.

Tipid akong ngumiti sa sinabi niya. Then, I have decided na magsosorry na lang ako kay Gabriella. I know masyado akong nagpadala sa galit ko at mababaw ang rason ko. And the right thing to do is to apologize.

Nagkwento si Ate Lisa tungkol sa kung ano-anong bagay. Isa pala sila sa mga naunang bahay rito sa Pontevedra. Dati raw siyang nagta-trabaho sa farm nina Cha, huminto rin katagalan dahil sa katandaan.

"Si Cartier ay panganay nila. Masipag na bata iyon. Katulong ni Carlos sa negosyo. Suplado at seryoso sa buhay. Hindi ko nga nabalitaan na nagka-nobya. Ang laging balita lang dito ay tungkol sa trabaho at eskwela niya noon..." Sabi nito habang nilalagyan ng ulam ang aking plato.

"Si Carlo ang pangalawa. Mas mabait iyan kumpara kay Cartier saka nakakabiruan namin. Si Cartier kasi ay parang hindi mo mabibiro. Masyadong madilim ang awra. E itong si Carlo e kahit maliliit na bagay ay tinatawanan. Bagay na nakakagaan ng puso para sa aming normal na mamamayan dito."

Nakinig lang ako sa mga kwento niya habang kumakain. Pansin kong lahat ng bagay ay alam niya tungkol sa magkakapatid. Siguro dahil talagang kilala ang pamilya nila.

"Si Charlynn ang iniingatan nila nang sobra. Naaksidente na kasi iyan no'ng bata pa at halos dalawang taon na nanatili sa mansyon..."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ate Lisa.

"Oo. Nabangga ang sinasakyan niyang kotse noon kaya ingat na ingat sila riyan sa bunso nila," dugtong niya.

Hindi ko man alam ang tunay na nangyari kay Charlynn pero nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Seryosong bagay siguro ang aksidente niya kaya umabot ng dalawang taon bago siya ilabas ulit.

Monday came. And just like what I promised to myself, magsosorry ako kina Gabriella at Charlynn. I'm sure Gabriella will accept my apology pero si Charlynn, malabo.

Nakaupo kami ni Ellyse sa back building. Binabasa ko ang notes ko habang sumimsim sa kape na inorder ko sa malapit na coffee shop dito. Si Ellyse naman ay nakikipagchat sa kung sinu-sinong lalaki na nakilala niya lang sa F******k.

"Oh there she is."

Nagulat ako nang tumayo si Ellyse at lapitan ang naglalakad na si Gabriella. Hinawakan niya ang braso nito saka ito hinatak palapit sa inuupuan ko.

"What are you doing? Bitawan mo nga siya, Ellyse."

"Ano, Reisha? Akala ko ba naiinis ka sa kaniya?"

Nagulat ako nang malakas niyang itulak si Gabriella sa pader. Napatili ako nang makitang unti-unting natumba si Gabriella. Mukhang nawalan pa ng malay.

"What did you do, Ellyse?" Singhal ko.

"Oh gosh! S-Sorry," mahina niyang sabi bago nagmamadaling tumakbo palayo sa amin.

Nilapag ko ang gamit ko sa inuupuan ko saka lumapit kay Gabriella na walang malay. Mahina ko siyang niyugyog habang binabanggit ang pangalan niya pero hindi siya nagsasalita.

"Help!" Malakas na sigaw ko.

"Hala ka! Anong ginawa mo kay Gabriella?" Gulat na tanong ng isang estudyante na nakakita sa amin.

Napairap ako. "That wasn't me, okay? Tulungan mo na lang ako!"

"Tatawagin ko si Kuya Guard. Kailangan sa hospital na natin dalhin 'yang si Gabriella," sabi niya.

Tumango ako. Mabilis siyang tumakbo palayo sa amin. Nanatili ang tingin ko kay Gabriella. Sobrang puti niya pero ngayon nangingibabaw ang kaputlaan niya. She looks so kawawa!

"I am so sorry for everything pero I swear that I did not do this," bulong ko.

Malakas akong napatili nang itulak ako nang kung sino palayo kay Gabriella. Nakita ko ang galit na galit na tingin sa akin ni Charlynn habang binubuhat ng guard si Gabriella.

"Walang hiya ka talagang babae ka. Kapag hindi nagising agad si Gabriella, maghanap ka na ng lilipatan mo!" Malakas niyang sigaw bago sumunod sa kay Gabriella.

Bakit ako sinisisi ng mga tao rito? It's not my fault! Si Ellyse ang dapat na inaaway nila, not me!

Hindi na ako nagulat nang ipatawag ako ng Dean kinabukasan. Ang ikinagulat ko lang ay ang presensya ni Carlo. Tahimik akong naupo sa tapat ni Carlo habang nakatingin siya sa Dean. Naramdaman ko pa ang tingin niya sa akin na isinawalang-bahala ko naman.

"I am sorry for her behaviour, Mrs. Montenegro," ani Carlo.

"I didn't know that you are related to Ms. Moran, Carlo. Kung alam ko lang, hindi ko na sana pinaabot ito sa inyo. I know you are a busy person," ani Dean.

Umirap ako. That's what power can do.

"I am aware of how evil she is that's why I am planning to tell her relatives that she's here."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Carlo. Napatayo pa ako sa gulat na dahilan ng pagbaling ng atensyon nilang dalawa sa akin ni Dean.

"I won't leave this place, Carlo!" Madiin kong sabi.

Malakas siyang bumuntong-hininga. "We will go now, Mrs. Montenegro. We will visit Gabriella, too."

Tumango sa kaniya si Dean. Nagkamayan pa sila bago ako hatakin ni Carlo palabas ng office. Nagpupuyos ako sa galit nang makalabas kami ng school.

"Ayaw ko nga sabi umalis dito!" Malakas na sigaw ko.

"Bakit ka ba kasi nandito?" Seryoso niyang tanong. "Dito ka napadpad?"

Inis kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko. I don't want to go back to our house. Nakakapagod na marinig ang paulit-ulit na away nina Mommy at Daddy. I feel suffocated inside that house!

Bumuntong-hininga siya at muli akong hinawakan. Marahan niyang pinunasan ang pisngi ko na unti-unting nababasa ng luha ko.

"Okay. We will stay here. Please, stop crying I don't like it when you cry."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status