Share

Chapter 5

"dahil pinagaya mo ako at perfect din ang score ko, libre kita" nakangiting sabi ni Patricia nang recess na.

"Sabi mo 'yan ah" sabi ko sa kaniya.

"Oo naman, g na" sagot niya saka dali-dali akong hinila palabas ng room.

Nang makarating sa canteen ay as usual, maraming estudyante. Medyo nahirapan pa kami na maghanap ng table. Mabuti na lamang at nag offer 'yung pinsan ni Patricia na makitabi kami sa kanila. Wala na akong nagawa nang maka-oo si Patricia.

"Ah, Bes, anong gusto mo?" Tanong niya sa akin pagka-upo ko.

"Anything" sagot ko rito saka umalis na siya para bumili ng pagkain namin. Naiwan naman akong mag-isa kasama kasama ng pinsan ni Patricia. Naroon din ang kaibigan ng lalaki.

"So, ikaw pala si Marisse" usal ng lalaki. Napatingin na lamang ako rito saka tumango.

"I'm Anthony" dagdag pa nito.

"Nice meeting you" sagot ko na lamang.

"Nice meeting you, too. So, this is my friends" usal nya saka ipinakilala ang mga kaibigan.

Si Jhamir 'yung lalaki na matangos ang ilong, moreno at madaldal. Si Angelo naman ang lalaki na katabi ni Anthony. Maputi siya, matangos ang ilong at ang gwapo, siguro ay may lahi itong taga ibang bansa. Tahimik lamang ang lalaking ito kumpara kay Jhamir. At ang huli, ang lalaking nagngangalang Cedric. Tular ni Jhamir ay mayroong pagkakahawig ang dalawa. Mag-pinsan pala ang mga ito. Madaldal din ito tular ni Jhamir.

Matapos maipakilala ni Anthony sa akin ang kaniyang mga kaibigan ay sakto namang pagbalik ni Patricia sa pwesto namin. Dala-dala na nito ang tatlong buko shake, mga snacks, kanin at ulam.

"Dami naman niyan, Insan" sabi na lamang ni Anthony.

"Syempre naman, 'no. Libre ko kaya 'tong si Marisse. Pinagaya nya kase ako sa assignment namin. At boom, perfect din ang score ko" nagmamalaking sabi ni Patricia.

"Sumbong kita kay Tito, nanggagaya ka lang pala" pananakot ni Anthony. Napatawa na lamang ako.

"Don't you dare, insan. Isusumbong ko din ikaw kay Tito, anong akala mo? Hindi ko alam na napaka babaero mo" pananakot rin ni Patricia.

"Pwede bang kumain na muna kayo, napaka ingay nyo" saway ni Angelo kaya naman natahimik ang dalawa.

"Sorry" sagot ni Patricia saka inabutan ng pagkain si Angelo.

"Uy uy, paano naman ako? Wala ako?" Tanong ng Anthony kay Patricia.

Hindi pa nakakasagot si Patricia kay Anthony ay naibigay na ni Angelo ang pagkain kay Anthony. "Sa'yo na lang, bro"

"Thanks, Bro" nakangiting sabi ni Anthony saka kumain na.

"Takaw" sabi na lamang ni Patricia.

"How about us naman?" Tanong ng mag-pinsan. Si Jhamir at Cedric.

"Bumili kayo ng inyo" sagot ni Patricia saka inirapan ang dalawa.

"Mag-pinsan nga kayo ni Anthony" sagot na lamang nung isa. Kung hindi ako nagkakamali ay ito si Jhamir.

"Hindi ko 'yan pinsan, ampon lang 'yan e" tanggi ni Anthony.

"Ikaw nga pinulot sa basurahan" sabi na lamang ni Patricia.

Natapos ang kainan namin nang puro bardagulan na lang ang nangyari sa mag-pinsan. May paingalan-ngilang nakikisali ako sa usapan, maging ang mga kaibigan rin ni Anthony. Maliban na lamang kay Angelo. Napaka tahimik at seryoso naman ng taong ito.

Habang pabalik sa classroom ay naitanong ko kay Patricia kung ano ang strand ng pinsan niya. Para kaseng ngayon ko lamang ito nakita.

"Hala ka, beshy, huwag mong sabihin na may gusto ka sa pinsan ko? Beshy madaming ibang timo d'yan, huwag si insan, please lang" sagot nito. Natigilan na lamang ako.

"Sira, wala akong gusto sa pinsan mo. Tinatanong ko lang kung anong strand nya. Ngayon ko lang kase sila nakita" sagot ko.

"Ah okay okay, 'kala ko naman may ibang kahulugan ang tanong mo e" usal niya. "STEM ang strand nila, beshy" dagdag pa nito. Napatango na lamang ako.

Pagbalik sa classroom ay kanya-kanyang gawain na ulit kami. Nakikinig sa guro at nagpaparticipate sa klase. Mayroon ring ilan na nagkukwentuhan lamang.

Mabilis na natapos ang oras. Heto ako ngayon, nasa loob na ng bahay. Kasalukuyan akong nagbibihis ng makarinig ako ng sigaw mula sa labas ng kwarto ko. Dali-dali akong nagbihis saka lumabas. Doon ay naabutan ko si Nanay na umiiyak, samantalang si Tatay naman ay galit na galit. Anong nangyayari....

"Nay, 'tay, please let me explain" lumuluhang usal ni Ate.

"Wala akong anak na ganiyan" galit na sigaw ni Tatay.

"Nay, 'tay, ate, a-ano pong nangyayari?" Tanong ko sa mga ito.

Lumingon sa akin si ate ng may galit sa kaniyang mga mata.

"You" duro nya sa akin. "Kasalanan mo ito" galit na sigaw niya. Lalapit na sana siya sa akin ng bigla s'yang maharang ni Tatay.

"Ikaw na nga ang may kasalanan, ikaw pa ang mananakit ng kapatid" galit na sigaw ni Nanay.

Naguguluhan na ako.

"Paano mo nagawa ito Vanessa, ha? Ginagawa namin ang lahat para mapag-aral ka tapos ano? Mababalitan na lamang namin na tumigil ka na pala at kung sino-sinong lalaki lamang ang lagi mong kasama sa inuman" galit na ani ni Nanay.

Doon ako natauhan, alam na nila.

"At ano, dahil d'yan sa katigasan ng ulo mo, pati ang kapatid mo" humahagulhol at nahihirapang ani ni Nanay. "Dahil sa'yo, napagsamantalahan ang kapatid mo"

Doon na bumuhos ang luha ko. Namumbalik ang lahat ng nangyari.

"D'yan muna kayo, hindi maari na hindi ko sigurin ang anak ng Mayor na iyon" galit na ani ni Tatay.

Nataranta naman ako.

"'tay, kumalma ka po, may pera nga tayo, ngunit hindi kasing dami ng sa kanila. Baka mapahamak ka lang po" usal ko ngunit hindi ko na sila napigilan ni Nanay.

Naiwan naman kami ni ate na lumuluha. Pagkatapos ay dali-dali nya akong sinaktan.

"Nagsumbong ka, ano?!" Galit na ani nito.

"A-ate hindi, maniwala ka, wala akong pinagsasabihan" sabi ko.

"Sinugaling ka" Galit na ani nito saka ako sinampal.

Paulit-ulit akong sinisi ni ate saka sinasampal ng malakas. Namamanhid na ang aking mukha ngunit hindi ako lumalaban. Ate ko pa rin s'ya...

Kung kanina ay namamanhid ang aking mukha, ngayon ay buong pagkatao ko na, mula nang marinig ko ang ibinalita ng aming kapitbahay. Si Aling Thess.

"Vanessa, Marisse, huwag na kayong mag-away, ang Nanay at Tatay n'yo, naaksidente sa daan"

Lalo akong naiyak.

No, hindi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status