Home / Romance / Wild Plan: CEO's Desire / Chapter 481- Exposing the secret

Share

Chapter 481- Exposing the secret

Author: Aceisargus
last update publish date: 2026-04-18 23:37:54

‎"H-hindi ako ang tunay mo'ng ina, Raine."

Nagulantang si Raine sa narinig. ‎Parang pinompyang ng husto ang kanyang puso. Natulala siya habang nakaawang ang kanyang labi.

Pansin ni Roberta na nawalan ng imik si Raine. Dahan-dahan niya'ng niyugyog ang kamay nito.

"Tina..." sambit ni Roberta para kunin ang atensiyon nito. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Tina..."

Kumukurap-kurap si Raine. Tulalang lumingon siya sa kanyang mama.

Napapikit ng mariin si Roberta. Pinagdikit niya ang kanilang mga noo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Snobsnob
Tama lang na si Roberta ang unang nagsabi. Para din walang habol sayo yung mag-inang mukhang pera di ka nila mahuhuthutan kasi di ka naman nila kadugo. Kina mama Roberta at lola Pansing lang si Raine may utang na loob kasi mabait sa kanya di siya tinuring na iba.
goodnovel comment avatar
Zosima Alcalde
thank you sa update kawwa nman si reane more update pa po miss A🫶
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 482 - Staring into the distance

    Kumunot ang noo ni Crassus nang makitang patay na ang ilaw ng living area. Tahimik na ang villa. Kahit ang mga katulong ay hindi na pakalat-kalat sa sala. Sinipat niya ang suot na relo, pasado ala siyete pa lang ng gabi. Sinara ni Crassus ang pinto. Pupuntahan niya sana ang kwarto ni Manang Lena nang biglang nagpakita si Scott. "Where is she?" Crassus asked as he stared to his cousin. ‎Si Raine kaagad ang pumasok sa isip niya. Kapag ginabi siya ng uwi ay madalas na naghihintay ito sa kanya. Subalit hindi niya ito nakita ngayon. Kahit sa sala ay hindi kya ito nadatnan na nag-aabang. ‎"Room," Scott replied. "Something's off. Her mom visited earlier. She came straight here. Kahit na galing pa siya sa province."Tinabingi ni Crassus ang kanyang ulo. "Maybe she's just missed her daughter.""I hope so." Namulsa si Scott. Ininguso niya ang hagdan. "She's upstairs."Crassus nodded. Aalis na sana siya nag may nakalimutan siyang itanong kay Scott. "Is everything good while I'm away?""Yes

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 481- Exposing the secret

    ‎"H-hindi ako ang tunay mo'ng ina, Raine."Nagulantang si Raine sa narinig. ‎Parang pinompyang ng husto ang kanyang puso. Natulala siya habang nakaawang ang kanyang labi. Pansin ni Roberta na nawalan ng imik si Raine. Dahan-dahan niya'ng niyugyog ang kamay nito. "Tina..." sambit ni Roberta para kunin ang atensiyon nito. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Tina..."Kumukurap-kurap si Raine. Tulalang lumingon siya sa kanyang mama.Napapikit ng mariin si Roberta. Pinagdikit niya ang kanilang mga noo at kanyang ikinulong ang pisngi nito sa kanyang mga kamay.Tinabig ni Raine ang kamay ni Roberta. Hilaw siyang ngumiti."N-nagbibiro ka lang po, hindi ba, mama?" muling tanong ni Raine. Dahan-dahan siyang umiling. "Hindi ba?"Lumunok si Roberta. Mas lalo siya naging balisa nang makitang natuliro ulit si Raine. "P-pero itong tandaan mo, Tina. Kahit hindi ka nanggaling sa akin, tinuturing kita na parang sarili kong anak. Kahit anuman ang mangyari, hindi ako mawawala sa tabi mo.""A-ano ba iyang p

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 480

    Dumaan ang ilang araw matapos mangyari ang insidente ay naging bugnutin si Raine. Tatlong araw ng hindi umuuwi si Crasssus sa villa. Naninibago siya dahil panay ang mga katulong, si Scott at si Rothan ang kanyang mga kasama. Gusto niya sanang lumabas pero hindi naman siya pinapayagan. Simula ng may humarang sa kanila ay naging maingat na si Crassus. Bago ito pumunta ng business trip ay binilinan na nito si Scott na huwag siya palalabasin kung hindi importante. Kahit pagkatapos ng review class niya ay diretso uwi na siya sa bahay. Hindi katulad dati na hawak pa niya ang kanyang oras.Pabor naman iyon sa kanya, pero nakaraang araw lang iyon. Nahihirapan pa siyang maglakad noong time na iyon dahil sa pèmpem niya kaya okay lang sa kanya. Pero ngayon na kaya na niya'ng kumilos, pakiramdam niya ay parang kinadina ang kanyang paa."Tch! Business trip," maktol na wika ni Raine nang nakasimangot. "Sino'ng niloloko mo? Iniiwasan mo lang ako. Loko talaga ang orangutan na 'yon."Hanggang ngayon

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 479 - Need to talk to her daughter

    Pagkatapos isiwalat ni Roberta ang lahat ng hinaing ay binalot ng katahimikan ang sala. Hindi makapagsalita ang mag-ina. Hindi rin ito makatingin sa kanya ng maayos. Halatang guilty ang mga ito.Kung hindi pa na-ospital ang Mama nila, hindi niya malalaman ang mga kalokohan ng mag-ina. Kaya pala ilag ang Tiya Puring niya kina Manuela. Iyon pala ay may hinanakit ito sa sarili nitong pamangkin at apo. Kung siya rin ang nasa posisyon ng kanyang Tiya ay talagang aabot din sa sukdulan ang kanyang galit. Hindi niya masikmura ang mga kalokohan ni Manuela.Nalaman niya kina Tiya Puring at anak nito na si Helena ang mga kalapastanganan ng mag-ina. Hindi nakatiis ang mga ito na hindi magsumbong. Lalo na ang nagkasakit ng malala ang mama nila.Napailing si Roberta. "Hindi sana tayo mamomroblema at mag-aaway kung ginastos ninyo sa tama ang pera ni Mama. May pangtustos sana tayo sa sakit niya. Kaso mga walang hiya kayo eh. Nagawa ninyong mag trip to Thailand noong nakaraang taon, habang naiwan dito

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 478- Her mother's hassle

    Sa kabilang banda, habang naka-upo sa loob ng bahay ni Lola Pansing ay hindi maampat ang inis ni Roberta. Simula nang dumating siya rito kahapon ay wala na ibang ginawa ang magaling niya na kapatid kung hindi magpaparinig at magpapaawa. Kaunti na lang ang kulang ay matutulili na siya sa boses nito.‎‎Ang totoo niyan ay may dahilan kung bakit siya napabisita rito. Balak naman talaga niya na bumisita sa kanyang Mama pero bigla iyon napaaga nang tumawag si Manuela kahapon.‎‎Isinugod kahapon sa ospital ang Mama nila. Matagal na pala nito iniinda ang pananakit ng ulo subalit hindi napag tuunan ng pansin. Akala ni Manuela ay dahil lang pagtaas mg dugo nito kaya sumasakit ang ulo nito. Hindi na rin nito pinapa-check up kahit sa health center ang mama nila. Sa sobrang kampante nito ay lumalala sakit ng Mama nila. Kung hindi pa raw ito nagsusumigaw kahapon, hindi nila malalaman ang kalagayan ng kalusugan nito. Iyon pala ay iba ang dahilan kung bakit nanakit ang ulo nito.‎‎Ngayon pa sila

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 477- Wink and kiss

    Sabay na napatingin sina Raine at Crassus sa pinto. Hindi pa matagal mula nang lumabas si Dr. Bianchii sa kwarto pero nangangati na ang lalamunan ni Raine na magsalita. Sinabon ba naman ni Alessandro si Crassus.Ngumiwi si Raine. "Ba't parang kuya kung makapagsalita si Dr. Bianchii? Ganyan ba talaga siya?""Yeah— he easily loses his temper when someone he knows is in trouble," Crassus explained."Kaya pala," saad ni Raine. Tinitigan niya si Crassus. "Okay ka lang?""Hmm?" Crassus hummed. He stared at her. "Yeah—I'm fine."Muling ngumiwi si Raine. "Huwag ka ng magkaila, halata naman na nadala ka sa sinabi ni Dr. Bianchii.""‎I deserved it," Crassus said. "Sorry," paghingi ng paumanhin ni Raine. "Wala ka naman talaga kasalanan ngayon. Nadamay ka lang naman talaga.""It's okay— don't be sorry," Crassus replied. Inabot niya ang kamay ni Raine at kinantalan iyon ng hálik. "It's my job to protect you after all." ‎ Natahimik si Raine. Tinitigan niya ang kamay nila ni Crassus. "H-hindi ko

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 446- Culprit

    "Raine..." sambit ni Crassus. Nilapitan ni Crassus si Raine. Unti-unting bumagal ang kanyang paglalakad nang makalapit na siya. Pinasadahan niya ng tingin ang itsura nito.Napansin iyon ni Diana kaya nilagpasan niya si Raine. "I'll join them.""Sige," ani ni Raine Crassus turned to Diana. "Scott

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 445

    "Bwiset talaga ang babaeng 'yon," gigil na wika ni Diana habang nakatitig sa gown. "May saltik yata sa ulo."Bumuntonghininga si Raine. Tinitigan niya ang mantsa na nasa kanyang gown. Saka siya muling tumitig sa isa pa niya na gown na naka-display sa mannequin. Muli siyang bumuntonghininga nang map

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 444

    "Ano'ng ginagawa mo rito?" malamig na tanong ni Raine nang madatnan niya si Tia sa guest room.Hindi niya inaasahan na makikita ito sa loob ng kwarto. Sa dami ng nangyari kanina ay sandali niyang nakalimutan ang existence nito. Huling kita niya rito ay nasa harap pa sila ng mesa."Raine?" takang ta

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 443

    Pagkatapos nila sumayaw ay muling bumalik sa dance floor ang mga bisita. Nagkatinginan sina Raine at Crassus. Kasabay niyon ay muling bumalik ang mga ilaw at pati na rin ang tugtugin ng maestro.Napangiti si Raine. Aalis na sana siya sa dancefloor nang muli siyang hinila ni Crassus. Napalingon siya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status