Chapter 1 SA KALAGITNAAN NG GABI, habang tulog ang karamihan sa mga tao ay naalimpungatan si Raine mula sa kanyang paghimbing. Kumilos siya para mag – iba ng posisyon. Hindi pa siya nangangalahati mula sa kanyang pagkilos ay natigilan na siya. Napakunot ang kanyang kilay. Ramdam niyang may masakit. Parang nasugatan siya. Pakiramdam pa niya ay kay bigat ng kanyang katawan. Hindi niya mapangalanan ng diretso. Sa sobrang sakit niyon ay hindi niya alam kung alin ang uunahin. Pagmulat niya ng mata ay isang pamilyar na lalaki ang kanyang nakaharap. Kaagad naglaro sa utak niya nangyari. Namilog ang kanyang mata. Hindi siya makapaniwala. Ang lalaking nakasama at nakatabi niya sa pagtulog ay walang iba kung hindi si Crassus Adam Almonte. Ang CEO ng kompanyang pinasukan niya.Nayanig ang kanyang buong sistema. Kung ganoon ay naibigay niya ang kanyang sarili sa … Napapikit siya sabay buntonghininga. First time niya iyon, at wala siya ibang nararamdaman kung hindi masakit. Hindi lang niya
PANAY PA RIN ang pagtunog ng cellphone ni Raine. Nasa loob ng bus si Crassus kaya walang nangahas na magsalita. Tanging ang tunog ng pagbyahe at ang tunog ng ringing tone ng cellphone niya ang tanging naglikha ng ingay.Nang tinulungan niya ito kagabi ay nasa paketa pa ng suot niya na trouser ang kanyang cellphone. Napaisip siya. Paano napunta sa amo nila ang kanyang cellphone? Siguro ay nahulog ito nang maghubad siya ng damit. Nakalimutan niya ang aparato sa kakamadali.Hindi siya nagpa anod sa dagat ng pagkagulat. Kaagad niyang sinita ang sarili nang mahinuhang halos matangay na siya sa agos nito.Saka lang niya naisip na baka sumakay ng bus si Mr. Almonte ay para komprontahin siya. Napalunok siya. Baka alam talaga nito na siya ang nakasama nito sa pagtulog. Isa pa panay ang pagtunog ng kanyang cellphone sa kamay nito. Idagdag pa ang sinabi ni Diana kanina na tiyak niyang narinig nito, kung pagtagpi – tagpiin ang lahat ay hindi malabong alam na ni Mr. Almonte ang nangyari.Nahulog s
PAGKAPASOK NIYA PALANG SA OPISINA NITO ay parang isang scanner ang mata nito. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. May emosiyon pa siyang nakikita sa mga mata nito pero hindi lang niya matukoy kung ano. Hindi niya tuloy maiwasang mailang.Mayamaya pa ay tinitigan siya nito ng malalim. Gusto niya tuloy pagtaasan ito ng kilay pero natatakot siya sa magiging reaksiyon nito. Baka mamaya pa ay mag - iba ang kulay nito at iisipin pa nitong ipatapon siya palabas.Nang hindi na niya makayanan ay nakipagsukatan na siya ng tingin.Crassus felt confused.What's on my face?" he asked.Raine came back to her senses, "S- Sir?"Crassus drop the topic, and directly said, "how about marrying me?"Natameme si Raine.Hindi niya alam kung ilang beses na nagpabalik – balik sa utak niya ang alok nito. Hindi naman sana ito mahirap unawain ang sinabi pero ang hirap naman nitong paniwalaan.Napatingin tuloy siya palibot. Nagbabasakaling may makita pa siyang ibang tao sa opisina nito.“I’m talking to y
PINAKIRAMDAMAN NI CRASSUS ang dalaga kung tama ba ang hula niya. Naisip niya kasi na baka may motibo nga ito nang matulog siya sa hotel. Hindi niya pa rin maalala kung paanong napunta sa kwarto niya ang cellphone nito. Sinadya niya pang sumakay ng bus para sana komprontahin ito. Pero nang makita niya ang puyat nitong mukha ay umurong ang kanyang bayag. Hindi naman siya masamang tao para hindi maawa rito. Kaya pinalabas niyang napulot lang niya ang cellphone nito. Nang pasimple nitong tinanggihan ang kanyang alok ay namangha siya. Of course, she will regret it in the future, pero bago niya magawa iyon ay sisiguraduhin niyang mapapahamak ito. Sisiguraduhin niyang pagsisihan nito ang ginawa nitong panloloko sa kanya. Hindi na bago sa kanya ang ganitong taktika. Talamak na ang ganitong pamamaraan sa mga babaeng nakasalamuha niya. Hindi na rin bago sa kanya ang ‘playing hard to get’. Sa dinami – dami ba namang mga babae na nagkadarapa sa kanya ay halos araw – araw na siyang nakahara
PAGKASARADO PALANG NIYA NG PINTO NG CR ay kaagad na siyang napasandal dito. Napahikbi siya. Kaagad niyang tinakpan ang bibig nang marinig niyang medyo napalakas ang kanyang pag - iyak. Napatitig sa kawalan si Raine. Kasabay nang kanyang pagtitig ay pag - alala ng nakaraan na pilit niyang binaon nang panandalian sa kanyang isipan. Anim na taon ang nakakaraan nang mangyari ang isang napakalagim na aksidente sa kanyang Ama. Napapikit siya nang maalala niya ang karanasan nito. Nahulog sa gusali ang kanyang ama. Mahigit dalawampung palapag ang kinabagsakan nito dahilan para hindi na ito mabuhay. Naisip niya pala kung gaano kataas ang kinabagsakan nito ay hindi niya maiwasang mapa - isip. Kung ano ang nararamdaman nito habang nahuhulog ito sa ere. Hindi ito naging madali para sa kanila, lalo na sa kanyang Ina. Malaki ang naging epekto nito kaya hindi naging maganda ang mental health nito. Dahilan para masuot naman ito sa isang car accident. May natatanggap naman silang kompensasyon
HINDI NA MAPAKALI SI RAINE nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Riacrus. "Okay lang po ba siya?" "Yes, Dear for now. Huwag kang mag - alala, nagawa na namin ang emergency treatment. Pero hindi tayo dapat magpakampamte. Alam mo ang sitwasyon nang Mama mo, Hija. Sa ngayon ay stable na ang lagay niya. Natahimik siya. "Ms. Villanueva, are you still there?" "Y- Yes, Doc." "Good, and again I have to remind you of this. Dahil sa nangyari sa Mama mo kagabi ay may panibago na namang bayarin dahil sa mga nagamit na kagamitan at medisina, Ms. Villanueva. Medyo malaki ang naidagdag. Kailangan mong bayaran ito ng buo." "S- sige po. Hahanap po ako ng paraan." "I know you will but Hija, you have to pay it all at once. Although nagbabayad naman kayo noong nakaraan pero hindi iyon sapat, Hija." Hindi na naman siya kaagad nakasagot. Muli na naman niyang naalala ang malaking bill ng ospital. Nagkarambola na ang utak at ang puso niya dahil sa kanyang emosiyon. "Kung hindi mo ito mababa
NANG MAKITA NI CRASSUS si Mr. Villanueva sa harap ng kanyang opisina ay alam na niyang nagbago ang isip nito. Hindi naman ito pupunta sa opisina niya kung hindi iyon ang dahilan. Lalo siyang nakaramdam ng dismaya. He overestimated her. Playing hard to get is one of her own abilities.Bakit pa siya masusurprisa. Natural na sa kauri nito ang maglaro ng ganoong taktika. Hindi na iyon bago.Naging alerto si Raine. Tumayo siya nang makita papalapit na ang kanyang amo."Good morning Mr. Almonte," she greeted him in a flattery tone."Not as early as you." Then he opened the door.Muntik na siya mapaurong dahil sa paraan ng pananalita nito. Pinagmasdan niya ito sa loob ng opisina. Umupo ito sa office chair at binuksan ang kompyuter. May pinakli pa ito na documents na para bang wala siya sa harap nito. "Get in."Naging hudyat iyon para sa kanya. Pero hindi siya umupo. Nahihiya kasi siya kaya pinili nalang niya na tumayo sa harap nito."What do you want?" Crassus cold and non - chalant voic
NAPATITIG NA LAMANG si Raine sa kanyang cellphone. Kumurap siya ng isang beses nang mabasa niya ang pangalan nito sa facebook account.Hindi niya alam pero iba ang dating sa kanya nang mabasa niya ang buong pangalan nito. Nakikita naman niya ito sa opisina pero iba pa rin kapag nakapaskil na ang pangalan nito sa kanyang aparato.Crassus Adam Almonte, buong pangalan pa lamang nito ay malalaman mo ng high profile ito.Kanina kasi ay hiningi niya ang fb account nito. Hindi ito umimik kaya akala niya ayaw nito ibigay. Sa halip ay ang fb account niya ang hiningi nito. Akala pa niya noong una ay wala lang iyon. Pero ito siya ngayon, nakatitig pa rin sa aparato at tila hindi makapaniwala na nag - send ito ng friend confirmation sa kanya. Tinanggap niya ito. Nagbigay na nang notification ang account niya na magkaibigan na sila. Tinignan niya ang profile nito. Napataas ang kilay niya nang mapansing halos wala masyadong laman ang profile nito. Hindi rin ito pala - post. Maliban pa roon, kaun
Nang marating ni Raine ang bahay nila ay nanumbalik sa kanya ang alaala ng nakaraan. Naging nostalgic sa kanya ang lahat. Lalo na nang makita niya ang puno ng mangga na nasa harap mismo ng kanilang bahay.Napahawak siya sa luma nilang tarangkahan na binahayan na ng kalawang. Dati ay kumikinang pa ito dahil sa pag - aalaga ng kanyang Ama. Ngayon na wala ng nag - aasikaso ay naging marupok na ang ibang parte nito. Malayong - malayo sa dati nitong itsura na makintab at matibay.Tinulak niya ito at pumasok. Muli na naman siya nanibago dahil napakatigas nito kung itulak. Sumadsad na kasi ang katawan nito sa lupa kaya kailangan niya pa itong iangat para makapasok.Napagawi ang paningin niya sa bakuran nila. Bigla siyang nanlumo. Paano at marami ng nakatubong damo roon. Ang dating makulay na palibot ay puno na ng patay na sanga ng kahoy at patay na dahon. Ang parteng lupa na nasa gawing gilid ng bakod ay naging talahiban. Naghahabulan sa pakikipagtaasan ang mga masamang damo roon. Kauti na l
Pagkatapos ng ilang buwan na pagtatrabaho ni Raine sa Almira ay bumalik siya sa Forgatto Celestina. Kasama ang dalawa pang kasama, sabay silang bumalik sa Araw ng Huwebes sa dating kompanya.Hindi na maampat ang ngiti ni Mr. De Guzman. Nakausap niya kasi si Raine. Sinabi nito na bibitawan na ang job oppurtunity na ibinigay ng taga Audit Department.Nang marinig niya ito ay halos mapunit na ang kanyang labi dahil sa malaki niyang ngiti. "Mabuti naman ang pinag - isipan mo ng mabuti ang suhestiyon ko, Ma'am Raine," ani pa ni Mr. De Guzman.Nagkibit - balikat si Raine. Gusto man niyang sabihin na walang kinalaman ang suhestiyon nito sa naging pasya niya. Pero mas pinili na lang niya na maglihim."Direktor ko po kayo. Mas mataas po ang experience mo sa akin kaya nararapat lang na makinig ako sa'yo," sabi ni Raine.Tumango si Mr. De Guzman. "Bueno! Sasabihin ko kay Mr. Almonte ang naging pasya mo."The next day, Mr. De Guzman promoted Raine to be the financial manager. Nang marinig iyon n
"Imma fool."Napailing si Crassus nang maanalisa niya ang kanyang mali. Napabuntonghiningang yumuko siya.Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa kanyang silid. Kinuha niya ang sigarilyo niya at saka selpon. Saka siya bumaba para tumambay sa veranda.Idinial niya ang numero ng isang kaibigan. "Rothan.""Hey!" Pasigaw na sagot ni Rothan sa kabilang linya.Lumalim ang gitla sa noo ni Crassus. "Saan ka na naman nagsusuot? At bakit ang ingay? Nag - babar hopping ka ba?""Im with a friend," sagot ni Rothan sa kabilang linya.Napailing si Crassus. "We need to talk," he said in a serious tone. "It's important."Narinig niyang hindi nagsalita si Rothan pero rinig niya ang pamamaalam nito sa mga kasama nito."Call me in a minute. Yo saldré primero. (Lalabas muna ako)" Rothan said."Okay," Saka niya pinatay ang tawag.Umupo siya. Sinindi niya ang sigarilyo habang nakaharap sa garden. Napatitig siya sa malaking kahoy na nasa gitna. Mayamaya pa ay may tumawag. Nagtaka si Crassus dahil
Habang kumakain ay napansin ni Raine ang pagiging tahimik ni Crassus. Madalas itong nakatitig sa kawalan na para bang nalulong sa malalim na pag - iisip.Kaya hindi nakapagtimpi si Raine. Kinausap niya si Crassus. "May problema ba?"Napakurap si Crassus at napatitig sa kanya. Ginalaw nito ang pagkain. Parati lang nito ginagalaw pero pakaunti lang kung sumubo.Umiling ito. "Wala."Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. Inatupag na lang niya ang kanyang pagkain pero nang mapansin niya na tahimik naman ito ay muli niya itong kinausap."Masyado ka naman atang tahimik ngayon. Ayos ka lang ba?" Pukaw pa ni Raine.Hindi makatingin kay Raine si Crassus. "Just eat, Raine. Huwag mo na akong isipin."Marahas na napabuga ng hangin si Raine. Padarag niyang nilapag ang kutsara at inis na tinitigan si Crassus. Saka siya tumango."Bakit mang - aaya ka pang kumain kung wala ka naman pala sa mood? Sana pala ay dumiretso na lang tayo ng uwi nang pareho na tayo makapagpahinga. Nagsasayang ka lang ng oras.
Napakunot ang noo ni Crassus. Mahigpit niyang hinawakan ang manubela na room ay kumuha ng lakas."Ano ang dapat kong malaman?" tanong niya.Hindi kaagad sumagot si Raine. Mas lalong nagkarambola ang puso ni Crassus. Nababasa niya sa aksiyon ni Raine na nag - aalinlangan ito."Ano kasi.."Malamig na tinitigan ni Crassus si Raine. Hindi siya kumibo. Gusto niya na ito na ang kusang magsalita.Napabuntonghininga si Raine. "Natatandaan mo pa ba iyong sinundo mo ako sa presinto?"Kumunot ang noo ni Crassus. "Iyong walang magpapiyansa sa'yo kaya tinawagan na ako ng Pulis?"Tumango si Raine. "Hmm."Binalot ng pagtataka si Crassus. "Bakit? Anong meron?"Nilaro ni Raine ang zipper. "Iyong lalaking nagtangkang manakit sa akin. Naalala mo?"Biglang dumilim ang mukha ni Crassus. "Bakit?"Tinitigan siya ni Raine sa mata. "May half brother si Sasha na lalaki. Iyong naabutan mo sa presinto noon, siya ang kapatid ni Sasha, si Romano." Tumingin sa labas ng bintana si Raine. "Kanina kasi ay napang - abo
"Natanggap din pala siya," komento pa ni Raine habang nakatingin sa lista na nasa selpon.Pabagsak niyang nilapag sa kanyang kamay sa hita. Lumaylay ang balikat niya. Muli niyang binasa ang pangalan nito. Napabuntonghininga siya nang maanalisang hindi siya namalik - mata.Gustuhin man niyang magtrabaho sa Departmentong iyon ay hindi na niya magawa. Nadala na siya sa nangyari noong biyernes at ayaw niya ng maulit 'yon. Labag man sa kalooban niya pero wala siyang choice kung hindi i - give up ang slot niya sa iba.Nagpadala siya ng email kay Sir Rothn. Medyo nahirapan pa siya kung paano magpaalam dahil hindi siya makapag - isip ng maayos. Ayaw kasing tanggapin ng puso niya ang kanyang desisyon. Dumaan ang mahigit kalahating oras ay sinent ni Raine ang kanyang apology letter. Simula niyon ay naging matamlay na sa pagtatrabaho si Raine.Nasa loob ng opisina ni Crassus si Rothan. Kararating pa lang nito para ibigay sa kanya ang listahan ng mga empleyadong natanggap sa Audit Department."
Araw ng Biyernes, bumalik si Raine sa Forgatto Celestina. Ngayon ang Exam niya sa Audit Department. Ni hindi na nga niya hinintay pa si Crassus sa kakamadali niya. Natatakot kasi siya na baka mahuli siya. Binigyan na sila ng hint ng HR Department kanina. Nakatanggap siya ng email. There were two exams in the morning and afternoon, and there was another interview next week.Kaya hindi niya maiwasan na kabahan. Akala niya kasi ay written exam lang. Hindi niya inaasahan na higit pa sa dalawa ang pasulit. Bigla tuloy siya napaisip kung tama na ba iyong mga inaral niya noong nakaraan.Habang nakaupo sa labas ng waiting area ay kinalma ni Raine ang sarili. Bumuga siya ng hangin at pagkatapos niyon ay huminga na naman siya ng malalim.Naagaw ang atensiyon niya sa isang babae. Kapapasok pa lang nito at may dalang shoulder bag na itim. May kasama ito na lalaki."Sasha?" Tawag ni Raine.Napatingin siya sa kasama nito. Bumaha sa utak niya ang ginawa nito noong nakaraan. Ito lang naman ang may d
Tinanggap ni Raine ang advise ng kanilang Direktor. Kaya kinabukasan ay hinatid siya ni Crassus sa mall para makabisado niya ang loob nito. Maging ang exit kung saan pwede dadaan ang mga empleyado na katulad niya ay tinuro ni Mr. De Guzman. Nagmamasid lang si Crassus at kung may kulang man sa sinabi ni Finance Director ay ito ang nagpapatuloy sa pagpaliwanag. Kaya kahit papaano ay hindi nakaramdam ng pagkalito si Raine. Hindi siya pinapabayaan ni Crassus, at nang pinaliwanag na nito ang accounts ng mismong mall ay mas lalo inigihan ni Raine ang makinig. Nalaman niya kung gaano iyon karami ay nakaramdam siya ng pressure. Nandoon na rin ang kaba at excitement. Ganoonpaman ay hindi siya nagpatinag."Are you sure about this?" Crassus asked while they are walking in the hallway.Lumingon si Raine kay Crassus. "Kaya naman na."Napataas ang kilay ni Crassus. "Ba't parang hindi ka sigurado?"Umiling lang si Raine. "Medyo kinabahan lang.""Don't be," Crassus replied. Namulsa siya. "Tawagan mo
Crassus face darkened. "What do you mean by I also published a book?" he growled pretended to know nothing about Paul Tyler's book. Nang maanalisa ni Raine ang kanyang naibulalas kanina ay tinakusan siya ng kulay sa mukha. "Wala, wala," pagtanggi niya at hindi na makatingin kay Crassus Binuklat niya ang libro. Muli niyang binasa ang pamagat nito. Bumaha sa mata niya ang paghanga. "Ikaw talaga ang nagsulat nito?" Muling tanong pa ni Raine. Sinimulan niyang basahin ang unang pahina ng libro. "The Human Resources Department wrote it and put my name on it. Simula ngayon ay hindi ka na pwedeng magbasa ng ibang libro. Maliban sa college books mo, wala ka na pwedeng ibang buklatin kung hindi yan lang. Oras na may nakita ako ng ibang libro na nakapasok sa bag mo ay itatapon ko. Or, if you put it in, don't let me see it! Otherwise, you know the consequences." His words were as firm as a law. Napatanga si Raine. Tama ba siya ng rinig? Ayaw nito na may makapasok na ibang libro sa