เข้าสู่ระบบPaki-hit ng like button para malaman ko na may nagbabasa pa ba nito. hihihi :) Thanks malapit na tayo matatapos
Narinig ni Raine na bumukas ang pinto ng kwarto pero hindi siya lumingon. Nakatitig pa rin siya sa labas ng kanilang corridor habang nakahalukipkip. Tahimik siyang nakatayo. Tulala siya'ng nakatitig doon. Na para bang may nakakaaliw panoorin sa labas gayong wala naman.Nang makita ni Aling Lena ang pustura ni Raine ay nagdadalawang-isip siya'ng magsalita. Napahawak tuloy siya sa door knob. Naaalangan siya'ng pumasok ng kwarto.Napabuntonghininga si Manang Lena. “Señorita?”Walang nakuhang tugon si Manang Lena. Hindi umimik si Raine at mas lalong hindi ito lumingon.Naglapat ng mariin ang labi ni Manang Lena. “Senorita, gusto ni Señor na bumaba ka.”Hindi pa rin sumagot si Raine. Nakatitig pa rin siya sa labas ng glass door.Bumagsak ang balikat ni Manang Lena. “Senorita…” sambit niya. “Aalis na po si Señor Crassus.”Lumungkot ang ekspresyon ni Raine. Napatungo siya at napatitig sa sahig.“Ayaw mo ba siya'ng kausapin?” tanong ni Manang Lena. “Aalis na siya, Senorita. Baka pagsisihan mo
Gabi na pero hindi pa rin umuuwi ng bahay si Crassus. Pagkatapos nilang kumain ng lunch— umalis ito. Hanggang ngayon ay hindi pa ito umuuwi. Tahimik na nakaupo si Raine sa higaan nila. Paulit-ulit niyang sinusulyapan ang orasan sa dingding. Lumalim na ang gabi, pero wala pa rin si Crassus. Ilang beses na siya'ng panay baba para lang tignan kung nakaparada na ba ang kotseng dala nito— pero bakante pa rin ang parking space nito.Ilang beses na niyang tinitingnan ang kanyang cellphone. Ilang beses na niyang chineck ang kanyang message app, pero gaya kanina—walang pumasok na bagong message roon. Umaasa siya na may matatanggap na tawag o kahit isang simpleng mensahe mula kay Crassus pero wala. Nanatiling tahimik ang kanyang cellphone. Napabuntong-hininga si Raine. Marahan niyang niyakap ang teddy bear na bigay ni Crassus. Sinubukan niyang kumbinsihin ang sarili na baka may mahalagang dahilan kung bakit hindi pa ito umuuwi, subalit habang lumilipas ang bawat minuto— unti-unting napapalit
Paggising ni Raine kinabukasan ay madilim pa ang kwarto nila. Nakapatay pa ang mga ilaw at dinig na dinig pa rin niya ang ingay ng aircon. Napapikit ulit siya. Sinubukan niya'ng gumalaw papuntang kanan nang matigilan siya. Hindi siya makagalaw ng maayos. Pakiramdam niya ay may kung ano'ng mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang tiyan. Hindi niya rin maigalaw ng maayos ang kanyang binti. Napamulagat ng mata si Raine. Mabilis siya'ng napalingon sa kanyang gilid.Tulog na tulog pa rin si Crassus sa tabi niya. Saka lang niya naanalisa na ang braso pala nito ang nakadagan sa kanyang tiyan. Maging ang binti nito ay nakadantay rin sa binti niya. Yakap-yakap siya nito habang mahimbing ito natutulog.Sandaling natigilan si Raine. Tahimik niya'ng tinitigan ang maamong mukha ni Crassus.“Good morning..” bati ni Crassus kahit nakapikit.Namilog ang mata ni Raine. Nahigit niya ang kanyang hininga. “G-good morning,” ganting bati ni Raine. Napakurap siya. “K-kanina ka pa gising?”“No,” Crassus r
“C-Crassus?” Patanong na wika ni Raine. “Bakit ka nandito?”Hiniwalay ni Crassus ang mga braso niya mula sa paghalukipkip.“I was waiting on you,” Crassus replied. “Baka kasi napaano ka na sa banyo.”Natigilan si Raine. “A-ayos lang naman ako,” sabi niya. Hindi sumagot si Crassus. Sa halip ay pinasadahan niya ng tingin si Raine. Kumunot ang kanyang noo. “I’ll go to bed now,” Crassus said. Iniwan niya si Raine na nakatayo sa bukana ng banyo.Nakahinga ng maluwag si Raine. Naalala niyang nakatingin si Crassus sa katawan niya. Kanyang pinasadahan ng tingin ang sarili. Nagsalubong ang kanyang kilay nang makitang wala naman kakaiba sa katawan niya.Lumabas si Raine sa banyo. Tahimik siya'ng nagtungo sa closet at nagpalit ng damit.****“Huwag po… h-huwag…”Pabaling-baling ang ulo ni Raine sa kanyang kinahihigaan. Kunut na kunot ang kanyang noo kahit nakapikit. Pinagpawisan na rin siya ng malapot. Mahigpit siyang nakahawak sa kumot na nasa kanyang dibdib.“Huwag,” sambit ni Raine nang nak
Kakababa pa lang ni Raine sa sasakyan pero hindi na niya mapigilan na malungkot. Tahimik siya'ng pumasok sa loob ng villa at iniwan ang driver nila ng walang lingun-lingon. Umakyat siya sa hagdan at nagtungo papunta sa kwarto.Napabuntonghininga si Raine. Pagkatapos niya'ng isara ang pinto ay napasandal na lang siya roon. Natulala siya. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.“Raine…”Napasinghap si Raine. Mabilis niya'ng ginalugad ng tingin ang kwarto para hanapin ang tumawag sa kanya. Ginalugad niya ng tingin ang kasuluk-sulukan pero wala siyang makita dahil madilim ang kwarto. Nakapatay ang ilaw at tanging ingay lang ng aircon ang kanyang naririnig. Ang tanging ilaw lang niya noong mga oras na iyon ay ang mapusyaw na liwanag na nanggagaling sa corridor nila. Na sirado naman sa pagkakataon na iyon pero nakahawi pa rin ang kurtina.Lumunok si Raine nang hindi niya pa rin mahagilap ang pakay. “C-Crassus…” naisambit niya sa mahina ngunit mahinhin na boses.Mula sa dilim, lumabas si Crass
Kulang ang salitang gulat sa naging reaksiyon ni Diana. Natulala siya at hindi makapagsalita. Dahan-dahan niyang inaalisa ang sinabi nito pero kahit ano'ng gawin, natulala pa rin siya at natuod sa kanyang kinauupuan.Simula ng masagip siya, hindi pa sila nag-usap ng masinsinan ni Crassus. Pahapyaw lang ang lahat na iyon, at dahil sa sunod-sunod na nangyari— nakalimutan niya ang nararamdaman nito.Napansin ni Diana ang pananahimik ni Raine. Ginagap niya ang kamay nito at hinaplos iyon. Saka niya ito nginitian ng tipid.“Alam kong galit ka pa kay Crassus dahil sa nangyayari kay Tita. Naiintindihan kita kaya pinilit ko talaga na huwag magbitiw ng salita. But Raine, Crassus did everything just to win you back.”She stared at Raine, her voice softening as she tried to make her understand. “He gave up his pride, swallowed his regrets, and did everything he could to earn another chance with you. He may have made mistakes, but every step he took was because he wanted you back. Ginawa niya ang
NAKITA NI RAINE ang mga butil ng ulan na pumapatak sa ulo nito. Bumagal sa kanya ang lahat. Maging ang pagpatak ng tubig sa likod nito ay iba ang epekto sa kanya.Nang mapansin niyang kamuntik ng tumama ang bagpack sa ulo nito ay nagising siya sa katotohanan. Napailing siya.Tinignan niya ito. "Aya
NAPAHAPLOS SI RAINE sa kanyang braso habang yakap - yakap ang kanyang sarili. Ang kanyang kamay ay nanginginig. Bahagya na ring namutla ang kanyang labi dahil sa malamig na tubig na kanyang naligo kanina para maibsan ang epekto ng droga sa kanya. "Maraming salamat, Professor Xhun. Salamat po talaga,
HINDI MAKAPAGSALITA SI RAINE sa lahat ng kanyang nabasa sa comsec. Kung mag - rereact siya ay bigla na namang mauudlot dahil sa panibagong mababasa niya na comments. Parang isang libro na nagpatong - patong sa loob ng kanyang utak ang lahat ng nabasa niya. Napailing siya. May bago na namang comment
NANG MAKITA NI CRASSUS si Mr. Villanueva sa harap ng kanyang opisina ay alam na niyang nagbago ang isip nito. Hindi naman ito pupunta sa opisina niya kung hindi iyon ang dahilan. Lalo siyang nakaramdam ng dismaya. He overestimated her. Playing hard to get is one of her own abilities.Bakit pa siy







