PINAKIRAMDAMAN NI CRASSUS ang dalaga kung tama ba ang hula niya. Naisip niya kasi na baka may motibo nga ito nang matulog siya sa hotel.
Hindi niya pa rin maalala kung paanong napunta sa kwarto niya ang cellphone nito. Sinadya niya pang sumakay ng bus para sana komprontahin ito. Pero nang makita niya ang puyat nitong mukha ay umurong ang kanyang bayag. Hindi naman siya masamang tao para hindi maawa rito. Kaya pinalabas niyang napulot lang niya ang cellphone nito. Nang pasimple nitong tinanggihan ang kanyang alok ay namangha siya. Of course, she will regret it in the future, pero bago niya magawa iyon ay sisiguraduhin niyang mapapahamak ito. Sisiguraduhin niyang pagsisihan nito ang ginawa nitong panloloko sa kanya. Hindi na bago sa kanya ang ganitong taktika. Talamak na ang ganitong pamamaraan sa mga babaeng nakasalamuha niya. Hindi na rin bago sa kanya ang ‘playing hard to get’. Sa dinami – dami ba namang mga babae na nagkadarapa sa kanya ay halos araw – araw na siyang nakaharap sa ganitong senaryo. Pero hindi siya magpapatangay rito. Ayaw niya ng kahihiyan at mas lalong ayaw niya ng gulo. “Okay, then you can go.” He drove her away in a cold – tone. Bumalik sa opisina si Raine. Napaisip ang dalaga. Ba’t parang nahimigan niya sa tono nito ang panlalamig? Pero hindi naman ito mukhang galit kanina. Pero nakita niyang tumaas ang kilay nito. Hindi nga lang niya matumbok kung ano ang dahilan nito. ‘Pero hindi ko na dapat isipin ang alok nito. Tinanggihan ko na siya kanina at hindi ko na iyon problema pa.’ Ani pa ni Raine sa kanyang isip. Ang pinakamahalaga ngayon ay makapagtrabaho pa siya sa kompanya nito. Hindi pa siya nakahanap nang mas magandang treatment at offer kaya gusto niya munang mamalagi rito. Sa kasagsagan ng kanyang pag – iisip, nakatanggap siya ng mensahe. Galing ito sa kanyang kapatid na lalaki. Brother hu?: Ate, sabi ng doktor ay kailangan mo raw pumunta ng ospital mamayang alas kuwatro ng hapon. Iyon ang nakasaad sa text nito. Nalukot ang mukha ni Raine. Kaya nag – reply siya sa text nito. ‘May trabaho pa ako hanggang alas kuwatro.’ Saka niya iyon sinent. Huli na ng maisip ni Raine na walang kwenta pa na nag – text siya rito dahil pasado alas tres na nang hapon. Napabuntonghininga siya. Napakamot siya sa kanyang ulo. Magaling siya sa kanyang trabaho. Katunayan nga ay parati siyang napupuri ng mga kanyang mga kasamahan. Kahit ang kanilang superior ay humahanga sa kanya. Pero nitong nakaraan lang ay napapadalas ang paghingi niya ng leave. Kahit na undertime ang madalas sa ginagawa niya ay hindi pa rin magandang pakinggan dahil intern palang siya sa kompanyang ito. Ngayon na may importante siyang lakad ay nahihiya na tuloy siyang humingi ng pahintulot. Paniguradong mapagsabihan siya ng kanilang Direktor. Walang magagawa si Raine. Sinubukan niya pa rin, at kagaya nga ng inaasahan niya. Hindi ito naging madali. “Sige, papayagan kitang umalis ngayon dahil magaling ka naman talaga sa iyong trabaho. Pero napapadalas na ito, Hija. Kung aalis ka, ano na namang ang isusulat ko sa record mo? Na magaling ka nga sa trabaho pero madalas kang umuwi ng maaga? Gusto mo ba iyon?” I thought you want to stay in the company?” Saad pa ng Direktor nila na si Ma’am Vien. “Direk.” Panimula pa niya. “Oo, gusto ko ng magandang record at gusto ko pang magtrabaho sa kompanyang ito pero kasi …” Nagdadalawang – isip siyang magbigay ng dahilan. “A-ano p-po kasi, importante po itong lakad ko ngayon.” Napabuntonghininga ito. Napahilot ito sa sentido nito. “Babalik po ako mamaya para tapusin ang trabaho ko. Mag – oovertime po ako mamaya, Ma’am,” pagsegunda niya pa. Hindi ito nagsalita. Mayamaya pa ay naglaro ang daliri nito sa ibabaw ng desk nito. Napangiwi siya nang marinig na naman niya itong bumuntonghininga. “Okay, but just like you what you said. You have to do the overtime,” she said with a finality in her voice. Nakahinga nang maluwag ang dalaga. Gusto niya pa sanang pumalakpak pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Naalala niya kasi ang ugali nito. Kinagat niya ang kanyang labi para mapigilan niya ang sarili mula sa pagngiti. “Noted Ma’am, thank you.” Magiliw niyang ani sa kanilang Direktor. Tumayo siya. “Aalis na po ako. Maraming salamat po ulit.” Tatalikod na sana siya nang pigilan siya nito. “Wait.” Natigilan si Raine. Lumingon siya sa kanilang Direktor. “Yes, Ma’am?” Her Director blinked. “ I hope you don’t mind but I want to ask. Saan ang punta mo ngayon? Just so know you, you’re putting me on a tight spot so better tell me. Baka magtanong ang mga kasama mo. Ayaw ko lang isipin nila na pinapaboran kita.” Napatango siya. “Bibisitahin ko lang po ang Mama ko, Ma’am.” Tumaas ang kilay nito. “Sa oras ng trabaho, bibisitahin mo? Hindi ba siya makapag – antay?” She gulped. “My mom is in the hospital, Ma’am.” Nakita niyang natigilan ito. Hindi pa ito makatingin sa kanya ng diretso. Mayamaya pa ay narinig niya itong tumikhim. “You may go.” “Yes, Ma’am,” she said in a respectful way. Hindi na siya lumingon pa. Ito ang isa mga dahilan kung bakit ayaw niyang mawalan ng trabaho. Nasa kabila ng pagiging graduating student niya ay pinili na niyang kumayod para magtrabaho. Matagal ng nakahimlay sa ospital ang kanyang ina dahil sa isang malubhang sakit. Dalawang taon na itong nanirahan doon, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. “Ms. Villanueva, hija. I’m sorry but I have to say this. You have to pay your mother’s hospital bill. May dala ka bang pera ngayon?” Tanong pa ng Doktor ng mama niya nang maka – usap na siya nito sa ospital. Dr. Anabel Riacrus is her mother’s old doctor. Simula nang matuklasan nila ang sakit ng kanyang ina ay isa na ito sa humawak ng kaso. Sa haba ng panahon na naging Doktor ito ng kanyang ina ay napalapit na ang kanyang loob dito. At alam din nito nasa kanilang dalawa ng kanyang kapatid, siya ang nag – aasikaso sa kanilang ina. Alam din nito ang kanyang estado ngayon. “H-hindi pa po.” Napatungo ang dalaga. Paano at hindi na niya makayanan ang nararamdamang hiya. “Then you have to do something. Alam mo ang patakaran ng ospital, Hija. If this will continue, they will have to take measures.” “Opo.” Sabay tango ng paulit – ulit. Napabuntonghininga ang Doktora. Tinapik nitong ang kanyang balikat. “I have to do my rounds. Maiwan na muna kita, Hija.” “Sige po.” Saka siya nito iniwan. Tinanaw niya ito ng tingin habang naglakakad ito ng palayo sa kanya. Kinalikot ni Raine ang kanyang kuko. Napayuko siya. Parang gusto na namang sumungaw sa kanyang mata ang isang likido na ayaw niyang lumabas. Kaagad niya itong pinahid. Pinihit niya ang door knob ng kwarto. Nabungaran ng dalaga ang kanyang ina na mahimbing pa rin sa pagtulog. Kagaya ng dati ay nakakabit pa rin sa ilong nito ang oxygen. Pinilit niya pa ring ngumiti kahit na mabigat ang kanyang dibdib. Ayaw niyang humarap dito na malungkot siya. Kinausap niya ang kanyang Ina. “Hi, Ma.” Nilagay niya sa upuan ang kanyang dalang bag. Lumapit siya rito. “Kamusta na po?” Sabay hawi ng buhok nitong nakatabing sa noo nito. Mapait na ngumiti ang dalaga nang wala siya makuhang sagot dito. Hindi naman talaga ganito ang buhay nila. Napakasaya nila kung tutuusin. Sila ang tipikong pamilya na kumakayod sa araw – araw pero hindi naman naghihikaos sa buhay. Isang manager ang kanyang Ama sa isang construction site. Katulad ng ilan ay maayos ang takbo ng trabaho nito. Maayos ang sweldo, masayang kasama ang katrabaho. Bagamat minsan ay uuwi itong pagod at puyat, hindi ito nakalimot sa responsibilidad nito bilang 'Haligi ng kanilang Tahanan.' Hanggang sa maaksidente ito sa pinagtrabhuan nito. Doon nagsimula ang dagok sa buhay nila. Napapikit si Raine nang maalala niya ang mapait na nakaraan. Anim na taon na ang nakararaan nang mangyari ang isang malagim na aksidente sa kanilang pamilya. Ayaw man niyang balikan pero napapadalas ang pag – alala niya sa nangyari sa kanyang Ama. Aksidenteng nahulog ito sa pinagtrabuan nito. At hindi lamang ito basta – bastang nahulog. Alam ng dalaga kung saan patungo ang kanyang nararamdaman. Kaya tumayo siya at nagtungo sa cr. At doon niya binuhos ang lahat, ang lahat ng bigat sa kanyang dibdib na matagal na niyang inipon at ikinadena.Inimulat ni Raine ang kanyang mata. Kaagad niyang inilibot ang paningin sa loob ng kwarto. Pumungay ang kanyang mata. Sinubukan niyang mag-iba ng pwesto pero nang tumagilid siya ay may nasagi siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinitigan niya ang lalaking nakayukyok sa kanan gilid ng kama.Parang may humaplos sa puso ni Raine nang makitang natutulog si Crassus. Himbing na himbing ito sa pagtulog. Bahagya pang naka-nganga ang bibig nito. Tipid siyang ngumiti. Dahan-dahan niyang hinimas ang buhok nito. Ilang beses niya iyon hinagod hanggang sa magising ito. Nag-angat ito ng tingin. Nang makitang gising na siya ay bigla ito naging alerto.“Ano ka ba,” pagkalma ni Raine nang mapansin ang kilos ni Crassus. Chineck kasi nito ang kanyang benda pakanan at pakaliwa. “Okay lang ako. Bakit dito ka natutulog?” mahinang tanong pa niya. Ininguso niya ang upuan. “May couch naman dito sa kwarto. Bakit dito ka pa pumwesto?”Apat na araw na ang nakalipas simula nang mailipat siya sa private room. At dahil
Habang nagpalitan ng diskusyon ang mga doctor na tumitingin kay Raine ay hindi nawawala sa tabi si Crassus. Parati siyang nakaantabay at nakikinig sa mga payo ng mga ito.Inulan ng maraming tanong si Raine. Partikular na kung ano ang nararamdaman nito. Mabagal at may pasensiya na sinagot naman nito ang tanong ng doctor. “Gising na ang pasyente. Kung maayos na ang vital signs niya after one day of monitoring, ililipat na natin siya sa private room,” ani pa ni Dr. Bianchi. Binalingan nito ang isa pang doctor na espesyalista sa head injury na si Mrs. Calinlan. “What do you think, Doc?”Tumango ito. “Siguro after three days, pwede na siya ilipat. Sa ngayon Mrs. Almonte ay huwag ka muna masyadong magalaw, huh? Dapat vocal ka kung ano ang nararamdaman mo.”Mabagal na tumango si Raine.” S-sige po,” sagot niya sa namamaos pa na boses. Ngumiti ang Doctora. Kinuha niya mula sa isang nurse ang medical chart. “Natatandaan mo ba kung paano nabagok ang ulo mo?”Nang marinig ni Crassus ang tanong
Tahimik na pinagmasdan ni Crassus na mahimbing na natutulog. Kapapasok niya pa lang sa kwarto nito. Naka mask siya at hospital gown bilang proteksiyon. Iyon kasi ang isa sa mga utos ni Alessando kaya sinunod niya iyon.Pinagkasya lang niya ang sarili na titigan ito. Kahit ang paghaplos sa kamay nito ay hindi niya magawa. Natatakot kasi siya sa posibleng mangyari.May nakakabit pa rin na oxygen sa katawan ni Raine para ma-monitor ang heart beat nito. Bagaman hindi na masyadong maputla ang mukha nito, may nakapulupot naman na makapal na plaster sa noo nito.Tatlong araw na lang ang kulang at mag-iisang buwan nang nakaratay rito sa ospital ni Raine. Habang dumadaan ang araw ay mas lalong sumidhi ang kagustuhan ni Crassus na magising ito. Parang papatayin na siya sa nerbiyos sa tuwing makikita niyang nakahiga si Raine rito.Namimiss na niya ang boses nito. Kahit ang pagiging talakera nito ay kanyang ng hinahanap. Pakiramdam niya ay may kulang sa kanyang araw kapag hindi naririnig ang bos
Nakatitig sa kawalan si Crassus habang nagkukulong sa loob ng kanyang kotse. Kanina pa siya nakahawak sa manubela pero hindi niya ito magawang imaniobra. Kahit ang pagsuksok ng susi sa ignition ng kotse ay hindi niya magawa. Nakatulala lang siya habang inaalala ang pinag-uusapan nila ni Tita Roberta.Pakiramdam ni Crassus ay parang pinaglaruan siya ng tadhana. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng lahat. Akala pa naman niya noong una ay nangyari sa hindi inaasahan ang lahat, pero hindi pala. Ngayon na alam niyang sinadya pala ni Raine na mapalapit sa kanya, isang tanong ang muling umusbong sa isip niya.Paano iyong nangyari sa kanila ni Raine sa team building? Parte rin ba ito ng plano nito o sadyang aksidente lang iyon?Nahampas ni Crassus ang manubela. Pinagsusuntok niya iyon at pinag-aalog. Kahit ang silinyador ng kotse ay kanyang pinagsisipa. Nang maramdaman niya ang paninikip ng kanyang dibdib ay bigla siyang sumigaw ng napakalakas. Umalingawngaw iyon sa loob ng kanyang mamaha
Pagkatapos ng mahabang paliwanag ni Roberta, hindi makaimik si Crassus dahil sa gulat. Biglang sumikip ang utak niya dahil sa maraming impormasyon na nalaman. Ang kanyang puso ay naghuhumiyaw dahil sa pagkasurprisa.All this time, may alam si Raine tungkol sa pagkabulag niya? At mas pinili nitong maglihim dahil sa kagustuhan ng Papa nito? Kaya ba wala siyang makakalap na impormasyon tungkol doon?Parang pinompyang ng husto ang puso ni Crassus. Sinamantala ni Roberta ang pananahimik ni Crassus. Muli siyang nagsalita,” ang gandang tignan ng mata mo. Naalagaan mo siguro ng husto ang mata ng aking asawa. Parang walang bakas ng nanggaling sa ibang tao ang mata na iyan.” Ngumiti siya. “Ang totoo, may sulat din na binigay sa akin si Mikael. Iba iyon sa sulat na nabasa ni Raine. Nakasaad sa sulat kung ano ang dahilan kung bakit gusto niya i-donate sa’yo ang mata niya. Sabi niya, gusto niya raw ibigay sa’yo ang kanyang mata dahil matalino ka raw na bata. Narinig niya kasi ang achievements mo
Kanina pa nakabalik si Crassus mula sa pagbibisita sa Mama ni Raine. Habang naghihintay sa labas ay tahimik siyang nag-iisip. Umaasang sa gano'ng paraan man lang ay mabigyan ng kasagutan ang kanyang tanong.Simula nang makita niya ito ay hindi na matahimik ang kanyang isip. Ang dami niyang gustong itanong. Ang dami niya gustong malaman pero ang lahat ng iyon ay pilit nilalagyan ng tuldok. Parati siyang binabagabag ng kanyang kyuryosidad, bagay na hindi niya makuhang mag-focus sa anumang bagay.Marahan na binunggo ni Kien ang braso ni Crassus. Kumunot ang kanyang noo nang makitang hindi ito umimik. Malakas niyang tinapik ang balikat nito. Saka pa ito lumingon.Napabuntonghininga si Kien. "Okay lang?" nag-alala niyang tanong. "Ang tahimik mo ata. May problema ba?"Umiling si Crassus. Itinukod niya ang dalawang braso sa tuhod at tumitig sa sahig.Tinitigan ni Kien si Crassus. "Ano ba ang iniisip mo?" Pagbubukas pa niya ng usapan. "Kanina ka pa tahimik."Tumayo si Crassus. Umalis siya na