Share

CHAPTER 7

Author: jeeenxx
last update Last Updated: 2025-01-24 09:41:23

Alora's POV

Nagising ako dahil bigla ko na lang naramdaman na nasusuka ako kaya naman tumakbo ako agad papunta sa cr. Ilang araw nang ganon ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong meron sa katawan ko at hindi ko rin naman masabi kay Azrael dahil busy siya masyado sa trabaho.

"Manang meron po bang mangga diyan?" tanong ko pagkababa ko sa pero umiling lang ang taga-luto.

Bumalik na lang ako sa kwarto ko at bumaba lang ulit noong kakain na ako ng hapunan.

Kakain na sana ako pero noong maamoy ko ang steak ay bigla na lang akong naduwal kaya todo takbo na naman ako sa cr.

Ano bang nangyayari sa katawan ko?

"Asan si Azrael?" tanong ko sa isa sa mga tauhan ni Azrael noong makalabas na ako ng cr. Hindi ko siya kilala. Hindi ko naman memoryado ang mga pangalan nila dahil sa sobrang dami ng tauhan ni Azrael.

Umiling lang siya at sinabing maaga na nagpunta sa trabaho ang boss niya. Pumunta na lang tuloy ako sa kusina para sabihin kay Manang na dalhin na lang ang pagkain ko sa kwarto ko at huwag nang isama ang steak para kaseng maduduwal na naman ako sa oras na makita ko iyon.

Those morning sickness continued at wala akong mapagtanungan. Si Azrael busy sa trabaho niya, si Sheila at Stella naman ay umuwi sa kanila para magbakasyon, si Manang naman ay hindi kami masyadong close pati ang ibang tauhan ni Azrael.

"I miss you," bulong ni Azrael. Kakarating niya lang at ito agad siya nakayakap sa akin pero hindi ako sumagot.

Hindi naman sa nagtatampo ako, sadyang pagod na pagod ako ngayong araw kahit wala naman akong ginawa kundi maglibot lang sa buong bahay. Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan siyang yakapin ako patalikod hanggang sa makatulog ako.

Paggising ko ay naabutan ko siya pero paalis na rin siya dahil nagka-problema raw ang negosyo nila sa Japan kaya kailangan niyang pumunta doon.

Dahil umalis siya ay bored na bored ako ulit mabuti na lang at pumunta ngayon ang teacher ko ng english.

"Teacher, may itatanong po sana ako," panimula ko. "Palagi po kase akong nagsusuka tapos hindi ko po alam parang naninibago ako sa katawan ko. Noong isang araw rin ay nasuka ako dahil sa amoy ng steak eh favorite ko naman po iyon." nakatingin lang siya sa akin na para bang inaalesa ang bawat lumalabas sa bibig ko. "Ano po bang nangyayari sa akin? May sakit po ba ako? Mamatay na po ba ako?"

Napatingin ako noong tumawa siya sa sinabi ko. "Hindi, nag-try ka na bang mag pregnancy test?" Umiling ako, ang alam ko ay para sa mga buntis yun eh hindi naman ako buntis.

"Wait ka dito, bibili lang ako nun." Tumingin ako sa kanya na kinukuha ang bag niya.

Umalis nga siya at naiwan akong tulala doon. Hindi ko kase siya maintindihan, hindi naman ako buntis kaya bakit kailangan ko iyon. Yung mga buntis malalaki yung tiyan yung akin hindi naman.

Bumalik siyang may dalang paper bag. "Ihian mo yan." Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa hawak ko na kaparehas nung ginagamit kapag chine-check yung lagnat ng isang tao.

Nag-aalinlangan akong pumunta sa kwarto ko at dumiretso sa cr habang nakasunod pa rin siya. Ginawa ko ang iniutos niya at kita kong may lumalabas na parang line, kaya binigay ko iyon sa teacher ko.

Hindi ko naman kase alam kung ano yun.

Tiningnan niya muna iyon bago magsalita, "Congratulations you're pregnant!" masaya niyang bati sa akin at ipinakita sa akin iyong parang pregnancy test

Hindi ko pa rin alam kung bakit niya sinabi na buntis ako at kung bakit siya sigurado doon at kung maniniwala ba ako sa kanya kase ngayon ko lang naman nalaman na ganon pala ang proseso para alamin kung buntis ang isang babae.

"Sure po kayo? Baka mali po iyan."

May inabot ulit siya sa akin. "Ayan para makasigurado." Tinangap ko ang ibinigay niyang pregnancy test at ipinaliwanag muna kung paano niya nasabing buntis ako bago niya ako pumasukin ulit sa cr.

Inulit namin iyon ng tatlong beses pero pareho pa rin ang resulta, dalawang guhit.

"Kung ayaw mo pa ring maniwala, magpa-check-up ka sa doctor."

Gusto kong gawin ang suhestyon niya pero natatakot akong lumabas ng bahay dahil baka inaabangan lang ako ni Koen sa labas.

Wala rin dito si Azrael kaya wala akong maisasama. Ilang araw pa raw siya roon sabi ni Calem.

Si Calem na lang kaya isama ko? Pero nakakahiya naman ata.

"Calem," tawag ko sa kanya noong dumaan siya sa harapan ko habang nakaupo sa sofa. "Pwede ba tayong magpapunta ng doctor dito?"

Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Bakit may kaibigan kang doctor na bibisita?" Umiling ako.

Wala naman akong ganon, ang tanging mga kaibigan ko lang ay ang mga batang inaalagaan ni Manang Karla na kasama ko rin sa pamamalimos.

"Hindi gusto ko lang sanang magpa-check-up." Mas lalong lumala ang pagtataka sa mukha niya. "Kase ano, yung mga pasa ko gusto ko sana ipatingin kung okay lang sila." pagdadahilan ko pa, mabuti na lang at iyong iba kung mga pasa na galing kay Koen ay hindi pa nawawala.

Ayoko kaseng sabihin sa kanya at baka sabihin niya rin kay Azrael. Gusto ko sana ako ang magsasabi kay Azrael.

"Tawagan ko lang si Azrael, sasabihan na lang kita kung pumayag siya." Umalis siya kaya naghintay naman ako.

Hindi naman ako nabigo dahil pagsapit ng hapon ay may dumating nga na doctor.

"Congratulations Mrs. Alcazar!" Iyon agad ang unang sabi ng doctor matapos niyang magtanong ng kung ano-ano at i-check ang tiyan ko gamit ang iba't-ibang aparatus.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 135

    Alora's POV Sa loob ng ilang araw na pagpasok ko sa training ay mayroon talaga akong natutunan iyon nga lang ay ang sakit talaga sa katawan. Sinabi na sa akin ito ni Azrael bago pa man pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko sa mga joints ko. Sinabihan rin ako ng mga kaklase ko na sa una lang daw ganito kaya sana talaga hindi lang nila ako niloloko. Naging malapit na rin ako sa mga classmates ko roon. Hindi ko nga lang alam ang mga pangalan nila dahil ayaw nilang sabihin sa akin sa hindi ko malamang dahilan dahil kahit ang rason kung bakit itinatago nila ang pangalan nila sa akin ay hindi rin nila sinasabi. Huling araw na lang pala ngayon dahil bukas ay luluwas na papuntang Thailand si Azrael para ayusin ang problema ng business nila. Balak sana naming maglaan ng oras sa pamilya kaso may training kami ni Rail at siya naman ay may trabaho. "See you this afternoon anak." Hinalikan niya ang noo ng anak namin katapos ay ginawa niya rin sa akin iyon. "See yo

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 134

    Alora's POV Tinuruan ako ni Mr. Yakamoto kung paano ang tamang pagtayo sa training, ang tamang pagbagsak at kung-ano-ano pa. Hindi naman siya mahirap dahil kailangan ko lang i-inat ang kamay ko sa tuwing babagsak ako sa sahig dahil kapag hindi ko iyon ginawa ay baka masaktan ang tagiliran ko. Ang nahirapan lang ako ay ang takot sa pagbagsak pero dahil wala ako sa lugar para mag-inarte ay ginawa ko pa rin iyon, nandito rin naman ako para matuto. Matapos akong turuan ni Mr. Yakamoto ay tinawag naman niya ang mga classmate ko, nakita ko pa ang paghagis ng babaeng kausap ko kanina sa isa pang babae. Iyan ang kahihinatnan ko sa paglipas ng araw na andito ako. "I know all of you already learned it but because we have Alora we will learn it again." Curios akong napatingin lalo na dahil pinagitna niya ang babaeng nakausap ko kanina at gumitna sila kaya wala sa sarili akong napaatras ganon din ang iba. Tumayo silang dalawa ng pagkahatap. "Halimbawa, naglalakad ka sa daan tapos may biglang

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 133

    Alora's POVNgayon ang unang araw na kinakabahan ako sa paghatid kay Rail sa training center dahil ngayon din ang araw ng simula ng training ko. Hinatid kami ni Azrael sa training center dahil aalis din agad siya papuntang trabaho. Ilang araw na lang din bago siya lumipad papuntang Thailand. "Sunduin ko kayo maya katapos ng training niyo." Tumango ako sa sinabi niya at tumingin naman siya sa anak namin pinantayan naman ito. "Enjoy the training anak, don't strain yourself too much." Magiliw naman na umuo ang anak namin saka siya tumayo at humarap sa akin. "If you change your mind tawagan mo lang ako." Ngumiti lang ako sa kanya. Bago pa kami lumabas ng bahay ay sinasabi na niya sa akin iyon. "Kakausapin ko si Mr. Yakamoto kung sakali man."Umiling ako. "Siguro na ako mahal." Ilang minuto niya pa akong tiningnan, parang sinusuri kong may kaunting pagiging hindi sigurado ba siyang makikita sa mukha ko. "Okay. Huwag mo ring i-push ang sarili mo masyado." Katulad ng ginawa ng anak namin

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 132

    Alora's POV Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon kay Dad ay sinabi niya agad sa akin na kausapin ko muna si Azrael para siya na rin naman ang mag-ayos at mag-enroll sa akin sa klase. Pauwi na kami ngayon, kakatapos lang ng training ni Rail at sinundo kami ni Azrael doon matapos niya sa trabaho. Napagod siguro si Rail dahil knock-out na ito sa likod. "Gusto kong mag-aral ng self defense." Saglit na napatingin sa akin si Azrael pero agad rin namang ibinalik ang atensyon sa kalsada. "Sure ka na ba?" Tumango ako kahit hindi niya naman iyon makikita dahil nasa kalsada ang buong atensyon niya. "I will contact Mr. Yakamoto, the owner of that training center and Dad's previous butler para ma-enroll ka." Sa totoo lang ay hindi ko nga rin alam kung ano ang mangyayari sa desisyon kong ito pero dahil gusto ko rin namang matuto ng mga bagay na makakapag-protekta sa akin at sa anak ko ay kailangan ko lang magtiwala sa magiging teacher ko at kay Azrael. Pagdating nga namin sa bahay ay hi

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 131

    Alora's POV"No. I will handle that matter," rinig kong sabi ni Azrael habang nakatayo sa may bintana ng kwarto namin at may kausap sa telepono. Kakapasok ko lang sa kwarto namin dahil nilinisan ko pa ang pinagkainan namin. Ika-limang araw na rin ngayon ng training ni Rail. Kung minsan ay kaming dalawa ang sumusundo sa anak namin pero palaging ako dahil nga busy siya sa trabaho. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang sabi ni Dad na mag-aral rin ako ng self-defense. Hindi naman niya ako pinipilit pero tumatak sa isip ko ang sinabi niya dahil alam kong kapag nag-aral nga ako nun ay mapro-protektahan ko ang anak ko at ang sarili ko. Ang tanong nga lang ay kung kaya ko ba? Kakayanin ba ng isip ko kapag dumating na ako sa puntong nasa harap ko na ang isang bagay na magtri-trigger para bumalik ako sa nakaraan? "Kumusta?" tanong ko nang humiga na rin siya sa kama. Yumakap naman siya sa akin at isiniksik ang sarili sa katawan ko. "Hindi pa rin okay. Hindi pa rin tumitigil ang mga taong umaay

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 130

    Alora's POV "Anak, gusto mo bang matuto ng ganyan?" tanong ko kay Rail habang nanonood kaming tatlo ng ama niya sa TV.Ang pinapanood namin ay yung mga self defense training at yung iba't-ibang klase ng martial arts. Naisip namin na ganito ang gawin dahil baka hindi maintindihan ni Rail ang mismong salita dahil hindi naman siya pamilyar doon. Sa ganitong paraan rin ay malalaman niya ang mga gagawin niya kung sakaling pumayag siyang mag-training. "Pwede po ba?" Humarap siya sa amin ng may pag-asang naka-plastar sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ama niyang nangiti at nakatingin lang sa kanya. "Of course anak, kahit bukas mo agad gustong magsimula, gagawin iyon ni Papa." Nakita na naman ang excitement sa mukha ni Rail dahil sa narinig."Really?!" "Yes, andoon din ang ate Valerie mo kaya siguradong mag-e-enjoy ka," sabi pa ni Azrael. "I know papa, kinuwentuhan niya ako about sa ganyan sometimes." "Talaga anak?" Akala ko ay puro laro lang ang ginagawa nila pero napag-uusapan na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status