Isasarado na sana ni Raine ang ilaw ng kwarto nang biglang may narinig siya na ingay sa labas. Natigilan siya. Bumangon siya at sumilip sa bintana ng kwarto.Biglang dumaan ang mabilis na liwanag sa kabilang gusali na galing sa kalangitan. Kasabay niyon ay umalulong ang napakalakas na kulog. Sa isang iglap, bumuhos ang napakalakas na ulan.Napaatras si Raine. Mabilis niyang sinarado ang bintana at inayos ang kurtina niyon. Tumakbo siya papunta sa sala at muling sumilip sa glass door."Lîtseng yan," malutong na mura ni Raine nang makitang nagpaulan si Crassus. Hindi man lang ito natinag sa kinauupuan nito. "Ano bang plano niya sa buhay? Ang maghanap ng sakit?" Nangangalaiting bulalas pa niya.Marahas niyang binaba ang kurtina. Pumadyak siya. Ikinuyom niya ang kanyang kamay at binato ng nakakamatay na tingin ang nasa baba ng condo.Mabigat ang loob na bumalik siya sa kwarto. Sa kanyang inis ay sinampal niya ang switch ng ilaw. Padabog siyang bumalik sa paghiga. Maging ang kawawang kumot
Mabilis na tinungo ni Raine ang pinto. Nagpadeliver kasi siya ng pagkain. Tinamad na siya magluto kaya umorder na lang siya. Bagaman alam ni Raine na isang delivery man ang nag-door bell ay hindi niya pa rin binuksan kaagad ang pinto. Sinilip niya pa rin ito sa peephole, at nang makompirma niya ang delivery man na nga ito ay saka pa niya binuksan ang pinto."Ma'am, delivery po," bungad pa ng delivery man na may edad na.Inabot ni Raine ang bayad. "Salamat po, Manong," ani niya sabay bigay ng pera.Ngumiti naman ito. Akmang tatanggapin na niya sana ang order nang magsalita si Manong."Ma'am, may isa ka po na delivery. Pinabigay po ng lalaki na nasa baba," ani nito sabay lahad ng paper bag.Kumunot ang noo ni Raine. Takang napatingin siya sa hawak nito. "Ho?" Para sa akin?""Opo, pinaabot po ng lalaki na nasa baba. Tanggapin ni'yo lang po."Tinitigan ni Raine ang hawak nito. "Sa'yo na lang po 'yan, Manong. Regalo ko po sa'yo.""Nako po, Ma'am. Huwag na. Baka ako pa ang malilintikan. Ku
Pabagsak na sinarado ni Raine ang pinto ng kanyang condo. Basta na lang niya hinubad sa kung saan ang suot niya na sapatos. Pagkatapos niyon at binalibag niya sa carpet ang bag niya. Saka itinapon ang sarili sa puting sofa.Malapit na magtanghalian pero hindi siya nakabili ng pagkain. Wala rin naman siyang gana pa para kumain. Naalibadbaran siya sa tuwing may makikita sa kanyang paligid. Sa tingin niya kung hindi siya iiwas ay baka panibagong away na naman ang makasalamuha niya. Quota na siya kay Tia at Crassus. Kung hindi lang siya naawa kay Tia kanina ay baka mas malala pa ang natamo nito.Kaya nga binalaan na niya ito kanina na pauwiin na lang. Kasi alam niya na anumang oras ay pipitik na ang kamay niya. Kaso ang bruha ay ayaw makinig. Sino ba naman siya para hindi mapikon? Sa dinami-dami ng pinagsasabi nito kanina ay sumabog na siya. Wala ng espasyo sa kanya para magtimpi.Pagkatapos ng nangyari ay mas ginusto na lang niya na umuwi. Ngitngit na ngitngit ang loob niya at nandidilim
"Raine, stop!" Crassus hissed.Hinapit niya ang bewang nito at hinila. Nabitawan nito si Tia pero hindi niya inaasahan ang susunod na nangyari. Tinadyakan nito ang paa niya at humarap sa kanya. Saka siya nito sinampal.Parang nabingi si Crassus dahil sa lakas ng pagkakapalo nito."Isa ka pa," galit na wika ni Raine. Tinulak niya si Crassus. "Subukan mo pa ulit. May kahihinatnan ka sa akin."Saka niya binalingan si Tia. Nang makita nito ang galit sa kanyang mga mata ay dahan-dahan itong gumapang papaatras.Mabilis niyang hinabol si Tia. Then she gripped Tia's hair. Sa lakas ng pagkakasabunot niya ay muli itong napahiyaw dahil sa sakit. "Help!" Sigaw pa ni Tia.Ngumisi si Raine. Tinulak niyang ang ulo ni Tia. "Gusto mo na may tutulong sa'yo?" tanong niya pa. "Sige, pagbibigyan kita pero bago 'yan, danasin mo muna ito."Saka niya pinagpatuloy sa pagkaladkad si Tia. Hindi niya alam kung paano nangyari pero naging sisiw sa kanya na hilahin ito kahit na may kalakihan ang katawan nito. Sini
Napamulagat ng mata si Tia habang nakatitig kina Raine at Crassus na naglaplapan. Oo, laplapan ang term sa nakikita niya ngayon. Umungol ba naman ang dalawa sa harap niya. Parang hangin lang sila ni Kien kung ituring ng mga ito. Sarap na sarap ba naman ang dalawa sa pagpalitan ng laway habang sila rito ay gulat na gulat. Para silang nanonood ng live pòrn.Nabigla na lang siya nang marahas siyang hinila ni Kien sa braso. "Tara na.""Pero—""Wag, hmmm..." tipid na wika ni Raine na nakatingin sa kanila kahit ang labi nito ay hinalikan pa rin ni Crassus. Parang gustuhin na lang ni Tia na mabingi sa oras na iyon. Nakakanginig pakinggan ang ungol nito. Hindi na niya matiis. Siya na mismo ang tumalikod para hindi matignan ang dalawa. Ngitngit ang loob na lumabas siya sa opisina ni Crassus.Nakita naman iyon ni Raine kaya siya na mismo ang humiwalay kay Crassus. Bago hinarap si Tia ay tinapunan niya na ito nakakamatay na tingin. Napaawang naman ang labi nito at napalunok."Sanda
Natahimik si Raine. Pinukol niya ng malamig na tingin si Crassus. Nagtagis ang kanyang bagang habang nakatingin sa mukha nito.Tinabingi ni Raine ang kanyang mukha. Saka siya humalukipkip. "Ipalala ko lang sa'yo kung ano talaga ang sadya ko rito, Mr. Almonte. Trabaho at kompanya ang ipinunta ko rito.Hindi ang makipaglandian. Kung iniisip mo ay abswelto ka na sa mga kasalanan ginawa mo, nagkakamali ka."Unti-unting nabura ang pilyong ngiti sa labi ni Crassus. Natahimik siya. Nang makita niya ang seryosong mga mata ni Raine ay parang nag- hay wire ang kanyang utak. Hindi siya makapag-isip kung ano ang sasabihin. "Kung iniisip mo na madadala ako sa mga panunuyo at pagbibigay mo ng mga regalo, mabibigo ka lang. Sariwa pa sa akin ang mga pinaggagawa mo. Sa dami niyon ay hindi iyon kayang tumbasan ng mga pakulo mo."Napalunok si Crassus. "Hindi —""Ano? Na hindi gano'n? Na nagkakamali ako ng akala? Padudugtong pa ni Raine. Umiling siya. "Kung ganyan lang din pala ang iniisip