Share

Kabanata 11

Author: Glazed Snow
Mablis na nahawakan ni Shawn ang kamay ni Maxine at nasalo ang pagbagsak ng katawan niya. Ibinaba nito ang mga kamay at tinitigan ang babae habang pinipigilan ang inis sa boses.

“Bakit nandito ka, Maxine?”

Hindi inaasahan ni Maxine na nasa bahay ang lalaki. Mukhang kagagaling lang nito sa labas dahil naka-suit pa.

Mainit na mainit ang pakiramdam ni Maxine. Sa isang likas na reaksyon, idinikit niya ang sarili sa katawan ni Shawn at umasang sa pamamagitan niyon ay mapapatay ang apoy sa loob niya gamit ang malamig, matatag at mamahaling pabango nito.

Kumikislap ang mga mata ni Maxine habang nakatitig sa lalaki. “Shawn, tulungan mo ako. Please…”

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya, itinulak na siya ni Shawn palayo. Malamig ang titig nito sa kanya. “Qnong nangyayari sa ‘yo?”

Natigilan si Maxine dahil sa ginawang pagtulak sa kanya nito palayo. Kani-kanina lang, naisip niyang humingi ng tulong kay Shawn pero paano nga naman siya matutulungan nito?

“May nainom akong gamot—sa palagay ko… aphrodisiac ‘yon…”

‘Nakainom siya ng gamot?’ kunot ang noo ni Shawn. ‘Ang babaeng ‘to talaga! Nakakainis! Laging may baong gulong dala!’

Pero hindi niya rin natiis. “Maghintay ka dito.”

Tinungo ni Shawn ang malaking bintana at kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng suit. Ilang sandali pa, may sumagot na ng tawag niya.

Hawak niya ang cellphone sa isang kamay habang kinakalas ang kurbata gamit ang isa pa. Nakalaylay na iyon sa leeg na nagbigay sa kanya ng isang relaxed at mapanuksong anyo.

Hindi na muling naglakas loob pa si Maxine na tumingin sa direksyon ni Shawn.

Sa wakas ay sinagot din ni Jared ang tawag.

“Shawn, napatawag ka?”

“Jared, may itatanong ako,” sabi ni Shawn. “Kung ang isang babae ay nabigyan ng aphrodisiac, anong dapat gawin?”

Tumawa si Jared, parang nakarinig ito nang matinding tsismis.

“Ano? Nakainom nang ganoong gamot si Monica? Kung ganoon, huwag ka nang magpigil. Tlungan mo na lang siya. Alam mo na ‘yon.”

Humigpit ang pagkakahawak ni Shawn sa cellphone niya. “Ayusin mo nga ‘yang sinasabi mo. Diretsahin mo ako.”

Nag-alinlangan na rin si Jared.

“Teka, hindi si Monica? Kung hindi siya, paliguan mo ng malamig na tubig. Mahirap ang proseso dahil magiging mapusok siya pero kung malalagpasan niya, magiging maayos na rin siya. Kung hindi, baka pumutok ang ugat niya at mamatay siya kung hindi mapapahupa ang init ng katawan niya.”

Binaba na ni Shawn ang tawag at hinarap si Maxine. “Kaya mo bang maligo sa malamig na tubig nang mag-isa?”

Tumango si Maxine. “Kaya naman.”

Agad itong pumasok ng banyo.

Habang hinuhubad ni Shawn ang coat, isang matinis na sigaw ang narinig niya mula sa banyo.

“Ah!”

Awtomatikong kumunot ang kilay ni Shawn sa inis. ‘Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa ng babaeng ‘yon?’

Mabilis siyang pumasok sa banyo. “Anong nangyari?”

Nakatayo si Maxine sa ilalim ng showerhead, wala ng suot kung hindi ang panty at bra niya. Ang suot niya ay lalong nagpatingkad sa maputi at makinis niyang balat—napaka-inosente ng itsura niya.

Hindi pa nakabukas ang shower pero hawak-hawak nito ang noo, puno ng luha at sakit ang mga mata. Mahina ang boses nang nagsalita, “Nabangga ko ang ulo ko.”

Ang itsura niya ay walang depensa at mahina. Ang mga mata ni Shawn ay namilog. Lumapit siya para alisin ang kamay ni Maxine sa noo—namumula nga iyon.

“Tsk, paano ka naging ganito kapabaya?”

“Hindi ako pabaya, Shawn! Nahihilo ako!”

“Tumayo ka lang riyan.” Utos ni Shawn.

“A-Ano?”

At saka binuksan ni Shawn ang shower at bumulwak ang malamig na tubig at nabasa nang tuluyan si Maxine. Mainit ang katawan niya pero parang yelo ang tubig—nagbanggaan ang apoy at yelo kaya natumba siya papunta kay Shawn.

“Ang lamig. Ayoko na maligo sa malamig.”

Muling yumakap si Maxine hanggang sa tuluyan nang nabasa ang damit at pantalon ni Shawn. Napaatras ito ng dalawang hakbang habang sabay silang nabasa ng tubig.

Mainit na mainit pa rin ang katawan ni Maxine, para siyang isdang mamamatay sa uhaw. Ang maliit niyang kamay ay gumapang, hinahaplos ang bewang ni Shawn. Ang maliit niyang mga kamay ay tila may buhay na gumapang at humahaplos sa baywang ni Shawn.

Normal na lalaki si Shawn kaya agad itong nagkaroon ng epekto sa kanya—agad na nanigas ang katawan niya. “M-Maxine, saan ka humahawak?”

Halatang lasing ang babae pero puno ng inosenteng alindog. “Sa abs mo.”

Tumingala pa si Maxine para titigan ang mukha ni Shawn. Mapungay ang mga mata, “Alam mo, ang gwapo mo talaga.”

Itinulak ni Shawn si Maxine sa malamig na pader, nanikip ang lalamunan niya kaya lumunok muna siya bago bumulong, “Please lang, umayos ka.”

Ngumiti si Maxine. “Wow, ang lakas mo. Gusto ko ‘yan.”

Pinatay na ni Shawn ang shower at ginamit ang hose na may malamig na tubig at tinutok iyon sa mukha ni Maxine para gisingin ito.

Umatras si Maxine at saka tinabig ang kamay ng lalaki. “Shawn, kung si Monica ba ang na-drugs nang ganito, tutulungan mo siya, hindi ba?”

Natigilan si Shawn. “Ha?”

Namumula ang mga mata ni Maxine, parang iiyak na. “Oo nga naman. Dahil ako ‘to kaya papaliguan mo lang ako ng malamig na tubig para mahimasmasan ako. Siyempre, hindi mo ako gusto.”

Kitang-kita ni Shawn ang pamumula ng mga mata nito, tila kanina pa ito umiiyak at ang sumunod na nangyari ay hindi inaasahan. Biglang sumugod si Maxine at pinuntirya ang leeg ni Shawn.

Ang lalamunan ang pinakasensitibong parte ng katawan ng isang lalaki. Nang puntiryahin iyon ni Maxine, namilog at nanlaki ang mga mata niya, kasabay nang panghihina ng likod.

‘Lintek!’ mura ni Shawn.

Hinila niya ang baywang ni Maxine. Ang baywang ng babae ay napakalambot. Halos isang ruler lang ang lapad dahil kasya lang sa pagitan ng magkabilang hinlalaki at hintuturo ni Shawn.

Sobrang delikado nito.

Hindi na makahinga si Shawn kaya hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Maxine para subukang itulak palayo.

Marahan ang pagpisil na ginawa niya. “Mahilig ka talagang kumagat, ano?”

Hindi na malinaw ang isip ni Maxine dahil sa pinagsamang alak at droga kaya sobra siyang nanghina. Tinitigan niya ang lalaki, ang mga mata ay namumula at namamasa.

Nanigas ni Shawn at binawi agad ang kamay.

Pero muling yumakap agad si Maxine at pinulupot ang mga braso sa leeg niya. “Sorry, hindi ko sinasadya. Masakit ba?”

Bago pa makasagot si Shawn, naramdaman na niya ang malambot na halik nito sa kanyang lalamunan. Umakyat ang halik na nag-iwan ng pulang marka sa panga niya.

Ang mabangis na kuting kanina ay naging maamong pusa na ngayon at hinahalikan si Shawn kahit saan.

Bumulong nang mahina si Maxine, “Naging kayo ba ni Monica?”

Lumalim ang mga mata ni Shawn sa narinig.

Tumayo naman si Maxine pero nanatiling nakatingin sa mga labi ng lalaki. “Shawn, na-drugs ako. Asawa mo pa rin naman ako, tulungan mo naman ako. Please.”

Bilang tugon, hinawakan ni Shawn ang baywang ni Maxine na sobrang kinis at lambot, gustong-gusto niyang pisilin ‘yon. Dahan-dahan inilapit ni Maxine ang labi niya sa labi ni Shawn.

Hindi ito umatras.

Mas malapit pa at halos maghalikan na sila.

Tumunog bigla ang cellphone ni Shawn at kinuha niya iyon mula sa bulsa niya saka nalaman na ang tumatawag ay walang iba kung hindi si Monica.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
❤Charmz❤
panira kang Monica
goodnovel comment avatar
Ethen Marba
y my unlocked chapters gone
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 384

    Biglang nakaramdam si Jessica ng init sa dulo ng kanyang ilong. Hinipo niya ito, at saka niya lamang napagtanto na muling dumadaloy ang dugo mula roon.“Ah! I'm bleeding again!” sigaw niya.Agad naman na lumapit si Raven, mabilis na kumuha ng piraso ng tissue at ipinasok iyon sa kanyang ilong.“Itaas mo ang ulo mo,” sabi niya, malamig ang tono ngunit may bahid ng pag-aalala.Sumunod si Jessica at itinaas ang ulo habang sinusulyapan siya sa gilid ng mata.“Bakit palagi akong nagkakaroon ng nosebleed kapag kasama kita?” tanong ni Jessica, may halong inis at pagtataka.Sandaling tumingin si Raven sa kanya bago malamig na sumagot, “Tapos na.”Napakunot ang noo ni Jessica. Hindi niya gusto ang tahimik at walang pakialam na tindig nito.“Bakit hindi ka nagsasabi nang kahit ano?” tanong niya, naghahanap ng kahit kaunting reaksyon.Pero ano nga ba ang maipapaliwanag nito? Ano bang dapat sabihin?Hindi na sumagot si Raven. Tumalikod siya at lumabas ng silid, gaya ng nakasanayan. Walan

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 383

    “Parang narinig ng Langit ang aking mga panalangin. Sa isang kisap-mata, apat na taon na ang lumipas. Lumaki na si Raven, naging adult na siya. Alam ko, kaunti na lang ang oras ko. Jessica, gaano na lamang kaya ang natitirang panahon ko?”Nagliyab ng maningning na luha ang mga mata ni Jessica, kumikislap na parang patak ng ulan ng damdamin. Mahina ngunit malinaw ang sagot niya, tila bawat salita ay may bitbit na bigat na hindi niya kayang buhatin nang mag-isa.“Tita, mga dalawang buwan na lang ang natitira sa inyo,” sagot niya sa ina ni Raven.Parang huminto ang mundo sa pagitan nilang dalawa. Napayuko si Mrs. Alfonso, bahagyang tumawa nang mapakla habang pinipigilang manginig ang tinig.“Dalawang buwan. Sa palagay ko, hindi ko na makikita si Thalia na kumuha ng kanyang high school entrance exam,” sagot ng babae.Agad siyang nilapitan ni Jessica at hinawakan ang malamig at nanginginig na kamay ng matanda.“Tita, huwag po kayong mag-alala. Pinakiusapan ko na si Doctor Manalo na ib

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 382

    Marahang tinapik ni Grace ang noo ni Thalia habang nakangiti.“Mahal ka ng kuya mo kaya ka niya ipinasok sa pinakamagandang middle school. Hindi ka niya hahayaang tumandang dalaga lang para lang samahan siya,” ani Grace kay Thalia.Napangiti si Thalia at tumawa nang mahina, bahagyang namula ang pisngi.Eksakto naman na bumukas ang pinto at pumasok si Jessica sa silid.“Ate Jessica!” masiglang bati ni Thalia, may kislap ang mga mata.Tumayo si Grace, halatang may inaantabayanan. “Jessica, nakuha mo ba ang resulta ng pagsusuri?”Bahagyang namumula ang mga mata ni Jessica, at ang boses niya ay halos hindi marinig. Tumango pa siya nang dahan-dahan.“Nakuha ko.”Agad na kumapit ang pag-aalala sa mata ni Thalia nang malaman 'yon. “Ate Jessica, ano ang nangyari kay mama? May sakit ba siya?”Tumingin si Jessica kay Mrs. Alfonso na nakahiga sa kama na mahina, ngunit payapa. Sandaling nanahimik ang silid. Hindi siya sumagot.Mabilis na naramdaman ni Grace ang bigat ng hangin. Tumay

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 381

    Ngumiti si Jessica, at ang kanyang pulang mga labi ay gumuhit sa isang magaan at mahinahong ngiti. “Tita, natatakot akong istorbohin ka, kaya palagi akong nakikipagkita kay Raven sa paaralan,” wika niya nang may kaunting hiya.Napangiti si Mrs. Alfonso nang mahina, at ang kanyang mga mata ay nagbigay nang mainit na tingin. Sa sandaling iyon, dumating si Doctor Manalo, at tahimik na lumabas si Jessica.Sa opisina ng direktor, iniabot ni Doctor Manalo ang resulta ng pagsusuri kay Jessica. “Miss Castro, dumating na ang result ng pagsusuri ng pasyente.”“Ano ang mga resulta?” tanong ni Jessica, may pag-aalala sa kanyang mga mata.Umiling nang mabigat si Doctor Manalo at sinabi, “The patient is in the late stage of cancer.”Biglang nanlumo si Jessica sa pagkabigla dahil sa kanyang narinig.“Late stage of cancer? Sigurado ka ba? Palaging malusog si Mrs. Alfonso.”“Walang pagkakamali,” tugon ni Doctor Manalo nang may mabigat na tinig. “Marahil ay nagkaroon na ng cancer ang pasyente

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 380

    Gustong habulin ni Jessica si Raven, ngunit agad siyang hinawakan ni Adrian.“Bakit mo siya hinahabol? Hindi ka pwedeng pumunta,” mariing wika nito sa kanya.Subalit, iwinaksi ni Jessica ang kanyang kamay at mariin na sinabi, “Kahit ang dagat ay hindi ako pinapamahalaan gaya mo!”Mabilis siyang tumakbo upang abutin si Raven, habang kumuyom sa galit ang mga kamao ni Adrian.****Sinundan ni Jessica si Raven sa isang maliit na ospital. Nakahiga ang ina ni Raven sa puting kama, hindi pa rin nagigising.Nakatayo naman malapit si Thalia, luha ang bumabalot sa kanyang maputlang mukha, habang sinisikap siyang aliwin ng isang kapitbahay na tita.Agad na dumiretso si Raven sa kapatid.“Thalia!”“Kuya!” ani Thalia, ang payat na katawan niya ay bumagsak sa mga bisig ni Raven, umiiyak nang walang tigil. “Kuya, dali! Puntahan natin si lama! Kahit ano'ng tawag namin sa kanya, hindi siya nagigising.”Mabilis naman na pinakalma ni Raven si Thalia, pagkatapos ay lumingon sa kanyang ina sa k

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 379

    Dali-dali namang nagpunga si Jessica patungo sa tabi ni Raven, sinusubukang pigilan ang mapanganib na larong iyon. “Raven, huwag mo na gawin ‘to para kay Adrian! Delikado ito sa katawan mo. Kung talagang kailangan mo ng pera, pwede kong—”Tumingin si Raven kay Jessica, at agad naman siyang nanahimik. Hindi niya ito sinasadya sa paraan na para bang gusto niyang pagsabihan siya. Ang gusto niya ay pigilan lamang si Raven na saktan ang sarili niya.Tumingin si Raven sa foreman at sinabi, “Magsimula na tayo.”Sinimulan ng foreman ang paglalagay ng isa-isang sako ng semento sa mga balikat ni Raven. Mabilis itong umabot sa walong sako. Pagkatapos, idinagdag niya ang ikasiyam at ikasampu.Pinanood naman ni Adrian na may kasabikan ang nangyayari, habang napapalakpak ang mga kamay. “Oh! Hindi ko akalain na magsusumikap ka nang ganito para sa pera. Walang libo, siyam na libo...”Ibinato ni Adrian sa lupa ang siyam na libo sa lupa.Idinagdag naman ng foreman ang ikalabing-isa at ikalabin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status