SA KABILANG dako naman, dali-daling pumasok si Jade sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Kahit humahangos, hindi pa rin niya nakalimutan na batiin si Kuya Nestor, ang guwardiyang ka-close niya rito.At habang naglalakad patungo sa palapag kung nasaan ang station niya, nakasalubong niya ang mga katrabaho niyang kakatapos lang kanilang shift.“Good evening, Jade. Pauwi na kami, papasok ka pa lang,” natatawang saad ng isa sa mga ka-close niya sa kumpanya.“Oo nga, e. Ingat kayo sa pag-uwi niyo,” tugon ni Jade.Nagtanguan ang mga ito kaya naman nagpatuloy na si Jade sa paglalakad hanggang sa makarating na siya sa palapag kung saan sila nagtatrabaho. Dali-dali niyang dinako ang kaniyang posisyon at umupo roon.“Magandang gabi, Jade,” bati ni Wenny, isa sa mga ka-officemate niya.“Magandang gabi rin, Wenny,” pabalik na bati ni Jade kapagkuwan ay isinuot na ang headset sa ulo niya.Ilang segundo pa lang ang nakakalipas, may tumawag na aagad sa kaniya. Bumuntong-hininga muna si Jade, sunod-s
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-16 อ่านเพิ่มเติม