MasukHindi nadismaya si Isabella. Bagama’t ramdam niya ang pagiging malamig ni Craige, hindi pa rin natinag ang tiwala niya sa sarili. Sa halip, lalo lamang siyang naniwalang makakahanap siya ng paraan upang makuha ang atensyon nito.Nagpanggap siyang parang isang mahina at inosenteng munting kuting, umaasang mapupukaw nito ang likas na pagnanais ng isang lalaki na protektahan siya.“Mr. Montero, ayaw mo ba sa akin? Naiinis ka ba dahil iniistorbo kita at si Jessica?”Nanatiling tahimik si Craige. Wala man lamang bakas ng emosyon sa kanyang mukha.Hindi sumuko si Isabella. Nagpatuloy siya sa pagpapakita ng kaawa-awang anyo.“Mr. Montero, pasensya na. Hindi ko dala ang susi ko, kaya hindi ako makauwi. Magkaibigan kami ni Jessica. Mabait siya kaya isinama niya ako rito. Kung ayaw mo akong makita, aalis na ako ngayon.”Akala ni Isabella, pagkatapos niyang sabihin iyon ay tiyak na kakausapin siya ni Craige. Marahil ay maaawa ito sa kanya at pipigilan siyang umalis.Ngunit nanatiling walan
Mukhang problemado si Isabella habang nagsasalita.“Jessica, pauwi na sana ako, pero wala akong pera p-para sumakay ng taxi. Kaya balak ko sanang maghanap ng kakilalang may sasakyan p-para maki-hits,” paliwanag ni Isabella at tumingin siya sa paligid saka bahagyang kumunot ang noo. “Pero wala akong makita rito. Hihintayin ko pa sana.”Nang marinig iyon, agad na nagsalita si Jessica.“Isabella, hindi mo na kailangang maghanap ng masasakyan. Saan ka nakatira? Ihahatid na kita.”Biglang lumiwanag ang mga mata ni Isabella. Gayunpaman, nagkunwari muna siyang nag-aalinlangan.“Hindi ba magiging abala iyon? Baka ma-delay kayong dalawa?”Umiling si Jessica.“Hindi naman. Halika na, Isabella. Sumakay ka.”Binuksan ni Jessica ang pinto ng likurang bahagi ng sasakyan.Hindi na muling tumanggi si Isabella. Bago sumakay, tumingin siya kay Craige at ngumiti nang maliwanag.“Mr. Montero, salamat.”Sumakay si Isabella sa likurang upuan.Tumingin naman si Craige kay Jessica.“Jessica, suma
Hawak ni Jessica ang kanyang ballpen habang maingat na gumuguhit ng isang disenyo sa papel. Maya-maya, tumango siya.“Bukas ulit.”Tumango rin si Ivy bago tuluyang umalis ng classroom.Ilang sandali lang ay biglang tumunog ang cellphone ni Jessica. May bago siyang natanggap na text message sa messenger Agad niya itong binuksan at nakita ang pangalan ni Craige.Craige:Wife, tapos na ang klase, 'di ba?Dahil pumayag siya sa proposal nito noong nakaraang gabi, tila hindi na makapaghintay si Craige na tawagin siyang “wife.”Napangiti si Jessica. Hindi niya napigilang makaramdam ng kilig nang mabasa ang mensahe nito. Mabilis siyang nag-type ng sagot.Jessica:Kakatapos lang ng klase, hubby!Tila labis naman na natuwa si Craige sa tawag na hubby dahil halos kaagad itong nag-reply.Craige:Lumabas ka na. Nasa labas na ako ng Ateneo De Manila.Kumislap ang mahahabang pilikmata ni Jessica nang mabasa 'yon.Jessica:Sinusundo mo ako?Craige:Dadalhin kita para magsukat ng wed
Agad na itinago ni Isabella ang malungkot at walang-kumpiyansang ekspresyon sa kanyang mukha. Sa isang iglap, napalitan iyon ng isang nakakasilaw na ngiti.“Jessica, napakabuti mong tao!”Iniabot niya ang kamay at nakipagkamay kay Jessica.“Jessica, mula ngayon, magiging mabuti na tayong magkaibigan!”Masaya namang inilagay ni Ivy ang kanyang kamay sa ibabaw ng magkahawak nilang kamay.“Jessica, Isa, mula ngayon, tayong tatlo na ang laging magkakasama!”Tumango si Jessica at ngumiti.“Sige.”Sa sandaling iyon, isang matangkad at mukhang mabait na lalaki naman ang pumasok sa silid-aralan.Si Paolo iyon.Nang makita niya si Jessica, agad siyang tumingin sa kanyang direksyon.“Jessica.”Ngumiti si Jessica at magalang siyang binati.“Professor Carteciano, magandang araw po.”Ngumiti rin si Paolo.“Jessica, ikalawang araw mo pa lang sa klase. Nasanay ka na ba sa lahat?”Tumango si Jessica.“Mabuti naman po ako. Salamat sa pag-aalala mo, Professor Carteciano.”“Wow, Jessica
Totoo na masayang-masaya si Craige. Gusto niyang magkaroon sila ng dalawang seremonya ng kasal. Isang Civil Wedding at isang Church Wedding upang maging pinakamasayang asawa sa buong mundo si Jessica.Siyempre, gusto rin niyang maging pinakamasayang lalaking ikakasal sa buong mundo.Sa totoo lang, gusto rin ni Jessica na magkaroon sila Church Wedding. Ngunit mahigit limang buwan na ang kanyang pagbubuntis, kaya nag-aalala siyang baka hindi niya kayanin ang masalimuot at nakakapagod na mga seremonya. Sa ngayon, mas mahalaga para sa kanya ang kaligtasan at kapakanan ng kanilang sanggol.Ngumiti siya nang banayad.“Mag-civil wedding muna tayo.”Agad namang tumango si Craige.“Sige. Bukas, ipapahanda ko na ang lahat para sa kasal. Magpapagawa na rin ako ng wedding dress mo,” ani Criage habang nagniningning ang mga mata niya sa saya. “Jessica, ikaw ang magiging pinakamagandang bride sa buong mundo!”Hindi napigilan ni Jessica ang mapangiti. Lumapit siya at mahigpit na yumakap kay Cra
Malalim na tumingin si Craige kay Jessica. Punong-puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata habang marahan siyang nagsalita.“Milyun-milyong babae ang nasa mundong ito, pero iisa lang ang mahal ko. At si Jessica Pablo lang din iyon.”Nagkatinginan ang dalawa at kapwa ngumiti. Sa sumunod na sandali, dahan-dahan silang naglapit at nagbahagi ng isang masuyong halik.Pagkatapos ng halik, biglang lumuhod si Craige sa isang tuhod.Napatitig si Jessica sa kanya, bahagyang nanlalaki ang mga mata sa gulat.“Jessica, kahit sinabi kong bibigyan kita ng oras para pag-isipan ito at kaya kitang hintayin, pakiramdam ko ay hindi na ako makapaghihintay pa,” malalim ang kanyang tinig nang sabihin 'yon, ngunit bakas dito ang matinding pananabik. “Hindi na ako makapaghintay na pakasalan ka at iuwi ka sa mansyon ko. Hindi na ako makapaghintay na maging Mrs. Montero ka.”Tumingala si Craige at diretso siyang tumingin sa mga mata ni Jessica.“Jessica, papakasalan mo ba ako?”Nagmungkahi ng kasal si Cra
Tuluyan nang na-speechless si Roberto. Nanatili lamang siyang tahimik, tila hindi alam kung paano tutugon.Bahagyang nainis si Maxine. Ngayon lamang niya lubos na napagtanto kung gaano kaliit ang pasensya ni Shawn, na kahit sa ganitong sandali ay nangingibabaw pa rin ang kanyang pagseselos.Tuming
Sumakay na sa kotse sina Maxine at Jessica at dahan-dahang umalis. Sa labas, nanatili si Shawn kasama si Damian na nakatitig habang unti-unting nawawala sa kalsada ang sasakyan. Lumingon si Shawn sa kanyang tiyuhin, halata ang pagdududa sa kanyang mukha.“Ano'ng problema mo, uncle?” tanong niya, ma
Namangha si Mr. Filipe nang makita si Maxine. Kumislap ang kanyang mga mata sa kasabikan.“Saan galing ang magandang ito? Para siyang diwata,” bulong niya, habang kumakalat ang isang sakim na ngiti sa kanyang mukha.Takot na takot, kumapit si Arriana kay Maxine at nagtago sa likod niya.“K-Kaklas
Ngunit walang sumagot sa kanyang pagtawag. Walang Shawn na tumugon.Si Wilbert naman ay nasa labas pa, inihahatid ang mga bisita nila. Nakangiti siya nang may paghingi ng paumanhin ang nakabalot sa kanyang mukha, habang tinutulungan niya sina Mr. Catacutan at Mr. Lopez na sumakay sa kanilang mga sas







