MABILIS na lumipas ang araw, linggo, at buwan. Namalayan na lang ni Jade na pitong buwan na siyang buntis. At dahil may kalakihan na ang tiyan niya, napagdesisyunan ni Oliver na patirahin muna siya sa farmhouse ng pamilya nito kasama ang mayordomang si Manang Sonya.
Pansamantala munang tumigil si Jade sa pagtatrabaho at babalik na lang siya kapag naipanganak na niya ang anak ni Oliver. Ilang buwan na siyang nasa probinsya at sa katunayan ay nami-miss na ni Jade ang pamilya niya. Nagpaalam siya sa mga ito na magbabakasyon lang siya dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagdesisyon si Jade. Wala pa siyang lakas na sabihin ang katotohanan sa mga ito dahil natatakot siyang mahusgahan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Malapit na niyang iluwal ang anak ni Oliver. Pagkatapos, kakalimutan na lang nila ang isa’t-isa. Masakit para kay Jade iyon pero iyon ang napag-usapan nila at wala siyang balak na sirain iyon. Sa loob ng maraming buwan, inalagaan siya ni Oliver na parang asawa na ang turing nito sa kaniya. At dahil nasa siyudad ang lalaki at siya’y nasa Laguna, dalawang beses lang sa isang linggo kung bumisita ito. Hindi naman iyon isyu para kay Jade dahil katuwang naman niya si Manang Sonya sa araw-araw at inaalagaan din siya nito dahil iyon ang bilin ni Oliver dito—ang alagaan siya. “Miss mo na ba si Sir. Oliver?” untag ni Manang Sonya kay Jade na nakatanaw sa labas ng bintana. Humarap si Jade sa matanda. “Ano pong sinasabi niyo, Manang Sonya?” natatawang tanong ni Jade sa matanda. Alam naman nito ang katotohanan—alam nito na walang namamagitan sa kanilang dalawa ni Oliver dahil dinadala lang niya ang anak nito sa sinapupunan niya. Iyon lang. “Alam ko ang sitwasyon niyong dalawa kaya huwag mo nang ipagkaila. Matanda na ako, Jade, at kitang-kita ko sa mga mata mo na hinahanap-hanap mo si Sir. Oliver. Bakit hindi na lang kayo maging mag-asawa tutal at buntis ka sa anak niya?” Kahit matanda, ang tabil pa rin ng dila nito. “Wala po sa usapan namin iyan, Manang Sonya. Ang usapan po namin ay dadalhin ko lang ang anak niya at kapag nailuwal ko na, aalis na ako.” “Sus! Baka sa huli, kayo pa rin. Pero seryosong tanong, Jade. Minahal mo na ba si Sir. Oliver?” “Hindi po!” mabilis na sagot ni Jade kapagkuwan ay bumalik sa pagtanaw sa labas. Pero iyon ay isa lamang malaking kasinungaligan sapagkat mahal na ni Jade si Oliver. Sinubukan naman niyang pigilan ang puso niya pero dahil sa pag-aalaga nito, mas lalo siyang nahulog dito. Iba ang pagtrato nito sa kaniya. Parang asawa ang turing nito sa kaniya. Ilang buwan na ring tinatago ni Jade ang nararamdaman niya at wala siyang balak na ibulgar ang katotohanan dahil natatakot siya… natatakot siya na baka isipin ni Oliver na nag-aasume lang siya. Natatakot rin siya dahil galit ito sa mga babae dahil sa ginawa ng ex nito sa kaniya. Maraming tanong si Jade. Paano kung hindi siya tanggapin ni Oliver? Paano kung ipagtabuyan siya nito kapag umamin siya? Kaya napagdesisyunan na lang niyang ilihim ang nararamdaman dito. Hindi pa man niya nailuluwal ang anak ni Oliver, nasasaktan na agad siya. Hindi niya yata kakayanin na lumisan at iwan ang anak niya kay Oliver. Madudurog ang puso niya. KINAGABIHAN, bumisita si Oliver dala ang isang basket ng iba’t-ibang klaseng prutas. “Kumusta ka, Jade?” tanong nito. Nasa hapag sila at kasalukuyang naghahapunan. “Ayos lang naman ako, Oliver,” nakayukong sagot ni Jade sa lalaki. “Are you sure? Mukhang hindi ka okay. Tell me the truth.” “Ayos lang talaga ako, Oliver. Wala lang akong ganang kumain ngayon. Pakiramdam ko kasi ay busog na ako.” “Paano ka hindi mabubusog, e kanina ka pang inom nang inom ng tubig?” Natawa si Oliver ng sandaling iyon. “Sorry, wala talaga kasi akong ganang kumain ngayon.” Tumayo si Oliver mula sa kinauupuan at lumapit sa kaniya. Sandali siya nitong tiningnan bago ito lumuhod sa tabihan niya at sinapo ang maumbok niyang tiyan. “Take care of yourself, Jade, for my baby…” pabulong na anas nito at hinalikan ang tiyan niya. Hindi makahinga nang maayos si Jade ng sandaling iyon dahil sa lapit ni Oliver sa kaniya. Natatakot siya at baka marinig nito ang malakas na pagpintig ng puso niya ngayon. Mahal na talaga niya ito at kahit anong kontrol sa sarili, hindi na niya magawa. Bukod sa guwapo si Oliver, mabait pa ito. Sinong hindi mahuhulog sa ganoong lalaki? Bilang na lang ang lalaking katulad ni Oliver. Makalipas ang ilang minuto, tumayo na si Oliver at bumalik sa upuan nito. “Hindi na ako makapaghintay na makita ang anak ko. Gusto ko na siyang mayakap at mahalikan…” puno ng pagkasabik na turan ni Oliver. Lalaki ang anak nito at nasa maayos na kundisyon ang sanggol na nasa sinapupunan niya. Aminado siyang wala siyang karapatan sa bata dahil bayad siya, pero hindi pa rin maiwasan ni Jade ang malungkot. Natatakot siyang mangulila. Nang matapos ang hapunan, pumanhik na si Jade sa kuwarto niya. Samantalang si Oliver naman ay lumabas ng bahay dala ang isang bote ng beer. Kaagad na yumakap sa kaniya ang malamig na hangin. Bahagya siyang lumayo sa farmhouse at umupo sa dayami. Paano niya sasabihin ang nararamdaman niya para kay Jade? Mahal na niya ang babae. Simula nang may mangyari sa kanilang dalawa, nakaramdam na si Oliver ng pagmamahal kay Jade. Natatakot siyang magsabi dahil naalala niya iyong naging reaksyon nito nang halikan niya ito. Hindi gusto ni Jade iyon, kaya ngayon ay halos wala siyang lakas na magsabi ng nararamdaman niya para rito. Gusto niyang maging asawa si Jade at maging magulang ng anak nila. Ayaw niyang umalis ito. Ayos lang sa kaniyang huwag masunod ang kasunduan nila noon maging masaya lang silang dalawa. It was unexpected. Hindi niya inakala na mahuhulog agad siya kay Jade. Noong makita niya ito sa loob ng tren, nagkaroon na agad siya ng interes dito. Hindi lang naman anak ang habol niya sa babae, gusto niya rin itong makasama habang-buhay pero paano niya sasabihin ang nararamdaman niya para rito? Paano at saan siya magsisimula? Sunod-sunod na lang na napailing si Oliver at inubos na ang beer na dala niya. Nang maubos, bumalik na siya sa farmhouse. Dinako niya ang kuwarto ng babae at namataan niya itong mahimbing na natutulog. Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito. Pinakatitigan niya ang magandang mukha nito at hindi na niya namalayan na dahan-dahan na niyang inilapit ang mukha niya rito hanggang sa mahalikan na niya ito sa noo nito. “Mahal kita, Jade. Mahal na mahal kita…” bulong niya bago lumabas ng kuwarto at nagtungo sa sarili niyang silid.Huling Kabanata Sunod-sunod ang palakpakan ng sandaling iyon. At nang matapos ang halikan nina Jade at Oliver, humarap sila sa mga tao. Kita nila sa mukha ng mga ito ang kasiyahan. Hindi mapigilang maging emosyonal ni Jade ng sandaling iyon. Napaiyak na siya dahil hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa buhay niya. Hindi niya inasahan na sa alok ni Oliver, mahahanap nila ang pag-ibig sa isa’t-isa.Matapos ang kasal, imbes na dumiretso sa reception, lumipad sina Jade at Oliver patungo sa Boracay para sa kanilang honeymoon. Doon nila ginawa ang magiging kapatid ni Elijah.“Sana babae naman…” sambit ni Oliver.Nakahiga sila ngayon sa kama habang may nakatabing na kumot sa kanilang mga hubad na katawan.“Sana nga. Kung babae, anong ipapangalanan mo?” tanong ni Jade sa asawa.“Olivia. Olivia ang gusto kong ipangalan sa kaniya.”“Ha? Hindi mo man lang ba siya hahaluan ng pangalan ko?” nakabusangot na tanong ni Jade.“Don’t worry, sa pangatlo nating anak, ikaw na ang masusunod sa pangalan
“Suportahan niyo lang ang bawat isa at ipakita niyo ang affection niya sa isa’t-isa. I swear, magtatagal kayo. If may problema naman kayo, huwag kayong mahiyang magsabi sa amin.”“Opo, dad,” tatango-tangong sagot ni Jade rito.Isang mahigpit na yakap ang natanggap niya mula sa biyenan at makalipas ang ilang segundo, humiwalay na rin ito.“Nakalimutan kong sabihin. Welcome to our clan, Jade. You’re now a Santibañez.”“Ako na nga po si Jade D. Santibañez.”“It fits on you,” ang sabi ng kakarating lang na si Laura. Niyakap nito si Jade. “Congratulations sa inyong dalawa ni Oliver. Masaya ako para sa inyo,” anito pa.“Salamat po, mom,” puno ng galak na bulalas ni Jade.Magaan ang pakiramdam niya dahil tanggap na tanggap na talaga siya sa pamilyang ito. At hindi sasayangin ni Jade ang tiwalang ipinagkaloob ng mga ito sa kaniya. Habang-buhay niya iyong panghahawakan at iingatan.Sa kabilang dako naman, emosyonal na niyakap ni Oliver ang papa ni Jade nang bigyan siya nito ng karapatan kay Ja
“MATAGAL na naming itinutulak si Oliver na mag-asawa na. Siya lang kasi ang anak namin kaya ganoon kaming mag-asawa. At masaya kami ngayon dahil sa wakas, nakahanap na rin siya ng tamang babae…” sambit ng ama ni Oliver.Kasalukuyan silang nasa bahay ng mga Santibañez at nagtatanghalian. Nasa dining area sila at kasama ni Oliver ang mommy at daddy niya samantalang kasama naman ni Jade ang mama at papa niya. Ilang araw na rin ang nakalipas magmula nang iluwal ni Jade ang anak nilang dalawa ni Oliver na si Elijah. Nang malaman ng pamilya niya ang katotohanan, sumugod agad ang mga ito sa ospital kung saan siya naka-admit at doon na sinabi ng dalawa ang lahat. Kabaliktaran ang nangyari sa inaasahan ni Jade noon dahil imbes na makatanggap siya ng sermon o panghuhusga, masaya pa ang magulang niya sa kaniya—sa kanilang dalawa ni Oliver at kay Elijah. Ganoon din ang mag-asawang Santibañez. Maluwag na tinanggap ng mag-asawa sa pamilya nila si Jade. Walang naging hadlang sa kanilang dalawa kaya
NANG sumapit ang kinabukasan, nagpaalam na si Oliver kay Jade. Subalit hindi pa man nakakaalis ang lalaki, bakas na agad ang kalungkutan sa mukha ng babae.“Bakit malungkot ka, Jade?” nag-aalalang tanong ni Oliver sa babae. “Are you okay?” aniya pa.“Aalis ka na?” Dama ni Oliver ang kalungkutan sa tinig ng babae ng sandaling iyon.“Yeah, I will,” tugon ni Oliver. “Kailangan kong pamahalaan ang kumpanya ni dad, Jade, kaya kailangan kong umalis,” aniya pa.Pero mas lalong naging malungkot si Jade ng oras na iyon. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at naglakad palabas ng bahay habang si Oliver naman ay sumunod sa kaniya.“What’s wrong?” Mas lalong nag-alala si Oliver dahil sa inakto ni Jade.“Wala, sige na, umalis ka na.”“Ayaw mo ba akong umalis? Puwede naman.”“Ayokong abalahin ka, Oliver. Kaya sige na, umalis ka na. Mas mahalaga pa iyong kumpanya kaysa sa akin.”Walang kakulay-kulay ang tagpong iyon. Balot na balot iyon ng kadiliman. Hindi mawari ni Oliver kung bakit ganito ang inaakt
MABILIS na lumipas ang araw, linggo, at buwan. Namalayan na lang ni Jade na pitong buwan na siyang buntis. At dahil may kalakihan na ang tiyan niya, napagdesisyunan ni Oliver na patirahin muna siya sa farmhouse ng pamilya nito kasama ang mayordomang si Manang Sonya.Pansamantala munang tumigil si Jade sa pagtatrabaho at babalik na lang siya kapag naipanganak na niya ang anak ni Oliver. Ilang buwan na siyang nasa probinsya at sa katunayan ay nami-miss na ni Jade ang pamilya niya. Nagpaalam siya sa mga ito na magbabakasyon lang siya dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagdesisyon si Jade. Wala pa siyang lakas na sabihin ang katotohanan sa mga ito dahil natatakot siyang mahusgahan ng mga taong nakapaligid sa kanila.Malapit na niyang iluwal ang anak ni Oliver. Pagkatapos, kakalimutan na lang nila ang isa’t-isa. Masakit para kay Jade iyon pero iyon ang napag-usapan nila at wala siyang balak na sirain iyon. Sa loob ng maraming buwan, inalagaan siya ni Oliver na parang asawa na
SA kabilang dako naman, halos hindi makaimik si Oliver nang sabihin ng dad niya na ibibigay nito sa kaniya ang kumpanya nito. “I’m 55, Oliver. Sa tingin ko, oras na para ibigay ko sa iyo ang kumpanya. Alam ko naman na kaya mong pamahalaanan iyon. Matalino ka…” anang dad niya. Nasa living area sila ng sandaling iyon. “Are you sure about that, dad?” paninigurado pa ni Oliver. “Yes, matagal ko nang plano ito. Kanino ko pa ba ibibigay ang kumpanya? Ikaw lang naman ang anak namin ng mommy mo.” “Thanks, dad. I will take care of your company. I will not disappoint you. I can multitask. Hindi ko pa rin iiwan ang pagiging architect ko.” “That’s good. Kung may oras ka, puwede kang bumisita.” Tumango si Oliver. Nagpaalam na rin siya sa dad niya dahil may kailangan siyang asikasuhin sa isang niyang kliyente. Ngunit hindi pa man siya nakakahakhang palayo rito nang bigla nitong tawagan ang pangalan niya. Nakakunot-noong hinarap ni Oliver ang dad niya. “Bakit, dad?” Sandali