"Marupok ka lang kasi," pangatuwiran pa ni Crassus.Namula ang mukha ni Raine. "Crassus! Iyang bibig mo!"Napahalakhalak siya."Isang tukso mo pa sa akin, babalik talaga ako sa apartment," banta pa ni Raine.Dumilim ang anyo ni Crassus. "Subukan mo."Napaismid siya. Binato niya ang kubrekama sa gilid at sinubukan tumayo. Napangiwi siya dahil sa sakit pero kaya naman niya ilakad. Iyon nga lang ay kailangan niyang huminto. Hindi niya kayang dumiretso ng lakad.Si Crassus na nakatingin sa pagkilos ni Raine ay inekis ang mga braso sa dibdib. Ngumiti siya habang nakataas ang noo. Tila ba nasisiyahan sa mahirap na paggalaw ni Raine. Lumingon si Raine kay Crassus. "Anong ngini - ngiti mo riyan? Proud ka sa ginawa mo?"Itinaas naman ni Crassus ang dalawang kamay. "Wala akong sinabi."Sa inis ni Raine ay napatulin siya ng lakad kahit na parang mapupunit ang hiyas niya. Padarag niyang sinarado ang pinto ng cr at naglinis ng katawan.Late na siya nang makarating sa company. Gaya ng rati, kahit
Nahulog sa malalim na pag - iisip so Crassus. Nakatunganga siya sa swivel chair. Kanina pa lumabas si Tia sa office niya pero hindi niya makuhang gumalaw. Kagabi pa lang ay nagtaka na siya sa asal nito. She didn't let him touch her. Napag ubaya man ito sa huli pero alam niya na napipilitan lang ito. Ilang beses din itong nagreklamo dahil nasasaktan ito. Pero aaminin niyang napasobra naman talaga ang pagiging marahas niya kagabi. Kaya naisip niya na nasasaktan ito dahil sa pagiging sadista niya.Naipatong niya ang dalawang siko sa mesa. Tinakpan niya ang kanyang mukha. Nang maglakbay ang kamay niya ay napunta iyon sa kanyang ulo. Marahas niyang sinabunot ang kanyang buhok. Napayukyok siya sa mesa.Naalala niya na lantaran nitong sinabi kay Athelios na buntis ito pero hindi nito makuhang ipalaglag ang bata. Nasa kabila ng pagdadalang tao nito ay gusto pa rin nito makapag tapos ng pag - aaral. Gusto nito maging accountant at gumawa ng sariling pangalan sa larangan ng pera. Pero sinabi
Nag - alimpuyos sa galit si Crassus. Kaunti na lang ang kulay ay sasabog na siya. Tinabingi niya ang kanyang ulo habang tinitigan si Raine. "How much do you want?" Crassus stared at Raine and asked her intensely word by word. "Fifty million." Nagtagis ang bagang ni Crassus. "Pera lang ba talaga ang mahalaga sa'yo?" May hinanakit pa ani niya. Ngumiti naman si Raine. "Masisisi mo ba ako? Kailangan ko ng pera. Pinanganak ako ng dukha, at nakaratay pa sa ospital ang Mama ko. Mas importante siya sa akin, Crassus." Parang nilamukos ang kanyang puso. Hindi siya makapaniwala. Talagang hindi iniisip ni Raine na anak din nito ang pinagbubuntis. Anak nilang dalawa. Hindi niya alam kung dapat ba siya magpasalamat dahil hindi talaga ito nabuntis o malungkot dahil nawalan sila ng anak. Kapag nabuhay naman ito ay maging kawawa lang ang bata. Maghahangad ito ng atensiyon sa Mama nito na hindi maibigay ni Raine dahil iba ang nais nito. Mas gusto pa nito na magpalunod sa pera kaysa buhayin a
Paano mo nalaman ang tungkol doon, Mr. De Guzman?" tanong pa ni Crassus, dahilan nang pagkaawang ng labi ng kausap.Napaangat ng paningin ang Direktor. "Sir?"Kumunot ang noo ni Crassus. "Magpaliwanag ka."Napatango si Mr. De Guzman. "Sir, noong Lunes ay nag - half day siya. Akala ko kasi ay dahil sa utos mo kaya hindi na ako nagtanong kung bakit. Kaya pinayagan ko siya. Kasama niya ang kanyang kaibigan na nasa kabilang Department. Kinabukasan, nagulat na lang kami dahil may pumutok na balita tungkol sa kanya. The employees said that she had a miscarriage. She came back from the operation, put the form on the desk, and went to the bathroom. Nakita iyon ng mga kasamahan niya kaya inulan siya ng tsismis."Nahulog sa malalim na pag - iisip si Crassus. Kung totoong nagpalaglag ito, bakit kailangan pa nitong ipagkalat sa office?"You may go," Crassus said in a finality.Napaangat ng paningin ang Direktor. "Po?""I said leave," Crassus frowned irritably.Mabilis pa sa alas kuwatro na nilisa
Nang makalabas na sina Thaddeus at Diana sa apartment ay sabay silang naglakad. Inakbayan ni Diana ang kanyang kaibigan. Hinimas niya ng dahan - dahan ang balikat nito para kahit papaano ay kumalma ito.Gusto niya sana itong tanungin kung anong nangyari pero hindi siya makabwelo. Nasa likod kasi nila si Thaddeus. Saka lang niya ito kakausapin kapag nakauwi na sila.Hindi naman mahirap hulaan kung bakit ito nagagalit. Hula niya ay nag - aaway na naman ito at si Mr. Almonte. Ito lang naman ang may kayang magpasama ng mood ni Raine. Dati kasi kung nagagalit ito ay tatahimik lang ito sa isang tabi tapos mahuhulog sa isang malalim na pag - iisip. Ngayon ay kaya na nitong mag - amok. Medyo nabigla pa nga siya kanina dahil nagdabog pa ito. Kung wala lang siguro si Thaddeus kanina ay baka tuluyan na itong umiyak.Nag - away siguro ang dalawa dahil nalaman ni Mr. Almonte ang tungkol sa pakulo ni Raine. Hindi rin naman niya masisisi ang asawa nito. Medyo napasobra nga sa pagplano ang kaibigan
"We lose the baby."Nabitawan ni Lolo Austin ang kanyang tungkod. Lumagapak iyon sa sahig. Si Crassus naman ay napatungo at hindi makatingin ng diretso. Namagitan sa kanila ang katahimikan. "Hijo, p- paano---""It is true, Lolo," diretsang sagot ni Crassus. Pait siyang ngumiti. "Kanina ko lang nalaman."Natahimik na naman si Lolo Faustino. Lumaylay ang balikat nito at napahawak sa arm chair. Umurong ito para makasandal sa upuan. Parang doon ito humuhugot ng lakas. Si Crassus naman ay halu - halo na ang kanyang nararamdaman. Nasasaktan din siya, kasi anak nila ni Raine iyon. Pero nang makita niya na mas nasaktan si Lolo ay nag - alala siya rito. Lalo na nang makita niya ang reaksiyon ni Lolo Faustino. Naaawa siya rito. Sa kanilang tatlo, ito kasi ang pinaka- masaya nang inanunsiyo ni Raine na nagdadalang - tao ito. Ngayon na hindi pa nito nasilayan ang apo sa tuhod ay nawala na ito. Naintindihan niya ito, dahil simula noong ikinasal sila ni Raine, palagi na ito kumukulit sa kanya at
[Kailan ka babalik, Tina?"]Bumikig ang lalamunan ni Raine nang mabasa niya ang chat ni Lolo Faustino. Nailapag niya ang selpon at napatingala. Saka siya napabuntonghininga. Parang gustong pagsisihan ni Raine na ginalit niya si Crassus. Sa huli ay pati ang kanilang Lolo ay nadamay. Nawalan ito ng kasama at kausap. Hindi niya maiwasang maisip na para ito isang batang paslit na naghahanap ng Ina nito. Hindi naman niya ito masisisi. Halos isang buwan niya itong nakasama sa villa. Noong umalis din si Crassus ay siya ang kasama nito. Sa maiksing panahon ay mas lalong nagkalapit ang kanilang loob. Hinablot ni Raine ang selpon at saka suminghot. Nagtipa siya ng reply para kay Lolo....[Huwag ka po mag - alala, Lolo. Babalik po ako kapag kumalma na ako. Please bear with me. Hayaan niyo po, kapag okay na ay babalik po kaagad ako sa villa. Pangako po 'yan.]Saka niya pinadala ang chat. Nang may pumasok sa isip niya ay muli siyang nagtipa ng panibagong mensahe. ...[Lolo, Friday po bukas. G
A- anong pong ginagawa mo rito, Sir? May hinahanap po ba kayo na libro?" takang tanong pa ni Raine."Uh, I guess?" Napakamot sa ulo si Sir Xhun. Napatingin ito sa suot na libro. "You guys go shopping first, I still have to sign for about fifteen minutes."Natahimik si Raine. Iniisip niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Nang mapansin ni Sir Xhun na natahimik siya ay ngumiti lang ito. Saka ito tumalikod sa kanya.Kipkip ang libro, dahan - dahan na naglalakad si Raine para sundan ang dating Propesor. Tinanaw niya ito. Nakita niyang umupo ito sa gitna ng mesa at may pinepermahan na libro. Sa gilid nito ay may nakasalansan na libro na pareho lang ang pabalat at kapal.Bahagyang umawang ang bibig ni Raine. Kung ganoon ay may book signing ito rito?Muli na naman siyang napahanga. Ang talino talaga nito. Parang wala itong bagay na hindi kayang gawin. Panaka - naka ay pinagmasdan niya ito habang namimilo ng libro. Narinig niyang nagsalita mula sa kanyang gilid."Adih, may napili ka na ba?"
Mabilis na pinasibad ni Crassus ang kanyang kotse. Umugong ng malakas ang makina ng kanyang sasakyan. Nang kailangan niyang magpalit ng gear ay madiin niya itong hinawakan at saka iginalaw. Naglikha iyon ng ingay kasama ang papataas na angil ng kanyang sports car. Tinitigan niya ang kanyang selpon. Mula roon ay nakita niya kung saan ang lokasyon ni Raine. Maging ang direksiyon na kailangang tahakin ay nakalagay sa screen ng selpon. Sa tuwing nakikita niya ang pulang bilog sa mapa na kumukuti - kutitap ay mas lalong sumisidhi ang damdamin niya na hanapin si Raine.Nang makita niya ang pagitan ng layo ng kanilang distansiya ay nagtagis ang kanyang bagang. Muli niyang tinapakan ang selinyador. Nang kailangan na naman niyang magpalit ng gear ay binitawan niya ito at saka muling tinapakan. Mas domoble ang bilis ng kanyang puting sports car.Hindi sinabi sa kanya ni Raine kung nasaan ito. Hindi niya rin alam kung bakit. Ang katotohanan na may iininda itong sakit ang siyang naging dahilan k
Impit na napadaing si Raine habang nakahawak sa kanyang kanang paa. Sinipat niya ito. Napahinga siya ng malalim. Kitang - kita na niya ang pamumula ng kanyang paa. Tinapunan niya ng masamang tingin si Marie. Mas lalo siyang nasura nang makitang ngiting - ngiti ito. "Oops, sorry. Hindi ko nakita," ani pa ni Marie. "Pakalat - kalat ka kasi. Ayan tuloy nasagi ko pa." Yumuko ito at inilapit sa kanya ang mukha. "Huwag ka kasing mang - agaw nang hindi naman sa'yo. Lahat na lang pinakialaman mo eh."Napakunot ang noo ni Raine. "Ano bang pinagsasabi mo? Anong inagaw? Ngayon lang kita nakita tapos sasabihin mong mang - aagaw ako. Ni hindi nga kita kilala."Marie flip her hair. "Bîtch!"Naikuyom ni Raine ang kanyang kamay. Napatiim bagang siya. "Umalis ka sa harap ko."Napakatukod siya sa kanyang tuhod. Nalukot ang mukha. Pinilit niya kasing tumayo kaya nagalaw na na naman ang paa niya.Hinila niya ang maleta. Lumipat siya sa kabilang kwarto. Sinubukan niyang buksan ito. Nakahinga siya ng mal
Kasabay ng pagbitaw ni Raine sa maleta ay napatingin din siya sa sahig. Hindi niya kaagad nadampoy ang kanyang dala dahil sa pag - iisip."Oo nga naman. Tama ang kapatid mo. Bakit hindi mo tawahan ang asawa mo nang magkaalaman na?" Segunda pa ni Marie.Kunot - noong hinawakan niya ang handel ng maleta. Hindi pa man niya ito tuluyang napagulong ay bumukas ang zipper ng maleta. Kumalat ang laman niyon sa sahig. Natigilan siya.Nanginginig na binalik niya ang mga damit sa maleta. Hindi siya makatingin kina Athelios at Marie. Natatakot siya sa mapanghusgang mga mata nila.Kung tatawagan niya si Crassus. Sasagutin kaya nito ang tawag niya? Papayag kaya ito kung papuntahin niya rito? Iyon pa lang ay ayaw na niyang malaman ang sagot. Natatakot siya na baka mapahiya siya. Isa pa, alam din niya na hindi ito pupunta. Marami itong inaasikaso sa kompanya.Kakasara niya pa lang sa zipper ay tumunog ang selpon niya. Hinugot niya ito sa bulsa ng kanyang pantalon. Nang mabasa niya kung sino ang tumaw
"Ano?"Blangkong tinitigan ni Raine ang kanyang kapatid. "Ano bang problema mo, ha?"Tumaas ang kilay ni Athelios. Nakameywang ang kanan niyang kamay habang nakaturo naman sa maleta niya ang kaliwa nito."Sumagot ka rin kasi."Nilapag ni Raine ang hawak na pajama. Itinukod niya ang dalawang kamay at saka tumayo. Kamuntik na siyang mapaigik nang bumalatay sa binti niya ang sakit. Lumunok siya para maitago ang hapdi."Hindi ko kailangan magpaliwanag sa'yo. Hindi ikaw ang sadya ko rito. Kaya pwede ba, tigilan mo na ako? Gusto kong magligpit ng matiwasay." bwelta pa ni Raine.Dinuro siya ni Athelios kaya mas lalong sumama ang mukha niya. "Ang simple lang ng tanong ko pero hindi mo makuhang sumagot. Iyong pera lang naman ang gusto kong kunin."Napangisi si Raine. "Para saan ba ang pera mo at bakit atat na atat ka?" Tinuro niya si Marie. "Dahil ba dito?""Labas ka na roon." Muling sinipa ni Athelios ang maleta kaya nausog iyon papunta sa kanan ni Raine. "Bakit ba kasi na ayaw mong aminin na
Namilog ang mata ni Raine. Hindi siya kaagad makahuma nang tumambad sa kanya ang masagwang eksena. Natulos siya sa kinatatayuan. Athelios is busy banging his woman's pûssy in a dog style. Nakatalikod ito sa kanya at ang babae nito ay panay ang paghalinghing. Huba't hubad ang dalawa at sa tuwing naglabas pasok si Athelios sa kweba ng babae nito ay umaalog ang malaking dyuga nito. Gusto niyang bulwayan ang dalawa. Talagang hindi nila napansin ang presensiya niya. Patuloy pa rin sa pagbayo ang magaling niyang kapatid na para bang hinahabol nito ang rurok ng kaligayahan.Hindi niya makayanan ang kanyang nakita. Mabilis siyang tumalikod habang nakahawak sa hamba ng pinto. "Baka gusto ni'yong tumigil?" Kalmadong saad ni Raine pero hindi na maipinta ang kanyang mukha.Narinig niyang humiyaw ang babae. Napatingala siya sabay ismid. Napameywang siya. "Oh, Raine. Nandiyan ka pala?" tanong pa ni Athelios.Napapikit si Raine dahil sa narinig niya ang pagiging kalmado nito. Nakita niya ito na
Nang marating ni Raine ang bahay nila ay nanumbalik sa kanya ang alaala ng nakaraan. Naging nostalgic sa kanya ang lahat. Lalo na nang makita niya ang puno ng mangga na nasa harap mismo ng kanilang bahay.Napahawak siya sa luma nilang tarangkahan na binahayan na ng kalawang. Dati ay kumikinang pa ito dahil sa pag - aalaga ng kanyang Ama. Ngayon na wala ng nag - aasikaso ay naging marupok na ang ibang parte nito. Malayong - malayo sa dati nitong itsura na makintab at matibay.Tinulak niya ito at pumasok. Muli na naman siya nanibago dahil napakatigas nito kung itulak. Sumadsad na kasi ang katawan nito sa lupa kaya kailangan niya pa itong iangat para makapasok.Napagawi ang paningin niya sa bakuran nila. Bigla siyang nanlumo. Paano at marami ng nakatubong damo roon. Ang dating makulay na palibot ay puno na ng patay na sanga ng kahoy at patay na dahon. Ang parteng lupa na nasa gawing gilid ng bakod ay naging talahiban. Naghahabulan sa pakikipagtaasan ang mga masamang damo roon. Kauti na l
Pagkatapos ng ilang buwan na pagtatrabaho ni Raine sa Almira ay bumalik siya sa Forgatto Celestina. Kasama ang dalawa pang kasama, sabay silang bumalik sa Araw ng Huwebes sa dating kompanya. Hindi na maampat ang ngiti ni Mr. De Guzman. Nakausap niya kasi si Raine. Sinabi nito na bibitawan na ang job oppurtunity na ibinigay ng taga Audit Department. Nang marinig niya ito ay halos mapunit na ang kanyang labi dahil sa malaki niyang ngiti. "Mabuti naman ang pinag - isipan mo ng mabuti ang suhestiyon ko, Ma'am Raine," ani pa ni Mr. De Guzman. Nagkibit - balikat si Raine. Gusto man niyang sabihin na walang kinalaman ang suhestiyon nito sa naging pasya niya. Pero mas pinili na lang niya na maglihim. "Direktor ko po kayo. Mas mataas po ang experience mo sa akin kaya nararapat lang na makinig ako sa'yo," sabi ni Raine. Tumango si Mr. De Guzman. "Bueno! Sasabihin ko kay Mr. Almonte ang naging pasya mo." The next day, Mr. De Guzman promoted Raine to be the financial manager. Nang marinig
"Imma fool."Napailing si Crassus nang maanalisa niya ang kanyang mali. Napabuntonghiningang yumuko siya.Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa kanyang silid. Kinuha niya ang sigarilyo niya at saka selpon. Saka siya bumaba para tumambay sa veranda.Idinial niya ang numero ng isang kaibigan. "Rothan.""Hey!" Pasigaw na sagot ni Rothan sa kabilang linya.Lumalim ang gitla sa noo ni Crassus. "Saan ka na naman nagsusuot? At bakit ang ingay? Nag - babar hopping ka ba?""Im with a friend," sagot ni Rothan sa kabilang linya.Napailing si Crassus. "We need to talk," he said in a serious tone. "It's important."Narinig niyang hindi nagsalita si Rothan pero rinig niya ang pamamaalam nito sa mga kasama nito."Call me in a minute. Yo saldré primero. (Lalabas muna ako)" Rothan said."Okay," Saka niya pinatay ang tawag.Umupo siya. Sinindi niya ang sigarilyo habang nakaharap sa garden. Napatitig siya sa malaking kahoy na nasa gitna. Mayamaya pa ay may tumawag. Nagtaka si Crassus dahil
Habang kumakain ay napansin ni Raine ang pagiging tahimik ni Crassus. Madalas itong nakatitig sa kawalan na para bang nalulong sa malalim na pag - iisip.Kaya hindi nakapagtimpi si Raine. Kinausap niya si Crassus. "May problema ba?"Napakurap si Crassus at napatitig sa kanya. Ginalaw nito ang pagkain. Parati lang nito ginagalaw pero pakaunti lang kung sumubo.Umiling ito. "Wala."Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. Inatupag na lang niya ang kanyang pagkain pero nang mapansin niya na tahimik naman ito ay muli niya itong kinausap."Masyado ka naman atang tahimik ngayon. Ayos ka lang ba?" Pukaw pa ni Raine.Hindi makatingin kay Raine si Crassus. "Just eat, Raine. Huwag mo na akong isipin."Marahas na napabuga ng hangin si Raine. Padarag niyang nilapag ang kutsara at inis na tinitigan si Crassus. Saka siya tumango."Bakit mang - aaya ka pang kumain kung wala ka naman pala sa mood? Sana pala ay dumiretso na lang tayo ng uwi nang pareho na tayo makapagpahinga. Nagsasayang ka lang ng oras.