Share

Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo
Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo
Penulis: Kyssia Mae Tagalog

Prologue

last update Terakhir Diperbarui: 2022-11-13 00:49:11

"Mia! Mia!" Nasa daan ako at nakikipag-laro ng toss coin kasama ang mga barkada ko na taga-baranggay lang din namin. "Mia! Ano ba? Bingi ka ba, ha?!" Napakagat-labi ako at napapikit ng mariin, hinihigop ko lang naman muna ang pitong enerhiya ng dragon balls ni San Goku upang maisakatuparan ang pagpapasensya. Pero sa huli ay, naiinis na tinoss ko pa rin ang benchingko sa daan nang dahil sa kaingayan ni nanay na sumasaksak sa eardrums ko.

"Oi, Mia. Paano ba 'yan? Tinatawag ka na ng nanay mo." nagtagis ang mga ngipin ko dahil sa katotohanan na sinasabi ni Jude. Pati bunbonan ng ulo ko ay nangangati kahit na naka-sombrero ako palagi at walang kuto. Panira talaga itong si nanay kahit kailan.

"Kapag hindi mo sinipot 'yung si Aling Martha, patay ka talaga. Hahabulin ka na naman ng walis no'n." pag-sang ayon naman ni Tobi at umakbay kay Romy at nilalaro ang benchingko niya sa pagtoss-toss sa kanang kamay niya.

"Alam mo, Mia. Kung ako sa'yo. Puntahan mo na muna ang nanay mo." Suhestiyon naman ni Dave habang nilalaro ang Nike niyang sombrero na made in Edsa.

"Tiyaka, huwag ka mag-alala at itigil muna natin ang pustahan natin. Bawi nalang tayo sa susunod." segunda rin ni Lloyd na inakbayan ako at tinatapik-tapik sa balikat. May nakapiring ito na pulang panyo sa noo. Nag-mistulang headband sa buhok niyang malabong. Feeling kasi nito ay mala Dao Min Ze ng Meteor Garden.

Kagaya ko, malalaki ang shirt at shorts namin. Yung pormahan ay pang-tambay talaga. Animo'y same fashion kami. Tiyaka minsan na din kaming nabu-bully dito sa baranggay dahil sa ka-werduhan daw namin. Wala daw kaming mapupulot na kinabukasan at huwag tularan dahil puro aliw lang inaatupag namin. Hayy, mga tao talaga basta may sayad sa paningin nila ay marami ng nasasabi.

"Mia!!" at sa tawag na nga na 'yun nakita namin si Nanay na may dalang walis. Madilim at naiinis ako nitong tinititigan. "Tinatawag kita, hindi ba?" ngayon ay sina-sarkastiko naman niya ako.

Nakanguso na lumayo ako mula sa bilog ng mga barkada ko at nilapitan si Nanay. "Hindi kita narinig, nay. Tiyaka, bakit ka ba sumisigaw?" Pagsisinungaling ko pa at nagkaluskos sa sariling batok na siyang ikinalukot ng husto ng kaniyang mukha. Kulang nalang maging bulldog na nasa Tom & Jerry ang mukha niya.

"Oh? Bakit masama na naman ang tingin mo sa'kin? May kulang pa ba sa binibigay ko sa inyo?" pero imbes na sagotin niya ako ay hinila niya ang kamay ko patungo sa bahay namin na nakatayo sa likod ng tindahan ng mga Roces. Sila 'yung medyo asensado sa baranggay namin. At sa kanila din ako minsan rumaraket para hindi lang magbunganga si nanay. Alam niyo naman, kapag walang pera mabubunganga talaga ang mga nanay.

Pero iba naman ang nanay ko, imbes na sa pang-kain igagamit. Sa sugal winawaldas. Malay ko ba kung papaano ko siya natagalan.

'Yung tatay ko naman, kaka-matay lang nitong nakalipas na taon. Tigas kasi ng ulo, sige pa rin sa bisyo. Kung si nanay ay sugarol, si tatay naman lasenggero. Buti nga ako ay tambay lang at hindi mabisyo.

"Nay, naman. Naglalaro ako doon, bakit mo ba ako dini-disturbo?" nagpapadyak kong tanong. Yung bahay namin parang kubo lang ang laki. Ang mga bubong ay plywood lang.

"Makinig ka--"

"Nakikinig ako. Kaya sabihin niyo na maypa-hila keme ka pa eh." kaka-out ko nga lang mula sa karenderya ni Manang Karen doon sa eskinita tapos ginugulo na naman ako. Deserve ko kayang mag unwind muna. Forda pagod din kaya ang ferson. Need refresh.

May binigay itong piraso ng papel sa'kin. "Ayan, bagong raket mo 'yan. Pumunta ka roon mamaya bago mag alas-syete." kung maka-utos nga ito ay parang donya. Pero porket binu-bully ko ang nanay ko, may awa pa rin naman ako. Tiyaka nire-respeto ko din siya. Mahal ko pa nga.

Tiningnan ko ang papel at namilog ang mga mata ko nang napagtanto na sa Manila ito. "Nay! Nahihibang ka ba? Ang layo ng Manila, tapos papupuntahin mo ako doon? 'Yung sahod ko nga ngayon kay Manang Karen ay hindi pa sapat 'yun pang pamasahe eh!" maktol ko sabay saulo ng papel na hindi niya tinanggap at iniwasan.

"Mia, kailangan mo pumunta roon. Alam mo bang 'yan ang ipinupunta ko sa internet café para maipasok ka lang diyan, ha? Malaki ang magiging sahod mo. Hayaan mo, manghihiram muna tayo ng pamasahe kay Inday Juday. Bayaran nalang natin kapag nakapasa ka na sa interview." Giit niya na mas lalong nagbigay ng sakit sa ulo ko. "Saglit, may kukunin ako." at umalis nga ito at pumasok sa nag-iisang kuwarto namin. Siya lang gumagamit no'n. Sa sala ako natutulog kasi. Kalaunan ay bumalik din siya agad dala ang tatlong kopya ng bondpaper. "Heto, ito ang resume na ipinasa ko. Kapag nakarating ka na roon, ipakita mo lang 'yan at makakapasok ka kaagad." tas ipinakita pa nito ang isang bondpaper na may laman na ID ko. "Partial lang daw muna 'yan na ID mo, since malayo ka naman sa syudad." bagsak ang aking mga balikat na pinapanood siya. Wala akong gana, wala ako s mood. Ni hindi ako nakakapag-relax ng isang oras pero heto siya. "Anak naman, marami pa tayong pending na utang. 'Yung sa morgue nga ay hindi nababayaran. Tiyaka yung upa sa lupa ng pinaglibingan ng tatay mo hindi pa rin nababayaran. Tas may utang pa tayo kay Madam Roces! Paano nalang kung paaalisin tayo?"

Walang sali-salita na tinalikuran ko sa nanay. Nakatayo ako sa may pintuan at layon na nakatingin sa maingay na kapit-bahay na nag-aaway na naman. "Intindihin mo naman--"

Napadila ako sa aking labi nang maramdaman kong bumibigat ang damdamin ko sa mga responsibilad na ipinapataw sa'kin ng nanay ko. Bente-uno pa lang naman ako, bakit kailangan kong saluhin ang mga responsibilad na hindi dapat ako ang pumapasan. "Nay, iniisip niyo man lang ba ako? Ngayon mo pa talaga sasabihin sa'kin ang tungkol sa mga problema, samantalang kayo itong nag wa-waldas ng pera sa'tin? Yung mga donasyon sa libing ni tatay at sana ay pambayad natin doon sa morgue at renta ng mga upoan ay pinang-sugal niyo. Yung ibinigay ni Lola sa'tin, singkuwenta-mil 'yun na dapat ay kapital sa pambayad ng lupa, inano mo? Pinang-sugal mo. Tapos heto na naman?" nilingon ko siya, hindi rin ako galit. Sadyang na-dismaya lang ako. Yung pang-arao ko dapat ay pinagpaliban ko para lang sa kanila ni tatay. Hindi siya maka-imik.

Umanghang ang mga mata ko kaya tumingala ako at kumurap ng ilang beses. "Sige na, Nay. Manghiram ka na ng pera pang-pamasahe doon kay Manang Juday. Aalis na ako pagkauwi mo." sa huli ay hindi ko pa rin magawang baliwalain si Nanay. Wala naisip ko rin na nagawa na naman niya akong tinapon papunta sa malayong syudad na 'yun nang wala man lang akong kamalay-malay. Tiyaka, babalik-baliktarin man ang mundo nanay ko pa rin siya. Kung ano ang kapalpakan niya ay kahihiyan ko rin.

Bumalik kaagad si Nanay dala ang pera na gagamitin ko para sa pamasahe. Hindi niya ako kinibo, alam naman niya 'yung kasalanan niya. Hanggang sa umalis ako ay wala pa rin siyang kibo. Hinatid niya ako sa eskinita. Bago sumakay ng bus ay binalingan ko siya at hinawakan ang kamay. "Mag-ingat kayo dito, Nay. At kung maaari, bawas-bawasan niyo na rin po ang pagsusugal. Hindi po ako robot, napapagod din ako. Papaano nalang kung mawala ako? Sino na ang kakayod para sa inyu?" kahit nga ang malayo sa kaniya ay naiiyak ako. Hindi kasi ako sanay na lumalayo. Oo, mukha akong walang kuwenta. Pero takot akong malayo sa nanay ko talaga. Kaya nga suma-sideline ako sa malalapit lang. Maliban sa wala akong pinag-aralan, wala ring tatanggap sa isang gaya ko.

Mabilis niya akong niyakap, at umiyak pa talaga siya. Anong drama na naman ba ito? "Pagpasensyahan mo na ako, Mia. Patawad kung pabigat ako sa'yo. Pero hindi ko maipapangako na titigil ako sa sugal. Mahirap talagang--" bahagya ko siyang inilalayo sa'kin. Hindi mapinta ang mukha ko sa drama niya. Ang dami pa namang tao na papasok ngayon sa bus. Nakakahiya. Isa pa, sasabihin niya pa talaga 'yun?

"Aish! Oo na, Nay. Bahala ka na nga lang. Osya!" pumasok na ako sa bus, nakita ko pa siyang kumaway sa'kin.

MAHIGIT kalahating oras ako nakarating sa daungan ng barko. Nag book ako ng ticket at naghintay din ng trenta minuto. Habang nasa laot ay nasa barandilya lang ako nakatayo, nakatanaw sa malayong dagat. Tatlong oras mahigit ay nakarating din ako sa Manila. Dahil nga at apat na libo lang ang baon ko, ay na-short ako sa pamasahe papunta sa nasabing building. Kaya't alas singko ng hapon, natagpuan ko ang sarili ko na naglalakad sa tabing daan sa malawak na ka-Maynilaan.

"Hi, Miss." biglang may lumapit sa'kin at hinawakan ako sa balikat. Kaagad na kumilos ang kamay ko at binalibag ang lalake. "A-Aray..." d***g ng lalake. Nakasuot siya ng tuxedo. Napaka-porma at ewan, may something wire sa tenga niya at may shades pa ang mata. "Grabe ang harsh mo naman, Miss." reklamo nito.

Umarko ang isa kong kilay at napameywang ko siyang tiningnan. "Sino ba ang may sabi sa'yo na hawakan ako, ha? Wala naman di'ba?!" base sa narinig ko, marami daw kalokohan dito sa Maynila. Maraming mapagpanggap. "Alam mo, Sir. Hindi ako fan ng mga pogi. Pakatandaan mo rin na hindi allergic ako sa mga clingy na lalake!" halata pa ang pagka-bisdak ko sa mga salita ko. Pero bahala na, hindi ko naman siya kilala.

"P-Pasensya na, ang totoo niyan ay napag-utosan lang ako." nauutal niyang sabi nang nilapitan ko siya at tinapakan ang tiyan niya. Madilim ang ipinataw kong paningin.

"Utos? Sino ang nag-utos?! Sabihin mo para mapag-lumpo ko kayong dalawa!" Asik ko. Langya lang, ah. Nakakagulat siya.

"Ako ang nag-utos." Ang baritono at malalim na boses ng tao na nagmula sa likuran ko ay sumagi sa pandinig ko. Tila singer. Mabilis ko siyang nilingon.

In fairness, guwapo siya. Macho at matangkad. Hindi kagaya ng lalake na binalibag ko ay parang tambay lang din siya. Umangat ang sulok ng aking labi. "Sino ka naman, ha?!" pinag-krus ko ang mga braso sa dibdib ko habang nakikipag-tagisan ng tingin sa kaniya. "Alam niyo, may importante pa akong pupuntahan kaysa pagtuonan ng pansin ang mga trip niyo!" medyo umangat ang boses ko do'n, na-overdose ba ang acting ko?

Totoo niyan ay nanglalambot na ang mga tuhod ko sa takot! Kaya kailangan ko ng umalis!

"I'm your husband." prenteng sagot nito na ikinalaglag ng panga ko. Pati yata ang mata ko ay luluwa sa kalasag nila.

"Hala ka! L-loko ka ba? Papaano naman kita naging asawa?" naiiling kong sabi tiyaka unti-unting umikot para humirit paalis. Mga baliw yata ang mga 'to.

"Where are you going, wife?" nang magtanong siya ay tumakbo na talaga ako. Forda wife daw? Creepy!

"Mga baliw! Dalagang pilipina ako at wala akong asawa, umuwi na kayo sa inyu! Nanaginip lang kayo ng gising! Mga walanghiya!" sigaw ko habang mabilis na tumatakbo palayo.

"Go, get her. George. Don't let her go away." rinig ko pang utos ng lalaking 'yun at mukhang hahabulin pa talaga ako.

Nang makalayo na ako at mukhang nailigaw na sila ay huminto ako sa isang makitid na daan para huminga. Jusmeyo, para akong giniitan ng hininga.

"You sure are good at escaping, huh?" awtomatikong nanigas ako sa aking kinatatayuan. Ala robot na unti-unting lumingon sa aking gilid at gano'n nalang ang pagkagulat ko nang makita angw lalaking weirdo!

"Huwag kang lumapit!" banta ko nang gumalaw siya at ipinukol ang strikto nitong mga mata sa'kin.

"Who are you to command me?" at basta niya nalang tinawid ang pagitan namin at papatakbo na dapat ako nang mahuli ako ng braso niya sa tiyan at sinako.

"Hoy! Ibaba mo ako! Ano ba?!" pinagsasapal ko ang matigas niyang likod. "Ibaba mo ako sabi!" sigaw ko sa tenga niya pero hindi man lang ito natinag. Pakiramdam ko ang liit ko sa mga bisig niya. "Nanay! Tulong! Na-kidnap ako! Wah! Nay!" halos maiyal na ako lalo na ng ipinasok ako sa kotse at tinakpan ang aking bibig ng kung anong panyo at unti-unting nakaramdam ng pagkahilo.

"Tsk. What a annoying wife I have."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo    Special Chapter

    MIATwo years has already passed by... Today, my twins will turn to two years old. Everyone is busy preparing for our mini celebration, which is exclusive only for us family relatives. My mom, and my dad are here with us. Bumyahe pa talaga sila mula Sicily para maka-attend. Actually, galing kami doon last month. But we decided to go home this month dahil nga birthday ng mga anak namin. Isa pa, I'm 7 months pregnant with our third baby. And we will be naming this cute baby girl, Czaria Mixus. As I am watching Catherine and Monique busy on the decorations, I'm caressing my bulky stomach. "How about this set-up, ate?" Tawag sa'kin ni Catherine. Kaka-baba lang niya sa maiksi na hagdan na kaniyang pinatungan para magsabit ng series balloons. She looks tired but her smile said she's not. "Maganda, Cath. Gusto ko ang naisip mong decoration." komplimento ko sa kaniya. Patakbo naman siyang lumapit sa'kin. "Talaga? Magaling ako?" Cath has changed so much. She was once a hard-headed wom

  • Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo    END (LAST PART)

    "E-Ethel? B-Bakit... P-Papaanong buhay ka?" Nangangatal na tanong ni Harron nang siya'y magkamalay. Nakaupo si Ethel sa isang magarang couch sa magarang silid ng kaniyang secret base. Nasa likod niya naman si Hermes, nakatayo at matiim na nakatingin sa nakakatanda niyang kapatid na si Harron. "It's been a long time, brother." Kalmado ngunit may kaakibat na disgusto sa boses ni Hermes. "Hermes," naging madilim ang mukha ni Harron nang makita ang kapatid. "You fvcking bastard!" Pagmura niya agad dito, nang sunod-sunod na pumasok sa kaniyang isipan ang mga bagay na inagaw nito na dapate sa kaniya. "You are the reason why I am miserable! You ruined everything I worked on. You despicable ugly sh't! Untie me!" Tumayo si Ethel at nilapitan si Harron. She graced the path like a queen. Which Harron should fear. Huminto siya sa harapan nito at malakas itong pinatawan ng mag kambal na sampal sa mukha. "You're fussing like a fvcking dog. Do you know that?" Diretsyahan niyang sabi dito, ang ba

  • Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo    END (PART 3)

    SA kalagitnaan ng madaling araw, nagising si Mia nang siya'y makaramdam ng pagkasakit sa puson. Naiihi siya. Ayaw nga niya sanang bumangon, sapagkat gusto pa niyang matulog, lalo pa't pagod na pagod ang kaniyang katawan. Animo'y binugbog ng dos por dos, mula ulo hanggang paa. Nanlalagkit ang mga mata na siya'y napabangon, pero siya'y napadilat na lamang nang maramdaman ang isang matigas na bagay ang nakapirming nakapulupot sa kaniyang tiyan. Nagtaka pa siya nang makita kung kaninong braso ito, pero nang matagpuan ang may-ari ng brasong 'yun, ay napapangiti na lamang siya. She brought her hand up to his head and caressed his hair lightly. Brushing it with the use of her fingers. "Hmmm..." He moved when he felt her touch, eventually embracing her tightly. She noticed that she's already dressed and not naked, most especially, nasa kama na sila at mukhang binuhat siya nito papunta sa penthouse nito. Matapos kasi ng nangyari sa kanila, hindi niya pansin na nakatulog na pala siya. P

  • Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo    END (PART 2)

    (Warning: Explicit Scenes Ahead)Mia pushed her head back as she could feel the tingling sensation of her husband's tongue down to her chin, jaw and her neck. Licking every single inch.She can't help closing her eyes while biting her lips together. Naramdaman niya rin 'yung kakaibang daloy ng kuryente sa buong sistema niya. Nanginig siya dahilw sa init na pinatamasa sa kaniya ng asawa."Love..." She moaned in a deep and breathless tone. "Ohh..."Alexus l'cked her neck accountable to his desire before nibbling her skin like a vampire that svcks out blood from humans. It left love marks which mostly surrounding her neck. "I missed doing this to you, love..." He said while he's busy svck'ng, l'cking and n'bbling up to his heart content. "Ahh!" Mia gasp in shock, when Alexus destroyed her tops nefariously. Impatience can be read in his face, as his eyes that screamed burning desire for her were too hot which can no longer accept rejection. The veins from his arm up to his neck are prot

  • Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo    END (Part 1)

    Three months later... In these three months, it was filled with monotonous and joyous wedding preparations. Nag e-enjoy si Mia sa proseso. Alexus was also a good participant. He did not let his wife take care of it alone. From choosing the best wedding churches in the Philippines, to choosing a good reception area, food tasting, cake options and on the make of wedding invitations were decided by the two of them. Masaya, dahil nagpapalitan sila ng likes and opinions towards their dream wedding. And now, they are in a well-known wedding gown boutique of Michelle Cinco. "Huwag ka na kaya pumasok, Mister?" She has asked her husband countless times already. Alexus held her hand after opening the car's door of the passenger's seat for her. "I'm not changing my mind, wife. Kung may dapat mang mauna na makita kang nakasuot ng wedding gown, it should be me." Napangiwi si Mia, talagang ayaw talaga nitong magpa-awat. "Hindi ka ba nag-aalala?" He closed the door and frowned at his wife, "

  • Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo    Chapter 149

    "Talaga po bang plano lang ang lahat ng 'yon dati, Ma?" tila hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Mia sa ina niya. Nangingiti namang sumagot si Miranda sa anak, "Yes, dear. Everything was just a plan. Why? Are you still doubting the appearance of your father here?" Napanguso si Mia, at medyo pinalubo pa niya ang kaniyang pisngi. Kapagkuwan ay marahan siyang napapatango, nahihiya niya ring nilingon ang kaniyang Tatang. "Masyado kasing nakakagulat ang nangyari ngayong araw, nabigla ako." Lumundag naman ang tawa ni Mario, "Hahaha! Naintindihan kita, Inday. Napaghinalaan mo nga akong patay na umahon sa hukay, worst is pinaghalaan mo pa akong impostor." Napahalakhak din si Miranda matapos kumain ng cake, "Hahaha! She must've been wary with people who used to be using her face, Oliver." Namilog naman ang mga mata ni Mia nang makarinig ng isang pamilyar at kakaibang pangalan. "Who is Oliver, Ma?" kahit na may hinala na siya at kasalukuyang nakatitig sa Tatang niya ay nagtanong pa rin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status