Share

Chapter 501

Author: Aceisargus
last update publish date: 2026-05-16 23:58:51

Habang hinihintay nina Raine at Roberta ang Daddy ni Crassus ay naisipan muna nila'ng magpahangin sa garden. Si Crassus ay nasa sala at kinakausap si Scott.

"Raine, may hindi pa ako nasabi sa'yo," panimula ni Roberta.

Napalingon si Raine sa kanyang mama. "Ano po 'yon, ma?" tanong niya habang hinihimas ang balahibo ng pusa na kanyang kinakandong.

Bumuntonghininga si Roberta. "Buntis si Maria."

Napahinto si Raine sa paghihimas. Gulat na tinitigan niya ang kanyang mama. "Ano?" gulat na usal niya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
FFFFF
Sino kaya si czarina?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 501

    Habang hinihintay nina Raine at Roberta ang Daddy ni Crassus ay naisipan muna nila'ng magpahangin sa garden. Si Crassus ay nasa sala at kinakausap si Scott."Raine, may hindi pa ako nasabi sa'yo," panimula ni Roberta. Napalingon si Raine sa kanyang mama. "Ano po 'yon, ma?" tanong niya habang hinihimas ang balahibo ng pusa na kanyang kinakandong.Bumuntonghininga si Roberta. "Buntis si Maria."Napahinto si Raine sa paghihimas. Gulat na tinitigan niya ang kanyang mama. "Ano?" gulat na usal niya. "Sino ang Papa? Si Athelios ba?"Tumango si Roberta. "At plano nila'ng magpakasal sa lalong madaling panahon. Ayaw ni Maria na ikakasal siya na hakat na ang tiyan niya."Napaawang ang labi ni Raine sa narinig. Binaba niya ang pusa sa damuhan at hinayaan ito'ng umalis. Saka niya binalingan ang kanyang mama."Mabuti naman at naisip ni Athelios na magpakalalaki. Akala ko ay tatakbuhan niya si Maria," sabi ni Raine."Kung ibang babae pa siguro ang nabuntis ni Athelios, masisiyahan pa ako. Hindi ko

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 500

    ‎"Nak..."Napalingon si Raine sa pinto. Lumiwanag ang kanyang mukhang nang makita niya si Mama Roberta. Tinakbo niya ang distansiya nilang dalawa at niyakap ito."Mama..." ani ni Raine habang nakayakap sa kanyang ina. Pumikit siya. Napansin ni Mama Roberta ang reaksiyon ni Raine. Napangiti siya. Mabagal niyang hinagod ang buhok nito at inamoy iyon."Tahan na," ani niya na mapansing iiyak na naman ito. Humiwalay siya sa yakap nito at tinitigan ito sa mga mata. Inayos niya ang buhok nito. "Ang iyakin mo talaga kahit kailan."Ngumuso si Raine. "Mama naman eh."Nagsalubong ang kilay ni Roberta. Marahan niya'ng pinitik ang pisngi ni Raine. Napakislot ito."Huwag ka ng mag-asal bata. May asawa ka na. Aba!" Panenermon ni Roberta subalit may nakasupil na tipid na ngiti sa kanyang labi. "Naglalambing lang, ayaw mo?" Nagtatampong wika ni Raine. ‎Mas lalong kumunot ang noo ni Roberta. May napansin siya kay Raine pero ayaw niya'ng sabihin. Bumuntonghininga siya. Ininguso niya ang living area.

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 499- The love of a mother

    ‎"Ma...sorry po."Natahimik sa kabilang linya si Roberta. Natulala siya sa sinabi ni Raine. Bahagyang umawang ang kanyang bibig dahil sa gulat. Bagaman hindi niya ito nakita, alam niya'ng umiiyak si Raine. Halata sa boses nito dahil natunugan niya ang pagkagaralgal niyon."Sorry po, Ma.." ani ni Raine sa kabilang linya. "N-nadala lang po ako sa emosiyon ko rati. H-hindi ko po..." Lumumok siya at bumuntonghininga. "Nagulat lang po ako—""Raine... Naintindihan kita," sagot ni Roberta. Malungkot siyang ngumiti. "Pasensiya na rin dahil nasampal kita. Nawala sa isip ko na kakaopera mo pa lang."Natahimik si Raine. Pinagmasdan niya ang punongkahoy. Umihip ang simoy ng hangin dahilan upang magsisayawan ang mga dahon na kanyang tinititigan."Raine..." sambit ni Roberta. "Kayo pa rin ba ni Crassus?" Natigilan si Raine. Napayuko siya. Kinukot niya ang railings gamit ang kaliwa niyang kamay."Opo," tapat na sagot niya. "Hindi ko po ako makipaghiwalay sa kanya."Muling natahimik sa kabilang liny

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 498

    Kinabukasan, maagang nagising si Raine. Wala silang katulong kaya magandang pagkakataon iyon para pagsilbihan niya si Crassus. Medyo maaga pa at hindi na siya makabalik sa pagtulog kaya naisipan niyang bumangon na lang.Tahimik na nangagayat si Raine ng sibuyas. Tapos na siyang maghiwa ng ibang rekados at nakalatag na ang mga iyon sa harap niya. Nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod. Napangiti si Raine.Hînalikan ni Crassus ang pisngi ni Raine. Pagkatapos ay kanyang inamoy ang leeg nito. Napatawa si Raine dahil sa kiliti. Binaba niya ang hawak na kutsilyo at humarap kay Crassus.Kinantalan niya ito ng halik. "Morning," bati ni Raine.Tipid na ngumiti si Crassus. "Good morning." Hînalikan niya ang noo ni Raine. Pagkatapos ay ngumuso siya sa mga ingredients na inihanda nito."You'll cook?" Crassus asked in surprise. Tumango si Raine. "Oo." Muli siya'ng humarap sa mga rekados. "Ano'ng gusto mo?""As long as you cook it, I will eat," Crassus answered without hesitation."Tch!"

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 497

    ‎"Raine, open it." ‎ ‎Kanina pa kumakatok sa pinto si Crassus pero hindi siya pinagbuksan ng pinto ni Raine. ‎ Pagkatapos nilang maghapunan ay umakyat kaagad ito sa kwarto nila. Naiwan lang siya sa baba kanina dahil kailangan niya'ng maghugas ng plato. Only to find out na pinagsarhan pala siya nito ng pinto. Muling kinatok ni Crassus ang pinto. "Raine, open—" Biglang bumukas ang pinto. Sinalubong siya ni Raine na nakahalukipkip. "Ano?" Hindi maipinta ang mukha ni Raine habang nagtatanong. Tumikhim si Crassus. Sumilip siya sa kwarto saka siya tumingin kay Raine. "I-I want to get—" Hindi na natapos ni Crassus ang kanyang sasabihin. Muling nagsara ang pinto. Napakamot sa ulo si Crassus. Tatalikod na sana siya nang muli itong bumukas. Lumabas si Raine na dala-dala lang ang teddy bear nito. "Wait..." Crassus said. "Where are you going?" Naniningkit ang mata na humarap si Raine kay Crassus habang hawak niya ang teddy bear. "Sa kabila. Sa'n pa?" ‎ ‎"Ahm..." Kinamot ni Crassu

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 496 -Lick and slurp

    Hindi mapigilan ni Crassus na ngumingiti habang nakatitig kay Raine. Nauna siya'ng magising at tulog oa rin ito hanggang ngayon. Himbing na himbing ito sa pagtulog habang nakaunan sa braso niya. ‎ ‎Gamit ang hintuturo, hinaplos niya ang tungki ng ilong ni Raine. Hinaplos niya iyon ng pabilog at paulit-ulit, dahilan upang tampalin nito ang kanyang kamay. ‎ ‎Crassus chuckled softly. Biglang nalukot ang mukha ni Raine. Hindi nagtagal ay naalimpungatan ito. Tipid siya'ng ngumiti. Niyakap niya ito at hinalîkan sa noo. Biglang umungol si Raine. Dahan-dahan niya ito'ng binitawan kaya mas lalong hindi maipinta ang mukha nito. Muling kiniliti ni Crassus ang ilong ni Raine. Mayamaya pa ay tinampal nito ang kanyang kamay. ‎ ‎"Tsk!" Tinulak ni Raine ang mukha ni Crassus. Salubong ang kilay na nagmulat siya ng mata. "Good evening," bati ni Crassus habang nakangiti. ‎ Imbis na gumantimay naningkit ang mata ni Raine. Tinulak niya ang mukah ni Crassus. ‎"Tumigil ka na!" napipikang sabi

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 403- Her evil plan

    Alas siyete- kinse na ng umaga nang mag-log-in si Raine sa lobby. Hindi gaya ng rati, hindi sila sabay na pumasok sa trabaho ni Crassus. Nagpahatid siya sa driver nila. Ang magaling na acting husband niya, naliligo pa.Hiningi naman niya ang permiso nito. Pumayag naman ang loko. Duda niya ay good m

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 402

    "Mamatay man ako?" Pabalik na tanong ni Crassus. Naglapat ng mariin ang labi niya. "So now you're swearing at me?" Kinagat ni Raine ang kanyang labi para hindi siya napangiti. Pagkatapos ay pinalubo niya ang kanyang bibig. Saka niya iniwas ang kanyang paningin. Kumunot ang noo ni Crassus. Nameywan

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 401

    Hindi maipinta ang mukha ni Raine habang sumasakay ng bus para umuwi ng villa. May nakapasak na ear buds sa tainga niya. Kipkip ang bag habang nakikinig ng isang tugtugin sa cellphone. Dumaan ang ilang minuto ay narating ni Raine ang harap ng building na tinaluyan ng kanyang Mama. Bumaba siya ng b

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 400

    Matapos masaksihan ang komosiyon sa ibaba ay hangos na bumalik si Crassus sa kanyang opisina. Mabigat ang kanyang loob. Kahit na naglalakad ay parati niyang ikinuyon ang kanyang mga kamay. Parang anumang oras ay sasabog na siya sa galit. Pagkapasok niya sa opisina ay hindi na sumunod si Tamayuto. D

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status