Home / Romance / Wife of Salvador / Chapter 2: Glimpse of New Life

Share

Chapter 2: Glimpse of New Life

last update Last Updated: 2024-07-07 11:33:58

Glimpse of New Life

Dahil sa pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ng mga limang oras. Alas otso y singko na ng gabi. Kung hindi lang dahil sa nagrereklamo kong sikmura ay hindi sana ako babangon.

Paglabas ko ng bahay ay may naaninag ako sa di kalayuan. Hindi nga ako nagkakamali, si Manong Lando 'yon.

Napabuntong hininga ako at nilapitan ko siya bago kumatok sa bintana. Laking gulat niya pa nang makita ako sa labas.

“Ma’am anong ginagawa niyo dito sa labas? Gabi na po.” Bungad niya sa akin nang makalabas siya ng kotse.

“Ikaw Manong anong ginawa mo dito? Gabi na po.” Pang-gagaya ko.

Napakamot nalang siya sa ulo at bahagyang napayuko. Naghahanap pa ng magandang pang alibi.

“Pasensya na po Ma’am, ako kasi ang naatasang magbantay sa inyo ngayon hanggang sa makapunta ka na ng mansion.”

Napatingin na lang ako sa mukha niyang napilitang sabihin ang totoo.

Ganoon ba ka istrikto itong si Gregorio at pinapabantayan pa ako ngayon? Hindi ko naman tatakbuhan ang naibigay sa akin na responsibilidad. May trust issues ata.

Napabuga nalang ako ng hangin.

Sino ba naman ang hindi magdududa. Labinglimang milyon ang nakuha ko sa paglagda ko pa lang ng kontrata, baka akalain nilang lilipad ako ng ibang bansa at magtago.

“Pasensya na po talaga.” Dagdag niya pa habang bahagyang nakayuko.

“Okay lang, manong. Bibili lang naman ako ng pagkain dahil di pa ako kumakain.”

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at agad napatingin sa kaniyang relo. “Hala! Alas dyes na po Ma’am! Sana sinabi niyo kanina,” taranta niyang sabi at nagmamadaling pumasok sa loob ng sasakyan pero buti nalang ay napigilan ko pa siya.

“Manong saan ka pupunta?”

“Bibili po ng pagkain.” Medyo nagulat ako dahil sa bilis niyang kumilos. “Bawal ka pong magutom ma’am, bilin din iyan sa akin eh.”

Napakurap ako sa sinabi niya. Ang ending nagpumilit akong sumama. Wala siyang nagawa at hindi na nakipagtalo pa sa akin.

Nag drive-tru lang kami sa isang fast food restaurant. Agad niya rin naman akong inihatid pabalik ng bahay.

Sa paglabas ko ng kotse ay inalok ko siya na pwede siya sa bahay matulog. Pero tinanggihan niya 'yon at nagbiro pa, “Naku ma'am baka bitayin ako,” aniya sa natatawang boses.

Wala naman akong nagawa, hindi ko naman alam kong anong mga ipinagbilin sa kaniya. Hindi ko pa kilala ang Gregorio na 'yon kaya mas mainam nalang din siguro kung hindi muna ako makikialam sa mga tauhan niya.

Pagpasok ko ng bahay ay agad kong kinain ang biniling pagkain. Pagkatapos ko sa lahat ay dumiretso ako sa isang kwarto upang matulog.

Kinabukasan, bumangon ako upang maligo at magbihis. Kailangan kong magmukhang disente dahil unang araw ko ngayon bilang isang Salvador.

Napahinga ako nang malalim bago pinasadahan ng huling tingin ang bahay. Wala ng titira dito pero ayaw ko rin namang iparenta. Pagkatapos kong mabayaran ang utang kay Pablo, ilalayo ko sila Mama at Isadora sa lugar na 'to. Pero kahit ganon, pangakong bibisita ako sa'yo.

Dumiretso na ako kung saan naka park si Manong Lando at saka sumakay ng kotse.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang isipin kung ano na ang mangyayari ngayon sa akin.

Kakaibang kaba ang kumatok sa aking dibdib dahilan upang mapalunok ako. Nakikita ko si Manong na pasulyap-sulyap sa akin sa rear mirror.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at kinalma ang sarili bago ibinaling sa labas ang atensyon.

Lumiko kami sa isang private property. May gate na kulay itim at may mga nagbabantay. Mga puno at ibang mga sasakyan na nakaparada sa isang parking space ang nakikita ko.

Sa labas lang ang aking tingin nang huminto kami bigla. Napakunot ako dahil may humarang na isang lalaki sa amin.

He’s wearing all black clothes. May mga tattoo ito. Ganoon din ang iba. Nasa mga walong lalaki ang nakita kong naka station malapit sa gate. Bigla tuloy akong kinabahan. Lumapit ang isa sa amin at kumatok.

“What’s happening Manong?” tanong ko na medyo naguguluhan, pilit tinatago ang kabang nararamdaman.

Tumingin si Manong Lando sa akin at binigyan lang ako ng isang ngiti. “Wala naman, ma'am. Pasensya na po kung medyo nagulat ka. Hindi po kita nasabihan nito kanina pero ayos lang po ang lahat,” aniya.

Tumango ako at pinagbuksan ni Manong ng bintana ang taong kumakatok. Nagsalita ang taong nasa labas at napatingin sa akin.

“Manong Lando, magandang umaga po. Mukhang may kasama po kayo ah.” Tumingin ito sa akin at malawak na ngumiti. “Hello, miss beautiful. Pass muna si boss sa mga sexy ngayon, may importante daw na darating eh,” aniya at kumindat sa akin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Nanatili akong seryosong nakatitig sa kaniya at baka ano pang gawin niya. For shit fuck hindi ako komportable sa ngiti niyang 'yon.

“Bumati ka nang maayos, Aldren.” Seryoso ang naging tono ng boses ni manong habang nakakunot din ang noong nakatingin sa bintana.

Pero binalewala iyon ng lalaking nagngangalang Aldren.

Mas kinilabutan ako nang sumilip siya sa kinauupuan ko at saka sumipol. “Sayang ka naman sexy. Dito ka nalang sa amin para may matikman din kami—”

“Inutil! Tumahimik ka!”

Nabigla ako sa malakas na sigaw ni manong Lando. Tila nag-iba ang tao sa aking harapan ngayon dahil sa namuong galit sa kaniyang mata. Marahas siyang lumabas ng sasakyan at walang pasabing sinipa sa tuhod ang lalaking ngalan ay Aldren.

Napaluhod ito at napamura dahil sa sakit. Nanlisik sa galit ang mata niyang nakatingin kay manong dahil sa ginawa nito. Maya-maya pa ay lumapit sa kanila ang ibang kalalakihan at tinulungang pinatayo si Aldren.

“Manong Lando, anong ginagawa niyo? Hindi pa nagpapasok ng mga putang babae si bo—”

Sinampal siya ni manong.

Hindi natapos ng isang lalaki ang sasabihin dahil sa ginawa ni manong sa kaniya. Napahawak ito sa kaniyang pisngi dahil sa gulat.

Kahit isang araw ko lang nakilala ang matanda ay hindi ko inaasahang may ganito pala siyang ugaling tinatago.

“Pôtang-ina, sa mahaba kong trinabaho dito. Ngayon pa ako nakatagpo ng bobo.” Mahina ngunit may diin ang bawat salitang binitawan ni manong sa kanila. Kahit nakatalikod ito sa akin ay kitang-kita ko ang galit niya sa bawat pagtaas-baba ng kaniyang dibdib.

It was too quick. Everything was too quick. Hindi ko inakalang ganon-ganon nalang masisira ang first impression ko kay manong.

Tanging pitik ng puso lamang ang nagawa ko sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung anong gagawin. Kanina pa ko kinakain ng kaba dito.

Nanlaki ang mata ko nang biglang humugot ng baril si Aldren at lumapit sa akin. “Patayin ko nalang ang putang 'to. Marami pa namang malalanding babae sa warehou—”

Manong turned to me in horror. “Cazzo! Put down your gun!” [translation: cazzo - fuck)

“Sino ba kasi 'to—”

Sakto tumunog ang wireless radio na nakasabit sa dibdiban nung Aldren.

“Batiin niyo nang maayos ang asawa ng Boss. Itim na BMW na pinagmamaneho ni Manong Lando. Utos ay huwag gumawa ng eksena at itago ang mga baril.” Tinig ng lalaki ang narinig ko sa kabilang linya.

Nasitigil ang lahat sa narinig nila. Ang mga lalaking kanina pa kinatakutan ng diwa ko ay biglang nanlamig sa kanilang kinatatayuan na bumaling sa akin.

Maya-maya pa may humintong sasakyan sa gilid namin. Iniluwa nito ang isang lalaki na may lahi rin. Nasa 6'2 ang tangkad at malaki ang katawan nito. May tattoo na skull sa kaliwang bisig. Alam kong mataas ang posisyon nito dahil nanlaki ang mata ng mga lalaking nagbabantay sa gate nang lumapit ito sa amin.

“What's the matter?” aniya sa baritonong boses. Ngunit natigil siya nang makita si manong sa labas.

Kunot noo itong yumuko upang makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan. Malutong na mura ang lumabas sa kaniyang bibig nang mag tagpo ang mata namin.

“Wife of Capo...” aniya at bumaling kay Aldren at sa baril na hawak nito.

His eyes burned with rage when he realized the situation. “Useless fucks! Open the god damn gate!” sigaw nito na siyang agad sinunod ng mga tauhan.

I looked at manong with pleading eyes. Nakita niya iyon kaya pumasok siya sa loob. Violence was evident on the eyes of the new arrived man. Kung nakakatakot silang lahat, mas natakot ako sa kararating lang.

Nang makapasok si manong sa sasakyan ay walang pasabing hinila nung nakakatakot na lalaki si Aldren at pinagsusuntok ito. Mga malulutong na mura ang lumalabas sa kaniyang bibig habang patuloy sa marahas na ginagawa.

Aldren was now lying on the ground soaking on his own blood. While everyone was silent, bowing their heads to avoid the man's gaze.

I was too stunned. Tumingin si manong sa akin sa rearview mirror na tila naghihintay sa aking sasabihin.

My heart was beating so fast. “L-Let's get away from here.” My voice stammered from the horrendous scene happening in front of me.

Manong felt my fear when he closed the windows. Sinunod niya ang utos ko at nilagpasan namin ang unang gate.

Habang tinatahak ang kalsadang dinaraanan namin ay hindi ko maiwasang matakot. Lalo na't halos puno lamang ang nakikita ko. Pine trees sa bawat gilid at ang likod nito ay mistulang batawan ng punong acacia.

Walang ni isang nagsalita sa loob hanggang sa marating namin ang ikalawang gate.

Marami pa ring nagbabantay. They were talking in their wireless radio while looking at our side.

Pagkatapos ng kalahating daang metro ay may gate na naman. Mas malaki at magara ito kaysa sa naunang dalawa kanina.

Pagpasok namin ay pumalibot kami sa isang fountain na mistulang nagsilbing rotunda. Bumungad sa amin ang mga katulong na nakaabang na sa amin.

Huminto si manong sa harap ng malaking bahay at pagkalabas ko ng sasakyan ay sabay-sabay silang yumuko sa akin upang bumati.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wife of Salvador   Chapter 5: No Return

    No Return"A Salvador don't shed tears." Tiim bagang siyang nakatitig sa akin habang siya mismo ang nagpamunas ng mga luha kong tahimik na tumutulo. Sa tuwing dumadaplis ang daliri niya sa aking mukha, mas lalo lamang pinapaalala nito sa akin ang sitwasyon ko ngayon."Shh tahan na," aniya. Hindi sa paraang banayad, kundi sa paraan ng pag-utos upang patahimikin ako.Napasinghot ako sa aking ilong at pilit tinigil ang paghikbi. Huminga ako upang ikalma ang sarili at nagpakawala ng isang malalim ng hangin. Bahagya akong napalunok at pinunasan ko ang natitirang luha sa pisngi ko. Yumuko ako at iniwas ang mukha sa kaniya. "I'm sorry," sabi ko sa nangangatal na boses.Narinig ko ang kaniyang malalim na paghinga na tila nasira ko ang gabi niya. "Tayo at umalis ka na sa harapan ko." Para akong nabuhusan ng isang malamig na tubig sa sinabi niya. Napatingin ako sa mukha niyang wala ng emosyon bago umiling. "P-Pasensya na, hindi na ako iiyak promise. Huwag mo lang akong paalisin dito, please?

  • Wife of Salvador   Chapter 4: Reality

    RealityIsang mabigat na tensyon ang dumaan sa bawat sulok ng katawan ko at nanlumo sa tila misteryosong panganib na pumalibot sa lalaking kaharap ko ngayon.Cowering from the towering man in front of me, I tried to hide the trembling sensation veiling through my whole body.“Strip.” His breath touched my cheeks as he speak. Ang lapit lapit niya sa akin. Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya na nasa aking buhok at marahang humaplos doon. Habang ang kaniyang mukha naman ay nakayuko sa kabilang bahagi malapit sa aking tenga. Napasinghap ako sa ginawa niya.Warm liquid lubricates my earlobe and I felt his tongue licking down my neck. Ang sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Hindi ko maiwasan ang mapa-ungol nang bigla niyang kinagat ang leeg ko at marahang sumipsip dito. “Ahh...” Nawalan ng lakas ang tuhod ko dahil sa kiliting dumaloy mula sa mga ngipin nito. I felt his lips move, forming a smile from my moaning response. “I told you to strip. Are you hesitating, hm?” his v

  • Wife of Salvador   Chapter 3: Gregorio Salvador

    Gregorio Salvador“Ma'am, dito po ang dining.” The woman beside me is carefully telling the common places of this house. Marami pa siyang mga tinuturo na corner at mga kwarto. Pero dahil sa bumungad sa akin kanina, ay pre-occupied ako buong magdamag.Naglakad kami pabalik ng sala. May itinuro siyang dark brown na wooden door. “Ang pinto po na iyan ay ang office ng Capo.”Napakunot ang noo ko sa narinig. 'Capo''Yan ba ang tawag ng mga tauhan niya sa kaniya?Tinignan ko ang itinuro ng katabi ko. My eyes narrowed from the sigil engraved above the name Salvador. A serpent?Magtatanong na sana ako sa aking katabi ngunit mukhang focus na focus siya sa pagtuturo sa mga kwarto. Dumiretso kami kung saan naroon ang hagdan at nagsimulang humakbang paakyat. I glanced at the woman beside me who's trying her best to be careful.“What’s your name?” tanong ko“P-Po?” Gulat siyang bumaling sa akin. “Ohh…is asking names forbidden in this house?”“H-Hindi naman po sa ganoon Ma’am.” Depensa niya sa

  • Wife of Salvador   Chapter 2: Glimpse of New Life

    Glimpse of New LifeDahil sa pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ng mga limang oras. Alas otso y singko na ng gabi. Kung hindi lang dahil sa nagrereklamo kong sikmura ay hindi sana ako babangon. Paglabas ko ng bahay ay may naaninag ako sa di kalayuan. Hindi nga ako nagkakamali, si Manong Lando 'yon. Napabuntong hininga ako at nilapitan ko siya bago kumatok sa bintana. Laking gulat niya pa nang makita ako sa labas. “Ma’am anong ginagawa niyo dito sa labas? Gabi na po.” Bungad niya sa akin nang makalabas siya ng kotse. “Ikaw Manong anong ginawa mo dito? Gabi na po.” Pang-gagaya ko.Napakamot nalang siya sa ulo at bahagyang napayuko. Naghahanap pa ng magandang pang alibi.“Pasensya na po Ma’am, ako kasi ang naatasang magbantay sa inyo ngayon hanggang sa makapunta ka na ng mansion.” Napatingin na lang ako sa mukha niyang napilitang sabihin ang totoo. Ganoon ba ka istrikto itong si Gregorio at pinapabantayan pa ako ngayon? Hindi ko naman tatakbuhan ang naibigay sa akin

  • Wife of Salvador   Chapter 1: Contract Signing

    Contract Signing“There is no turning back once you signed the contract,” sabi ng lalaking nasa aking harap. Marahan akong tumango, pilit nilalabanan ang tinik na bumabara sa aking lalamunan. Inabot niya sa akin ang isang ballpen at hinarap sa akin ang papel kung saan nakalahad ang kontrata. Napalunok ako.Nanginginig ang aking kamay na tinanggap ang ballpen na nalakahad sa akin. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago pinasadahan ng tingin ang mga salitang nakasulat sa malaking titik.“THIS IS TO HEREBY CONFIRM THAT, MS. ISABELLE VILLAESTER IS NOW A CONTRACTED WIFE OF MR. GREGORIO SALVADOR. ANY CONTRADICTIONS TO THE SAID CONTRACT AGREEMENT WILL PAY AN AMOUNT; WHATEVER THE OTHER PARTY DEMANDS.”May kung anong tumusok sa aking tiyan habang iniisip ko kung ano na ang mangyayari sa akin. Magiging asawa ako ng isang taong kailanman ay ‘di ko pa nakita. Ni hindi ko kilala. Iniisip ko kung saan na ako pupulutin kung sakaling magkanda leche leche na ang buhay ko. May mas magan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status