Wife of Salvador

Wife of Salvador

last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-13
Oleh:  Aking ParalumanOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
4Bab
23Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

A sister. A daughter. Isabelle's responsibility was confronted when men in black raided their home saying they were put up as collateral for 5 million debt of someone they did not even know the name. Given 2 weeks to pay the debt and save her sister from those bastard's hands, Isabelle accepted an offer to be a wife for someone she did know, in exchange for 15 million. Habang ginagampanan ang pagiging asawa, malalaman niya ang mundong kaniyang pinasok ay puno ng panganib. A daughter, a sister, and now a wife. Traversing through her new life, secrets will slowly unfold. Mysteries, Betrayal and Responsibilities will weigh her down. Strangling her from truth and love, she will find her way through everything just to survive.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1: Contract Signing

Contract Signing

“There is no turning back once you signed the contract,” sabi ng lalaking nasa aking harap.

Marahan akong tumango, pilit nilalabanan ang tinik na bumabara sa aking lalamunan.

Inabot niya sa akin ang isang ballpen at hinarap sa akin ang papel kung saan nakalahad ang kontrata.

Napalunok ako.

Nanginginig ang aking kamay na tinanggap ang ballpen na nalakahad sa akin. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago pinasadahan ng tingin ang mga salitang nakasulat sa malaking titik.

“THIS IS TO HEREBY CONFIRM THAT, MS. ISABELLE VILLAESTER IS NOW A CONTRACTED WIFE OF MR. GREGORIO SALVADOR. ANY CONTRADICTIONS TO THE SAID CONTRACT AGREEMENT WILL PAY AN AMOUNT; WHATEVER THE OTHER PARTY DEMANDS.”

May kung anong tumusok sa aking tiyan habang iniisip ko kung ano na ang mangyayari sa akin.

Magiging asawa ako ng isang taong kailanman ay ‘di ko pa nakita. Ni hindi ko kilala. Iniisip ko kung saan na ako pupulutin kung sakaling magkanda leche leche na ang buhay ko.

May mas maganda akong pangarap. Ni minsan hindi ko naisipang maging isang bulakbol. I did my best to achieve the highest place in school. Lagi akong nasa taas. Tinitingala ako ng lahat ng mga estudyante dahil sa pagiging matalino ko sa lahat. Ganun din ang aking mga Propesor.

Sigurado ako noon na makaka-ahon kami sa buhay. Na hindi magtatagal, ay magiging matagumpay akong mamuhay kasama si Mama at ang nakababata kong kapatid na babae, si Isadora.

Ngunit ngayon, parang unti-unti akong nawawalan ng tanaw sa aking hinaharap. Unti-unting naging malabo lahat ng aking mga pangarap.

Pero gayunpaman, alam ko rin sa sarili ko na ang desisyong aking gagawin ngayon ay para sa ikakabuti.

Hindi ito makasarili, Isabelle…

Hindi ka makasarili...

Ngumiti sa akin ang lalaki nang makitang nilagdaan ko na ang papel. Habang ako, parang binagsakan ng langit dahil sa bigat ng aking naramdaman.

“We’ll now send the money,” aniya at may pinindot sa cellphone.

Nang marinig iyon ay unti-unting bumuti ang aking pakiramdam. Nawala ng kaunti ang aking kaba. Ngumiti din ako ng bahagya sa kaniya.

Huhusgahan man ako ng mundo dahil sa pagiging sakim ko sa materyal na bagay na iyon, handa kong tanggapin ang lahat.

Hindi nila alam ang totoo, wala sila sa pinagtatayuan ko.

“Tomorrow is your first day as Mr. Salvador’s wife. You should move to his house as early as you could. All necessary things you need will be available upon your arrival. Once you enter, the servants will automatically acknowledge you as Mrs. Salvador,” dire-diretso niyang sabi sa akin.

Tumango ako kahit na parang may boses na pilit pumipigil sa akin.

“Good, then I shall take this moment to accompany you outside,” aniya sabay lahad sa pintuan upang igiya ako.

Nang tuluyan kaming nakalabas ng building ay may itim na BMW ang nag-aantay. May nakatayong matandang lalaki malapit sa side mirror at nang makita ako ay agad niyang pinagbuksan ang passengers seat.

Nilingon ko ang lalaking kasama ko na may pagtatakang nakaukit sa kabuan ng aking mukha.

“Mr. Lando will be your personal driver from now on, this is part of the contract Ms. Isabelle. Don’t be too shock.”

“Ohh,” pabulong kong sabi.

Akala ko siya na magiging asawa ko.

“He will accompany you tomorrow too, so basically he will be the one to fetch and bring you in Mr. Salvador’s house.”

Tumango ako sa kaniya.

Wala na akong lakas pa upang sumalungat pa sa kaniyang sinabi. Magpapasalamat nalang siguro ako dahil iwas na ako sa hassle.

Nagkamayan muna kami bago ako humakbang palapit kay Manong.

Pumasok ako ng sasakyan at agad naman iyong isinarado ni Manong Lando. Sasanayin ko ang sarili na tawagin siyang ganiyan. Tutal simula ngayon, siya na palaging makakasama ko sa loob ng mamahaling sasakyan na ito.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Kahit sirado iyon ay makikita mo pa rin mula sa loob ang mga sasakyang kasabayan namin sa kalsada.

“Saan ‘po tayo, Ma’am?”

Medyo nagulat ako sa pagsalita ni Manong. Akala ko hindi siya marunong magtagalog dahil sa katangian ng mukha niya. Para kasing may halo siyang Italian…

“Sa Bangko po tayo,” sagot ko.

“Sige po.”

Sakto naman at tumunog ang cellphone ko. Nagpapahiwatig na natanggap ko na ang pera.

Pagdating namin sa parking area ng bangko ay dumiretso ako sa loob. Hindi ko na inintindi pa ang mga matang nakatingin sa akin at sa kotse kung saan ako lumabas.

“P-Po?!” Gulat na tanong nung isa sa mga Accountant.

“10 Million… I would like to withdraw 10 Million.” Balik kong sabi. Nang makitang seryoso akong nakatitig ay agad siyang nagpaalam muna at dali-daling pumasok sa isang opisina.

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay lumabas siya kasama ang isa pang babae.

Manager niya ata.

Dumiretso sila sa akin.

Umupo iyong Manager nila sa aking harap. Ngumiti siya at naglahad sa akin ng kamay.

“Hello Ma’am, I am Sabrina Imperial. The Bank Branch Manager.”

Doubts have clouded them at first. Pero nang may tumawag sa kanila ay pinaunlakan nila ang request kong mag withdraw. I know the bank won't let someone withdraw big amount of money in a random day. 10 million at that.

“Ma'am, the main branch said it would take at least 4-6 days. We will contact you as soon as possible.”

Napabuga ako ng hangin. Anim na araw. Anim na araw lang, Isabelle.

Tumango ako sa kaniya bago tumayo. “Contact me as soon as possible.”

Naglakad ako palabas ng bangko na may ligalig na namuo sa aking isipan. Dalawang linggo lang ang ibinigay na oras sa akin. Dalawang araw na ang nakalipas, may labingdalawang araw pa akong natitira.

Kumalma ka, Isabelle. Magiging maayos din ang lahat.

Pumasok ako sa kotse. Ipinikit ko ang aking mata at humilig sa aking inupuan. Pag-mulat ko ay nahuli kong patingin-tingin sa akin si Manong gamit ang rear mirror ng sasakyan.

Umupo ako nang maayos at naglakas loob ng nagtanong sa kaniya. “Manong, anong pangalan ng amo mo?” Kahit alam ko naman ang pangalan niya dahil nabanggit iyon sa kontrata.

“Si Sir Gregorio Salvador po Ma’am, yung asawa niyo po,” sabi niya na may ngiting nanunukso.

Tumigil din siya nang makitang seryoso lang akong nakatitig sa aming harapan.

Gregorio Salvador…

“Is he good?”

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya.

“Medyo po.” Natatawa niyang sabi

“So he’s bad,” sambit ko

Tanging sulyap lang ang ginawa ni manong sa akin. Nanatili siyang tahimik at itinuon na lamang ang atensyon sa harap.

Wala pang ilang oras ay narating na namin ang lugar kung saan ako nakatira. Hindi masyadong malaking bahay ‘yon, kasya lang ang malaking pamilya pero hindi rin iyon gaano kaganda.

Ang tahimik tignan. Parang kailan lang ang dami pang nagku-kwentuhan at nagtatawanan sa maliit na veranda namin.

Huminga nalang ako ng malalim bago binuksan ang maliit na gate naming kulay green. Lumabas si Manong sa loob ng sasakyan at lumapit sa akin.

“Ma’am sigurado ka po bang ayos lang na iwan kita dito?” pag-alalang tanong niya sa akin.

Hinarap ko siya at ngumiti lang ng bahagya.

“Okay lang ako Manong, nais ko ring sulitin muna ang huling gabing pagpanatili ko sa bahay namin. Kilala ko rin naman halos lahat ng mga naninirahan dito. Mag lo-lock naman po ako sa lahat ng bintana at pintuan,” pagtitiyak ko sa kaniya.

Lumilinga-linga siya upang siyasatin ang buong paligid. Binigyan ko siya ng maginhawang ngiti.

Nagdadalawang isip pa siya kung iwan niya nga ba talaga ako. Pero sa huli wala pa rin siyang nagawa dahil sa marahan kong pagmamakaawa. Nakita niya siguro ang pagod sa aking mga mata kaya napagdesisyunan niya na lang na hayaan ako.

Binigay ko sa kaniya ang contact number ko. Ganun din siya sa akin. Ikinabit ko ang lock ng gate at pumasok na sa loob ng bahay.

Napahiga ako sa sofa ng sala at kinuha ang cellphone ko. Binasa ko ang isang message na galing sa isang unknown number.

Unknown Number:

“Dalawang linggo lang ang meron ka Isabelle. Kung lalagpas ka, sinisigurado kong hindi na kayo maabutan pa ng sinag ng araw.”

Galit at kaba ang namumuo sa aking puso’t isipan nang mabasa ko ‘yon.

Kahit unknown number ang nakalagay, alam ko kung kanino ito galing.

Kinalma ko ang nanginginig kong kalamnan. Walang patutunguhan kung magagalit ka ngayon, Isabelle. Kaunting panahon nalang, maaayos din ang lahat.

Kahit kapalit ng kaayusan na iyong hinihingi ay ang kalayaan ng iyong sarili at ang pagiging asawa ng isang estrangherong kailanman ay hindi mo pa nakita...ayos lang.

Ang importante ay makawala ka sa kadenang nakagapos sa iyo, Isabelle. Ang importante ay mailigtas mo si Isadora at ang Mama mo.

Nagtiim bagang akong nakatitig sa cellphone at nanginginig na hinawakan ito.

Mag-antay ka Pablo, sisiguraduhin ko na madadala mo hanggang sa hukay ang perang ibibigay ko.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
4 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status