Share

Kabanata 5

Napakunot ang noo ko nang mag Huwebes na ngunit wala pa ring Polo Dela Vega na napapadpad sa kompanya.

Sabi ni Marco ay 'extended' daw ang conference nito kaya hindi pa raw nakakauwi mula sa ibang bansa.

Mabilis kong nakapalagayan ng loob ang ibang mga katrabaho sa ilang araw kong pagpasok, ngunit hindi ko maiwasan ang pagkabalisa dahil ang pakay ko sa lugar na 'to ay hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon.

I know it's only been four days. Nagawa ko ngang mag hintay ng humigi't kumulang labing limang taon para makarating sa kinatatayuan ko, mano bang maghintay ng ilang araw pa, hindi ba? Pero kasi ayon sa surveillance ni Sidro, nasa Palawan lang daw ito.

Pa'nong nasa 'conference' 'to sa France kung nandito lang naman pala siya sa loob ng bansa?

As much as I want to book a flight para lamang malaman ang dahilan, hindi ko naman basta basta maiwanan ang trabahong nakaatang sa akin dito lalo na't baguhan pa lang ako.

Guess this is one of the consequences, huh? I'm too close yet too far. Ito na ata ang disadvantage sa pagpasok ko sa trabahong ito. Hindi ako makakilos nang malaya.

"So, what's your plan now?" tanong ni Sidro sa kabilang linya.

Lunch time ngayon at 'di ko na napigilan ang paglalabas sa kan'ya ng saloobin ko tungkol sa sitwasyon. Nasa cafeteria sa ground floor halos ang mga empleyado sa floor namin kung kaya't nandito ako ngayon sa pantry para makausap si Sidro. Madalas kasi ay tuwing short break lang sila pumupunta o nagagawi rito.

Lumingon muna ako sa buong silid at nang masigurado kong ako lang talaga ang nandito, tsaka ako sumagot.

"I don't know, damn it! Gusto kong pumunta ng Palawan to check and verify it myself... pero hindi naman ako basta-basta makakaalis dito."

I heard him sigh. At bago pa siya ulit magsimulang mangaral na baka raw isa itong senyales na 'wag ko na ituloy ang mga pinaplano ko, inunahan ko na siya.

"If you're going to say that I should stop this again, I swear, I'm gonna block your number. Try me,” wika ko sa malamig na boses.

Alam kong hindi ko dapat sa kan'ya binubuhos ang pagkairita ko pero hindi ko na mapigilan. The last thing I need right now is that kind of talk from him.

Sa una pa lang ay alam niyang ito na ang gusto kong mangyari. I don't expect him to really understand my situation and reasons. Hindi ko naman iyon ipinipilit sa kan'ya o sa kanila. Because alam na alam ko ang pakiramdam na hindi maka-relate sa mga bagay na hindi mo pa nararanasan. But he should at least respect my decisions. Kahit iyon na lang sana kung nahihirapan man siyang umintindi at sumuporta.

"Okay, okay, I won't! I'm sorry. But you can't expect me to stop worrying, of course," sabi niya sa mahinahon ngunit may riing tono. "You're playing with fire and you know it. I just don't want you to get burn. Alam mo kung ga'no kadelikado itong ginagawa mo and yet, you're still determined to do this."

Agad naman akong ginapangan ng konsensiya. He's just worried and I'm anxious. Get a grip, Amara! Stop acting like a bitch to people who truly care about you.

"I know. I'm sorry too." Napapikit ako nang mariin. I tried to compose myself before I continue. "It's just that... I can't wait anymore. It's making me anxious not knowing his next move. Dapat ay nandito na siya kahapon pa pero 'til now, wala pa rin."

Dinig ko muli ang kan'yang buntong hininga.

"Let me see what I can do, okay? I'll let you know kung anong malaman ko. For the meantime, please take care of yourself. Iyon lang ang gusto ko. Nag aalala na rin si Uria sa’yo. Try to message or call him."

I bit my lower lip. Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita.

"Alright. Thanks, Sid."

"Anything for you." Dinig ko ang lungkot at pagkabigo sa boses niya.

Agad ko nang pinatay ang tawag dahil sa guilt na nararamdaman. Alam ko namang nag aalala lang siya para sa akin. I need to fix my attitude. Hindi porke't pinapaluguran niya 'ko ay hahayaan ko na lang ang sarili kong maging bichesa sa kan'ya. He's my brother. Pero kasi ay talagang nababalisa na 'ko dahil hindi umaayon ang mga plano ko.

Apat na araw na 'ko rito at ang tanging nagagawa ko pa lang ay ang pag tatanim ng mga recording devices sa opisina niya. Kahapon kasi ay nagawan ko ng paraan para makapasok doon, with the help of Marco, of course. At nang masiguro kong walang CCTV ay malaya na 'kong nakakilos para malagyan ng bug ang buong opisina. I can consider it as a progress pero dahil sa nangyayari ay pakiramdam ko, bumabagal ang usad ko.

Halos mapatalon ako nang biglaang bumukas ang pintuan ng pantry. I silently curse dahil sa gulat. Buti na lang talaga tinapos ko na agad ang tawag kanina. Napatingin ako sa wristwatch na suot at nakitang malapit na pala matapos ang lunch break.

Hindi ko makita kung sino 'yong pumasok dahil nasa may sink ako. Nasa bandang likuran kasi ito at natatakpan ng divider. May katamtamang daanan lang papunta rito. Kung sisilip ako ay agad nila akong makikita.

"Nakita mo na ba?" Boses ng babae 'yon. Narinig ko ang tunog ng kanilang mga heels papasok. Dinig ko ang pagsara ng pintuan. Humilig ako sa pader at nag isip ng maaari kong palusot.

"Oo, sis! Kawawa naman si Sir Polo, pero gan'on talaga kapag arranged marriage, 'no? Wala talagang kasiguraduhan," sabi naman ng isa pa.

Balak ko na sanang lumabas at magkunwaring nag hugas lang ng kamay nang mapahinto ako sa narinig.

Sir Polo? What about him?

Nanatili ako sa kinatatayuan habang pinapakinggan ang pag-uusap nila.

Narinig ko ang pagbukas ng refrigerator. Nagdasal ako na sana hindi nila kakailanganing gumamit ng lababo para hindi ako makita rito.

"Naku, kung ako 'yong fiancé niya... hindi ko na siya papakawalan, 'no! What's not to like? Gwapo, matalino, mayaman, magaling sa business, lahat lahat na! Masungit at strikto lang, pero hindi na siya lugi!"

"E, may mahal daw kasing iba 'yong girl. Nabasa mo ba 'yong tabloid? Two years na pala siyang niloloko dahil nga may mahal na iba! Pakilala raw n'on dati ay co-model lang... iyon pala, echos lang at karelasyon na! May video pa na magkahalikan sa beach. Kitang kita ang mga mukha nila kaya hindi talaga maitatanggi. Scandal of the year!"

"Kaya siguro hindi pa umuuwi si Sir sa bansa? Imposible naman kasing ma-extend ang conference. Paniguradong nakaramdam na 'yon na may gan'tong balitang puputok kaya siguro wala siya rito. Dagsa na naman ang media sa labas for sure."

"Tumpak ka r'yan, sis. Pero halika na, mamaya ay mapadpad dito si Marco. Alam mo namang s****p ang isang 'yon. Loyal sugo pa naman 'yon ni Sir Polo. Baka magsumbong pa 'pag narinig tayo ditong pinag-uusapan ang amo niya."

"Huy, 'te! Hindi ba amo rin na'tin si Sir Polo?" Humalakhak ang dalawa na parang nagkaintindihan sa birong 'yon bago ulit nagpatuloy ang huling nagsalita. "Pero wala naman na siyang say dito, 'no! 'Yong Amara Fuentes na raw ang bagong secretary ni Sir Polo. Mabait daw 'yon sabi ni Olga. Nakahalubilo nila kahapon. Sobrang ganda pa raw at magaling makisama. Bukambibig nga ni Bryan ang kakinisan n’on kanina at mukhang mayaman pero hindi nila masigurado dahil sobrang humble! Tini-train na lang daw ni Marco 'yon bago siya tuluyang umalis."

"E, baka nagpapa-good shot lang kasi bago pa? Baka nasa loob lang ang kulo n'on? Pero mas maigi na 'yon nang mawala na ang Marco na 'yon dito! 'Kala mo ay kung sinong mataas kung makaasta dahil lang pinapaboran ni Sir Polo!"

Hindi ko na narinig ang sumunod pa dahil humina ang boses nila nang bumukas na ulit ang pintuan sa paglabas nila. Tulala pa 'ko ng ilang sandali nang mapagtanto kung anong pinag uusapan nila.

Kasabay naman ng pagbukas ko ng cellphone na hawak ang siyang pag tunog nito para sa bagong message ni Sidro sa akin.

Binuksan ko 'yon at nakitang may dalawang link ang nakapaloob doon. Napasinghap ako sa nakita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status