Share

0003.

Author: SEENMORE
last update publish date: 2026-01-22 02:07:49

Napangiti ako ng makita ang repleksyon ko sa salamin. Ganitong klaseng dress talaga ang mga gusto ko. Maikli at v-neck ang neckline. Fitted at hapit sa balingkinitan kong katawan. Hindi aakalain ng sinuman na nagkaroon na ako ng asawa dahil maganda pa rin ang figure ko at hindi mukhang laspag.

'Paano ka malalaspag 'eh hindi ka nga tinikman ng ex mo!' Tuya ng isip ko.

Nakadama ako ng panliliit sa sarili ko. "Come on, Natalia. Dapat magpasalamat ka dahil hindi kayo nagkaanak. Sayang ang lahi at ganda mo kung napunta ka lang sa kagaya niya!”

Dumilat ako at tumingin sa salamin. Tapos na ako maglagay ng makeup at magkulot ng buhok. Naglagay din ako ng silver jewelry kagaya ng kwintas, singsing, hikaw at bracelet. Bumagay ito sa ayos ko at lumitaw lalo ang ganda ko. At pagkatapos ay nagsuot ako ng heels na 2 inches ang taas. 5'3 lang kasi ang taas ko kaya kailangan ko 'to para tumangkad ako. Ang gusto ko sanang suotin ay 5 inches heels. Mahilig ako sa matataas na heels noon pa. Pero 2 inches heels lang ang nakita ko sa kwarto. Iniwan ko kasi ang karamihan ng gamit na galing kay Victor. Kaunting gamit lang ang dinala ko.

"Oh my god, Nat! Ang ganda mo! Yung totoo, stress ka ba talaga sa lagay mong 'yan?!" Papuring puna ni Jeffy ng makita ako. Kadarating lang nito kasama si Meryl na napanganga rin ng makita ako.

"Hindi ka pa nasanay. Head turner naman talaga ang kaibigan nating 'to." Ani naman ni Meryl na nilalagyan ng lip gloss ang labi ko. "Di ba mas bagay kung may gloss ang labi mo! Perfect!"

Inirapan ko sila. Kung makapuri akala mo ay nalalayo ang ganda. Maganda rin sina Jeffy at Meryl. Parehong morena at pang modelo ang atake. Mas matangkad din silang dalawa sa akin. Marami ang napagkakamalan na Indian ang mga ito dahil sa mala-indian beauty nila. Pareho kasing may half ang dalawa.

Sa kotse kami ni Jeffy sumakay. Malakas itong nagpapatugtog habang nasa biyahe kami. Inutusan kong hinaan dahil nakakahiya pero hindi nakinig ang loka.

"Isang rock song para sa mga single! Woahhh!"

Natampal ko ang noo ko ng buksan ni Jeffy ang bubong ng kotse nito at sumayaw si Meryl na may patalon-talon pa habang naka-rock sign pa ang kamay. Paminsan-minsan ay tinataas pa nito ang suot na black boots. Top tube na pinarisan kasi ng maikling kulay pink na palda at black boots kasi ang suot ng dalawa. Mukhang ang makipag-rock-rockan sa bar ang balak ng dalawa mamaya.

Pagdating sa bar ay humanap kami ng magandang pwesto sa baba. Pumuwesto kami malapit sa dance floor dahil mahilig sumayaw ang dalawa. Hindi nakontento si Jeffy sa ladies drink. Paano daw ako makakalimot kung yun lang ang iinumin ko. Walang uuwi ng hindi gumagapang—ayon pa sa mga ito.

Napangiwi ako ng gumihit ang mapait na alak sa lalamunan ko. Kahit nagtrabaho ako sa club noon ay hindi talaga ako umiinom. Napilitan lang ako noon dahil kailangan sa trabaho. Tatlong taon na ng huli akong tumikim ng alak. Tuwing lalabas kasi kami noon ay puro shopping lang ang ginagawa namin nila Jeffy. Ngayon lang din nag aya ang mga kaibigan ko na pumunta sa ganitong lugar. Patay na kasi ang asawa ng mga ito.

“Uupo ka na lang ba diyan?” lumapit sa akin si Jeffy at hinila ako para magsayaw. “Come on, Nat! Have some fun! Hindi ka makakalimot kung tutungga ka lang ng alak diyan! Look at Meryl, mukhang may matutulog ng nakangiti mamaya! Tara hanap din tayo ng magpapangiti sa atin mamaya! Kalimutan mo na ang ex mo! Hindi malayo na may kinakalantari din ang lalaking ‘yun! Hindi naman maglalakas-loob yun na makipaghiwalay kung wala siyang iba ‘di’ba?! Hindi nakikipaghiwalay ang lalaki ng walang reserba kaya mag enjoy ka at palitan siya agad! Kahit ngayong gabi lang!”

Tama ito. Iyon din ang naisip ko ngunit denial lang ako no’ng una dahil ginagaslight ko pa ang sarili ko na hindi niya magagawa ‘yon.

Tumayo ako at hinayaan na iginiya ako ni Jeffy sa gitna ng dance floor. I slowly swayed my hips. Sinabayan ko ang mabagal na saliw ng musika habang banayad na pinapadaan ang kamay ko pababa hanggang sa aking leeg. Nagkagulo ang kalalakihan at pinalibutan ako. And that boosted my confidence, na hindi ko naramdaman sa loob ng tatlong taon naming pagsasama ni Victor. Wala akong natanggap na papuring tingin sa ex ko magbuhat ng ikasal kami noon. Panunuya at pandidiri lang.

Sinuklay ko ang kulot kong buhok gamit ang kamay at nang aakit na sinabayan ng galaw ng balakang ang tugtog. Patuloy ako sa pagsayaw. Wala naman sigurong masama na sumayaw at magpakasaya ako dahil wala na akong asawa ngayon. I’m free to do whatever I want to do. I turned my head to look at my back when someone grabbed me from behind. Ngunit malakas na pwersa ang pumigil sa akin. Masyadong malakas ang bisig na nakapulupot sa bewang ko at nagawa ako nitong ipihit pabalik kung saan ako nakaharap kanina.

I looked around, I noticed everyone gasp in disbelief while looking at my back. Humawak ako sa ulo ko ng lalong tumindi ang hilo ko dahil sa pagsasayaw ko. Inalis ko ang matipunong braso na nakapalibot sa bewang ko subalit lalong humigpit ang pagpulupot nito, tila ayaw akong pakawalan.

Then suddenly I remember what Jeffy said earlier. Kung kaya ng ex-husband ko na makahanap ng iba, kaya ko rin dapat.

Sinubukan kong humarap sa lalaking nasa likuran ko pero hinalikan ako nito sa leeg—my lips parted in shock. Nanlambot ako hindi lamang sa halik nito, maging sa kuryenteng dumalay sa balat ko galing sa mainit na labi nito. Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat ko. Samo’t saring perfume ang naghahalo sa hangin, panlalake at pambabae, subalit ang amoy nito ang nangibabaw sa ilong ko.

Pamilyar ang amoy nito. Lalakeng-lalake at nakakahalina. Hindi nakakasawa na amuyin buong magdamag.

‘Magdamag?’

Namungay ang mata ko. Lasing na nga yata ako. Ngayon lang ako nabanguhan sa amoy ng isang tao ng ganito — at nakakatawa ay sa estranghero pa.

Hinawakan ko ang mukha niya at paos na nagsalita. Hindi ko alam kung maririnig niya dahil umingay muli ang paligid.

“Do you want me?” Tanong ko ng nakatagilid ang ulo ko, habang ito ay pinapatakan ng halik ang punong tenga ko.

I bet matangkad ito dahil nakayuko ito.

“Yes… so badly, baby.”

Nangilabot ako sa pagtama ng mainit na hininga nito sa tenga ko. Pati ang boses nito ay lalakeng-lalake. Baritono at masarap pakinggan.

Eh sa kama… magaling kaya siya?

“Then take me somewhere… sa lugar na tayong dalawa lang.” Malandi na pagkakasabi ko.

Lasing na yata ako. Ang lakas ng loob ko na ayain ang isang estranghero. Ahh bahala na. Bago matapos ang gabing ito ay gagawin ko ang gusto ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0139.

    Bumukas ang pinto at pumasok si Tita Tess. Niyakap ako nito ng mahigpit. Tumango ito kay Anzel at kina mama. Mayamaya ay lumabas ang lahat maliban sa kanya. “Tita, I miss you po!” Umiiyak kong sambit habang yakap ito. Kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko dito. Oo may kasalanan ito pero kahit kailan ay hindi ito naging masamang tita sa amin ng mga kapatid ko. Bagkus ay parang ito pa ang naging ama at ina sa amin noong panahon na hindi pa natatauhan si mama. Hindi nito ginusto na madamay ako. At alam ko kung gaano nito sinisi ang sarili noong nasaktan ako. Kaya napakasaya ko ng makatagpo ito ng lalaking magmamahal dito ng totoo at hindi bilang second option lang. Pinakasalan ito at hindi ginawang kerida lang. aaminin ko na nag iba ng panandalian ang tingin ko kay tita noong nalaman ko na naging kabet ito. Bumagsak yung mataas kong pagtingin dito. Pero humingi na daw ito ng tawad noon sa ina ni Victor. At sinabi nito sa akin na ilang beses nitong pinagsisihan ang ginawa.

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0138.

    (Natalia pov) Pumikit ako habang nakaupo sa loob ng drum. Rinig kong nagsisigawan ang magulang ni Victor. Gusto ng mommy nito na pakawalan na ako per ayaw ng ama nito. Walang nagawa ang pakiusap ni Victor sa ama nito. Nabulag na ito ng galit sa kagustuhang gumanti. “Kapag nakulong ako… pano kayo ni Victor? Hindi ka nag iisip! Saka kilala ko si Anzel. Hindi ‘yon papayag na hindi ako magdusa! Bago mangyari iyon ay papatayin ko ang asawa niya!” Humagulhol ang asawa nito. “Sige gawin mo para lalo kang kamuhian ng anak natin!” Umubo ako. Gusto kong tumayo para hindi maabutan ng tubig pero wala na akong lakas. Binuksan na kasi ng ama ni Victor ang tubig. Akala ko lalagyan ng semento kagaya sa mga napapanood kong krimen sa tv. Iyon pala papatayin ako nito sa tubig. Balak ako nitong lunurin. “A-anzel.” Piping tawag ng isip ko sa kanya. Sa ganitong sitwasyon siya ang palaging naiisip ko. Natatakot ako. Iyon ang totoo. Kahit gusto ko magpakatatag para sa kanila ng anak ko ay hindi ko pa r

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0137.

    “At ano naman ang magagawa ko?” Nakasabunot sa buhok na tanong nito. “Sigurado ka ba na dinukot nila si Natalia? Alam na ba ito ni ninong?” “Oo sigurado kami. Alam na ni kuya Anzel at nakikipagtulungan na sila sa mga pulis. May tiwala ako sa kanila pero gusto kong makasiguro na hindi mapapahamak si ate. Tawagan mo ang magulang mo ngayon at sabihin na pakawalan ang ate ko. Maging mabuti ka naman kahit ngayon lang. Alam kong makikinig sila sayo dahil anak ka nila!” Pumasok ito sa loob para kunin ang cellphone. Naiwan sila ng kanyang ama. “Ano ang ginagawa mo dito, pa? Wag mong sabihin na nandito ka para mag isip ng plano para guluhin kami?” Naalala niya ang kalagayan ng ate niya ngayon. Hindi niya mapigilan na maluha. “Masaya ka na ba? Parang nakaganti ka na kasi nasa panganib si ate ngayon. Ito ang gusto mo diba?” Laglag ang balikat na umiling ito. Umawang ang labi niya. Akala niya guni-guni lang ang nakita niya kanina. Pero hindi. Parang hindi ito ang amang nakilala nila noo

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0136.

    Mabawi? Natigilan ito ng makita na matawa ako. Nasaktan ako ng alisin nito ang tape sa bibig ko. “At nakuha mo pang tumawa?!” Lumaki ang ngiti ko. Yung takot ko kanina napalitan ng nang-iinsultong tawa. Sinong hindi matatawa sa sinabi nito. Ano ako bagay na pwedeng bawiin pagkatapos ibasura? Pagkatapos ng ginawa nila noon sa akin? “Nagtanong ka pa talaga. Ano ako tanga para magpabawi? Nakahiga na ako sa kama. Bakit ako babalik sa banig?” Isang malakas na sampal ang ginawad nito sa akin. Kahit ang drum na pinaglagyan niya sa akin muntik ng matumba sa lakas ng sampal nito. “Aba’t… wala kang respeto!” Tumingala ako para pigilin ang luha ko. Ayokong umiyak. Gusto kong ipakita na kahit katiting ay wala akong pinagsisihan sa lahat ng desisyon na ginawa ko pagkatapos kong umalis sa pamilya nila. “Kung may wala mang respeto sa ating dalawa ikaw ‘yon. Ginawa ko ang lahat para sa anak mo, para sa pamilya ninyo. Pero ano ang ginawa niyo? Ano ang ginawa mo? Hindi niyo lang ako

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0135.

    (Natalia pov) Napaung0l ako sa sakit pagdilat ko. Para akong binugbog ng sampong tao sa sakit ng katawan ko. “N-nasaan ako?” Namutla ako ng makitang nasa isang kwarto ako. Nagkalat ang mga gamit sa paligid. Halatang hindi kwarto sa ospital ang kinaroroonan ko. Gumapang ako pababa ng kama. Napaiyak ako sa sakit ng makita na dumudugo pa ang malaking sugat ko sa paa. Dapat nasa ospital ako ngayon pagkatapos ng aksidente. Pero bakit nandito ako? Paalis na dapat ako sa Coffee shop kanina ng habulin ako ni Carrie at sabihin sa akin na buntis ito at si Anzel ang ama. Sa sobrang sakit at gulat ko ay nagmaneho ako ng umiiyak. Ang sunod kong natandaan ay bumangga ako sa isang van. Nawalan ako ng malay sa lakas ng impact. Paggising ko ay nandito na ako kaysa sa hospital. Humawak ako sa ulo. Pati pala dito may sugat ako. Napadaíng ako sa sakit ng mahulog ako sa kama. Nangiyak-ngiyak ako sa sakit ng tumama ang katawan ko sa maruming tiles ng sahig. Pakiramdam ko hihiwalay ang buto ko sa

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0134.

    3rd person povHumawak si Anzel sa baba at may ngisi na tumingin sa kawalan. Katatapos lang nilang mag usap ng kanyang dating assistant. Napag alaman niya na nagalit ito ng makita ang balita tungkol sa kanila ni Carrie. Imbes na mainis, o mabahala ay hindi niya maiwasan ang matuwa.His wife is jealous. And thats a good news for him. Nahihibang na yata siya. Imbes na ayusin ang maling akala ng kanyang asawa at tawagan ito ay tila lutang na nakaupo siya sa tuwa.“Superman, okay ka lang po? Niaway ka ba ni kuya Jose?” Inosenteng tanong ng kanyang anak.Kahit ito ay nagtataka sa inaasta niya.“No, son. Masaya lang si daddy.”“Masaya? Kasi po… ang ganda ni mama kanina?”“Palaging maganda ang mama mo sa paningin ko, son. Siya lang ang nag iisang maganda sa paningin ko.” Kinuha niya ito at kinandong. Ang sabi ng kanyang ina noon, kaya daw siya kamukha ng kanyang ama ay dahil mahal na mahal daw nito ang daddy niya.May ngisi na humawak siya sa baba. ‘Ibig bang sabihin ay mahal na mahal siya

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0010.

    “Kakain ka, o tatayo ako at pakakainin kita sa paraang gusto ko. Choose, Natalia.” Naniningkit ang mata ko. “Tinatakot mo ba ako?” Tumaas ang sulok ng labi nito. “Sa anong paraan mo ba naisip na pakakainin kita?” Hindi ako nakasagot. “Tell me, sa anong paraan? Gusto kong malaman.” Nang mamula a

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0008.

    "Parang hindi minahal, ah..” "Yun na nga. Ano ba ang nagustuhan ko sa kanya at tatlong taon bago ako natauhan." Bumuga ako ng hangin. Gusto ko sanang sabihin sa kanila ang tungkol sa problema ko pero nahihiya na ako. Alam kong mag ooffer sila ng tulong. Sobra-sobra na ang naitulong nila kaya ay

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0007.

    Isang linggo pa lang ay gamay ko na ang trabaho at mga product na nasa shop. Karamihan dito ay mga Thailand product at Korean product. Mas mabili kasi ito dahil epektibo. Magaling ako makisama kaya hindi na ako nahirapan na makisama sa mga tauhan ng shop ni Meryl. Alas singko pa lang ay nagsasarado

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0012.

    "Hindi ka lang nabayaran agad ay nagkakaganyan ka na? Wag kang mag alala dahil babayaran kita—a-ano ba—w-wag mo nga akong hawakan... ahhh." Hindi ko matuloy ang sinasabi ko sa tuwing humahaplos ang kamay niya sa hita ko. Yung kuryenteng naramdaman ko kanina ay mas lalong sumidhi. Wala naman ak

    last updateLast Updated : 2026-03-20
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status