MasukLutang at palakad-lakad ako sa sala. Nagtakbuhan ang mga kasambahay na nakakita sa akin dahil akala nila multo ako. Alas dos na kasi ng madaling araw. Akala nila saan nanggaling ang yabag. Napahawak ako sa dibdib ng biglang bumukas ang ilaw sa sala. Sumalubong sa akin ang nag aalalang mukha ni Anzel. Agad nito akong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pangungulila sa yakap nito at halik. Pumikit ako ng hawakan niya ang pisngi ko pagkatapos ako hagkan sa noo. Kumunot ang noo nito na parang nagtataka. Imbes sigawan ito dahil galit ako ay hindi ko nagawa. Bakas kasi ang labis na pagod sa gwapo nitong mukha. Bukas pa dapat ang balik nito pero napaaga. Pinangko ako nito. “Sandali. Saan tayo pupunta?” Takang tanong ko. “Sa hospital. Better to check your teeth. Baka ma-infection. How’s your face? Ang sabi may beke ka daw. Ang tiyan mo masakit pa rin ba?” Mahaba at sunod-sunod na tanong nito na bakas sa mukha ang labis na pag aalala. Natampal ko ang noo ko. Kaya ba ito umuwi ng m
(Natalia pov) Inis na inis ako kay Anzel hanggang ngayon. Hindi nito nilinaw kung ano ba talaga ang gusto ng ex nito. “Ate, kalma. Ang puso.” “Paano ako kakalma eh kay ex na umaaligid sa asawa ko.” Mahina kong bulong. Ayaw ko kasing marinig kami ni mama. Nandito kami ngayon sa bodega kung saan nakatambak ang marami naming stock sa paninda. Tatlong araw na akong wala sa mood dahil sa walang malinaw na sagot ng asawa ko. Tinitigan lang ako ng tanungin ko? Sino ang hindi mainis? “Mahal ka no’n. Malabo na lokohin ka no’n.” Natatawang ani pa ni Leisa sa akin. Pati ito ay wala ng pagdududa sa nararamdaman sa akin ni Anzel. Lahat sila ay naniniwala na mahal na mahal ako ng asawa ko. Alam ko naman iyon. Sa katunayan hindi rin naman ako duda doon. Naiinis lang ako dahil imbes sagutin ang tanong ko ay hindi ako sinagot ni Anzel. Hindi kaya… alam nito na mahal pa siya ni Carrie? “Ate, maawa ka naman sa scrub.” Sabi ni Pete. Tumingin ako sa hawak kong scrub. Napangiwi ako ng
NAGTULUNGAN kami sa pagluluto para sa gabihan. Nasa studyroom kasi si Anzel at may kausap. Alam kong pagod ito kaya hindi ko na ito pinagluto. Saka ako ang babae sa amin, nandito rin sila mama at Leisa kaya may katulong ako sa paghahanda ng makakain. Pagkatapos magluto ay umakyat ako sa studyroom para tawagin ito. Napahinto ako sa pagpasok ng marinig ko ang sinabi nito sa kausap nito. “Great. Bantayan niyo at wag hahayaan na mawala sa paningin ninyo ang taong iyan. Gusto kong malaman ang bawat galaw niya.“ Sino ang pinapabantayan niya? Dahan-dahan kong tinulak ang pinto at pumasok. Nakita ko ito na kuyom ang kamao at nakatiim ang bagang habang nakikipag-usap. “Sa oras na manggulo siya at magtaka na saktan uli ang asawa ko ay ako mismo ang magbabalik sa kanya sa loob ng kulungan. Magpasalamat siya dahil ama siya ni Natalia. Kung hindi ay baka hindi lang suntok ang nagawa ko sa kanya!” Bumuntonghininga ako. Akala ko tungkol sa negosyo ang pinag uusapan ng mga ito. May inut
“Are you okay?” Tumango ako sa kanya. Nandito na kami sa loob ng kotse ngayon. “Si mama dapat ang tanungin mo. Mukhang nabigla yata siya sa ginawa mo.” Nguso ko sa isang sasakyan kung nasa’n silang dalawa ni Leisa. Pumikit ako ng pahirin niya ang nabasang luha sa pisngi ko. Agad pala ako nitong sinundan ng sabihin ni Jose ang sinabi ko. “Sa susunod wag kang aalis ng wala ako. What if hindi ako dumating? Paano kung may nangyari sayo?” Yumuko ako. “Sorry. Ang totoo niyan nahihiya talaga ako sayo.” Amin ko. “Alam ko kasi na pera na naman ang dahilan kaya nakipagkita si papa kay mama. Saka alam ko naman na susunod ka. Palagi ka kayang dumadating kapag kailangan kita.” Tumingala ako sa kanya at puno ng tiwala ang mga mata na tumingin sa kanya. “Ramdam kong dadating ka.” Lumamlam ang mata niya sa sinabi ko. Nakita ko ang pagsilay ng mumunting ngiti sa labi nito. “Nah. Hindi porke alam mong mahal na mahal kita papairalin mo ang pagiging kampante mo. I want you safe, mine. Mang
Dumaloy ang masaganang luha sa mga mata ko. Damang-dama ko ang labis na pagsisisi ni mama sa pambabalewala na ginawa niya sa amin noon. Kahit si Leisa ay napahagulhol. Hindi na siya ang dating asawa na noon ay pipiliin na balewalain kami at tahimik na iiyak sa gilid, na walang gagawin kundi ang sumang ayon sa lahat ng sasabihin ni papa. Ang ina na nakikita namin ngayon ay matapang at natuto ng mahalin ang sarili niya at piliin kaming mga anak niya. Ina na pipiliin kong tularan balang araw at ipagmamalaki ko. “Pinili ko sila dahil natauhan ako, Nando. Natauhan ako at nagising at iyon ay dahil sayo.” Wika ni mama na parang naging sampal kay papa. Nagulantang kami ng hampasin ni papa ang mesa ng malakas. Nag aalalang nilapitan namin si mama. “Ano ang sabi mo? Pipiliin mo na sila ngayon kaysa sa akin na asawa mo?! Nagkapera ka lang yumabang ka na ngayon! Bakit sino ang pinagmamalaki mo? Ang mga anak mo?! Walang mag aalaga sayo kapag tumanda ka! Sa akin at sa akin pa rin ang ba
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Nakalaya na si papa? Kailan pa? “Papunta na ako diyan! Si Leisa?” “Sinundan niya sila mama, ate! Tatawagan ka daw niya para sabihin sayo kung saan ni papa dadalhin si mama!” Nagmamadali kong binulsa ang phone ko at pumasok sa loob ng opisina. Lumabas ako at nilapitan si Jose. Halatang nagtataka ito dahil sa pagkataranta ko at pamumutla. “Ang sir mo?” Kumamot ito sa ulo. “Nakalimutan ko sabihin, ma’am. Umalis sandali si sir. Dumating kasi si Sir Em kaya lumabas sandali.” Tumingin ako kay Natnat. Ayoko itong iwa pero hindi ko ito pwdeng isama. “Pwede bang bantayan mo muna si Natnat? Pagdating ni Anzel sabihin mo umuwi ako. Babalik din agad ako!” Sabi ko kahit hindi ko alam kung makakabalik agad ako. Lumuhod ako at humarap sa anak ko. “Hintayin mo si papa, okay? Kapag dumating siya sabihin mo pinuntahan ko si lola. Hmm? Mag-behave ka, okay?” “Okay po, mama!” Ngumiti ako ng pilit sa harapan niya. Ayoko kasing magtaka ito kapag napansin na
"Hindi ka lang nabayaran agad ay nagkakaganyan ka na? Wag kang mag alala dahil babayaran kita—a-ano ba—w-wag mo nga akong hawakan... ahhh." Hindi ko matuloy ang sinasabi ko sa tuwing humahaplos ang kamay niya sa hita ko. Yung kuryenteng naramdaman ko kanina ay mas lalong sumidhi. Wala naman ak
“Saan ka galing?” Napahawak ako sa dibdib sa gulat. “Alam mo bang nag aalala na kami? Dalawang araw kang nawala. Akala namin pina-salvage ka na ng asawa mo.” Ani ni Jeffy. “Ex. Hiwalay na kami no’n.” humawak ako sa leeg ko ng tingnan ako ni Meryl. Napalunok ako ng laway. Hindi kaya may markang na
“Kakain ka, o tatayo ako at pakakainin kita sa paraang gusto ko. Choose, Natalia.” Naniningkit ang mata ko. “Tinatakot mo ba ako?” Tumaas ang sulok ng labi nito. “Sa anong paraan mo ba naisip na pakakainin kita?” Hindi ako nakasagot. “Tell me, sa anong paraan? Gusto kong malaman.” Nang mamula a
Isang linggo pa lang ay gamay ko na ang trabaho at mga product na nasa shop. Karamihan dito ay mga Thailand product at Korean product. Mas mabili kasi ito dahil epektibo. Magaling ako makisama kaya hindi na ako nahirapan na makisama sa mga tauhan ng shop ni Meryl. Alas singko pa lang ay nagsasarado







