"Crassus, why did you buy a fake umbrella?" Tia said while holding and staring at the umbrella in her hand.Kailanman ay hindi mahilig sa payong si Crassus kaya hindi niya alam kung ano ang mga sikat na brand nito. Ni hindi niya alam kung ano ang palatandaan kung peke o orihinal ang isang brand ng payong.Nang sinabi ni Raine na galing ito sa isang tanyag na pagawaan ang binili nito na payong ay hindi na siya nag - abala pang mag- research. Tinanggap na niya kaagad ito dahil wala naman masama kung tatanggapin niya ito."Ano?" tanong pa ni Crassus habang sinimulan nang paandarin ang kotse.Inilahad ni Tia kay Crassus ang hawak na payong. "This umbrella is fake. Someone cheated you, didn't they?" She even pretended to look at the umbrella.Manghang napatingin si Crassus kay Tia. "Talaga?""Oo." Tinuro pa ni Tia ang hawakan ng payong. "Kung original talaga itong payong na 'to, papalo sa seventy - five thousand ang bawat piraso nito. Ang presyo ay depende sa design at materials na ginami
KINAGABIHAN, dahil sa magkahalong tampo at galit ni Raine ay hindi siya bumaba para maghapunan. Sa halip ay umalis siya sa kwarto nito at lumipat ng ibang kwarto para roon ay magmukmok.Mabuti na iyong hindi sila magkasama sa iisang kwarto. Hindi niya ata makayanan ang 'beast mode behavior' nito. Ngayon pa lang ay mababaliw na siya sa pagtrato nito sa kanya. Paano pa kaya iyong magkasama sila buong gabi?Baka anumang oras ay aawayin siya nito. Kahit na wala siyang ginawang masama rito. Umaarangkada na naman ang kamahalan nitong utak kaya nangangapa siya kung paano ito pakisamahan. Sa inaasta nito ngayon ay parang naghahanap ito ni katiting na butas para lang pasakitin ang damdamin niya.Matagal siyang humilata sa kama. Naglalakbay ang kanyang isip kung bakit tinupak na naman ang moody niyang asawa. Medyo maayos naman ito kausap kanina noong nasa hallway pa sila, pero bakit galit na naman ito?Noong parati naman itong galit at naiinis sa kanya noong nakaraan ay naiintindihan niya pa iy
"Don't want to do it anymore?" Kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan iyon. Sinuksok niya sa bulsa ang lighter. Si Raine na nasa harap ay pinagmasdan lang siya.Natural lamang na magalit si Crassus dahil pinahiya siya ni Raine. Wala lang siya magawa noong oras na iyon dahil maraming empleyado ang nakatingin sa kanila. Umupo siya sa swivel chair."Hindi na, wala na tayong audience. Sayang naman ang effort ko," sarkastiko niya pang ani ni Raine.Hindi na siya nagpaligoy - ligoy pa. "Sa tingin mo ba, peke ang binili ko na payong para sa'yo?"Ngumisi si Crassus. "You're really smart." Pagkatapos ay bahagyang sumingkit ang kanyang mata."Peke o hindi?" Balik niyang tanong. Hindi naman ito sumagot at sa halip ay nagbuga lang ito ng usok ng sigarilyo. Hindi mapigilan ni Raine na sumama ang kanyang mukha.Hinugot niya sa kanyang bulsa ang cellphone. Hinanap niya ang convo nila ni Amiya.Lumapit siya kay Crassus at pinabasa niya rito ang convo nila."Noong nakaraang Biyernes, nagpadala ako
What's with your face, babe. You look tired," Crassus said out of the blue.Binato niya ng masamang tingin si Crassus. Nang makita nito ang reaksiyon niya ay kibit - balikat ito. Isinubo nito ang hawak na toasted bread sabay angat ng dalawang kilayNapapikit siya ng mariin. Hindi niya alam kung ang ginagawa nito kanina at kung bakit malakas itong mang - trip ngayon. Kahit hindi man siya tumingin sa salamin ay alam niyang nangingitim na ang kanyang eyebags.Pinaikot lang niya ang kanyang mata at hindi na niya ito pinansin. "Okay ka lang, Tina?" tanong pa ni Lolo Faustino.Nakatingin ito sa kanya. Nakabitin sa ere ang hawak nito na puting tasa na may laman na tsaa.Ngumiti siya. "Oo naman po, Lolo."Pinasadahan muna siya nito ng tingin. Saka pa nito hinigop ang laman ng tasa."Anong plano mo ngayon, Tina? Sabado ngayon at wala kayong trabaho. May lakad ka ba, Hija?" tanong nito.Ang tono ng pananalita ni Lolo ay iba sa nakasanayan nitong tono. Napakalambing nito at malumaymay, na para
NAPATIGIL SA PAGHINGA SI RAINE habang nakatitig kay Crassus. Patuloy pa rin ito sa pagdila sa kanyang kamay na para bang okay lang ang ginagawa nito. Nang mag - angat ito ng paningin at nagtama ang kanilang mata ay nagkarambola ang kanyang sistema. Halos umusok ang kanyang tainga dahil sa init na naramdaman. Hindi pa ito nakontento. Ngumiti pa ito. Pinandilatan niya ng mata si Crassus pero hindi man lang ito natinag. Sa halip ay mas lalong lumawak ang pag - ngiti nito. Napatitig ito sa kanyang labi at sa isang iglap ay nagbago ang reaksiyon ng mukha nito.Mabilis na tumalikod si Raine. Nagtungo siya sa sink na para linisin ang kanyang kamay. Habang nakatutok ang kanyang kamay sa tubig ay ramdam pa rin niya ang mainit na dila ni Crassus. Napalunok siya. Nang maalala niya ang mainit na pagtitig nito ay mas lalong namula ang kanyang mukha.Bumuga siya ng hangin. Pilit niya pinakalma ang sarili pero ramdam pa rin niya ang dila nito na naglalaro sa kanyang daliri. Napatingin siya sa kan
WALA NA KASING BALITA SI RAINE tungkol sa paghahanap ng tagapag - bantay sa Mama niya. Kaya medyo naguluhan siya. Wala rin kasing nagsabi sa kanya na may nahanap na pala. "Hindi po ba ikaw, Ma'am?" takang tanong pa nito."Hindi po."Umatraas ang leeg nito sabay kunot - noo. "Ate, hindi po ba ikaw ang nakisuyo kay Dr. Riacrus na magpa - hanap ng magbabantay kay Mama?" sabat ni Athelios sa usapan. Hindi siya sumagot. Ayaw niya itong kausapin dahil paniguradong may pakay na naman ito. Hirap na siyang maniwala na ang Mama talaga nila ang sadya nito.Napalingon siya kay Professor Xhun na prenteng nakaupo sa plastic chair."Ako ang nag - hire sa kanya."Napatingin si Raine sa kanyang likod. Napalingon sila sa pinanggalingan ng ingay. Nakita nila si Dr. Riacrus na nasa bungad ng pinto."Si, Nadia, siya ang may pinaka - mahal na rate rito sa ospital.""Dok?'' magkasabay na anas nina Raine at Athelios.Ngumiti naman ang doktora. Saka ito pumasok. "Kamusta na kayo?" Napatingin ito sa kanya.
NASA KALAGITNAAN NG PAG - UUSAP SINA RAINE at Dr. Riacrus nang biglang tumunog ang kanyang cellphone."Sandali lang po, Dok."Tumango ito. "Okay."Tinignan niya ang telepono. Isang chat mula sa messenger ang kanyang natanggap.[Tina, Hija. Kamusta na ang kondisyon ng Mama mo?]Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Raine. Hindi niya maiwasang purihin si Lolo Faustino. Napakabait talaga nito. Sa kabila ng karamdaman ay nagawa pa nitong kamustahin ang kanyang Mama na para bang wala ito iniinda na malubhang sakit.Nagpadala siya ng voice message."Okay lang po, Lolo. Huwag ka na pong mag - alala."Nagtaka si Athelios nang makita na may kausap sa telepono si Raine."Ate, sinong kausap mo?"Walang emosiyon niya itong tinitigan. "Pakialam mo?"Sumama ang mukha ni Athelios. Pinalatak pa nito ang dila sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.Biglang bumukas ang pinto. Nang makita ni Raine kung sino ito ay nag - iwas siya ng tingin"Athelios, okay lang ba si Auntie?"Lumingon sa kanya s
NAPATDA SI CRASSUS NANG MAKITA ang masayang ngiti ni Raine kahit nakapikit. Marahan nitong hinaplos ang mukha sa mainit niya na braso. Napalunok siya. Simpleng kilos lang ang ginawa nito pero grabe na kung maka - react ang kanyang katawan. Kahit na malakas ang air conditioner sa kwarto ay ramdam niya ang pag - iinit ng kanyang katawan. Nagmulat ng mata si Raine at nagtama ang kanilang paningin. Bigla itong bumangon at pumasok sa ginamit niya na kubrekama. Sumiksik ito sa kanya at naglalakbay ng dahan - dahan ang kamay nito patungo sa kanyang bewang, dahilan upang hindi mapakali ang kanyang sistema. Hirap man si Crassus ay pilit niyang nilabanan ang kahungkagan sa kanyang katawan. Nanatili siyang walang imik. Nagpanggap siya na parang wala lang kahit na naniningas na apoy na nasa ilalim ng kanyang kahubdan. "Thank you," bigla nitong ani sabay tumingin sa kanya na may pagkislap sa mga mata. Nakasandal pa rin siya sa hood ng kama. At dahil hinila ni Raine ang kanyang braso kanina a
Mabilis na pinasibad ni Crassus ang kanyang kotse. Umugong ng malakas ang makina ng kanyang sasakyan. Nang kailangan niyang magpalit ng gear ay madiin niya itong hinawakan at saka iginalaw. Naglikha iyon ng ingay kasama ang papataas na angil ng kanyang sports car. Tinitigan niya ang kanyang selpon. Mula roon ay nakita niya kung saan ang lokasyon ni Raine. Maging ang direksiyon na kailangang tahakin ay nakalagay sa screen ng selpon. Sa tuwing nakikita niya ang pulang bilog sa mapa na kumukuti - kutitap ay mas lalong sumisidhi ang damdamin niya na hanapin si Raine.Nang makita niya ang pagitan ng layo ng kanilang distansiya ay nagtagis ang kanyang bagang. Muli niyang tinapakan ang selinyador. Nang kailangan na naman niyang magpalit ng gear ay binitawan niya ito at saka muling tinapakan. Mas domoble ang bilis ng kanyang puting sports car.Hindi sinabi sa kanya ni Raine kung nasaan ito. Hindi niya rin alam kung bakit. Ang katotohanan na may iininda itong sakit ang siyang naging dahilan k
Impit na napadaing si Raine habang nakahawak sa kanyang kanang paa. Sinipat niya ito. Napahinga siya ng malalim. Kitang - kita na niya ang pamumula ng kanyang paa. Tinapunan niya ng masamang tingin si Marie. Mas lalo siyang nasura nang makitang ngiting - ngiti ito. "Oops, sorry. Hindi ko nakita," ani pa ni Marie. "Pakalat - kalat ka kasi. Ayan tuloy nasagi ko pa." Yumuko ito at inilapit sa kanya ang mukha. "Huwag ka kasing mang - agaw nang hindi naman sa'yo. Lahat na lang pinakialaman mo eh."Napakunot ang noo ni Raine. "Ano bang pinagsasabi mo? Anong inagaw? Ngayon lang kita nakita tapos sasabihin mong mang - aagaw ako. Ni hindi nga kita kilala."Marie flip her hair. "Bîtch!"Naikuyom ni Raine ang kanyang kamay. Napatiim bagang siya. "Umalis ka sa harap ko."Napakatukod siya sa kanyang tuhod. Nalukot ang mukha. Pinilit niya kasing tumayo kaya nagalaw na na naman ang paa niya.Hinila niya ang maleta. Lumipat siya sa kabilang kwarto. Sinubukan niyang buksan ito. Nakahinga siya ng mal
Kasabay ng pagbitaw ni Raine sa maleta ay napatingin din siya sa sahig. Hindi niya kaagad nadampoy ang kanyang dala dahil sa pag - iisip."Oo nga naman. Tama ang kapatid mo. Bakit hindi mo tawahan ang asawa mo nang magkaalaman na?" Segunda pa ni Marie.Kunot - noong hinawakan niya ang handel ng maleta. Hindi pa man niya ito tuluyang napagulong ay bumukas ang zipper ng maleta. Kumalat ang laman niyon sa sahig. Natigilan siya.Nanginginig na binalik niya ang mga damit sa maleta. Hindi siya makatingin kina Athelios at Marie. Natatakot siya sa mapanghusgang mga mata nila.Kung tatawagan niya si Crassus. Sasagutin kaya nito ang tawag niya? Papayag kaya ito kung papuntahin niya rito? Iyon pa lang ay ayaw na niyang malaman ang sagot. Natatakot siya na baka mapahiya siya. Isa pa, alam din niya na hindi ito pupunta. Marami itong inaasikaso sa kompanya.Kakasara niya pa lang sa zipper ay tumunog ang selpon niya. Hinugot niya ito sa bulsa ng kanyang pantalon. Nang mabasa niya kung sino ang tumaw
"Ano?"Blangkong tinitigan ni Raine ang kanyang kapatid. "Ano bang problema mo, ha?"Tumaas ang kilay ni Athelios. Nakameywang ang kanan niyang kamay habang nakaturo naman sa maleta niya ang kaliwa nito."Sumagot ka rin kasi."Nilapag ni Raine ang hawak na pajama. Itinukod niya ang dalawang kamay at saka tumayo. Kamuntik na siyang mapaigik nang bumalatay sa binti niya ang sakit. Lumunok siya para maitago ang hapdi."Hindi ko kailangan magpaliwanag sa'yo. Hindi ikaw ang sadya ko rito. Kaya pwede ba, tigilan mo na ako? Gusto kong magligpit ng matiwasay." bwelta pa ni Raine.Dinuro siya ni Athelios kaya mas lalong sumama ang mukha niya. "Ang simple lang ng tanong ko pero hindi mo makuhang sumagot. Iyong pera lang naman ang gusto kong kunin."Napangisi si Raine. "Para saan ba ang pera mo at bakit atat na atat ka?" Tinuro niya si Marie. "Dahil ba dito?""Labas ka na roon." Muling sinipa ni Athelios ang maleta kaya nausog iyon papunta sa kanan ni Raine. "Bakit ba kasi na ayaw mong aminin na
Namilog ang mata ni Raine. Hindi siya kaagad makahuma nang tumambad sa kanya ang masagwang eksena. Natulos siya sa kinatatayuan. Athelios is busy banging his woman's pûssy in a dog style. Nakatalikod ito sa kanya at ang babae nito ay panay ang paghalinghing. Huba't hubad ang dalawa at sa tuwing naglabas pasok si Athelios sa kweba ng babae nito ay umaalog ang malaking dyuga nito. Gusto niyang bulwayan ang dalawa. Talagang hindi nila napansin ang presensiya niya. Patuloy pa rin sa pagbayo ang magaling niyang kapatid na para bang hinahabol nito ang rurok ng kaligayahan.Hindi niya makayanan ang kanyang nakita. Mabilis siyang tumalikod habang nakahawak sa hamba ng pinto. "Baka gusto ni'yong tumigil?" Kalmadong saad ni Raine pero hindi na maipinta ang kanyang mukha.Narinig niyang humiyaw ang babae. Napatingala siya sabay ismid. Napameywang siya. "Oh, Raine. Nandiyan ka pala?" tanong pa ni Athelios.Napapikit si Raine dahil sa narinig niya ang pagiging kalmado nito. Nakita niya ito na
Nang marating ni Raine ang bahay nila ay nanumbalik sa kanya ang alaala ng nakaraan. Naging nostalgic sa kanya ang lahat. Lalo na nang makita niya ang puno ng mangga na nasa harap mismo ng kanilang bahay.Napahawak siya sa luma nilang tarangkahan na binahayan na ng kalawang. Dati ay kumikinang pa ito dahil sa pag - aalaga ng kanyang Ama. Ngayon na wala ng nag - aasikaso ay naging marupok na ang ibang parte nito. Malayong - malayo sa dati nitong itsura na makintab at matibay.Tinulak niya ito at pumasok. Muli na naman siya nanibago dahil napakatigas nito kung itulak. Sumadsad na kasi ang katawan nito sa lupa kaya kailangan niya pa itong iangat para makapasok.Napagawi ang paningin niya sa bakuran nila. Bigla siyang nanlumo. Paano at marami ng nakatubong damo roon. Ang dating makulay na palibot ay puno na ng patay na sanga ng kahoy at patay na dahon. Ang parteng lupa na nasa gawing gilid ng bakod ay naging talahiban. Naghahabulan sa pakikipagtaasan ang mga masamang damo roon. Kauti na l
Pagkatapos ng ilang buwan na pagtatrabaho ni Raine sa Almira ay bumalik siya sa Forgatto Celestina. Kasama ang dalawa pang kasama, sabay silang bumalik sa Araw ng Huwebes sa dating kompanya. Hindi na maampat ang ngiti ni Mr. De Guzman. Nakausap niya kasi si Raine. Sinabi nito na bibitawan na ang job oppurtunity na ibinigay ng taga Audit Department. Nang marinig niya ito ay halos mapunit na ang kanyang labi dahil sa malaki niyang ngiti. "Mabuti naman ang pinag - isipan mo ng mabuti ang suhestiyon ko, Ma'am Raine," ani pa ni Mr. De Guzman. Nagkibit - balikat si Raine. Gusto man niyang sabihin na walang kinalaman ang suhestiyon nito sa naging pasya niya. Pero mas pinili na lang niya na maglihim. "Direktor ko po kayo. Mas mataas po ang experience mo sa akin kaya nararapat lang na makinig ako sa'yo," sabi ni Raine. Tumango si Mr. De Guzman. "Bueno! Sasabihin ko kay Mr. Almonte ang naging pasya mo." The next day, Mr. De Guzman promoted Raine to be the financial manager. Nang marinig
"Imma fool."Napailing si Crassus nang maanalisa niya ang kanyang mali. Napabuntonghiningang yumuko siya.Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa kanyang silid. Kinuha niya ang sigarilyo niya at saka selpon. Saka siya bumaba para tumambay sa veranda.Idinial niya ang numero ng isang kaibigan. "Rothan.""Hey!" Pasigaw na sagot ni Rothan sa kabilang linya.Lumalim ang gitla sa noo ni Crassus. "Saan ka na naman nagsusuot? At bakit ang ingay? Nag - babar hopping ka ba?""Im with a friend," sagot ni Rothan sa kabilang linya.Napailing si Crassus. "We need to talk," he said in a serious tone. "It's important."Narinig niyang hindi nagsalita si Rothan pero rinig niya ang pamamaalam nito sa mga kasama nito."Call me in a minute. Yo saldré primero. (Lalabas muna ako)" Rothan said."Okay," Saka niya pinatay ang tawag.Umupo siya. Sinindi niya ang sigarilyo habang nakaharap sa garden. Napatitig siya sa malaking kahoy na nasa gitna. Mayamaya pa ay may tumawag. Nagtaka si Crassus dahil
Habang kumakain ay napansin ni Raine ang pagiging tahimik ni Crassus. Madalas itong nakatitig sa kawalan na para bang nalulong sa malalim na pag - iisip.Kaya hindi nakapagtimpi si Raine. Kinausap niya si Crassus. "May problema ba?"Napakurap si Crassus at napatitig sa kanya. Ginalaw nito ang pagkain. Parati lang nito ginagalaw pero pakaunti lang kung sumubo.Umiling ito. "Wala."Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. Inatupag na lang niya ang kanyang pagkain pero nang mapansin niya na tahimik naman ito ay muli niya itong kinausap."Masyado ka naman atang tahimik ngayon. Ayos ka lang ba?" Pukaw pa ni Raine.Hindi makatingin kay Raine si Crassus. "Just eat, Raine. Huwag mo na akong isipin."Marahas na napabuga ng hangin si Raine. Padarag niyang nilapag ang kutsara at inis na tinitigan si Crassus. Saka siya tumango."Bakit mang - aaya ka pang kumain kung wala ka naman pala sa mood? Sana pala ay dumiretso na lang tayo ng uwi nang pareho na tayo makapagpahinga. Nagsasayang ka lang ng oras.