The party goes on. Nagsimulang magsayawan ang mga dumalong magkakapareha kasabay nang pagsasayaw ng mga magulang ni Valjerome. Hindi ko maiwasan na mapangiti at mainggit sa mag-asawa. It's their 50th anniversary today, yet the love in their eyes were still intact.
"You're drinking too much," bulong ng isang malalim na boses sa gilid ko.
I slowly glanced at him and smiled. "Pati ba naman ito ipagbabawal mo rin?" Pagak akong tumawa at naiiling na nilagok ang shot ng whiskey na aking hawak.
Lasing na nga siguro ako dahil nasasagot ko siya nang pabalang na walang kaba na nararamdaman. Ganito naman palagi kapag tinatablan ako ng alak. Para bang isa iyong pinto na binubuksan ko mula sa silid na pinagkakulungan ko.
Hindi ko alam kung pang-ilan ko na ito. Ang alam ko lang ay idinaraan ko sa pag-inom ang nararamdaman kong frustrasyon ngayon. Sa asawa ko, sa k'wintas at sa pagsasama naming dalawa.
"Oh, hijo. Bakit hindi mo isayaw si Jazzie? Lumalalim na ang gabi, sayang naman kung hindi niyo susulitin ang pagpunta rito," usal ng ama ni Valjerome nang bumalik sila sa lamesa namin.
Madaling araw na po.
"Jazzie's tired, dad," simpleng tugon ni Valjerome habang malambing na nakaakbay sa akin.
I wanted to scoffed, but I refused to. Sadyang ayaw niya akong isayaw.
"Excuse me, restroom lang ako," magalang kong paalam sa lahat, kasama na ro'n ang asawa ko.
"Samahan na kita," aniya at mabilis na umalalay sa aking pagtayo.
"I can handle," agap ko at bahagya siyang itinulak para magkaroon ng distansya sa aming dalawa.
Nakamaskara man ay hindi pa rin nakaligtas sa akin ang pag-igting ng kanyang panga. "I will go with you," he said in dismissive tone and guided me for a walk.
Nakagat ko ang ibaba kong labi at nagpatianod sa paghila niya. Nang narating namin ang banyo ay hinayaan niya akong pumasok mag-isa, sumandal siya sa pader na tila ba sa gano'ng paraan ipinararating sa akin na hihintayin niya ako.
Napanguso ako at ginawa ang dapat gawin. Umihi ako at saka nag-retouch ng kaunti. Hindi ko man gusto na palaging nag-aayos ng mukha ay wala akong magagawa dahil may imahe rin akong dinadala. Nang nakuntento sa aking itsura ay napagdesisyunan ko nang lumabas ng banyo. Gano'n na lang ang pangangatog ng aking tuhod sa nasaksihan, mapait akong ngumiti at nagsimulang maglakad paalis—iniwan ang asawa ko na may kahalikang iba mula sa kanyang lugar.
Sa halip na bumalik sa lamesa kung nasaan ang mga magulang ni Valjerome ay nagtungo ako sa mini bar counter na nasa gilid. Agad akong humingi ng margarita sa bartender at mabilis itong nilagok sandaling ipinatong niya iyon sa ibabaw. Not minding the lime on it, neither the salt.
Nakailang order pa ako hanggang sa naramdaman ko na ang pag-ikot ng aking paningin. Saglit akong tumawa dahil ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin ako pinupuntahan ng asawa ko.
Hindi niya ba ako makita?
O hindi niya lang sadya ako hinahanap kasi may ginagawa siyang milagro ngayon?
With that thought, I drank another shot. O-order pa sana akong muli nang may lumapit sa gilid ko na lalaki at inialok ang kanyang kamay sa akin. I stared at him with my dizzy eyes. Nakamaskarang itim ang kalahati niyang mukha ngunit hindi iyon ang nakakuha ng pansin ko. His ocean blue eyes captivated my attention.
"Why don't you dance with me, gorgeous lady? I swear it's more fun rather than drowning yourself in alcohol," he uttered with a manly voice.
Hindi ako agad nakasagot at nanatili lang nakatitig sa magaganda niyang mga mata. I was about to speak when a strong arm wrapped around my waist possessively. Napapikit na lamang ako at napasandal sa kanya, sa amoy pa lang ay kilala ko na ang presensya ng asawa ko.
"You are hitting on my wife, mister," matigas na ingles ni Valjerome.
Namayani ang katahimikan sa kanila. Tanging tunog sa paligid lang ang aking narinig kaya naman unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. I saw the guy staring at me instead of talking to my husband.
"You don't deserve someone like him," he said and walked away.
Ramdam ko ang panggigigil ni Valjerome base sa mabibigat niyang hininga. Nasisigurado ko na kung hindi ako nakasandal sa kanya ay mabilis niyang nasundan ang lalaki at pinatay. I just closed my eyes again and let myself jailed by his body.
Naramdaman ko ang maingat niyang pagkarga sa akin kaya naman marahan ko muling idinilat ang aking mga mata. Our eyes met. Hindi ko mabasa ang emosyon sa kanyang mukha, pinili ko na lamang na ngumiti ng tipid.
"No one deserves you better than me," I whispered and finally drifted to oblivion.
I woke up as if my head was being hit by a loader. "Fvck!" I cursed out and massage my temples.
Marahan kong idinilat ang aking mga mata at nagulat ako nang nakita si Valjerome na nakatayo sa gilid ng aking kama. Nakalagay ang isa niyang kamay sa bulsa at nakita ko ang munting pag-igting ng kanyang panga.
"Get up and eat. Pupunta na akong trabaho," aniya sa walang emosyon na paraan.
Ilang beses akong napakurap at napatitig sa kanya.
Ano raw?
Am I hallucinating?
Nagsasabi siya sa akin ngayon?
"Hindi ka ba magsasalita?" kunot-noo niyang tanong.
Napatikhim naman ako at umiwas ng tingin. "I-ingat," nauutal kong sambit sa mababang tono.
I heard him scoffed. Nagulat ako nang bigla siyang yumuko at hawakan ang aking panga patungo sa kanya.
"Is that all?" he asked while staring at me.
Napalunok ako. "A-ano..." I trailed off.
Ano ba ang dapat kong sabihin?
"Pasalubong?" I added.
He raised an eyebrow and released me slowly. I heard him cursed silently as he brushed his hair using his fingers.
"What will you do today? I heard you cleared your schedule," kaswal niyang tanong.
Napaiwas ako ng tingin nang naalala ang dahilan kung bakit ko ipinalinis ang schedule ko ngayong linggo.
"Wala. Magpapahinga lang ako rito, medyo napagod ako sa sunud-sunod na shoot," I lied.
He stared at me.
"A-Ano... mag-aayos na ako at bababa para kumain." Mabilis akong bumangon at nagtungo sa banyo upang makaiwas sa kanya.
Humarap ako sa malaking salamin at mabilis na namula ng mukha ko nang napansin na nakapambahay na ako ngayon.
Binihisan niya na naman ako!
I jolted when I heard a knock outside the bathroom. "Bakit?" kagat-labing usisa ko.
"I'm going," he informed.
Hindi ako agad nakasagot. Rinig ko ang mga yabag niya paalis nang mabilis kong buksan ang pinto. Tumigil siya sa paglalakad at kunot-noo na lumingon sa akin.
"A-Ano... maaga ka bang..." I bit my lower lip and met his gaze. "Uuwi mamaya?" maingat kong sunod.
He didn't answer, he just kept staring at me like I am a solving puzzle.
"I'll try," tipid niyang sagot at saka tuluyang lumabas ng silid ko.
Hindi ko maiwasan na mapangiti habang bumabalik sa loob ng banyo.
Maybe he also remembered what we have today that's why he's acting nice.
Masaya akong naligo at nag-ayos ng sarili. Nasa loob pa lang ng silid ay pinagpaplanuhan ko na ang lulutuin ko para mamayang gabi. Valjerome maybe a mafia boss, but he still have his legal company to take care. He's running a company named ABCD Construction Corporation—a leading engineering and infrastructure firm here in the Philippines.
I blow dry my hair and finally exited my room. Nakangiti pa akong sumisipol habang naglalakad sa pasilyo ng palapag nang natigilan ako sa paglabas ng isang babae sa silid ng asawa ko. Lahat nang naramdaman kong saya at galak ay gano'n kabilis nawala. Muling nanumbalik ang alaala ko kagabi nang natitigan ko ang mukha niya.
She's that girl. Ang kahalikan niya sa labas ng cr.
Palihim akong ngumiti nang mapait at walang gana na nagpatuloy sa aking paglalakad. Nakasalubong ko pa ang kanang kamay ni Valjerome na si Jaime na umaakyat ng hagdanan. I know at that moment, Valjerome ordered him to kill the girl.
"Oh, hija. Kumain ka na, marami akong niluto ngayon," puno ng galak na salubong sa akin ni Manang.
I forced a smile and sat on the chair. Wala sa sarili kong nilunok ang mga pagkain, mukhang napansin ni Manang ang pagiging matamlay ko kaya naman umupo siya sa katabi kong upuan at marahang hinaplos ang balikat ko.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang usisa niya.
Tipid akong ngumiti at tumango.
"Binati ka ba ng iyong asawa?" maingat niyang tanong.
Natigil ako sa pagsandok at nanginginig na binitawan ang hawak kong kutsara. I glanced at Manang and smiled again despite of a lone tear fell on my cheek.
"Hindi niya po 'ata natatandaan na wedding anniversary namin ngayon..."
"Gift for your wife?" Jaime, one of my trusted men, casually spoke while driving the car.Tipid akong tumango at muling tumitig sa hawak kong kwintas. "For our wedding anniversary," I said lowly and forced a smile.And she'll never know..."You will confess?" he asked again.I chuckled emptily and put back the infinity necklace on its box. "Alam mong hindi ko magagawa iyan sa ngayon," saad ko.Hindi na naman siya umimik pa at itinuon na lang ang atensyon sa pagmamaneho. I looked outside the car window and smiled sadly.A day from now, it's already our third year anniversary, my wife.***IT'S almost 12midnight when we reached my parents' party. I automatically snaked my arms around her, marking my wife at everyone's eyes as we took our way in.She's mine.I am always thankful every time we need to show up at my parents'. It's the only moment I could freely touch her, the split
"You are wasting your time by calling him in your mind, Jazzie. Nalinlang ko na ang grupo ng dati mong asawa sa ibang lugar. Kung sakali man na mahanap niya kayo rito, isa na lamang kayong mga bangkay," Chaos spoke coldly."Why?" namamaos kong tanong at saka tumingin sa kanya. "I trusted you, Chaos," I said weakly.He smirked. "That's the plan, Jazzie. Ang pagkatiwalaan mo ako," aniya.Marahan akong umiling at pagak na nagpakawala ng tawa. "Is this necessary, Chaos? Kailangan ba talagang idamay ang anak ko sa paghihiganting gusto mo? Niyo ng pamilya mo?""My sister died in front of me, Jazzie. She shot herself," he stated."She killed herself. Your sister was the one who took her life, Chaos. Not me, not my son, not Valjerome either!" I snapped out of frustration.Chaos clenched his jaw. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang muling pag-angat ng baril ng matandang Hevion patungo sa direksyon ko. Pinigilan lang iyon ng asawa niya at sinen
Valjerome's men couldn't do anything when the van took me. Hindi sila makabaril ng basta dahil na rin nasa loob ako ng sasakyan."Dala na po namin siya," ani ng isa sa mga nakasakay habang hawak ang isang telepono.Nasisiguradong kong si Chaos ang kinakausap niya. Tahimik na lang ako na bumuntonghininga at saka sumandal sa upuan. Hindi ako nanlaban o gumawa ng kahit anong gulo. Bukod sa wala akong lakas para doon ay alam kong walang silbi kung gagawin ko pa ang mga iyon. In the first place, I chose this.Ramdam ko ang pagmamasid ng mga lalaking kasama ko, kung mabantayan nila ako ay para bang may kaya pa akong gawin sa mga oras na ito. I mentally shook my head and forced a smile.Isa lang naman ang kaya kong gawin ngayon, iyon ay ang ipaalam ang lokasyon ko kay Valjerome.I bit my lower lip when I felt my phone vibrated on my thigh. Nakatago iyon at sinigurado kong hindi mahahalata ng kung sinuman. Sa mga oras na ito, alam kong alam na ni Valjerome
"V-Val..." nanghihina at garalgal na tawag ko kay Valjerome nang pumasok ako sa mansyon.Agad niya naman akong sinalubong at niyakap. "It's okay, everything will be okay," pang-aalo niya habang hinahaplos nang marahan ang buhok ko.I shook my head. "Kasalanan ko... kasalanan ko," paulit-ulit kong sambit at sumubsob sa dibdib niya dulot nang panghihina.Tuluyan nang lumandas ang mga luha ko. Hindi ko mawari kung paano iyon nagawa ni Chaos sa akin, sa amin ng anak ko—sa batang itinuring siyang tunay na ama."D-Dapat ay hindi ko iniwan si Erom tulad nang nakasanayan ko," bulong na anas ko sa pagitan ng aking mga hikbi."Ssshh. Don't blame yourself, Jazzie," usal ni Valjerome.Muli akong umiling at saka mabagal kumalas mula sa yakap niya. Gamit ang nag-uulap kong paningin ay tinitigan ko siya."Hindi ko na kaya, Val. Hindi ko na kayang mawalan ulit ng anak," puno ng hinagpis kong wika.He looked at me softly and then pulled m
"Papa!" galak na pagtawag ni Erom kay Chaos pagkapasok namin ng opisina niya.He ran into Chaos and gave him a hug. Natawa naman si Chaos at yumakap pabalik kay Erom. Napangiti na lang din ako saka mabagal na naglakad palapit sa kanila.Damn, it hurts.That insatiable Mafia Boss!"Did you miss me?" tanong ni Chaos habang karga si Erom sa hita niya.Mabilis namang tumango si Erom bilang tugon at saka siya pinatakan ng isang halik sa pisngi."How are you po, Papa?" pangangamusta ng anak ko.I sat on the visitor's chair and watched them talked. Wala sa sarili akong napatitig kay Chaos nang naalala ko ang sinabi ni Valjerome kaninang madaling araw.Anak siya sa labas?Sa anim na taon na nagkasama kami ni Chaos, hindi niya kailanman nabanggit ang tungkol doon. Maski ang pamilya niya ay hindi niya rin palaging nakukwento sa akin. Minsan ko silang nakaharap noong nagkaroon ng salu-salo sa condo ni Cha
Alas tres na ng madaling araw pero gising pa rin kami ni Valjerome. Nakahiga ako sa balikat niya habang nakayapos naman ang kamay niya sa akin. Pareho kaming nakatitig sa kisame; nag-iisip, nakikiramdam."Hindi ka ba... nagsisisi?" aniya sa mahinang boses.Kunot-noo ko naman siyang tiningala. "Nagsisisi? Saan?"Malamlam siyang tumingin sa akin at saka banayad na pinalis ang aking takas na buhok gamit ang isa niyang kamay. "Sa nangyari sa atin... ngayon," tugon niya.Hindi ko naiwasan na irapan siya. "You already took me six times, Valjerome. Kung nagsisisi ako, sana sa pangalawang beses pa lang umayaw na ako."His lips curled up. "You counted it?" manghang tanong niya.Nag-init ang aking pisngi sa kahihiyan. "H-hindi ko binilang. Natatandaan ko lang," ani ko.He let out a soft chuckle and hugged me closer. "I love you," he said sincerely."I... love you too," nahihiyang pag-amin ko."I love you," ulit niya at hinalikan a