Share

Kabanata 06

Penulis: VERZOLAKRAM02
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-23 11:11:02

SA kabilang dako naman, halos hindi makaimik si Oliver nang sabihin ng dad niya na ibibigay nito sa kaniya ang kumpanya nito.

“I’m 55, Oliver. Sa tingin ko, oras na para ibigay ko sa iyo ang kumpanya. Alam ko naman na kaya mong pamahalaanan iyon. Matalino ka…” anang dad niya.

Nasa living area sila ng sandaling iyon.

“Are you sure about that, dad?” paninigurado pa ni Oliver.

“Yes, matagal ko nang plano ito. Kanino ko pa ba ibibigay ang kumpanya? Ikaw lang naman ang anak namin ng mommy mo.”

“Thanks, dad. I will take care of your company. I will not disappoint you. I can multitask. Hindi ko pa rin iiwan ang pagiging architect ko.”

“That’s good. Kung may oras ka, puwede kang bumisita.”

Tumango si Oliver. Nagpaalam na rin siya sa dad niya dahil may kailangan siyang asikasuhin sa isang niyang kliyente. Ngunit hindi pa man siya nakakahakhang palayo rito nang bigla nitong tawagan ang pangalan niya. Nakakunot-noong hinarap ni Oliver ang dad niya.

“Bakit, dad?”

Sandali pa siyang tiningnan nito bago nagsalita. “Alam mo naman na patanda na kami ng mommy mo, ang gusto lang namin ay makita kang bumubuo ng pamilya mo. Anak, hindi ka pa ba handang mag-asawa?”

Bumuntong-hininga si Oliver. “Soon, dad…”

“Kailan pa? Kapag patay na kami?”

Malinaw kay Oliver na mataas ang expectation ng magulang niya pagdating sa pag-aasawa dahil siya lang ang kaisa-isang anak ng mga ito.

“Dad…” Lumapit si Oliver sa dad niya at tinapik ang balikat nito. “I think I found her…”

“Who?” nakakunot-noong tanong nito.

Ngumiti si Oliver. “Ang mamahalin ko habang-buhay,” tugon niya na nagpagulat sa dad niya.

“Kailan namin siya makikilala ng mommy mo?” Dama ni Oliver ang excitement sa boses ng dad niya.

Bahagyang natawa si Oliver.

“Hahanap muna ako ng pagkakataon, dad. Wala pa akong lakas ng loob para umamin sa kaniya…”

“Happy for you, Oliver.”

Isang mahigpit na yakap ang natanggap ni Oliver mula sa kaniyang dad kaya naman niyakap din niya ito. At bago pa man sila maging emosyonal, nagpaalam na su Oliver dahil male-late na siya sa meeting niya sa isang kliyente.

Dala niya ang mga design na ipapakita niya rito. Naging maayos naman ang simpleng meeting at naaprubahan ng kliyente niya ang mga design na ginawa niya para sa proyekto nito.

“Your designs are great,” wika ni Engr. Henry—isa sa mga katrabaho niya sa proyekto.

“Appreciated,” nakangiting pasasalamat ni Oliver kay Henry.

Sandali pa silang nag-usap bago sila naghiwalay. Wala na namang gagawin ngayon si Oliver kaya naman umuwi na lang siya sa condo niya para magpahinga. Pero habang nagpapahinga, bigla niyang naalala si Jade. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang numero ni Jade pero sa kasamaang palad ay hindi siya nito sinasagot. Naiiling na napabuntong-hininga si Oliver ng sandaling iyon bago ipinikit ang mga mata.

At dahil wala namang trabaho si Oliver kinabukasan, napagdesisyunan niyang bumisita sa kumpanya ng dad niya. Sa kabilang dako naman, nasa cafeteria si Jade ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya at kasama niya si Norie habang nagkakape sila.

“Totoo na talaga ang chismis, Jade.”

Napalingon si Jade kay Norie. “Ang alin? Na hindi na si Mr. Santibañez ang magiging boss ng 24/7 Express?”

“Oo. Balita ko, sa isang buwan na nakatakdang ilipat sa pangalan ng anak niya ang kumpanya. Nako, sana hindi terror iyong anak niya.”

“Mabait naman si Mr. Santibañez, siguradong mabait din ang anak ni—”

Hindi pa man natatapos ni Jade ang iba pang sasabihin nang may bigla siyang nakita sa hindi kalayuan. Hindi siya maaaring magkamali dahil si Oliver iyon. Anong ginagawa ng lalaking iyon dito? Napatayo na siya sa kinatatayuan at nang makita siya nito, nagulat din ito. Kasama nito ang sekretarya ni Mr. Santibañez ng sandaling iyon.

Bakas ang gulat sa mukha ni Jade ng sandaling iyon habang si Oliver naman ay hindi makapaniwala na matatagpuan niya ang babae sa kumpanyang pag-aari ng dad niya. Sinenyasan niya itong sumunod sa kaniya kaya naman sandaling nagpaalam si Jade kay Norie at pasikretong sinundan si Oliver. Pinaalis muna ni Oliver ang sekretarya ng dad niya para walang makakita sa kanilang dalawa ni Jade na magkasama.

Pareho silang sumakay ng elevator. Wala silang imik sa isa’t-isa hanggang sa matagpuan na nila ang mga sarili sa rooftop. Solo lang nila ang lugar ng sandaling iyon.

“Dito ka nagtatrabaho?” hindi makapaniwalang tanong ni Oliver kay Jade.

“Oo, magdadalawang taon na ako rito. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?”

“Anak ako ni Oscar Santibañez. I am Oliver Santibañez. Pag-aari ni dad itong kumpanyang ito.”

Hindi makapaniwalang umiling si Jade. “Ang liit talaga ng mundo, dito pa talaga tayo pagtatagpuin dalawa.”

“What’s your work here?” tanong ni Oliver.

“I work in the customer service area.”

Tumango si Oliver. “Oh, wow! What a small world. Nga pala, kumusta na ang tiyan mo? Ayos ka lang ba? May nararamdaman ka bang kakaiba? Sabihin mo lang sa akin, Jade.”

“Ayos lang ako, Oliver. Hindi mo kailangang mag-alala sa akin.”

“Good. Call me if you need anything.”

Tumango lang si Jade. Nanatili pa sila ng ilang minuto sa rooftop at mayamaya pa ay napagdesisyunan na nilang pumanaog at naghiwalay na parang walang nangyari.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Wife For 10 Million   Kabanata 11

    Huling Kabanata Sunod-sunod ang palakpakan ng sandaling iyon. At nang matapos ang halikan nina Jade at Oliver, humarap sila sa mga tao. Kita nila sa mukha ng mga ito ang kasiyahan. Hindi mapigilang maging emosyonal ni Jade ng sandaling iyon. Napaiyak na siya dahil hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa buhay niya. Hindi niya inasahan na sa alok ni Oliver, mahahanap nila ang pag-ibig sa isa’t-isa.Matapos ang kasal, imbes na dumiretso sa reception, lumipad sina Jade at Oliver patungo sa Boracay para sa kanilang honeymoon. Doon nila ginawa ang magiging kapatid ni Elijah.“Sana babae naman…” sambit ni Oliver.Nakahiga sila ngayon sa kama habang may nakatabing na kumot sa kanilang mga hubad na katawan.“Sana nga. Kung babae, anong ipapangalanan mo?” tanong ni Jade sa asawa.“Olivia. Olivia ang gusto kong ipangalan sa kaniya.”“Ha? Hindi mo man lang ba siya hahaluan ng pangalan ko?” nakabusangot na tanong ni Jade.“Don’t worry, sa pangatlo nating anak, ikaw na ang masusunod sa pangalan

  • Wife For 10 Million   Kabanata 10

    “Suportahan niyo lang ang bawat isa at ipakita niyo ang affection niya sa isa’t-isa. I swear, magtatagal kayo. If may problema naman kayo, huwag kayong mahiyang magsabi sa amin.”“Opo, dad,” tatango-tangong sagot ni Jade rito.Isang mahigpit na yakap ang natanggap niya mula sa biyenan at makalipas ang ilang segundo, humiwalay na rin ito.“Nakalimutan kong sabihin. Welcome to our clan, Jade. You’re now a Santibañez.”“Ako na nga po si Jade D. Santibañez.”“It fits on you,” ang sabi ng kakarating lang na si Laura. Niyakap nito si Jade. “Congratulations sa inyong dalawa ni Oliver. Masaya ako para sa inyo,” anito pa.“Salamat po, mom,” puno ng galak na bulalas ni Jade.Magaan ang pakiramdam niya dahil tanggap na tanggap na talaga siya sa pamilyang ito. At hindi sasayangin ni Jade ang tiwalang ipinagkaloob ng mga ito sa kaniya. Habang-buhay niya iyong panghahawakan at iingatan.Sa kabilang dako naman, emosyonal na niyakap ni Oliver ang papa ni Jade nang bigyan siya nito ng karapatan kay Ja

  • Wife For 10 Million   Kabanata 09

    “MATAGAL na naming itinutulak si Oliver na mag-asawa na. Siya lang kasi ang anak namin kaya ganoon kaming mag-asawa. At masaya kami ngayon dahil sa wakas, nakahanap na rin siya ng tamang babae…” sambit ng ama ni Oliver.Kasalukuyan silang nasa bahay ng mga Santibañez at nagtatanghalian. Nasa dining area sila at kasama ni Oliver ang mommy at daddy niya samantalang kasama naman ni Jade ang mama at papa niya. Ilang araw na rin ang nakalipas magmula nang iluwal ni Jade ang anak nilang dalawa ni Oliver na si Elijah. Nang malaman ng pamilya niya ang katotohanan, sumugod agad ang mga ito sa ospital kung saan siya naka-admit at doon na sinabi ng dalawa ang lahat. Kabaliktaran ang nangyari sa inaasahan ni Jade noon dahil imbes na makatanggap siya ng sermon o panghuhusga, masaya pa ang magulang niya sa kaniya—sa kanilang dalawa ni Oliver at kay Elijah. Ganoon din ang mag-asawang Santibañez. Maluwag na tinanggap ng mag-asawa sa pamilya nila si Jade. Walang naging hadlang sa kanilang dalawa kaya

  • Wife For 10 Million   Kabanata 08

    NANG sumapit ang kinabukasan, nagpaalam na si Oliver kay Jade. Subalit hindi pa man nakakaalis ang lalaki, bakas na agad ang kalungkutan sa mukha ng babae.“Bakit malungkot ka, Jade?” nag-aalalang tanong ni Oliver sa babae. “Are you okay?” aniya pa.“Aalis ka na?” Dama ni Oliver ang kalungkutan sa tinig ng babae ng sandaling iyon.“Yeah, I will,” tugon ni Oliver. “Kailangan kong pamahalaan ang kumpanya ni dad, Jade, kaya kailangan kong umalis,” aniya pa.Pero mas lalong naging malungkot si Jade ng oras na iyon. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at naglakad palabas ng bahay habang si Oliver naman ay sumunod sa kaniya.“What’s wrong?” Mas lalong nag-alala si Oliver dahil sa inakto ni Jade.“Wala, sige na, umalis ka na.”“Ayaw mo ba akong umalis? Puwede naman.”“Ayokong abalahin ka, Oliver. Kaya sige na, umalis ka na. Mas mahalaga pa iyong kumpanya kaysa sa akin.”Walang kakulay-kulay ang tagpong iyon. Balot na balot iyon ng kadiliman. Hindi mawari ni Oliver kung bakit ganito ang inaakt

  • Wife For 10 Million   Kabanata 07

    MABILIS na lumipas ang araw, linggo, at buwan. Namalayan na lang ni Jade na pitong buwan na siyang buntis. At dahil may kalakihan na ang tiyan niya, napagdesisyunan ni Oliver na patirahin muna siya sa farmhouse ng pamilya nito kasama ang mayordomang si Manang Sonya.Pansamantala munang tumigil si Jade sa pagtatrabaho at babalik na lang siya kapag naipanganak na niya ang anak ni Oliver. Ilang buwan na siyang nasa probinsya at sa katunayan ay nami-miss na ni Jade ang pamilya niya. Nagpaalam siya sa mga ito na magbabakasyon lang siya dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagdesisyon si Jade. Wala pa siyang lakas na sabihin ang katotohanan sa mga ito dahil natatakot siyang mahusgahan ng mga taong nakapaligid sa kanila.Malapit na niyang iluwal ang anak ni Oliver. Pagkatapos, kakalimutan na lang nila ang isa’t-isa. Masakit para kay Jade iyon pero iyon ang napag-usapan nila at wala siyang balak na sirain iyon. Sa loob ng maraming buwan, inalagaan siya ni Oliver na parang asawa na

  • Wife For 10 Million   Kabanata 06

    SA kabilang dako naman, halos hindi makaimik si Oliver nang sabihin ng dad niya na ibibigay nito sa kaniya ang kumpanya nito. “I’m 55, Oliver. Sa tingin ko, oras na para ibigay ko sa iyo ang kumpanya. Alam ko naman na kaya mong pamahalaanan iyon. Matalino ka…” anang dad niya. Nasa living area sila ng sandaling iyon. “Are you sure about that, dad?” paninigurado pa ni Oliver. “Yes, matagal ko nang plano ito. Kanino ko pa ba ibibigay ang kumpanya? Ikaw lang naman ang anak namin ng mommy mo.” “Thanks, dad. I will take care of your company. I will not disappoint you. I can multitask. Hindi ko pa rin iiwan ang pagiging architect ko.” “That’s good. Kung may oras ka, puwede kang bumisita.” Tumango si Oliver. Nagpaalam na rin siya sa dad niya dahil may kailangan siyang asikasuhin sa isang niyang kliyente. Ngunit hindi pa man siya nakakahakhang palayo rito nang bigla nitong tawagan ang pangalan niya. Nakakunot-noong hinarap ni Oliver ang dad niya. “Bakit, dad?” Sandali

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status