Napangiti si Raine. "Halika." Kinarga niya ang bata. "Sa susunod huwag ka na humiwalay sa Mama mo ah?"Habang tahimik na iniobserbahan ni Crassus ang kilos ni Raine ay hindi niya maiwasang makaramdam ng tuwa sa kanyang puso. He can't help it, but he was imagining things. What if they have a baby? Ganito pa rin kaya ang trato nito sa anak nila? Mamahalin kaya nito ng buong puso ang bata? What if one day, she's pregnant. Magagalit kaya ito?Crassus's heart is racing. While silently staring at Raine, an unexplained warmth wrap his heart. Habang nakikita niya sa mata ni Raine kung paano nito pakitunguhan ang bata ay mas lalong lumalalim ang kanyang paghanga. "Ang bigat mo. Panay ka kain ng marami no?" biro pa ni Raine sa bata habang kinakarga ito."Opo," magalang na sabi ng bata. "Sabi po Mama, bad po hindi inuubos ang foods eh."Napatawa si Raine. Hindi niya mapigilan na hindi panggigilan ang bata. Kinurot niya ang pisngi nito. "Oo, bad talaga iyon. Kaya makinig ka kay Mama mo. Di ka
"I'm Yours."Tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Raine. Hindi siya makapagsalita habang nakatitig sa mata ni Crassus.Naumid ang dila niya. Napansin naman ni Crassus ang pananahimik ng kanyang asawa kaya ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang palad."Tongue -tied?" Crassus asked while smiling. Mahinang tinulak ni Raine ang tiyan ni Crassus. "I-ikaw kasi. K-kung anu-ano na lang ang pinagsasabi mo." Iniwas niya ang kanyang mata. "Baka mamaya, paasahin mo na naman ako," bulong pa niya."What makes you think of that?" Crassus asked, his eye brows are frowning.Nagkibit-balikat si Raine. "Nagsasabi lang ako ng totoo." Malungkot siyang ngumiti. "P-pasensiya na, medyo nasanay l-lang ako sa treatment mo rati. A-ano k-kasi."Lumunok si Raine. "H-huwag mo na isipin ang sinabi ko."Pinagmasdan ng mariin ni Crassus ang mukha ni Raine. Hinalikan niya muli ang noo nito."I-I'm sorry ... I was too harsh...i—" Crassus's smile faded. Tumango si Raine. "Naintindihan ko naman. Huwag mo na akong pansini
"Kuya, nagwapohan siguro sa'yo si Ate. Kita mo naman po, nagbublush pa," sabat ng Totoy sa usapan na siyang ikinamilog ng mata ni Raine.Napalunok si Raine. "H-Hoy!" Bulalas niya na kulang sa lakas ang boses. Napakurap pa siya. "B-bad ka ah. S-sino ang may sabi sa'yo na p-pwede ka makinig sa usapan ng iba?"Umingos ang Totoy. "Ate, malakas lang po talaga ang boses mo. Huwag ka po assuming. At saka, kinikilig ka naman talaga. Halata naman po sa mukha mo."Naningkit ang mata ni Raine. "Paano mo naman nasabi n-na, kinikilig ako?""Buh, ang pula po kaya ng mukha mo," sagot pa ng Totoy. "Kaunti na lang po ata ang kulang, puputok ka na po sa kilig.""Aba't—""That's enough, little bud," saway pa ni Crassus. "Baka hindi na makahinga ang asawa ko dahil sa kilig. I can't blame her, I'm too hot to be her husband."Napatanga si Raine sa narinig. Nang makabawi ay sumama ang mukha niya. "Ang hangin natin ngayon, ah? Almonte? Baka pwedeng pakihanaan?"Crassus smiled. "Nah! It's okay to brag sometim
"Hoy, Crassus! Awat na 'yan," bulalas ni Raine nang hirap siyang awatin ito sa pagkain.Nasa ikalawang stall na sila ng mga street food. Pinatikim na niya si Crassus ng kwek-kwek. Hindi nito masyadong nagustuhan ang street food dahil sa sauce nito. Hindi naman niya ito masisisi dahil hindi sanay ang bituka nito, pero nang pinatikim niya rito ang isang slice ng maja blanca. Hindi na ito matinag sa kinatatayuan. Winasiwas ni Crassus ang kanyang kamay. Napatanga si Raine. "Hush! I'm eating."Napakurap si Raine. "Ano'ng I'm eating? Hindi na 'yan simpleng kain, lamon na 'yan." Napabunghalit siya ng tawa. "Awat na 'yan, baka maimpatso ka pa. Gabi na uy, kargado sa niyog iyang kinakain mo."Umiling lang si Crassus. Hindi pa ito nakontento, tumalikod pa siya kay Raine at nagpatuloy sa pagkain. Napaamang si Raine. Kahit ang tindera na kanina pa nakatingin sa kanila ay panay rin ang pag-ngiti."Hayaan mo na po, Ma'am. Baka ngayon lang siya nakakain," saad pa ng mabait na Ginang na kanina pa n
Kahit na maingay ang nasa palibot nina Raine at Crassus ay walang namutawing ingay sa pagitan nilang dalawa. Hindi makapagsalita si Raine dahil sa hiya at gulat. Si Crassus naman ay panay makatingin sa paligid dahil naging sariwa sa kanya ang ala-ala ng nakaraan.Napabuntonghininga si Raine. Niyugyog niya ang braso ni Crassus. Napalingon ito. "Sorry," pagbasag niya sa katahimikan. "A-ano k-kasi—"Pinutol ni Crassus ang sasabihin ni Raine. "It's okay." He smiled weakly. "Hindi mo kasi alam. I mean, we seldom talk about our personal matters. So..." He shrugged.Lumunok si Raine. "Uuwi na lang tayo. Gusto mo?" Yakag pa niya at tipid na ngumiti. "Nah, nandito na tayo. Mamaya na tayo uuwi. Sayang din ang ipinunta natin dito." Muling pinasadahan ng tingin ni Crassus ang paligid. Kumunot ang kanyang noo nang makita na maraming tao. "Theres too many people. Is there an occasion?"Umiling si Raine. "Hindi, ganito lang talaga rito kapag gabi. Simula kasi na may stall na sa harap ng Cathedral
Pinagmasdan ni Raine si Crassus na nasa terrace. Kausap nito si Kien sa cellphone at salubong ang kilay nito. Hindi nito sinirado ang pinto kaya dinig na dinig niya ang pag-uusap ng dalawa."No, Kien. That's too low. Make it higher," Crassus said in frustrations.Nakahawak ang kanang kamay nito sa railings. Habang ang isa ay may hawak na cellphone. "No, Kien. I can't. It's too low. I can't risk it. Come on," Crassus said. Nang marinig ulit ang sagot ni Kien ay napapikit siya. "Fine, just, just drop it."Napabuntonghininga si Crassus. Pabagsak siyang umupo sa bench. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Itinukod niya ang dalawang braso sa tuhod at tinakpan ang mukha.Nalungkot naman si Raine nang makita ang reaksiyon ni Crassus. Hindi man nito sabihin, alam niya na nagtatalo ang dalawa dahil sa negosyo. Kanina pa wala sa mood si Crassus. Pansin na niya iyon simula noong kumain sila ng hapunan. Pinaglutuan niya ito ng paborito nito na ulam. Dinagdagan niya pa nga ng tinolang baboy. Akal