Share

Kabanata 4

Sinundan ko si Marco, ang outgoing secretary, habang nililibot ako sa buong pasilidad ng kompanya. Kasalukuyan niya akong bini-brief sa mga patakaran ngayon kahit bukas pa dapat ang pinaka orientation.

I got the job the same day as my final interview.

I don't know whether if it's because of my credentials or answers to the questions during the interview that convinced the panelists, pero hindi ko inaasahan na gano'n kadali ko lang pala makukuha ang trabaho na 'to.

Well, I've been preparing for this my whole life. So, it's understandable that I get it, right?

"Here is your office," turo ni Marco sa akin sa isang katamtamang laki na connecting room ng isang mas malawak na silid. Ang tanging harang lang nito sa dalawang silid ay isang glass panel kung kaya't kitang kita agad ang table ng isa't isa.

I smirked inwardly when I saw the name written on the golden plaque inside the bigger office.

Polo Abdiel C. Dela Vega, Chief Operating Officer

Sayang nga lang at wala raw ito ngayon sa opisina dahil nasa France pa raw ito para sa isang conference. Sa Miyerkules pa raw ang dating nito ngunit may naka schedule na leave pa rin sa mga susunod na linggo dahil sa papalapit na kasal.

It's Monday right now at ang official meeting ko sa kan'ya para maipakilala ako bilang bagong sekretarya niya ay sa pagbalik pa niya. It's either between Thursday to Saturday.

Pero hindi ba't nakakapagtaka dahil kung nasa conference man siya ngayon, why didn't he bring his secretary? So, malaki ang chance na hindi 'yon company related, right? It is the only thing that makes sense.

Napatingin ako kay Marco na patuloy na nagsasalita sa harapan ko.

"Everything is already set. So, you don't have to worry about anything. I will guide and train you for six months then after that, you're good to go. Sa Wednesday pa ang dating ni Mr. Dela Vega kaya wala ka pa masiyadong gagawin for the mean time," ngiti ni Marco sa akin. "You'll have your orientation for the remaining days this week with the other department heads."

Hindi nakatakas sa akin ang pag sipat niya sa binti ko. Pinigilan kong magtaas ng kilay. I smiled politely back at him.

I'm wearing a black pencil skirt and a dark green blouse. May kaiksian ang palda pero sapat lang ang haba no'n para pa rin mag mukhang formal.

Napatikhim siya nang makita na alam ko ang ginagawa niya at nagtagal ang titig sa akin bago nagpatuloy sa pag papaliwanag ng mga dapat kong tapusin para sa araw na 'to.

"If you need anything, you can call me." Tinuro niya ang telepono na nakalagay sa lamesa at tinuruan ako kung ano ang dapat pindutin para mai-connect iyon sa kan'ya.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita at pagpapaliwanag tungkol sa mga bagay-bagay nang bigla siyang tumigil at humarap sa akin.

"Just one more thing, Ms. Fuentes..."

Napabaling ako sa kan'ya at nakita ang biglaang pag si-seryoso niya.

"I just want to remind you to be discreet with Mr. Dela Vega's matters. Kung ano man ang marinig at makita mo, pretend that you didn't ever hear and saw any of it." Huminga muna siya nang malalim bago nagpatuloy. "Alam kong bago ka pa lang, you might need some time adjusting to all of this, but I trust that you'll handle every sensitive information that you'll encounter with the utmost care. Mr. Dela Vega values his privacy, and we would like to keep it that way."

Agad akong tumango dahil naiintindihan ko iyon.

Isn't that what all secretary do? It's the most basic etiquette of this job. That's why ito ang pinili ko kahit na may offer sa akin na mas magandang trabaho sa ibang bansa.

This job is the perfect way to infiltrate the Dela Vega's company without me being suspicious and shady. This way, marami akong malalaman at hindi mahihirapan sa pagkuha ng mga impormasyon.

"Take your time familiarizing yourself with your new office. Again, congratulations!" ngiti niya sa akin.

Nang matapos siya sa mga bilin niya na mga dapat kong gawin para sa araw na ito ay umalis na rin siya agad.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid ng opisina ko. The walls are all glass. It's like the whole room is bare at bawat kilos ay kitang kita ng may-ari ng mas malaking silid.

Ngunit kahit na kita ko rin ang loob ng office ni Mr. Dela Vega, hindi buo iyon. Ang tanging nakikita ko lang ay ang buong desk niya na nakaharap sa akin dahil mas triple ang lawak ng opisina niya kumpara sa akin. Kung kaya't hindi pa ako sigurado kung mayroong mga CCTV sa loob.

Nakaramdam ako ng panghihinayang because it would have been the perfect moment to bugged his office lalo na't wala pa siya.

But since it's my first day, I should act normal. Mahirap na, baka mamaya ay may makahalata sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagtipa ng mensahe para kay Sidro.

Siya ang kasalukuyang tumutulong sa akin ngayon. Uria is out of country getting a Masters degree kung kaya't si Sidro lang ang inaasahan ko sa mga oras na 'to. I can perfectly execute this plan all alone, but I just couldn't waste my brother's talents in hacking.

Kung mas mapapadali nito ang mga plano ko sa buhay, bakit hindi ko iyon susulitin?

Both of them, Sidro and Uria, don't agree with my plans pero kahit na gano'n ay sinusuportahan pa rin ako.

Ako: Already got the job. Any updates of his whereabouts?

Tumunog naman agad ang cellphone ko at nakita ang dalawang reply. Medyo napatunganga pa ako sandali sa bilis ng pag sagot niya.

Sidro: Wow, that fast? We should celebrate then!

Sidro: Last visual, he's in Palawan.

Hindi ko pinansin ang nauna at mas nag focus sa huling mensahe niya.

Napakunot ang noo ko. Marco said nasa France ito para sa isang conference? What is he doing in Palawan?

Me: Can you please verify it? Sure bang nasa Palawan?

If he's not in France... then that's why he didn't brought a secretary with him? Dahil kung personal ang lakad niya, hindi nga naman niya kakailangin pa n'on. It doesn't take a genius to figure it out.

Sidro: Positive. He's seen around Palawan this morning. Why?

Me: Keep me posted please. He's supposed to be in France.

Something's not right and I can feel it. It must be an important matter dahil kailangan pang mag leave ng halos isang linggo para doon given the fact na hindi nga iyon company-related.

Sidro: Got it.

Sidro: So... when are we gonna celebrate?

Napabuntong hininga ako at tinago ang cellphone sa bag.

I can only deal one shit at a time.

I love Sidro but only as my brother. Both him and Uria. We practically grew up together simula nang kupkupin ako ni Tita Amanda, but I can tell that Sidro doesn't see me that way. Hindi lang basta kapatid ang turing niya sa akin.

And as much as I don't want to hurt him, wala akong magagawa dahil wala rin naman akong balak paunlakan ang kung ano mang nararamdaman niya. Whatever he's feeling for me, dapat ay matagal niya na iyong binaon sa limot.

Because in this life time, I only have one goal: to destroy the family responsible for my misery. At hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang hustiyang nararapat para sa amin.

Napalingon ulit ako sa pangalang nasa plaque na nakapatong sa loob ng malawak na opisina.

I can't wait to meet you, Mr. Dela Vega.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status