Share

Chapter 282

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-07-17 22:17:58

Tulalang nakatingin si Raine sa mga nagkalat na balloon sa loob ng opisina niya. Hindi siya makagalaw dahil sa gulat.

Kahapon lang ay binaha ng teddy bear ang opisina niya. Ngayon naman ay balloon. Kung ibang babae pa siguro ay naiihi nasa kilig ang mga ito, pero siya? Naikuyom niya ang kanyang kamay. Ang lakas talaga nito manira ng araw.

Ayaw niya magpahipokrito, pero sa totoo lang ay naapektuhan din siya sa panunuyo ni Crassus. Hindi naman siya tanga para hindi ito mahulaan, at iyon nga ang ikinapikon niya.

Kinikilig naman talaga siya pero sa tuwing maalala niya ang kasalanan nito, biglang napapawi ang kilig niya.

Sa tuwing tinitigan niya isa-isa ang mga kulay pula na balloon ay parang tataas din ang kanyang dugo. Magkakulay na nga ito na mas ikinairita niya. Ang sarap pagputukin ang mga lobo nito hanggang sa wala ng matira.

Naglapat ng mariin ang labi niya. Katulad kahapon ay may nakita na naman siya na card na nakadikit sa hugis puso na mga lobo. Inis na dinampot niya iyon at b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 283- asking her for a date

    "Nandiyan ba siya?"Padarag na tumayo si Kien sa kanyang upuan. Napamulagat siya habang nakatitig kay Raine."R-Raine."Napabuntonghinnga siya. "Tinatanong ko kung nandiyan na ba siya."Napakurap si Kien. "N-nasa loob."Mabilis na pumasok si Raine. Hindi na ito napigilan ni Tamayuto. Kita niya kasi sa mukha nito ang pagkabanas."Lagot." Mabilis na kinuha ni Kien ang selpon niya sabay tawag kay Rothan. "Bro, may day, may day."********"Mr. Almonte."Crassus froze when he saw Raine entered his office.Kinatok ni Raine ang antique na mesa. "Hoy!""W-what?""Tch! Ano'ng what? Itinukod ni Raine ang braso sa mesa. "Ano bang trip mo? Bakit mo ba pinuno ng lobo ang opisina ko? May balak ka ba na patayin ako?"Crassus blink. "I- I just want to make you happy."Naningkit ang mata ni Raine. "Pero hindi ako nasiyahan. Kung hind lang yari sa semento ang opisina ko, baka nilipad na ng balloon mo ang opisina ko."Ngumiwi si Crassus. "S-sorr-""Hep! Tama na. Ayoko marinig ang katagang iyan."Napahil

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 282

    Tulalang nakatingin si Raine sa mga nagkalat na balloon sa loob ng opisina niya. Hindi siya makagalaw dahil sa gulat. Kahapon lang ay binaha ng teddy bear ang opisina niya. Ngayon naman ay balloon. Kung ibang babae pa siguro ay naiihi nasa kilig ang mga ito, pero siya? Naikuyom niya ang kanyang kamay. Ang lakas talaga nito manira ng araw.Ayaw niya magpahipokrito, pero sa totoo lang ay naapektuhan din siya sa panunuyo ni Crassus. Hindi naman siya tanga para hindi ito mahulaan, at iyon nga ang ikinapikon niya. Kinikilig naman talaga siya pero sa tuwing maalala niya ang kasalanan nito, biglang napapawi ang kilig niya. Sa tuwing tinitigan niya isa-isa ang mga kulay pula na balloon ay parang tataas din ang kanyang dugo. Magkakulay na nga ito na mas ikinairita niya. Ang sarap pagputukin ang mga lobo nito hanggang sa wala ng matira.Naglapat ng mariin ang labi niya. Katulad kahapon ay may nakita na naman siya na card na nakadikit sa hugis puso na mga lobo. Inis na dinampot niya iyon at b

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 281- Showering her with gifts

    Kinabukasan, sinadya ni Raine na pumasok ng maaga para hindi sila magkita ni Crassus. Wala pang alas siyete ay nandito na siya sa opisina. Nagulat pa ang ilan sa mga janitor na nakasabayan niya sa paglalakad.Natigil sa pagtitipa sa kompyuter si Raine. Nakita niyang may isang delivery man na nakatayo sa labas ng opisina niya. Kumunot ang kanyang noo. Tumayo siya at nilapitan ito."Manong?" Takang tanong pa ni Raine. "Sino po ang sadya mo?""Delivery for Ma'am. Almonte po," ani nito sabay bigay ng isang malaking bouquet na may kasama pang teddy bear.Nangalumihan si Raine. Tinuro niya ang bouquet. "Ako?" Pero wala akong inorder na ganyan. P-para sa akin 'to?""Opo, pakipermahan na lang po 'to. Bayad na po to," sabi pa ng delivery man.Takang tinanggap niya ang bouquet. Pati ang cute na teddy bear na kulay brown. Pinermahan niya ang papel."Salamat po," sabi pa ni Raine na hindi mapigilan ngumiti.Muli siya napatingin sa hawak na teddy bear. Tinulak niya ang glass door gamit ang kanyan

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 280- Avoiding him

    Nang marinig ni Crassus ang pahayag ng security guard ay bigla siyang nanlumo. Tipid siya ngumiti kahit na naapektuhan na sa nalaman."Sigurado ka ba, Manong?" Paniniguro pa ni Crassus."Oho, doon pa nga siya dumaan oh," ani nito sabay turo sa gilid na mahirap makita kung may dadaan na tao. "Parang nagmamadali po siya eh."Tumango si Crassus. "Sige po, Manong. Salamat." Saka niya sinuot ang kanyang sunglass at pumasok sa SUV niya.Pagsara niya sa pinto ng kotse ay malakas na napabuntonghininga si Crassus. Isinubsob niya ang mukha sa manubela. Muli niyang tinawagan ang numero nito pero out of reach pa rin ito. Sa huli ay nagpasya na lang siya na umuwi sa villa."Where is she, Crassus?" Bungad sa kanya ni Lolo Faustio.Kakapasok pa lang niya sa sala at iyon na agad ang itinanong ni Lolo. Ni hindi man lang ito nangamusta tungkol sa kompanya niya. Lumunok si Crassus. "Ayaw n-niya pa rin umuwi, Lolo. Doon muna siya titira sa apartment ng kaibigan niya," pagpalusot pa niya.Pinukpok ni Lol

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 279 - Waiting for her

    "Come on," yakag pa ni Crassus sa malambing na boses.Parang naglalakad sa alapaap si Raine. Ramdam niya kung paano sumagot ang kanyang puso sa pasimpleng pagsuyo ni Crassus. At ito ang ayaw niyang mangyari.Alam niya kasi na oras na pinagana na naman ni Crassus ang charming side nito ay madadala siya. Mahihirapan siyang bugawin ito. Nakakatangay pa naman ang ngiti nito. Lalo na ang abuhin nitong mga mata, at kapag nangyari iyon, unti-unti na naman masisira ang pader na pinaghirapan niyang buohin.Makakalapit na naman si Crassus sa kanya. Alam nito na may nararamdaman siya. Iyon ang gagamitin nito na opensa para tibagin ang galit niya.Mababalewala lang ang barrier na ginagawa niya. Ayaw niyang mangyari iyon. Mababawela lang ang lahat ng iniluha niya. Para saan pa ang pag-iyak kung hahayaan na naman niya ito na makapasok sa kanyang puso?Imbes na masiyahan, naging hilaw ang pagngiti ni Raine. Lihim niyang ipinagdasal na sana ay makapasok na sila sa special treatment elevator. Hindi ni

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 278 - Meeting him in the lobby

    "Stop laughing, Rothan," Crassus said while glaring at his friend.Umiling lang si Rothan bilang sagot. Imbes na tumigil ay sige pa rin ito sa kakatawa. Sinapo nito ang tiyan dahil nagsimula na iyon sumakit. Tumigil siya saglit. Tinitigan niya si Crassus. Nang maalala na naman niya sinabi ni Raine ay muli siyang napabunghalit ng tawa."Ouch!" Zach commented while giving a weird expression. Sinapo pa niya ang dibdib na para bang tinamaan talaga siya. "Bars! Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinsulto," ani niya sabay kuha ng bagong tin can.Napabuntonghininga si Kien. "Isa lang naman ang ibig niyang sabihin." Lumingon siya kay Crassus. "Ayaw niya maging Ina ng mga anak mo.""Kien's right," Alessandro added. "Medyo bastos nga lang kung pakinggan pero..." Ngumiwi siya. Binalingan niya si Crassus. "I can't blame her. Ikaw naman kasi ang nauna.""Ano na naman mali sa sinasabi ko?" napipika pang tanong ni Crassus sa magkaibigan.Sinapo ni Kien ang kanyang mukha. "Wala ka na, Pre. Ang ta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status