Despite of my loneliness, I still forced myself to prepare a dinner date when the night came. Hoping that he'll celebrate with me on this special day.
Nang nakuntento sa gayak ng kusina ay napagdesisyunan kong umakyat muna sa kwarto para magpalit ng damit. Somehow, I felt a little excitement as I search for a dress.
Kinuha ko ang isang pinkish na above the knee tube dress at dinala ito patungo sa banyo. I took a shower and fixed myself after. Naglagay ako ng powder sa mukha at kaunting liptint sa 'king labi bago ako dali-daling kumilos nang narinig ang pagdating ng sasakyan ni Valjerome.
Kinakabahan man ay hindi ko maiwasan na mangiti, iniisip na tumagal pa rin kami ng ganito katagal sa kabila ng turing niya sa akin.
Naglakad ako patungo sa aking bintana at sinilip ang pagdating niya. Ang natitira kong galak ay mabilis na nabura sandaling lumabas siya ng kanyang sasakyan habang nakapulupot ang isang babae. Nakagat ko ang aking labi nang nagsimula silang maghalikan na tila ba sila lamang ang tao sa palagid. Napahawak ako sa aking dibdib at mariin na napapikit kasabay nang pagpatak ng mga luha ko.
"H-Happy anniversary..." basag na bulong ko at nagmadaling maglakad patungo sa aking kama.
Padapa akong humiga at hinayaan na umagos ang mga luha ko. I cried over my pillow and silently asked myself why.
Why can't he love me back?
Why can't he try loving me?
Nanatili akong umiiyak hanggang sa napagdesisyunan kong lumabas ng silid. I was walking silently on the hallway until I stopped at Valjerome's room. Mapait akong ngumiti habang iniisip ang eksena na nangyayari sa loob ng silid niya. Sa halip na lunurin ang sarili ko sa harapan ng pintuan niya ay ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa nakababa na ako ng hagdanan. Hindi man ako binibigyang pansin ng mga tauhan na nagkalat ay batid kong naroon ang awa nila para sa akin.
"Hija," naroon ang pagdamay sa boses ni Manang sandaling lapitan niya ako.
I forced myself to smile. "Kumain po ba siya?" pilit kong pagpapatatag sa aking boses.
Marahan na umiling si Manang. "Agad silang nagtungo sa kanyang silid. Ni hindi man lang nakita ang inihanda mong surpresa sa kanya," aniya. "Gusto mo bang katukin ko siya at pababain dito?"
Mabilis akong umiling. "Huwag na po. Mas m-mabuti na rin na h-hindi niya nakita dahil... a-ako pa rin ang magiging kahiya-hiya sa huli," garalgal kong sambit.
Huminga nang malalim si Manang at saka ako niyakap. "Humiwalay ka na lang, anak," bulong niya sa akin.
I slowly shook my head and bit my lower lip to suppress my tears.
Kaya ko pa. Kakayanin ko pa.
Kumalas ako kay Manang at ngumiti. "Matulog na po kayo. Ako na po ang bahala sa kusina, iinom lang din po ako ng kaunti bilang pampaantok."
Malamlam niya akong tiningnan at hinaplos ang aking mukha. "Basta nandito lang ako, hija."
Marahan akong tumango bilang pag-intindi sa sinabi niya.
Tulad nang sinabi ko ay inasikaso ko ang paglilinis sa kusina. Inilagay ko sa tupperwares ang ilan sa putaheng niluto ko habang ang iba naman ay ipinakain ko sa mga tauhan ni Valjerome. Pagkatapos niyon ay nagtungo ako sa mini bar counter ng bahay at kumuha ng isang alak.
I started drinking as I let myself drown on my own thoughts. Inaalala ang mga pagkakataon na nagpapanggap kaming nagmamahalan sa harapan ng ibang tao dahil iyon lang ang alaala na masasabi kong masaya sa buong pagsasama namin. Nasa ikatlong bote na ako ng alak nang naamoy ko ang pamilyar na amoy ni Valjerome. Gamit ang liyo at namumungay kong mata ay nilingon ko siya nang naupo siya sa katabi kong high chair.
"You should sleep. Marami ka nang nainom," malamig niyang sambit habang nakatitig sa akin.
I scoffed and laughed sarcastically. "As if you care, Valjerome." Umiling ako at saka nagsalin muli ng alak sa aking baso.
"Enough, Jazzie," matigas niyang sambit kasabay nang pagpigil sa kamay kong kuhanin ang baso na puno ng alak.
I stared at his hand and chuckled painfully. "Now you're holding me," namamangha at malungkot kong saad bago iniangat ang paningin sa kanya.
Nagsimulang mag-ulap ang aking mga mata habang natingin sa kanya. "Why? Bakit hindi na lang ako ang ikama mo, Valjerome? Kaya ko rin namang ibigay sa 'yo ang ibinibigay nila. Kaya ko namang punan ang pangangailangan mo bilang lalaki kaya bakit hindi na lang ako ang sipingin mo?" puno ng hinanakit kong wika at tuluyang napaiyak.
Hindi naman siya kumilos sa kanyang pwesto. Hinayaan niya lang ako na umiyak nang umiyak at magsalita nang magsalita.
"I love you. Mahal kita, eh. Mag-asawa tayo kaya bakit kailangan mo pa akong ganituhin? Nagkasala ba ako sa 'yo? May nagawa ba ako para parusahan mo ako ng ganito?" sinubukan ko siyang hampasin sa dibdib ngunit dahil sa kalasingan ay napasubsob na lang ako ro'n.
I cried hard to let him knew my pain. Hindi siya nagsalita, sa halip ay marahang pumulupot ang kamay niya sa akin bilang suporta.
"I'll bring you to your room," namamaos niyang sambit habang nararamdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok.
Hindi ako umimik at tahimik lang na humikbi sa dibdib niya. Nanatili kaming gano'n sa loob ng ilang minuto hanggang sa maingat niya akong buhatin. I leaned my head against his chest and closed my eyes as he started walking.
"Can you stay with me for tonight?" I murmured, still not opening my eyes.
Hindi na ako umaasa na pagbibigyan niya ang hiling ko. I knew he'll object, but I still want to try.
He didn't answer my question until I felt him depositing me on my bed. Hindi ko na sinubukan pang idilat ang mata ko at patagilid na lamang na yumakap sa aking unan. Naghihintay na umiyak muli sandaling lumabas siya ng silid.
Nahigit ko ang aking hininga nang lumubog ang kabilang parte ng kama ko. Marahan akong nagmulat at astang lilingon nang agad siyang magsalita.
"Just sleep, Jazzie. Don't even dare to look back," he said lazily with his bedroom voice.
Ilang beses akong napakurap habang bumabalik sa maayos na pagkakatalikod mula sa kanya.
"Rest now, Jazzie, or else I'll leave this fvcking room," he warned.
Mabilis pa sa alas kwatro kong ipinikit ang aking mga mata. Sa kabila ng sakit at pagkabigong naramdaman ko ay hindi ko pa rin maiwasang matuwa sa katiting na panahong inilaan niya sa akin.
"Goodnight, hubby..." wala sa sariling bulong ko bago ako tuluyang mapunta sa kawalan.
The next morning I woke up with a throbbing head and a broken heart as I saw an empty space beside me.
Yeah, right. Everything will stay the same.
"Ikaw lang 'ata 'yong nakapahinga sa trabaho na hindi masaya," puna ni Azy nang inaayusan ako ng mga make up artist.I rolled my eyes and didn't bother to talk. Kahit ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin mawala ang sakit sa dibdib ko kapag inaalala ang nangyari noong anniversary namin ni Valjerome."By the way, alam mo naman, 'di ba?" muling pagpukaw ng pansin sa 'kin ni Azy.My forehead knotted as I glanced at him. Waiting for his continuation."May makakapareha ka sa shoot ngayon," aniya."What?!" mabilis kong sambit.Napaawang naman ang labi niya at namewang sa harapan ko. "Don't tell me hindi mo na naman binasa mga messages
"N-Next," alanganing sambit ng photographer habang pilit na nakangiti sa amin ni Chaos.Sino'ng hindi kung nakatayo sa gilid niya ang asawa ko na may matatalim na tingin sa katabi kong lalaki? Hindi ko nga alam kung photoshoot pa ba ito o pagninilay dahil sa sobrang tahimik. Halos mga galaw lang namin at tunog ng shutter ng camera ang maririnig mo sa paligid. Tila lahat sila ay nakikiramdam sa maitim na awrang nakapalibot kay Valjerome. Maski ako ay hindi makaporma nang maayos dahil sa kaba tuwing mapupunta sa akin ang paningin niya.What? Siya naman ang nagdesisyon na ituloy ang shoot kaysa pag-date-in kaming dalawa tapos kung tumingin siya ay parang kasalanan ko."You're too stiffed," the guy beside me spoke as he encircled one of his hand around my waist for our next pose.
"Fvck!" isang malutong na mura ang pinakawalan ni Valjerome nang itinulak ko siya at binigyan nang malakas na sampal.Asta akong aalis sa kanyang hita nang mabilis niya akong hulihin at ipirmi sa p'westo."You will never get away from me," umiigting na panga niyang sabi.I laughed sarcastically and glared at him. "Fvck.You." Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko kaya naman iniiwas ko ang tingin sa kanya."Should we try?" he said coldly.Mabilis kong ibinalik ang paningin ko sa kanya at asta siyang sasampalin muli, ngunit agad niyang nahuli ang kamay ko sa ere bago pa man iyon dumapo sa pisngi niya."I won't let you hurt me a
"Valjerome, let me go! Ano ba? Saan mo ba ako dadalahin?" Pilit kong hinahablot ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.Kalalabas lang namin ng kotse at agad niya akong kinaladkad papasok ng bahay. Ramdam ko ang gigil niya base na rin sa mariin niyang paghawak sa akin.Bahagya niya akong itinulak sa hagdanan at tumuro sa itaas. "Go to your room!" his voice echoed all over the house.Ramdam ko ang takot ng mga katulong at tauhan niya. Sino'ng hindi? Ito ang unang pagkakataon na nagalit siya ng ganito."Ano ba'ng problema mo?!""I said fvcking go to your room, Jazzie! Huwag mong pinapainit ang ulo ko!"I scoffed and laughed sarcastica
I kept blinking as I stared at the ceiling. Hindi ako makapaniwala na nakahiga ngayon sa tabi ko si Valjerome, higit sa lahat ay hindi ko kailanman naisip na magigising ako sa bisig niya.He's freakin' hugging me.Nahigit ko ang aking hininga nang naramdaman ko ang paghigpit ng braso ni Valjerome sa akin at mas lalo akong inilapit sa katawan niya."You wake up early," namamaos na wika niya habang isinisiksik ang mukha sa leeg ko.Pakiramdam ko ay maaalis ang puso ko sa 'king dibdib sa lakas ng kabog niyon. I cleared my throat and tried to speak with my quivering lips."Sikat na ang araw, Val," mahina kong saad.He just humm
"Good morning, Sir," magalang na bati ng mga tauhan ni Valjerome sandaling pumasok kami ng kumpanya.Nakita ko ang panunuri sa mga mata nila nang dumapo sa akin ang kanilang paningin, tila kataka-taka ang presensya ko kasama ng amo nila. May iba rin naman na pasimpleng nagbubulungan, marahil ay nakita nila sa balita ang isyu tungkol sa amin.Valjerome didn't bother to greet back. He just continued walking like he heard nothing from everyone. Tahimik lang naman akong sumunod habang nasa likuran namin sina Jaime at ang ilan sa kanyang mga tauhan.Peke akong ngumiti at tumingin sa nilalakaran ko. Sa ilang segundo, umasa ako. Umasa ako na opisyal niya akong ipapakilala rito sa kumpanya bilang asawa.Sino ba'ng niloloko ko?
"M-Mr. Montevardo, pwede po ba na medyo... igitna niyo po si Ms. Zamora?" nag-aalangan at nangangambang wika ng photographer."Misis," mariin na bulong ni Valjerome at ginawa ang kabaligtaran na utos ng photographer.He pulled me closer to his body. Wala sa sarili akong napabuntonghininga dahilan para tingnan niya ako."Val, this is a triple shoot. Ang pose natin for this ay pinanggigitnaan niyo ako ni Chaos, hindi sinosolo," I simply murmured.Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Valjerome sa balakang ko. Bahagya siyang yumuko sa tainga ko para bumulong."I will kill him before he touch you," nagngingitngit niyang anas.Marahan
Mag-a-alas dose na ng gabi ngunit wala pa rin si Valjerome. Umalis siya kanina pagkatapos niyang magwala sa salas. Madalas siyang nagagalit noon pero ito ang unang beses na umakto siya ng ganito kaya naman hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kanya.Sa hindi mabilang na pagkakataon, muli akong kumilos sa aking pagkakahiga. Napabuntonghininga ako habang nakikitig sa kisame, hindi ko alam kung sa pag-aalala ko ba kaya hindi ako makatulog o dahil masyado ko nang nakasanayan na katabi siya.Sa loob nang mahigit isang buwan na nagkakalapit kaming dalawa ay sa kwarto ko na siya natutulog. Gustuhin ko mang kwestyuhin ay ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at naging masaya na lamang sa mga ginagawa niya.Maybe he's trying to fix our marriage, but he doesn't have