Share

Kabanata 05

Author: VERZOLAKRAM02
last update Last Updated: 2025-10-16 23:09:59

“Saan ka nakahiram ng pera, Jade?” tanong ng papa niya nang makauwi sila sa kanilang bahay.

“Sa kaibigan ko po, papa,” tugon niya.

Walang balak na ipaalam ni Jade kung saan talaga galing ang perang iyon dahil ayaw niyang malaman ng pamilya niya ang ginawa niya. Hindi niya kaya. Wala siyang lakas ng loob.

“Sabihin mo sa kaniya, salamat. Huwag kamo siyang mag-alala dahil ibabalik din natin iyon sa kaniya. Mag-iipon kami ng mama mo, Jade.”

Tumango si Jade sa papa niya.

Ang papa niya ay nagmamay-ari ng isang welding shop samantalang ang mama naman niya ay nakatoka para alagaan ang dalawa niyang kapatid. Panganay si Jade, ang sumunod sa kaniya ay nasa kolehiyo na, at ang bunso nila ay sampung taong gulang at nag-aaral din. Bilang panganay, responsibilidad ni Jade ang suportahan ang mga kapatid niya.

At dahil may shift pa siya mamayang gabi, nagpahinga na si Jade. Nagpatuloy siya sa pagtatrabaho at makalipas ang ilang araw, may nararamdaman na siyang kakaiba sa kaniyang katawan. Palagi siyang nahihilo, palagi siyang nagsusuka, at minsan ay gusto niyang nakahilata lang. Alam niyang isa na iyong sintomas.

At katulad ng usapan nilang dalawa ni Oliver ng gabing may nangyari sa kanila na kapag nakaramdam na siya ng sintomas ng pagbubuntis, nagtungo siya sa condo unit nito dala ang dalawang pregnancy test na binili niya sa isang pharmacy.

Kinakabahan ngayon si Jade. Hindi siya mapakali habang pareho nilang hinihintay ni Oliver ang magiging resulta ng dalawang pregnancy test. Nanlalamig din si Jade ng sandaling iyon habang segu-segundong napapalunok.

Makalipas pa ang ilang minuto, sinilip nila ang dalawang pregnancy test na nasa kama. At sabay silang napamulagat nang makita ang resulta.

“Positive,” wala sa huwisyong anas ni Jade.

“Buntis ka. Yes, buntis ka!” puno ng galak na saad ni Oliver at walang ano-ano’y binuhat siya nito at inikot.

Natuwa si Jade sa naging reaksyon ng lalaki at makalipas ang ilang segundo, ibinaba na siya nito. Pero napasinghap agad si Jade nang bigla siyang siilin ni Oliver ng isang halik.

Nagulat si Jade sa ginawa ng lalaki. “Oliver?”

“Yes, Jade?” Kita pa rin sa mukha ni Oliver ang kasiyahan.

Napalunok si Jade. “Bakit mo ako hinalikan?” tanong niya.

“Oh, s-sorry… hindi ko sinasadya…” Bahagyang umatras si Oliver sa kaniya.

“Ang usapan natin ay dadalhin ko lang ang anak mo, p-pero ano ito?”

Gulong-gulong si Jade dahil may kakaiba sa kinikilos ni Oliver ngayon. Ang usapan nila ay dadalhin lang niya ang anak nito. Pagkatapos niyang iluwal, kakalimutan na nila ang isa’t-isa. Si Oliver pa mismo ang nagsabi na ‘NO STRINGS ATTACHED’. Ibig-sabihin, kahit anong mangyari, hindi sila puwedeng mahulog sa isa’t-isa. Pero bakit ganito siya ngayon?

“I’m sorry, nadala lang ako.” Napayuko si Oliver.

“Ngayong buntis na ako, ano na ang plano?” Pag-iiba ni Jade ng usapan.

Bumuntong-hininga si Oliver bago nagsalita. “Nothing. Puwede nating ipagpatuloy ang buhay natin.”

“Paano kapag lumaki na ang tiyan ko?” tanong ni Jade.

“Dito ka na titira para maalagaan kita. Alam ba ng pamilya mo itong ginawa mo?”

Mabilis na umiling si Jade. “Hindi. Wala akong balak na sabihin sa kanila. Ayokong malaman nila na iyong perang ipinangtubos sa bahay namin ay galing sa iyo. Natatakot ako.”

“Saan ka natatakot?” naguguluhang tanong ni Oliver.

“Natatakot ako na baka isipin nila na ang dumi-dumi ko. Na nagawa kong ibenta ang dignidad ko para sa pera.”

Bahagyang lumapit si Oliver kay Jade. “Maiintindihan ka naman nila siguro. Ginawa mo ang parte mo bilang anak nila, kaya bakit kailangan mong matakot?”

Tumulo ang ilang butil ng luha sa mga mata ni Jade. “Natatakot akong mahusgahan…”

Napailing si Oliver. Tuluyan na niyang idinikit ang katawan niya kay Jade at niyakap ito nang mahigpit.

“Nandito lang ako, Jade,” lintaya ni Oliver.

Hindi na nakapagsalita si Jade ng sandaling iyon. Natagpuan na lang niya ang sarili na sinasagot ang yakap ni Oliver sa kaniya.

AT dahil buntis si Jade, nag-request siya na kung maaari ay palitan ang shift niya. Pumayag naman ang supervisor niya at imbes na panggabi, naging pang-umaga na ang pasok niya. Mula umaga hanggang hapon ang schedule niya.

“Anong nangyari at nagpalit ka ng shift mo?” nagtatakang tanong ni Norie, isa sa mga ka-officemate niya na katabi lang niya.

“Ano kasi… ano… uhmmm… medyo hindi ko na kasi kaya iyong graveyard shift kaya nag-request na ako. Puyat kasi ang kalaban ko riyan.”

“Hm, sabagay, may punto ka naman. Kailangan pa rin natin alagaan ang kalusugan natin dahil sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi, ‘di ba?”

Sumang-ayon si Jade kay Norie sa pamamagitan nang pagtango. Walang katotohanan ang sinabi niya rito. Ang pagbubuntis niya ang rason kaya siya nag-file ng request. At ang tanging supervisor at manager lang niya ang may alam sa katotohanan.

Nagpatuloy na si Jade sa pagtatrabaho at nang matapos ang maghapon niyang shift, lumisan na rin siya ng kumpanya. Pero habang naglalakad siya palabas ng gusali, bigla niyang nakasalubong ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya.

Bahagya siyang yumuko upang magbigay respeto rito. “Good afternoon po, Mr. Santibañez,” bati ni Jade rito.

“Good afternoon. Ingat sa pag-uwi.”

Kung hindi siya nagkakamali, may katandaan na si Mr. Santibañez. Mga nasa singkuwenta na yata ito at bali-balitang ipapamana na nito ang kumpanya nito sa nag-iisa nitong anak.

Nginitian lamang ni Jade si Mr. Santibañez at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makalabas na siya ng gusali. Kaagad niyang dinako ang MRT para makauwi na.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wife For 10 Million   Kabanata 11

    Huling Kabanata Sunod-sunod ang palakpakan ng sandaling iyon. At nang matapos ang halikan nina Jade at Oliver, humarap sila sa mga tao. Kita nila sa mukha ng mga ito ang kasiyahan. Hindi mapigilang maging emosyonal ni Jade ng sandaling iyon. Napaiyak na siya dahil hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa buhay niya. Hindi niya inasahan na sa alok ni Oliver, mahahanap nila ang pag-ibig sa isa’t-isa.Matapos ang kasal, imbes na dumiretso sa reception, lumipad sina Jade at Oliver patungo sa Boracay para sa kanilang honeymoon. Doon nila ginawa ang magiging kapatid ni Elijah.“Sana babae naman…” sambit ni Oliver.Nakahiga sila ngayon sa kama habang may nakatabing na kumot sa kanilang mga hubad na katawan.“Sana nga. Kung babae, anong ipapangalanan mo?” tanong ni Jade sa asawa.“Olivia. Olivia ang gusto kong ipangalan sa kaniya.”“Ha? Hindi mo man lang ba siya hahaluan ng pangalan ko?” nakabusangot na tanong ni Jade.“Don’t worry, sa pangatlo nating anak, ikaw na ang masusunod sa pangalan

  • Wife For 10 Million   Kabanata 10

    “Suportahan niyo lang ang bawat isa at ipakita niyo ang affection niya sa isa’t-isa. I swear, magtatagal kayo. If may problema naman kayo, huwag kayong mahiyang magsabi sa amin.”“Opo, dad,” tatango-tangong sagot ni Jade rito.Isang mahigpit na yakap ang natanggap niya mula sa biyenan at makalipas ang ilang segundo, humiwalay na rin ito.“Nakalimutan kong sabihin. Welcome to our clan, Jade. You’re now a Santibañez.”“Ako na nga po si Jade D. Santibañez.”“It fits on you,” ang sabi ng kakarating lang na si Laura. Niyakap nito si Jade. “Congratulations sa inyong dalawa ni Oliver. Masaya ako para sa inyo,” anito pa.“Salamat po, mom,” puno ng galak na bulalas ni Jade.Magaan ang pakiramdam niya dahil tanggap na tanggap na talaga siya sa pamilyang ito. At hindi sasayangin ni Jade ang tiwalang ipinagkaloob ng mga ito sa kaniya. Habang-buhay niya iyong panghahawakan at iingatan.Sa kabilang dako naman, emosyonal na niyakap ni Oliver ang papa ni Jade nang bigyan siya nito ng karapatan kay Ja

  • Wife For 10 Million   Kabanata 09

    “MATAGAL na naming itinutulak si Oliver na mag-asawa na. Siya lang kasi ang anak namin kaya ganoon kaming mag-asawa. At masaya kami ngayon dahil sa wakas, nakahanap na rin siya ng tamang babae…” sambit ng ama ni Oliver.Kasalukuyan silang nasa bahay ng mga Santibañez at nagtatanghalian. Nasa dining area sila at kasama ni Oliver ang mommy at daddy niya samantalang kasama naman ni Jade ang mama at papa niya. Ilang araw na rin ang nakalipas magmula nang iluwal ni Jade ang anak nilang dalawa ni Oliver na si Elijah. Nang malaman ng pamilya niya ang katotohanan, sumugod agad ang mga ito sa ospital kung saan siya naka-admit at doon na sinabi ng dalawa ang lahat. Kabaliktaran ang nangyari sa inaasahan ni Jade noon dahil imbes na makatanggap siya ng sermon o panghuhusga, masaya pa ang magulang niya sa kaniya—sa kanilang dalawa ni Oliver at kay Elijah. Ganoon din ang mag-asawang Santibañez. Maluwag na tinanggap ng mag-asawa sa pamilya nila si Jade. Walang naging hadlang sa kanilang dalawa kaya

  • Wife For 10 Million   Kabanata 08

    NANG sumapit ang kinabukasan, nagpaalam na si Oliver kay Jade. Subalit hindi pa man nakakaalis ang lalaki, bakas na agad ang kalungkutan sa mukha ng babae.“Bakit malungkot ka, Jade?” nag-aalalang tanong ni Oliver sa babae. “Are you okay?” aniya pa.“Aalis ka na?” Dama ni Oliver ang kalungkutan sa tinig ng babae ng sandaling iyon.“Yeah, I will,” tugon ni Oliver. “Kailangan kong pamahalaan ang kumpanya ni dad, Jade, kaya kailangan kong umalis,” aniya pa.Pero mas lalong naging malungkot si Jade ng oras na iyon. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at naglakad palabas ng bahay habang si Oliver naman ay sumunod sa kaniya.“What’s wrong?” Mas lalong nag-alala si Oliver dahil sa inakto ni Jade.“Wala, sige na, umalis ka na.”“Ayaw mo ba akong umalis? Puwede naman.”“Ayokong abalahin ka, Oliver. Kaya sige na, umalis ka na. Mas mahalaga pa iyong kumpanya kaysa sa akin.”Walang kakulay-kulay ang tagpong iyon. Balot na balot iyon ng kadiliman. Hindi mawari ni Oliver kung bakit ganito ang inaakt

  • Wife For 10 Million   Kabanata 07

    MABILIS na lumipas ang araw, linggo, at buwan. Namalayan na lang ni Jade na pitong buwan na siyang buntis. At dahil may kalakihan na ang tiyan niya, napagdesisyunan ni Oliver na patirahin muna siya sa farmhouse ng pamilya nito kasama ang mayordomang si Manang Sonya.Pansamantala munang tumigil si Jade sa pagtatrabaho at babalik na lang siya kapag naipanganak na niya ang anak ni Oliver. Ilang buwan na siyang nasa probinsya at sa katunayan ay nami-miss na ni Jade ang pamilya niya. Nagpaalam siya sa mga ito na magbabakasyon lang siya dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagdesisyon si Jade. Wala pa siyang lakas na sabihin ang katotohanan sa mga ito dahil natatakot siyang mahusgahan ng mga taong nakapaligid sa kanila.Malapit na niyang iluwal ang anak ni Oliver. Pagkatapos, kakalimutan na lang nila ang isa’t-isa. Masakit para kay Jade iyon pero iyon ang napag-usapan nila at wala siyang balak na sirain iyon. Sa loob ng maraming buwan, inalagaan siya ni Oliver na parang asawa na

  • Wife For 10 Million   Kabanata 06

    SA kabilang dako naman, halos hindi makaimik si Oliver nang sabihin ng dad niya na ibibigay nito sa kaniya ang kumpanya nito. “I’m 55, Oliver. Sa tingin ko, oras na para ibigay ko sa iyo ang kumpanya. Alam ko naman na kaya mong pamahalaanan iyon. Matalino ka…” anang dad niya. Nasa living area sila ng sandaling iyon. “Are you sure about that, dad?” paninigurado pa ni Oliver. “Yes, matagal ko nang plano ito. Kanino ko pa ba ibibigay ang kumpanya? Ikaw lang naman ang anak namin ng mommy mo.” “Thanks, dad. I will take care of your company. I will not disappoint you. I can multitask. Hindi ko pa rin iiwan ang pagiging architect ko.” “That’s good. Kung may oras ka, puwede kang bumisita.” Tumango si Oliver. Nagpaalam na rin siya sa dad niya dahil may kailangan siyang asikasuhin sa isang niyang kliyente. Ngunit hindi pa man siya nakakahakhang palayo rito nang bigla nitong tawagan ang pangalan niya. Nakakunot-noong hinarap ni Oliver ang dad niya. “Bakit, dad?” Sandali

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status