Alora's POV
Nakatakas kami sa lugar na iyon dahil na rin sa hidden exit na alam ni Azrael. Marami rin ang nasugatan at natamaan sa mga tauhan ni Azrael pero nanalo naman sila sa mga tauhan ni Koen. "Simula noong sinabi mo ang pangalan niya, hinigpitan ko pa lalo ang pagmamasid sa bawat galaw at negosyo nila." panimula niya habang naglalakad papunta sa sofa at nakasunod lang ako sa kanya. "Especially him, alam kong kapag gusto niya ang isang bagay hindi niya iyon susukuan and I was very sure that he will come after you and I was right." Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil pinapayagan niya akong lumabas ng bahay at mag-enjoy kahit alam niyang delikado ang lagay ko. "Alam kong malaking risk ang ginagawa ko sa bawat araw na isinasama kita sa labas pero gusto ko lang mag-enjoy ka. Kasama mo naman ako, I will protect you." Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ko lang iyon. Oo nga at kasama ko siya pero paano na lang kung hindi kami makatakas? Anong mangyayari sa akin at sa kanya? Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya pero hindi natin alam ang plano ng kinabukasan. Kung mawala siya hindi ko na alam kung kailan ko ulit mararamdaman ang pagiging sigurado at pagiging safe. "A gift for my wife." Kakagaling niya lang ng trabaho at andito agad siya sa kwarto ko dala ang isang paper bag. "Ano 'to?" tanong ko sa kanya habang binubuksan ang paper bag. "Bakit mo binili 'to ang mahal kaya nito." sabi ko sa kanya noong makita kong iyon ang dress na tinitignan ko noong huli naming punta sa mall. "Kahit bumili pa ako ng bente ka piraso na ganyan, tandaan mong hinding-hindi mauubos ang pera ng asawa mo okay?" Tumango ako. Sabagay sabi nga ni Calem ay kayang bilhin ni Azrael ang buong mall eh, ano pa kaya ang benteng piraso ng dress na ito na tig ten thousand. Pumasok ako sa closet ko at isinuot ang dress na binili niya, pinilit niya kase akong gawin iyon. Lumabas ako at nandoon siya nakaupo sa kama, matyagang nag-aantay. Tumayo ako sa harap niya at tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa na para bang hinuhusgahan niya ako. Napatakip nga lang ako sa dibdib ko nang mapansing nandoon na ang titig niya. "Bastos mo!" singhal ko pero tumawa lang siya. Nagmadali na lang akong bumalik ulit sa walk-in closet para magpalit na ulit ng damit pero hindi pa man ako nakakapasok ay naramdaman ko ang yakap niya. "You look good in that dress but you're more beautiful without those on." Nag-init agad ang katawan ko noong ibulong niya iyon sa tenga ko habang hinihimas niya pataas at pababa ang tiyan ko. "Magtigil ka Azrael," may diin kong sabi pero imbes na tumigil ay hinalik-halikan niya ang balikat ko patungo sa leeg ko hanggang sa tenga ko. Ilang beses niyang ginawa iyon, pabalik-balik, sa kaliwa at sa kanan, wala siyang pinalagpas na bahagi ng balikat at leeg ko. "Sige na magpalit ka na." Tinignan ko siya ng masama noong tumigil siya sa ginagawa, nakangiti lang naman siya habang marahan akong itinutulak papasok sa walk-in closet. Bwesit din minsan itong lalaking ito! Natanggal nga lang ang inis ko at napalitan ng ngiti nang may naisip akong plano. Hinubad ko ang dress na binigay niya at inaantay siyang makatulog. Alam kong makakaidlip siya sa pag-aantay na lumabas ako rito dahil sa pagod sa trabaho. Noong masigurado kong tulog na nga siya ay dahan-dahan akong umakyat sa ibabaw niya. Binitin niya ako, ngayon ay sisiguraduhin kong mababaliw siya sa akin. I was right, he woke up with me riding him. Walang tigil kong isinisigaw ang pangalan niya habang siya ay inaalalayan ako sa bawat galaw ko. Hindi pa siya nakontento at pinagpalit ang pwesto namin. He was rough yet gentle na hindi ko maiwasang kalmutin ang likod niya habang ipinagsisigawan kung gaano kasarap ang ginagawa niya sa akin. Dahil din naman sa malalaswa kong salita ay hindi niya talaga ako tinigilan. Hindi lang isang posisyon ang ginawa namin kaya naman ay parang naubos ang lakas ko. Ang goal ko ay mabaliw siya pero mukhang ako ata ang nabaliw sa ginawa niya. "Sorry I was rough." Umiling lang ako. "Take a rest, alam kong napagod ka." Ginawa ko nga iyong sinabi niya. Kahit hindi rin naman niya sabihin iyon ay makakatulog talaga ako agad dahil sa pagod. Hindi ba naman nagsawa, ramdam ko pa nga siya ngayon sa may bandang tiyan ko, matigas pa rin at handa pang lumaban pero hindi ko na kaya, pati ang talukap ng mga mata ko ay sumusuko na. "I love you." Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o namali lang ako ng dinig pero iyon ang huling salita na narinig ko at ang bumigkas ng salitang iyon ay kaboses niya. Salitang hindi ko ine-expect na kailan man lalabas sa bibig niya dahil alam kong hindi naman ako ang mahal niya. Isa lang akong extra sa buhay niya, panakip butas hanggang sa dumating na ang totoo niyang asawa— ang totoong Alora Hazel Valezka. Kaya sure ako na panaginip lang iyon at namali lang ako ng dinig. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko ginagawa ang mga ito, kung bakit ko ibinibigay ang sarili ko sa taong alam kong posible akong iwan sa huli. Alam ko namang hindi ako ang totoo niyang asawa at delikado rin siyang tao pero nananalo pa rin ang puso ko.Alora's POV Sa loob ng ilang araw na pagpasok ko sa training ay mayroon talaga akong natutunan iyon nga lang ay ang sakit talaga sa katawan. Sinabi na sa akin ito ni Azrael bago pa man pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko sa mga joints ko. Sinabihan rin ako ng mga kaklase ko na sa una lang daw ganito kaya sana talaga hindi lang nila ako niloloko. Naging malapit na rin ako sa mga classmates ko roon. Hindi ko nga lang alam ang mga pangalan nila dahil ayaw nilang sabihin sa akin sa hindi ko malamang dahilan dahil kahit ang rason kung bakit itinatago nila ang pangalan nila sa akin ay hindi rin nila sinasabi. Huling araw na lang pala ngayon dahil bukas ay luluwas na papuntang Thailand si Azrael para ayusin ang problema ng business nila. Balak sana naming maglaan ng oras sa pamilya kaso may training kami ni Rail at siya naman ay may trabaho. "See you this afternoon anak." Hinalikan niya ang noo ng anak namin katapos ay ginawa niya rin sa akin iyon. "See yo
Alora's POV Tinuruan ako ni Mr. Yakamoto kung paano ang tamang pagtayo sa training, ang tamang pagbagsak at kung-ano-ano pa. Hindi naman siya mahirap dahil kailangan ko lang i-inat ang kamay ko sa tuwing babagsak ako sa sahig dahil kapag hindi ko iyon ginawa ay baka masaktan ang tagiliran ko. Ang nahirapan lang ako ay ang takot sa pagbagsak pero dahil wala ako sa lugar para mag-inarte ay ginawa ko pa rin iyon, nandito rin naman ako para matuto. Matapos akong turuan ni Mr. Yakamoto ay tinawag naman niya ang mga classmate ko, nakita ko pa ang paghagis ng babaeng kausap ko kanina sa isa pang babae. Iyan ang kahihinatnan ko sa paglipas ng araw na andito ako. "I know all of you already learned it but because we have Alora we will learn it again." Curios akong napatingin lalo na dahil pinagitna niya ang babaeng nakausap ko kanina at gumitna sila kaya wala sa sarili akong napaatras ganon din ang iba. Tumayo silang dalawa ng pagkahatap. "Halimbawa, naglalakad ka sa daan tapos may biglang
Alora's POVNgayon ang unang araw na kinakabahan ako sa paghatid kay Rail sa training center dahil ngayon din ang araw ng simula ng training ko. Hinatid kami ni Azrael sa training center dahil aalis din agad siya papuntang trabaho. Ilang araw na lang din bago siya lumipad papuntang Thailand. "Sunduin ko kayo maya katapos ng training niyo." Tumango ako sa sinabi niya at tumingin naman siya sa anak namin pinantayan naman ito. "Enjoy the training anak, don't strain yourself too much." Magiliw naman na umuo ang anak namin saka siya tumayo at humarap sa akin. "If you change your mind tawagan mo lang ako." Ngumiti lang ako sa kanya. Bago pa kami lumabas ng bahay ay sinasabi na niya sa akin iyon. "Kakausapin ko si Mr. Yakamoto kung sakali man."Umiling ako. "Siguro na ako mahal." Ilang minuto niya pa akong tiningnan, parang sinusuri kong may kaunting pagiging hindi sigurado ba siyang makikita sa mukha ko. "Okay. Huwag mo ring i-push ang sarili mo masyado." Katulad ng ginawa ng anak namin
Alora's POV Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon kay Dad ay sinabi niya agad sa akin na kausapin ko muna si Azrael para siya na rin naman ang mag-ayos at mag-enroll sa akin sa klase. Pauwi na kami ngayon, kakatapos lang ng training ni Rail at sinundo kami ni Azrael doon matapos niya sa trabaho. Napagod siguro si Rail dahil knock-out na ito sa likod. "Gusto kong mag-aral ng self defense." Saglit na napatingin sa akin si Azrael pero agad rin namang ibinalik ang atensyon sa kalsada. "Sure ka na ba?" Tumango ako kahit hindi niya naman iyon makikita dahil nasa kalsada ang buong atensyon niya. "I will contact Mr. Yakamoto, the owner of that training center and Dad's previous butler para ma-enroll ka." Sa totoo lang ay hindi ko nga rin alam kung ano ang mangyayari sa desisyon kong ito pero dahil gusto ko rin namang matuto ng mga bagay na makakapag-protekta sa akin at sa anak ko ay kailangan ko lang magtiwala sa magiging teacher ko at kay Azrael. Pagdating nga namin sa bahay ay hi
Alora's POV"No. I will handle that matter," rinig kong sabi ni Azrael habang nakatayo sa may bintana ng kwarto namin at may kausap sa telepono. Kakapasok ko lang sa kwarto namin dahil nilinisan ko pa ang pinagkainan namin. Ika-limang araw na rin ngayon ng training ni Rail. Kung minsan ay kaming dalawa ang sumusundo sa anak namin pero palaging ako dahil nga busy siya sa trabaho. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang sabi ni Dad na mag-aral rin ako ng self-defense. Hindi naman niya ako pinipilit pero tumatak sa isip ko ang sinabi niya dahil alam kong kapag nag-aral nga ako nun ay mapro-protektahan ko ang anak ko at ang sarili ko. Ang tanong nga lang ay kung kaya ko ba? Kakayanin ba ng isip ko kapag dumating na ako sa puntong nasa harap ko na ang isang bagay na magtri-trigger para bumalik ako sa nakaraan? "Kumusta?" tanong ko nang humiga na rin siya sa kama. Yumakap naman siya sa akin at isiniksik ang sarili sa katawan ko. "Hindi pa rin okay. Hindi pa rin tumitigil ang mga taong umaay
Alora's POV "Anak, gusto mo bang matuto ng ganyan?" tanong ko kay Rail habang nanonood kaming tatlo ng ama niya sa TV.Ang pinapanood namin ay yung mga self defense training at yung iba't-ibang klase ng martial arts. Naisip namin na ganito ang gawin dahil baka hindi maintindihan ni Rail ang mismong salita dahil hindi naman siya pamilyar doon. Sa ganitong paraan rin ay malalaman niya ang mga gagawin niya kung sakaling pumayag siyang mag-training. "Pwede po ba?" Humarap siya sa amin ng may pag-asang naka-plastar sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ama niyang nangiti at nakatingin lang sa kanya. "Of course anak, kahit bukas mo agad gustong magsimula, gagawin iyon ni Papa." Nakita na naman ang excitement sa mukha ni Rail dahil sa narinig."Really?!" "Yes, andoon din ang ate Valerie mo kaya siguradong mag-e-enjoy ka," sabi pa ni Azrael. "I know papa, kinuwentuhan niya ako about sa ganyan sometimes." "Talaga anak?" Akala ko ay puro laro lang ang ginagawa nila pero napag-uusapan na